Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Paraan para Makilala ang Diyos

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Nilayon ng Diyos na Sirain ang Mundo Gamit ang isang Baha, Sinabihan si Noe na Gumawa ng isang daong

(Gen 6:9-14) Ito ang mga lahi ni Noe. Si Noe ay lalaking matuwid at sakdal noong kapanahunan niya: si Noe ay lumalakad na kasama ng Dios. At nagkaanak si Noe ng tatlong lalake: si Sem, si Cham, at si Japhet. At sumama ang lupa sa harap ng Dios, at ang lupa ay napuno ng karahasan. At tiningnan ng Dios ang lupa, at, narito sumama; sapagka’t pinasama ng lahat ng tao ang kanilang paglakad sa ibabaw ng lupa. At sinabi ng Dios kay Noe, Ang wakas ng lahat ng tao ay dumating sa harap ko; sapagka’t ang lupa ay napuno ng karahasan dahil sa kanila; at, narito, sila’y aking lilipuling kalakip ng lupa. Gumawa ka ng isang sasakyang kahoy na gofer; gagawa ka ng mga silid sa sasakyan, at iyong sisiksikan sa loob at sa labas ng sahing.

(Gen 6:18-22) Datapuwa’t pagtitibayin ko ang aking tipan sa iyo; at ikaw ay lululan sa sasakyan, ikaw, at ang iyong mga anak na lalake, at ang iyong asawa, at ang mga asawa ng iyong mga anak na kasama mo. At sa bawa’t nangabubuhay, sa lahat ng laman ay maglululan ka sa loob ng sasakyan ng dalawa sa bawa’t uri upang maingatan silang buhay, na kasama mo; lalake at babae ang kinakailangan. Sa mga ibon ayon sa kanikanilang uri, at sa mga hayop ayon sa kanikanilang uri, sa bawa’t nagsisiusad, ayon sa kanikanilang uri, dalawa sa bawa’t uri, ay isasama mo sa iyo, upang maingatan silang buhay. At magbaon ka ng lahat ng pagkain na kinakain, at imbakin mo sa iyo; at magiging pagkain mo at nila. Gayon ang ginawa ni Noe; ayon sa lahat na iniutos sa kaniya ng Dios, ay gayon ang ginawa niya.

…………

Sa panahong iyon, nilayon ng Diyos na tawagin si Noe upang gawin ang isang napakahalagang bagay. Bakit pa Niya kailangang gawin iyon? Dahil may balak ang Diyos sa Kanyang puso sa sandaling iyon. Ang balak Niya ay sirain ang mundo gamit ang isang baha. Bakit sisirain ang mundo? Ang sabi rito: “At sumama ang lupa sa harap ng Dios, at ang lupa ay napuno ng karahasan.” Ano ang nakikita ninyo mula sa pariralang “at ang lupa ay napuno ng karahasan?” Isang di-pangkaraniwang bagay sa lupa kapag ang mundo at ang mga tao nito ay tiwali hanggang kasukdulan, at iyon ay: “at ang lupa ay napuno ng karahasan.” Sa kasalukuyang wika, ang ibig sabihin ng “at ang lupa ay napuno ng karahasan” ay nasa kaguluhan ang lahat. Para sa tao, ang ibig sabihin nito ay walang kaayusan sa lahat ng kalakaran sa buhay, at ang mga bagay ay totoong magulo at mahirap pamahalaan. Sa mata ng Diyos, ang ibig sabihin ay masyadong tiwali ang mga tao sa mundo. Gaano katiwali? Tiwali hanggang sa antas na hindi na matiis ng Diyos na makita pa at hindi na mapagpasensyahan pa. Tiwali hanggang sa antas na nagpasya na ang Diyos na sirain ito. Noong naging buo na ang loob ng Diyos na sirain ang mundo, nagbalak Siyang maghanap ng taong gagawa ng isang daong. At pinili ng Diyos si Noe na gawin ang bagay na ito, na hayaang gawin ni Noe ang daong. ...

Ang pagtawag kay Noe ay isang simpleng bagay, ngunit ang pangunahing punto ng ating pinag-uusapan—ang disposisyon ng Diyos, ang Kanyang kolooban, at ang Kanyang diwa sa naitalang ito—ay hindi simple. Upang maunawaan ang ilang mga aspetong ito ng Diyos, dapat muna nating maunawaan ang uri ng taong nais tawagin ng Diyos, at sa pamamagitan nito, maunawaan ang Kanyang disposisyon, kalooban, at diwa. Napakahalaga nito. Kaya sa mata ng Diyos, ano kayang uri ng tao itong tao na tinatawag Niya? Ang taong ito ay dapat isang tao na nakikinig sa Kanyang mga salita, nakasusunod sa Kanyang mga tagubilin. Kasabay nito, dapat ang taong ito ay may pagpapahalaga rin sa pananagutan, isang tao na isasagawa ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagturing dito bilang pananagutan at tungkulin na nakatalagang tuparin nila. Kung ganoon, ang taong ito ba ay kinakailangang nakakakilala sa Diyos? Hindi. Noong panahong iyon, wala pang gaanong naririnig si Noe tungkol sa mga katuruan ng Diyos o naranasan ang kahit ano sa gawain ng Diyos. Samakatuwid, ang kaalaman ni Noe tungkol sa Diyos ay napakaliit. Bagamat nakatala rito na si Noe ay nabuhay nang kasama ang Diyos, nakita ba niya kailanman ang persona ng Diyos? Ang sagot ay tiyak na hindi! Dahil sa mga panahong iyon, tanging ang mga mensahero lamang ng Diyos ang pumupunta sa mga tao. Habang maaari nilang katawanin ang Diyos sa pagsasabi at paggawa ng mga bagay, ipinaaabot lamang nila ang kalooban ng Diyos at ang Kanyang mga layunin. Hindi ipinahayag sa tao nang harapan ang persona ng Diyos. Sa bahaging ito ng banal na kasulatan, ang tanging nakikita natin ay kung ano ang dapat gawin nitong tao na si Noe at kung ano ang mga tagubilin ng Diyos sa kanya. Kaya ano ang diwang ipinahayag ng Diyos dito? Ang lahat ng mga ginagawa ng Diyos ay naplano nang may katiyakan. Kapag nakakakita Siya ng isang bagay o sitwasyong nagaganap, may nakalaang pamantayan upang sukatin ito sa Kanyang mga mata, at ang pamantayang ito ang magsasabi kung magsasagawa Siya ng isang plano upang makitungo dito o kung paano harapin ang bagay at sitwasyong ito. Hindi malamig ang Kanyang loob o walang pakiramdam sa lahat ng bagay. Sa katunayan ito ay lubos na kabaliktaran. May bersikulo dito na sinabi ng Diyos kay Noe: “Ang wakas ng lahat ng tao ay dumating sa harap ko; sapagka’t ang lupa ay napuno ng karahasan dahil sa kanila; at, narito, sila’y aking lilipuling kalakip ng lupa.” Sa mga salita ng Diyos dito, sinabi ba Niyang lilipulin lamang Niya ang mga tao? Hindi! Ang sabi ng Diyos ay lilipulin Niya ang lahat ng mga nabubuhay na laman. Bakit gusto ng Diyos ang panlilipol? May isa pang pagbubunyag ng disposisyon ng Diyos dito: Sa mga mata ng Diyos, may hangganan ang Kanyang pasensiya sa katiwalian ng tao, sa karumihan, karahasan, at kasuwailan ng lahat ng laman. Ano ang Kanyang hangganan? Tulad ng sinabi ng Diyos: “At tiningnan ng Dios ang lupa, at, narito sumama; sapagka’t pinasama ng lahat ng tao ang kanilang paglakad sa ibabaw ng lupa.” Ano ang ibig sabihin ng pariralang “sapagka’t pinasama ng lahat ng tao ang kanilang paglakad sa ibabaw ng lupa.” Ito ay nangangahulugan na anumang nabubuhay, kasama na ang mga sumusunod sa Diyos, ang mga tumatawag sa pangalan ng Diyos, ang mga minsan ay naghandog ng mga sinunog na alay sa Diyos, ang mga nagsalita ng pagkilala sa Diyos at nagpuri pa sa Diyos—sa sandaling ang kanilang mga asal ay mapuno ng katiwalian at makaabot sa mga mata ng Diyos, kailangan Niyang lipulin sila. Iyan ang hangganan ng Diyos. Kaya hanggang saan nanatiling mapagpasensiya ang Diyos sa tao at sa katiwalian ng lahat ng laman? Hanggang sa lahat ng mga tao, maging mga sumusunod sa Diyos o hindi mananampalataya, ay hindi lumalakad sa tamang landas. Hanggang sa ang tao ay hindi lang tiwali ang moralidad at puno ng kasamaan, ngunit wala na ring naniniwalang may Diyos, lalo nang wala ang naniniwala na ang mundo ay pinaghaharian ng Diyos at makapagdadala ang Diyos ng liwanag at ng tamang landas. Hanggang sa ang tao ay nasuklam sa pag-iral ng Diyos at hindi pinayagang umiral ang Diyos. Sa sandaling umabot sa puntong ito ang katiwalian ng tao, mawawalan na ng pasensiya ang Diyos. Ano ang papalit rito? Ang pagdating ng poot ng Diyos at kaparusahan ng Diyos. Hindi ba isang bahagi iyon ng pagbubunyag ng disposisyon ng Diyos? Sa panahong ito, mayroon pa bang matuwid na tao sa mata ng Diyos? Mayroon pa bang perpektong tao sa mata ng Diyos? Ito ba ay panahon kung saan ang asal ng lahat ng katawang-tao sa lupa ay tiwali sa mata ng Diyos? Sa araw at panahong ito, bukod doon sa mga gustong gawing ganap ng Diyos, iyong mga makakasunod sa Diyos at makakatanggap ng Kanyang kaligtasan, hindi ba hinahamon ng lahat ng taong laman ang hangganan ng pasensiya ng Diyos? Hindi ba puno ng karahasan ang lahat ng mga nangyayari sa tabi ninyo, ang mga nakikita ng mga mata ninyo, at naririnig ng mga tainga ninyo, at personal na nararanasan ninyo sa araw-araw sa mundong ito? Sa mata ng Diyos, hindi ba dapat na wakasan ang ganitong uri ng mundo, ang ganitong uri ng panahon? Bagamat ang kalagayan sa kasalukuyang panahon ay ibang-iba sa kalagayan noong panahon ni Noe, ang mga damdamin at poot ng Diyos para sa katiwalian ng tao ay nananatiling ganap na katulad noong panahong iyon. Nagagawang maging mapagpasensiya ang Diyos dahil sa Kanyang gawain, ngunit alinsunod sa lahat ng mga uri ng mga kalagayan at mga kundisyon, matagal na sanang dapat ginunaw ang mundong ito sa mata ng Diyos. Ang sitwasyon ay malayo at lampas na sa kung ano ang mundo noong ginunaw sa pamamagitan ng baha.

............

Sa ilalim ng mga kalagayang ito, ano ang pinakamahalaga sa Diyos? Hindi kung paanong ang mga hindi sumusunod sa Kanya o ang mga lumalaban sa Kanya ay pagbantaan Siya, labanan Siya, o kung paano manirang-puri ang mga tao laban sa Kanya. Ang mahalaga lamang sa Kanya ay kung ang mga sumusunod sa Kanya, ang mga kinauukulan ng Kanyang kaligtasan sa Kanyang plano sa pamamahala, ay nagawa na Niyang ganap, kung nakamit ba nila ang ikasisiya Niya. Para sa mga tao na bukod sa mga sumusunod sa Kanya, naglalaan lamang Siya paminsan-minsan ng kaunting kaparusahan upang ipahayag ang Kanyang poot. Halimbawa: mga sunami, mga lindol, mga pagputok ng bulkan, at iba pa. Kasabay nito, malakas din Niyang ipinagtatanggol at inaalagaan ang mga sumusunod sa Kanya at mga malapit na Niyang iligtas. Ang disposisyon ng Diyos ay ito: Sa isang dako, maaari Niyang bigyan ang mga taong balak Niyang gawing ganap ng kasukdulang pagpapasensiya at pagpaparaya, at hintayin sila hanggang sa posibleng makakaya Niya; sa kabilang dako, matindi ang galit at kinasusuklaman ng Diyos ang mala-Satanas na uri ng tao na hindi sumusunod sa Kanya at lumalaban sa Kanya. Bagamat wala Siyang pakialam kung itong mga mala-Satanas na uri ay sumunod sa Kanya o sumamba sa Kanya, kinamumuhian Niya pa rin sila habang pinagpapasensiyahan sila ng Kanyang puso, at sa Kanyang pagtatakda ng katapusan nitong mga mala-Satanas na uri, hinihintay rin Niya ang pagdating ng mga hakbang ng Kanyang plano sa pamamahala.

mula sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Gumamit ang Diyos ng mga Balat ng Hayop para Gumawa ng mga Kasuotan para kina Adan at Eba

Sumunod:Ang Pagpapala ng Diyos kay Noe Matapos ang Baha

Baka Gusto Mo Rin