Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Patotoo sa Cristo ng mga Huling Araw

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

IX. Si Cristo ang Pagpapamalas ng Diyos Mismo

2. Talaga bang Anak ng Diyos si Cristo o Siya Mismo ang Diyos?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Sinabi sa kaniya ni Felipe, Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama, at sukat na ito sa amin. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong ako’y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama? Hindi ka baga nananampalataya na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ang mga salitang aking sinasabi sa inyo’y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa. Magsisampalataya kayo sa akin na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin: o kungdi kaya’y magsisampalataya kayo sa akin dahil sa mga gawa rin” (Juan 14:8–11).

Ako at ang Ama ay iisa” (Juan 10:30).

Talaga bang Anak ng Diyos si Cristo o Siya Mismo ang Diyos?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at ang Cristo ay ang katawang pinasukan ng Espiritu ng Diyos. Ang katawang ito ay hindi katulad ng sinumang taong may katawan. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo kundi pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay may kapwa normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi taglay ng sinumang tao. Ang Kanyang normal na katauhan ang sumusuporta sa lahat ng Kanyang normal na mga gawain sa katawang-tao, samantalang ang Kanyang pagka-Diyos ang nagsasakatuparan ng gawain ng Diyos Mismo. Maging ito man ang Kanyang pagkatao o pagka-Diyos, kapwa itong nagpapasakop sa kalooban ng Amang nasa langit. Ang diwa ni Cristo ay ang Espiritu, iyon ay, ang pagka-Diyos. Samakatuwid, ang Kanyang diwa ay yaong sa Diyos Mismo; ang diwa na ito ay hindi gagambala sa Kanyang sariling gawain, at hindi Siya posibleng makagawa ng anumang bagay na nakasisira sa Kanyang sariling gawain, ni hindi rin Siya bibigkas ng anumang mga salita na sumasalungat sa Kanyang sariling kalooban. Samakatuwid, ang nagkatawang-taong Diyos ay siguradong hindi kailanman gagawa ng kahit anong gawain na nakagagambala sa Kanyang sariling pamamahala. Ito ang dapat maintindihan ng lahat ng tao. Ang diwa ng gawain ng Banal na Espiritu ay upang iligtas ang tao at ito ay para sa kapakanan ng sariling pamamahala ng Diyos. Gayundin, ang gawain ni Cristo ay upang iligtas ang tao at ito ay alang-alang sa kalooban ng Diyos. Sapagka’t ang Diyos ay nagkatawang-tao, Kanyang napapaging-tunay ang Kanyang diwa sa loob ng Kanyang katawang-tao, sa gayon ang Kanyang katawang-tao ay sapat upang isagawa ang Kanyang gawain. Samakatuwid, lahat ng gawain ng Espiritu ng Diyos ay pinapalitan ng gawain ni Cristo sa loob ng panahon ng Kanyang pagkakatawang-tao, at ang kaibuturan ng lahat ng gawain sa buong panahon ng pagkakatawang-tao ay ang gawain ni Cristo. Ito ay hindi maaaring maihalo sa gawain mula sa kahit anong ibang kapanahunan. At mula nang nagkatawang-tao ang Diyos, Siya ay gumagawa sa pagkakakilanlan ng Kanyang katawang-tao; yamang Siya ay nagkatawang-tao, tinatapos din Niya sa katawang-tao ang gawain na dapat Niyang gawin. Maging ito man ay ang Espiritu ng Diyos o ito man ay si Cristo, Sila ay kapwa Diyos Mismo, at ginagawa Niya ang gawain na dapat Niyang gawin at ginagampanan ang ministeryong dapat Niyang gampanan.

—mula sa “Ang Diwa ni Cristo ay Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Inihayag ng nagkatawang-tao na Anak ng tao ang pagka-Diyos ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang pagkatao at ipinarating ang kalooban ng Diyos sa sangkatauhan. At sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kalooban at disposisyon ng Diyos, Kanya ring ibinunyag sa mga tao ang Diyos na hindi nakikita o nahihipo sa espirituwal na dako. Ang nakita ng mga tao ay ang Diyos Mismo, nahihipo at may laman at mga buto. Kaya ang nagkatawang-tao na Anak ng tao ay gumawa ng mga bagay gaya ng sariling pagkakakilanlan ng Diyos, katayuan, larawan, disposisyon, at kung anong mayroon at kung ano Siya na kongkreto at makatao. Bagama’t ang panlabas na kaanyuan ng Anak ng tao ay mayroong ilang mga limitasyon na may kinalaman sa larawan ng Diyos, ang Kanyang diwa at ang kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay lubos na naisalarawan ang sariling pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos—mayroon lamang ilang mga pagkakaiba sa anyo ng pagpapahayag. Hindi alintana kung ito man ay ang pagkatao ng Anak ng tao o ang Kanyang pagka-Diyos, hindi natin maitatanggi na kinakatawan Niya ang sariling pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos. Sa panahong ito, gayunman, gumawa ang Diyos sa katawang-tao, nagsalita mula sa pananaw ng katawang-tao, at tumayo sa harapan ng sangkatauhan sa pagkakakilanlan at katayuan ng Anak ng tao, at ito ang nagbigay ng pagkakataon sa mga tao na masagupa at maranasan ang tunay na mga salita at gawain ng Diyos sa gitna ng sangkatauhan. Ito ay nagtulot din sa mga tao ng kaunawaan sa Kanyang pagka-Diyos at sa Kanyang kadakilaan sa gitna ng kababaang-loob, gayundin upang magkamit ng isang paunang pagkaunawa at paunang pakahulugan sa pagiging tunay at realidad ng Diyos. Bagama’t ang gawain na nakumpleto ng Panginoong Jesus, ang Kanyang mga paraan sa paggawa, at ang pananaw kung paano Siya nagsasalita ay kaiba mula sa totoong persona ng Diyos sa espirituwal na dako, ang lahat ng bagay tungkol sa Kanya ay talagang kumakatawan sa Diyos Mismo na hindi pa kailanman nakita ng mga tao—hindi ito maitatanggi! Na ang ibig sabihin, kahit na sa anumang anyo magpapakita ang Diyos, kahit na sa alinmang pananaw Siya magsasalita, o sa anumang larawan Siya haharap sa sangkatauhan, walang kinakatawan ang Diyos kundi ang Diyos Mismo. Hindi Niya maaaring katawanin ang sinumang tao—Hindi maaaring ilarawan ang sinumang tiwaling tao. Ang Diyos ay Diyos Mismo, at ito ay hindi maitatanggi.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Nang tinawag ni Jesus sa pangalang Ama ang Diyos sa langit habang Siya ay nananalangin, ito ay ginawa lamang mula sa pananaw ng isang taong nilikha, dahil lamang sa dinamitan ng Espiritu ng Diyos ang Kanyang Sarili bilang isang karaniwan at normal na tao at nagkaroon ng panlabas na panakip ng isang nilikhang pagkatao. Kahit na ang nasa loob Niya ay ang Espiritu ng Diyos, ang Kanyang panlabas na anyo ay nanatili pa ring yaong sa karaniwang tao; sa madaling salita, Siya ay naging ang “Anak ng tao” na sinabi ng lahat ng tao, kabilang si Jesus Mismo. Dahil Siya ay tinawag na Anak ng tao, Siya ay tao (maging lalaki man o babae, sa alin mang kaso ay isa na may panlabas na pabalat ng isang tao) na ipinanganak sa isang normal na pamilya ng mga karaniwang tao. Samakatuwid, ang pagtawag ni Jesus sa Diyos sa langit sa pangalang Ama ay katulad lamang ng kung paano ninyo Siya tinawag na Ama noong una; ginawa Niya ang ganoon mula sa pananaw ng isang taong nilikha. Natatandaan pa ba ninyo ang Panalangin ng Panginoon na itinuro ni Jesus sa inyo na kabisaduhin? “Ama namin na nasa langit….” Hiniling Niya sa lahat ng tao na tawagin ang Diyos sa langit sa pangalang Ama. At yamang tinawag Niya rin Siyang Ama, Kanyang ginawa ang ganoon mula sa pananaw ng isang nasa katayuan na kagaya ng sa inyong lahat. Yamang tinawag ninyo ang Diyos sa langit sa pangalang Ama, ipinakikita nito na nakita ni Jesus ang Kanyang Sarili na kapantay ninyo, at bilang isang tao sa lupa na pinili ng Diyos (ibig sabihin, ang Anak ng Diyos). Kung tinatawag ninyo ang Diyos na “Ama,” hindi ba ito ay dahil sa kayo ay taong nilikha? Gaano man kadakila ang awtoridad ni Jesus sa lupa, bago ang pagkakapako sa krus, Siya ay Anak lamang ng tao, pinamamahalaan ng Banal na Espiritu (ibig sabihin, ng Diyos), at isa sa mga nilikhang tao sa lupa, sapagka’t hindi pa Niya nakukumpleto ang Kanyang gawain. Samakatuwid, ang pagtawag Niya ng Ama sa Diyos sa langit ay tanging Kanyang pagpapakumbaba at pagkamasunurin. Ang Kanyang pagtawag sa Diyos (ibig sabihin, ang Espiritu sa langit) sa gayong paraan, gayunman, ay hindi nagpapatunay na Siya ay ang Anak ng Espiritu ng Diyos sa langit. Sa halip, ito lamang ay dahil iba ang Kanyang pananaw, hindi dahil sa Siya ay ibang persona. Ang pag-iral ng magkakaibang mga persona ay isang kamalian! Bago ang Kanyang pagkakapako sa krus, si Jesus ay isang Anak ng tao na nakatali sa mga limitasyon ng laman, at hindi Niya lubos na taglay ang awtoridad ng Espiritu. Iyan ang dahilan kaya mahahanap lamang Niya ang kalooban ng Diyos Ama mula sa pananaw ng isang nilikha. Kagaya iyon noong tatlong beses Siyang manalangin sa Getsemani: “Huwag ang ayon sa ibig Ko, kundi ang ayon sa ibig Mo.” Bago pa Siya naitakda sa krus, Siya ang Hari ng mga Judio; Siya ay si Cristo, ang Anak ng tao, at hindi katawan ng kaluwalhatian. Kung kaya, mula sa pananaw ng isang taong nilikha, tinawag Niya ang Diyos na Ama.

—mula sa “Umiiral ba ang Trinidad?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mayroon pa rin yaong mga nagsasabi, “Hindi ba malinaw na sinabi ng Diyos na si Jesus ay ang Kanyang sinisintang Anak?” Si Jesus ang sinisintang Anak ng Diyos, na lubos Niyang kinalulugdan—tiyak na sinabi ito ng Diyos Mismo. Iyon ang Diyos na nagpapatotoo sa Sarili Niya mismo, nguni’t mula lamang sa ibang pananaw, yaong sa Espiritu sa langit na sumasaksi sa Kanyang sariling pagkakatawang-tao. Si Jesus ay ang Kanyang pagkakatawang-tao, hindi ang Kanyang Anak sa langit. Naiintindihan mo ba? Hindi ba ang mga salita ni Jesus na, “Ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin,” ay nagpapahiwatig na Sila ay isang Espiritu? At hindi ba dahil sa pagkakatawang-tao kaya Sila ay nagkahiwalay sa pagitan ng langit at lupa? Sa katotohanan, Sila ay iisa pa rin; kahit ano pa, ito ay ang Diyos lamang na sumasaksi sa Sarili Niya. Dahil sa pagbabago sa mga kapanahunan, sa mga kinakailangan ng gawain, at sa iba’t ibang yugto ng Kanyang plano ng pamamahala, ang pangalan na ginagamit ng tao na pantawag sa Kanya ay naiiba rin. Nang Siya ay dumating upang isakatuparan ang unang yugto ng gawain, Siya ay matatawag lamang na Jehova, ang pastol ng mga Israelita. Sa ikalawang yugto, ang nagkatawang-taong Diyos ay matatawag lamang na Panginoon, at Cristo. Nguni’t sa panahong iyon, sinabi lang ng Espiritu sa langit na Siya ang sinisintang Anak ng Diyos, at hindi binanggit ang Kanyang pagiging natatanging Anak ng Diyos. Hindi ito talaga nangyari. Paano magkakaroon ng iisang anak lamang ang Diyos? Kung gayon ang Diyos ay hindi maaaring maging tao? Sapagka’t Siya ang pagkakatawang-tao, Siya ay tinawag na sinisintang Anak ng Diyos, at, mula rito, dumating ang relasyon sa pagitan ng Ama at Anak. Ito ay dahil lamang sa paghihiwalay sa pagitan ng langit at lupa. Nanalangin si Jesus mula sa pananaw ng katawang-tao. Yamang nagbihis Siya ng isang katawang-tao ng gayong normal na pagkatao, ito ay mula sa pananaw ng katawang-tao na Kanyang sinabi: “Ang aking balat ay yaong sa nilikhang tao. Yamang Ako ay nagbihis ng katawang-tao upang makarating dito sa lupa, Ako ngayon ay malayo, malayung-malayo mula sa langit.” Sa kadahilanang ito, makakapanalangin lamang Siya sa Diyos Ama mula sa pananaw ng katawang-tao. Ito ang Kanyang tungkulin, at ito ang dapat maipagkaloob sa nagkatawang-taong Espiritu ng Diyos. Hindi masasabi na hindi Siya Diyos dahil lamang sa nananalangin Siya sa Ama mula sa pananaw ng katawang-tao. Bagama’t tinatawag Siya na sinisintang Anak ng Diyos, Siya pa rin ay Diyos Mismo, sapagka’t Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu, at ang Kanyang sangkap ay ang Espiritu pa rin.

—mula sa “Umiiral ba ang Trinidad?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kung may sinuman sa inyo na nagsasabi na talagang mayroong Trinidad, ipaliwanag nga ninyo kung ano ba talaga itong isang Diyos sa tatlong persona. Ano ang Banal na Ama? Ano ang Anak? Ano ang Banal na Espiritu? Si Jehova ba ang Banal na Ama? Si Jesus ba ang Anak? Ano naman ang Banal na Espiritu? Hindi ba isang Espiritu ang Ama? Hindi ba isang Espiritu rin ang diwa ng Anak? Hindi ba ang gawain ni Jesus ay gawain ng Banal na Espiritu? Hindi ba ang gawain ni Jehova sa panahong iyon ay isinakatuparan ng Espiritu kagaya ng kay Jesus? Ilang Espiritu ba ang maaaring taglayin ng Diyos? Ayon sa iyong paliwanag, ang tatlong persona ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu ay iisa; kung gayon, may tatlong Espiritu, ngunit ang ibig sabihin ng magkaroon ng tatlong Espiritu ay mayroong tatlong Diyos. Ibig sabihin, walang iisang tunay na Diyos; paano pa tataglayin ng ganitong uri ng Diyos ang likas na diwa ng Diyos? Kung tinatanggap mo na iisa lamang ang Diyos, paano Siya nagkaroon ng isang anak at naging isang ama? Hindi ba mga paniwala mo lamang ang lahat ng ito? Iisa lamang ang Diyos, iisa lamang ang persona sa Diyos na ito, at iisa lamang ang Espiritu ng Diyos, gaya ng nasusulat sa Biblia na “Iisa lamang ang Banal na Espiritu at iisa lamang ang Diyos.” Mayroon mang Ama at Anak na binabanggit mo, iisa lamang naman ang Diyos, at ang diwa ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu na iyong pinaniniwalaan ay ang diwa ng Banal na Espiritu. Sa madaling salita, ang Diyos ay isang Espiritu, ngunit kaya Niyang magkatawang-tao at mabuhay sa piling ng mga tao, at mangibabaw rin sa lahat ng bagay. Sakop ng Kanyang Espiritu ang lahat at Siya ay nasa lahat ng dako. Kaya Niyang sabay na magkatawang-tao at mapasa-buong sansinukob. Dahil sinasabi ng lahat ng tao na ang Diyos lamang ang nag-iisang tunay na Diyos, iisa ang Diyos, na hindi kayang hatiin ninuman kung kailan niya gusto! Ang Diyos ay iisang Espiritu lamang, at iisang persona lamang; at iyon ang Espiritu ng Diyos. Kung tama ang sinasabi mong, ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu, hindi ba tatlong Diyos Sila? Ang Banal na Espiritu ay isa, ang Anak ay isa pa, at ang Ama ay isa pa rin. Sila’y magkakaibang persona na magkakaiba ang diwa, kaya paano naging bahagi ng iisang Diyos ang bawat isa sa Kanila? Ang Banal na Espiritu ay isang Espiritu; madali itong maunawaan ng tao. Kung gayon, lalo nang ang Ama ay isang Espiritu. Hindi pa Siya nakakababa sa lupa kailanman at hindi pa naging tao kailanman; Siya ang Diyos na si Jehova sa puso ng tao, at tiyak na Siya ay isa ring Espiritu. Kung gayon ano ang relasyon Niya sa Banal na Espiritu? Ito ba ang relasyon ng Ama sa Anak? O ito ba ang relasyon ng Banal na Espiritu sa Espiritu ng Ama? Ang diwa ba ng bawat Espiritu ay iisa? O ang Banal na Espiritu ba ay isang kasangkapan ng Ama? Paano ito maipapaliwanag? At ano naman ang relasyon ng Anak sa Banal na Espiritu? Ito ba ay relasyon sa pagitan ng dalawang Espiritu o relasyon ng isang tao sa isang Espiritu? Ito ay pawang mga bagay na hindi maaaring magkaroon ng paliwanag! Kung lahat Sila ay iisang Espiritu, walang magiging usapan tungkol sa tatlong persona, sapagkat taglay Nila ang iisang Espiritu. Kung Sila ay magkakaibang persona, magkakaiba-iba ang lakas ng Kanilang Espiritu, at talagang hindi Sila maaaring maging iisang Espiritu. Ang konseptong ito tungkol sa Ama, Anak, at Banal na Espiritu ay lubhang katawa-tawa! Pinaghihiwa-hiwalay nito ang Diyos at hinahati-hati Siya sa tatlong persona, bawat isa ay may katayuan at Espiritu; kung gayo’y paano Siya magiging isang Espiritu at isang Diyos pa rin? Sabihin ninyo sa Akin, nilikha ba ng Ama, ng Anak, o ng Banal na Espiritu ang mga kalangitan at lupa, at lahat ng bagay na naroon? Sabi ng ilan sama-sama raw Nilang nilikha ito. Kung gayon sino ang tumubos sa sangkatauhan? Ang Banal na Espiritu ba, ang Anak, o ang Ama? Sabi ng ilan ang Anak daw ang tumubos sa sangkatauhan. Kung gayon ay sino talaga ang Anak? Hindi ba Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos? Ang tawag ng pagkakatawang-tao sa Diyos sa langit ay Ama mula sa pananaw ng isang taong nilikha. Hindi mo ba alam na si Jesus ay isinilang nang Siya ay ipaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu? Sumasa-Kanya ang Banal na Espiritu; anuman ang iyong sabihin, kaisa pa rin Siya ng Diyos sa langit, sapagkat Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos. Ang ideyang ito tungkol sa Anak ay hindi talaga totoo. Isang Espiritu ang nagsasakatuparan ng lahat ng gawain; tanging ang Diyos Mismo, ibig sabihin, ang Espiritu ng Diyos ang nagsasakatuparan ng Kanyang gawain. Sino ang Espiritu ng Diyos? Hindi ba ito ang Banal na Espiritu? Hindi ba ang Banal na Espiritu ang umiimpluwensya kay Jesus? Kung ang gawain ay hindi naisakatuparan ng Banal na Espiritu (ibig sabihin, ang Espiritu ng Diyos), maaari bang katawanin ng Diyos Mismo ang Kanyang gawain?

—mula sa “Umiiral ba ang Trinidad?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang unang nakita ng tao ay ang Banal na Espiritu na bumababa gaya ng isang kalapati kay Jesus; hindi ito ang Espiritung tanging kay Cristo, bagkus ang Banal na Espiritu. Kung gayon naihihiwalay ba ang Espiritu ni Jesus mula sa Banal na Espiritu? Kung si Jesus ay si Jesus, ang Anak, at ang Banal na Espiritu ay ang Banal na Espiritu, paano Sila naging isa? Ang gawain ay hindi maisasakatuparan kung ganoon. Ang Espiritu sa loob ni Jesus, ang Espiritu sa langit, at ang Espiritu ni Jehova ay iisa lahat. Matatawag itong Banal na Espiritu, ang Espiritu ng Diyos, ang Espiritu na pinatindi nang makapitong beses, at ang Espiritung sumasalahat. Maisasakatuparan ng Espiritu ng Diyos ang maraming gawain. Nagagawa Niyang likhain ang mundo at wasakin ito sa pagpapabaha sa lupa; kaya Niyang tubusin ang buong sangkatauhan, at bukod pa riyan, lupigin at lipulin ang buong sangkatauhan. Ang gawaing ito ay isinasakatuparang lahat ng Diyos Mismo at hindi maaaring nagawa ng iba pa sa mga persona ng Diyos sa Kanyang lugar. Ang Kanyang Espiritu ay maaaring tawagin sa pangalang Jehova at Jesus, at maaari ding tawaging Makapangyarihan. Siya ang Panginoon, at Cristo. Maaari din Siyang maging Anak ng tao. Siya ay nasa kalangitan at nasa lupa rin; Siya ay nasa kaitaasan sa ibabaw ng mga sansinukob at nasa piling ng maraming tao. Siya ang tanging Panginoon ng langit at ng lupa! Mula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, ang gawaing ito ay naisagawa na ng Espiritu ng Diyos Mismo. Gawain man ito sa kalangitan o sa katawang-tao, lahat ay isinasakatuparan ng Kanyang sariling Espiritu. Lahat ng nilalang, sa langit man o sa lupa, ay nasa palad ng Kanyang makapangyarihang kamay; lahat ng ito ay gawain ng Diyos Mismo at hindi magagawa ng sinuman para sa Kanya. Sa kalangitan, Siya ang Espiritu subalit ang Diyos din Mismo; sa piling ng mga tao, Siya ay katawang-tao ngunit nananatiling Diyos Mismo. Bagama’t maaari Siyang tawagin sa daan-daang libong pangalan, Siya pa rin iyon Mismo, at lahat ng gawain[a] ay tuwirang pagpapahayag ng Kanyang Espiritu. Ang pagtubos sa buong sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapako sa Kanya sa krus ay tuwirang gawain ng Kanyang Espiritu, at maging ang pagpapahayag sa lahat ng bansa at lahat ng lupain sa mga huling araw. Sa lahat ng oras, matatawag lamang ang Diyos na ang makapangyarihan at nag-iisang tunay na Diyos, ang Diyos Mismo na sumasalahat. Walang magkakaibang persona, lalong wala itong ideya ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu. Iisa lamang ang Diyos sa langit at sa lupa!

—mula sa “Umiiral ba ang Trinidad?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Talababa:

a. Wala sa orihinal na teksto ang pariralang “ng gawain.”

Sinundan:Paano malalaman ng isang tao ang banal na diwa ni Cristo?

Sumunod:Ano ang likas na katangian ng problema ng hindi pagkilala ng tao sa mga katotohanang ipinahayag ni Cristo? Ano ang mga bunga ng hindi pagtrato ng tao kay Cristo bilang Diyos?

Baka Gusto Mo Rin