Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Saksi kay Cristo ng mga Huling Araw

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

XIV. Kailangang Ipaliwanag nang Malinaw ng Isang Tao ang mga Kaibhan sa pagitan ng Iglesia ng Diyos at ng mga Organisasyong Pangrelihiyon

2. Bakit pinagpapala lamang ng Diyos ang iglesiang tumatanggap at sumusunod sa Kanyang gawain? Bakit Niya isinusumpa ang mga organisasyong pangrelihiyon?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Dahil yaong mga nasa relihiyon ay walang kakayahang tanggapin ang bagong gawain ng Diyos, at nais lamang kumapit sa lumang gawain ng nakaraan, tinalikuran Niya ang mga taong ito, at ginagawa ang Kanyang bagong gawain sa mga taong tumatanggap sa bagong gawaing ito. Ang mga ito ay mga tao na siyang nakikipagtulungan sa bago Niyang gawain, at tanging sa paraang ito matutupad ang Kanyang pamamahala.

mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Lahat niyaong mga nasa loob ng agos ng Banal na Espiritu ay nagtataglay ng presensiya at disiplina ng Banal na Espiritu, at yaong mga wala sa loob ng agos ng Banal na Espiritu ay nasa ilalim ng pag-uutos ni Satanas, at wala ang anumang gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga tao na nasa agos ng Banal na Espiritu ay yaong mga tumatanggap sa bagong gawain ng Diyos, ang mga nakikipagtulungan sa bagong gawain ng Diyos. ... Yaong mga tumatanggap sa bagong gawain ng Banal na Espiritu, ay mamumuhay sa loob ng agos ng Banal na Espiritu, tatanggapin ang pangangalaga at pag-iingat ng Banal na Espiritu. Yaong mga handang isagawa ang katotohanan ay nililiwanagan ng Banal na Espiritu, at yaong mga hindi handa na isagawa ang katotohanan ay dinidisiplina ng Banal na Espiritu, at maaari pang maparusahan. Hindi alintana kung anong uri ng tao sila, basta’t sila ay nasa loob ng agos ng Banal na Espiritu, panánagútán ng Diyos ang lahat ng mga tumatanggap sa bagong gawain Niya para sa kapakanan ng Kanyang pangalan. ... Hindi ganoon para sa mga taong hindi tumatanggap sa bagong gawain: Sila ay nasa labas ng agos ng Banal na Espiritu.... Wala sa anumang ginawa ng mga wala sa agos ng Banal na Espiritu ang may kaugnayan sa bagong gawain ng Banal na Espiritu. Dahil dito, kahit na ano ang kanilang gawin, sila ay walang disiplina ng Banal na Espiritu, at, higit sa lahat, wala silang pagliliwanag mula sa Banal na Espiritu. Dahil sila ay mga taong walang pag-ibig sa katotohanan, sila ay kinamuhian at tinanggihan ng Banal na Espiritu. Sila ang tinatawag na makasalanan dahil sila ay namumuhay sa laman, at ginagawa kung ano ang kanilang nais sa ilalim ng karatula ng Diyos. Habang gumagawa ang Diyos, sinasadya nilang hamunin Siya, at tumakbo sa magkabilang patunguhan sa Kaniya. Ang hindi pakikipagtulungan ng tao sa Diyos ay labis na pagiging mapanghimagsik sa ganang sarili, huwag nang banggitin ang sinadyang pagtakas ng mga taong ito mula sa Diyos. Hindi ba nila matatanggap ang kanilang kaparusahan? Sa mga ginawang kasamaan ng mga taong ito, ang ilan ay hindi mapigilang sila ay isumpa, ngunit hindi sila binibigyang pansin ng Diyos. Para sa tao, lumalabas na ang kanilang mga pagkilos ay pagmamalasakit para sa pangalan ng Diyos, ngunit sa katotohanan, wala silang kaugnayan sa Kanyang pangalan o ang pagpapatotoo sa Kanya. Kahit na anuman ang gawin ng mga taong ito, wala itong kaugnayan sa Diyos: Wala itong kaugnayan sa Kanyang pangalan at gawain ngayon. Ang mga taong ito ay hinihiya ang kanilang sarili, at inihahayag si Satanas: sila ay mga makasalanan na naghahanda para sa araw ng matinding poot. Ngayon, hindi alintana ang kanilang kilos, basta’t hindi nila pipigilin ang pamamahala ng Diyos at hindi makikialam sa bagong gawain ng Diyos, ang mga taong iyon ay hindi papasailalim sa nararapat na kaparusahan, dahil malapit nang dumating ang araw ng matinding galit. Maraming bagay ang pinaniniwalan ng tao na dapat ay isinagawa na ng Diyos, at ang akala nila ang mga makasalanan ay dapat sumailalim sa kaparusahan sa lalong madaling panahon. Ngunit dahil ang gawain ng pamamahala ng Diyos ay hindi pa natatapos, at ang araw ng matinding galit ay hindi pa dumarating, ang mga hindi matuwid ay patuloy pa ring gumagawa ng mga masasamang gawain. Ang ilan ay nagsasabi na ang mga nasa relihiyon ay walang presensiya o gawain ng Banal na Espiritu, at sila ay nagdadala ng kahihiyan sa pangalan ng Diyos; kaya bakit hindi sila winawasak ng Diyos, sa halip na tiisin ang kanilang pagsuway? Ang mga taong ito, na silang patotoo ni Satanas, at ipinapahayag ang laman, wala silang alam, mabababaw na tao, sila ay katawa-tawa. Hindi nila mapagmamasdan ang pagdating ng matinding galit ng Diyos bago nila maunawaan kung paano gumagawa ang Diyos ng Kanyang mga gawain sa mga tao, at sa oras na sila ay lubos na malupig, ang mga makasalanang iyon ay makatatanggap ng kaparusahan, at wala ni isa sa kanila ang makatatakas sa araw ng matinding galit. Hindi ngayon ang panahon para sa kaparusahan ng tao, ito ay panahon upang isagawa ang gawain ng panlulupig, maliban na lang kung mayroong mga maninira sa pamamahala ng Diyos, kung saan sila ay papasailalim sa kaparusahan ayon sa tindi ng kanila mga ginawa. Sa pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan, ang lahat ng nasa agos ng Banal na Espiritu ay may kaugnayan sa Diyos. Ang mga kinamuhian at tinanggihan ng Banal na Espiritu ay namumuhay sa ilalim ng impluwensya ni Satanas, at ang kanilang isinasagawa ay walang kaugnayan sa Diyos. Ang mga tumatanggap lamang sa bagong gawain ng Diyos at ang mga nakikipagtulungan sa Diyos, ay may kaugnayan sa Kanya, dahil ang gawain ng Diyos ay para lamang sa mga tumatanggap dito, at hindi para sa lahat ng tao, hindi alintana kung ito ba ay kanilang tinanggap o hindi. Ang gawaing isinagawa ng Diyos ay may pakay, hindi ginawa nang mabilisan. Ang mga may kaugnayan kay Satanas ay hindi karapat-dapat na magbigay ng patotoo sa Diyos, at hindi sila karapat-dapat na makipagtulungan sa Diyos.

mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pangunahing kahalagahan ng pagsunod sa Diyos ay na ang lahat ay dapat alinsunod sa totoong mga salita ng Diyos: Maging ikaw ay naghahangad ng pagpasok sa buhay o ang katuparan ng kalooban ng Diyos, ang lahat ay dapat nakasentro sa totoong mga salita ng Diyos. Kung ano ang iyong pakikipag-isa at hinahangad ay hindi nakasentro sa palibot ng totoong mga salita ng Diyos, kung gayon isa kang estranghero sa mga salita ng Diyos, at ganap na nawalan ukol sa gawain ng Banal na Espiritu. Ang gusto ng Diyos ay ang mga taong sumusunod sa Kanyang mga yapak. Hindi alintana kung gaano man kakahanga-hanga at kadalisay kung ano ang naunawaan mo noong una, ayaw ito ng Diyos, at kung hindi mo magagawang isantabi ang gayong mga bagay, kung gayon ang mga ito ay napakalaking hadlang sa iyong pagpasok sa hinaharap. Lahat niyaong nagagawang sumunod sa kasalukuyang liwanag ng Banal na Espiritu ay mga pinagpala. ... Yaong mga maaaring sumunod sa kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu, at nagagawang sumunod sa mga yapak ng Diyos, anupa’t susunod sila sa Diyos saanman Niya sila akayin—ito ang mga tao na pinagpala ng Diyos. Yaong mga hindi sumusunod sa gawain ng Banal na Espiritu ay hindi nakapasok sa gawain ng mga salita ng Diyos, at gaano man sila gumawa, o gaano man katindi ang kanilang pagdurusa, o gaano man sila magparoo’t-parito, walang anuman dito ang may kabuluhan sa Diyos, at hindi Niya pupurihin ang mga ito. Sa kasalukuyan, lahat niyaong sumusunod sa totoong mga salita ng Diyos ay nasa daloy ng Banal na Espiritu; yaong mga estranghero sa totoong mga salita ng Diyos ay nasa labas ng daloy ng Banal na Espiritu, at ang gayong mga tao ay hindi pupurihin ng Diyos. Ang paglilingkod na hiwalay mula sa totoong mga pagbigkas ng Banal na Espiritu ay paglilingkod na ukol sa laman, at ukol sa mga pagkaintindi, at wala itong kakayahan na maging alinsunod sa kalooban ng Diyos. Kung ang mga tao ay nabubuhay sa gitna ng relihiyosong mga pagkaintindi, kung gayon wala silang magagawang anuman na akma para sa kalooban ng Diyos, at bagamat naglilingkod sila sa Diyos, naglilingkod sila sa kalagitnaan ng kanilang guni-guni at mga pagkaintindi, at ganap na walang kakayahan na maglingkod alinsunod sa kalooban ng Diyos.

Hindi nauunawaan niyaong mga hindi nagagawang sundin ang gawain ng Banal na Espirituang kalooban ng Diyos, at yaong mga hindi nakauunawa sa kalooban ng Diyos ay hindi maaaring maglingkod sa Diyos. Nais ng Diyos ang paglilingkod na hinahangad ang Kanyang sariling puso; ayaw Niya sa paglilingkod na ukol sa mga pagkaintindi at sa laman. Kung walang kakayahan ang mga tao na sundin ang mga hakbang ng gawain ng Banal na Espiritu, kung gayon sila ay nabubuhay sa gitna ng mga pagkaintindi, at ang paglilingkod ng gayong mga tao ay nakakaantala at nakakagambala. Ang gayong paglilingkod ay sumasalungat sa Diyos, at kaya yaong mga hindi nagagawang sundin ang mga yapak ng Diyos ay walang kakayahan na maglingkod sa Diyos; yaong hindi magawang sundin ang mga yapak ng Diyos ay tiyak na tiyak na kinakalaban ang Diyos, at mga walang kakayahan ng pagiging katugma ng Diyos.

“Ang pagsunod sa gawain ng Banal na Espiritu” ay nangangahulugan ng pagkaunawa sa kalooban ng Diyos sa kasalukuyan, ang magawang kumilos alinsunod sa kasalukuyang mga kinakailangan ng Diyos, ang magawang talimahin at sundin ang Diyos sa kasalukuyan, at pagpasok alinsunod sa pinakabagong mga pagbigkas ng Diyos. Tanging ito ay ang tao na sumusunod sa gawain ng Banal na Espiritu at nasa daloy ng Banal na Espiritu. Ang gayong mga tao ay hindi lamang mayroong kakayahan na tanggapin ang papuri ng Diyos at nakikita ang Diyos, ngunit makakaya ding malaman ang disposisyon ng Diyos mula sa pinakahuling gawain ng Diyos, at makakaya ding malaman ang mga pagkaintindi at pagkamasuwayin ng tao, at kalikasan at katuturan ng tao, mula sa Kanyang pinakahuling gawain; bukod dito, nagagawa nilang unti-unting matamo ang mga pagbabago sa kanilang disposisyon sa panahon ng kanilang paglilingkod. Ang mga tao lamang kagaya nito ang nagagawang kamtin ang Diyos, at tunay na nakasumpong sa tunay na daan. Ang mga taong inalis sa pamamagitan ng gawain ng Banal na Espiritu ay mga tao na walang kakayahan na sundin ang pinakahuling gawain ng Diyos, at mga naghihimagsik laban sa pinakahuling gawain ng Diyos. Na ang gayong mga tao ay hayagang kinakalaban ang Diyos sapagkat ang Diyos ay gumawa ng bagong gawain, at sapagkat ang larawan ng Diyos ay hindi kagaya ng sa kanilang mga pagkaintindi—bilang resulta nito hayagan nilang kinakalaban ang Diyos at hinahatulan ang Diyos, na humahantong na sila ay kasuklaman at itakwil ng Diyos. Ang pagtataglay ng kaalaman ukol sa pinakahuling gawain ng Diyos ay hindi magaan na bagay ngunit kung sadyang susundin ng mga tao ang gawain ng Diyos at hahangarin ang salita ng Diyos, magkakaroon sila ng pagkakataon na makita ang Diyos, at magkakaroon ng pagkakataon na kamtin ang pinakabagong paggabay ng Banal na Espiritu. Yaong mga sinasadyang kalabanin ang gawain ng Diyos ay hindi makakatanggap ng pagliliwanag ng Banal na Espiritu o ng paggabay ng Diyos; kaya, matanggap man o hindi ng mga tao ang pinakahuling gawain ng Diyos ay nakasalalay sa biyaya ng Diyos, nakasalalay ito sa kanilang paghahangad, at nakasalalay ito sa kanilang mga layunin.

Lahat niyaong makakasunod sa totoong mga pagbigkas ng Banal na Espiritu ay mga pinagpala. Hindi alintana kung paano sila dati, o kung paano dating gumawa ang Banal na Espiritu sa loob nila—yaong mga nagkamit sa pinakahuling gawain ng Diyos ay ang mga pinakapinagpala, at yaong mga hindi makakasunod sa pinakahuling gawain sa kasalukuyan ay aalisin.

mula sa “Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Mga Yapak ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang mga hindi makasunod sa mga yapak ng Diyos ay walang karapatan sa buhay na iyon. Ibinaba nila ang kanilang mga sarili sa kadiliman, kung saan sila ay tatangis at magngangalit ang mga ngipin; sila ang mga taong naniniwala sa Diyos ngunit hindi sumusunod sa Kanya, mga naniniwala sa Diyos ngunit hindi tumatalima sa lahat ng Kanyang gawain. Dahil naniniwala ang tao sa Diyos, nararapat niyang sundan ang mga yapak ng Diyos, dahan-dahan; dapat siyang “sumunod sa Kordero saan man Siya pumaroon.” Ito lamang ang mga taong naghahangad ng totoong daan, sila lamang ang mga nakakaalam sa gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga taong labis na sumusunod sa mga titik at mga katuruan ay ang mga naalis dahil sa gawain ng Banal na Espiritu. Sa bawat panahon, ang Diyos ay magsisimula ng bagong gawain, at sa bawat panahon, magkakaroon ng bagong simula ang mga tao. Kung ang tao ay susunod lamang sa mga katotohanan na “ang Jehovah ang Diyos” at “si Jesus ang Kristo,” na mga katotohanan na nagagamit lamang sa isang panahon, sa gayon ang tao ay hindi makakasabay sa gawain ng Banal na Espiritu, at mawawalan ng kakayahang magkamit ng gawain ng Banal na Espiritu. Hindi alintana kung paano gumagawa ang Diyos, ang tao ay sumusunod nang walang pag-aalinlangan, at siya ay sumusunod nang malapitan. Sa paraang ito, paano maaalis ng Banal na Espiritu ang tao? Hindi alintana kung ano ang ginagawa ng Diyos, hangga’t ang tao ay tiyak na ito ay gawain ng Banal na Espiritu, at nakikipagtulungan sa gawain ng Banal na Espiritu nang walang pag-aalinlangan, at sinusubukang matupad ang mga atas ng Diyos, paano siya maparurusahan? ... Naniniwala ang tao na mali rin ang mga Israelita na “maniwala lamang sa Jehovah at hindi kay Jesus,” ngunit karamihan ng mga tao ay “maniwala lamang sa Jehovah at tanggihan si Jesus” at “manabik sa pagbabalik ng Tagapagligtas, ngunit tututulan ang Tagapagligtas na nagngangalang Jesus.” Hindi na nakapagtataka, na ang mga tao ay nabubuhay pa rin sa ilalim ng sakop ni Satanas matapos tanggapin ang isang yugto ng gawain ng Banal na Espiritu, at hindi pa rin nakatatanggap ng pagpapala ng Diyos. Hindi ba’t ito ang bunga ng pagsuway ng tao? Ang mga Kristiyano sa buong mundo na hindi nakakasunod sa bagong gawain ng ngayon ay kumakapit pa rin sa mga paniniwala na sila ang mga mapapalad, na tutuparin ng Diyos ang kanilang mga kahilingan. Subalit hindi nila tiyak na masabi kung bakit isasama sila ng Diyos sa pangatlong langit, o kung nakatitiyak ba sila kung paano sila kukunin ni Jesus na nakasakay sa puting ulap, hindi rin nila masabi na may katiyakan kung si Jesus ay totoong darating sakay ng puting ulap sa araw na kanilang iniisip. Lahat sila ay nababahala; hindi rin nila alam kung lahat sila ay kukunin ng Diyos, ang mga maliliit na bilang ng tao mula sa iba’t-ibang denominasyon. Ang gawaing isinasagawa ng Diyos ngayon, ang kasalukuyang kapanahunan, ang kalooban ng Diyos—wala silang pagkakaunawa sa mga ito, at walang ibang magawa kundi ang magbilang ng mga araw sa kanilang mga daliri. Tanging ang mga sumusunod sa mga yapak ng Kordero hanggang sa katapusan ang magkakamit ng pangwakas na pagpapala, samantalang ang mga “tusong tao,” na hindi makasunod hanggang sa katapusan ngunit naniniwala pa rin na nakamtan nila ang lahat, ay walang kakayahang masaksihan ang anyo ng Diyos. Lahat sila ay naniniwala na sila ang pinakamatalinong tao sa lupa, at pinuputol nila ang patuloy na pag-unlad ng gawain ng Diyos na wala namang dahilan, at sila ay tila naniniwala na isasama sila ng Diyos sa langit, silang “mayroong lubos na katapatan sa Diyos, sumusunod sa Diyos, at tumatalima sa mga salita ng Diyos.” Kahit na sila ay mayroong “lubos na katapatan” sa mga salitang sinabi ng Diyos, ang kanilang mga salita at kilos ay nakadidiri pa rin dahil kanilang tinututulan ang gawain ng Banal na Espiritu, at gumagawa ng panlilinlang at masama. Ang mga hindi sumusunod hanggang sa katapusan, ang mga hindi makakasabay sa gawain ng Banal na Espiritu, at lubos na kumakapit sa mga lumang gawain ay hindi lamang nabigo sa pagkamit ng katapatan sa Diyos, ngunit, naging isa sa mga hindi tumatalima sa Diyos, naging isa sa mga tinanggihan ng bagong panahon, at ang mga maparurusahan. Mayroon pa bang mas nakakaawa sa kanila? Marami nga ang naniniwala na ang lahat ng tumanggi sa lumang kautusan at tumanggap sa bagong gawain ay walang konsensya. Ang mga taong ito, na ang tanging sinasambit lamang ay “budhi,” at hindi alam ang gawain ng Banal na Espiritu, sa huli ay puputulin ang kanilang mga inaasam-asam dahil sa kanilang mga konsensya. Ang gawain ng Diyos ay hindi sumusunod sa katuruan, at kahit na ito ay Kanyang sariling gawa, hindi pa rin kumakapit ang Diyos dito. Kung ano ang dapat tanggihan ay tanggihan, kung ano ang dapat maalis ay aalisin. Ngunit inilagay pa rin ng tao ang kanyang sarili sa galit ng Diyos sa pamamagitan ng pagkapit sa maliit na bahagi ng gawain ng pamamahala ng Diyos. Hindi ba’t nakakatawa ang tao? Hindi ba’t ito ang kamangmangan ng tao? Kung ang tao ay mahina ang loob at sobrang maingat dahil siya ay takot na hindi magkamit ng pagpapala ng Diyos, lalo silang hindi magkakamit ng mas malalaking pagpapala, at ang pagkamit ng pangwakas na pagpapala. Ang mga tao na hamak na sumusunod sa kautusan at ipinapakita ang kanilang lubos na katapatan sa kautusan, habang mas ipinakikita nila ang kanilang katapatan sa kautusan, sila ay lalong nagiging mga suwail na tumatalima sa Diyos. Dahil ngayon ang Kapanahunan ng Kaharian at hindi ang Kapanahunan ng Kautusan, at ang mga gawain sa ngayon ay hindi maaaring isama sa mga gawain ng nakalipas, at ang mga gawain ng nakalipas at hindi maihahambing sa gawain sa ngayon. Ang gawain ng Diyos ay nagbago, at ang pagsasagawa ng tao ay nagbago rin; ito ay hindi para kumapit sa kautusan o magpasan ng krus. Ang katapatan ng mga tao sa kautusan at sa krus ay hindi magiging kasangkapan upang makamit nila ang pagtanggap ng Diyos.

mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang tao ay naniniwala na, sumunod sa pagpako sa krus at muling pagkabuhay na mag-uli, si Jesus ay bumalik sa langit sa ibabaw ng isang puting ulap, at naupo sa Kanyang luklukan sa kanan ng Kataas-taasan. Kahalintulad din, nag-iisip ang tao na si Jesus ay bababa muli sakay sa isang puting ulap (ang ulap na ito ay tumutukoy sa ulap na sinakyan ni Jesus nang bumalik Siya sa langit), sa mga taong desperadong nananabik sa Kanya sa loob ng libong mga taon, at na dadalhin Niya ang imahe at mga pananamit ng mga Judio. Matapos ang pagpapakita sa mga tao, magbibigay Siya ng pagkain sa kanila, magiging dahilan ng pagbukal ng buhay na tubig para sa kanila, at mamumuhay kasama ng mga tao, puspos ng biyaya at pagmamahal, buhay at tunay. At iba pa. Datapwat si Jesus na Tagapagligtas ay hindi ganito ang ginawa; ginawa Niya ang kabaliktaran nang iniisip ng tao. Hindi Siya dumating doon sa mga taong naghahangad sa Kanyang pagbabalik at hindi nagpakita sa lahat ng mga tao habang nakasakay sa puting ulap. Siya ay nakarating na, subalit hindi Siya kilala ng tao, at nananatiling walang-alam sa Kanyang pagdating. Ang tao ay walang layon na naghihintay lamang sa Kanya, walang malay na nakababa na Siya sakay sa isang puting ulap (ang ulap na siyang Kanyang Espiritu, Kanyang mga salita, at Kanyang buong disposisyon at lahat ng Siya), at ngayon ay kasama ng isang grupo ng mga mananagumpay na Kanyang gagawin sa panahon ng mga huling araw. Hindi ito alam ng tao: Bagaman ang banal na Tagapagligtas na si Jesus ay puno ng pagkagiliw at pagmamahal sa tao, paano Siya makakagawa sa mga “templo” na pinamamahayan ng karumihan at di-malinis na mga espiritu? Bagaman hinihintay ng tao ang Kanyang pagdating, paano Siya maaaring magpakita sa mga taong kumakain ng laman ng mga di-matuwid, umiinom ng dugo ng di-matuwid, nagsusuot ng mga damit ng di-matuwid, na naniniwala sa Kanya ngunit hindi Siya kilala, at patuloy na nangingikil sa Kanya? Ang tanging alam lang ng tao ay na si Jesus na Tagapagligtas ay puno ng pagmamahal at habag, at ang handog para sa kasalanan na puspos ng pagtubos. Ngunit ang tao ay walang ideya na Siya rin ay ang Diyos Mismo, na nag-uumapaw sa pagkamatuwid, kamahalan, matinding galit, at paghatol, at nag-aangkin ng awtoridad at puno ng dangal. At sa gayon bagaman masugid na nagnanais at nananabik sa pagbabalik ng Manunubos ang tao, at kahit ang Langit ay naaantig sa mga dalangin ng tao, si Jesus na Tagapagligtas ay hindi nagpapakita sa mga taong naniniwala sa Kanya subalit hindi Siya nakikilala.

mula sa “Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng ‘Puting Ulap’” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Bakit ko sinasabing ang mga nasa relihiyosong mundo ay mga hindi nananampalataya sa Diyos at mga manggagawa ng kasamaan, at yaong mga kauri ng demonyo? Kapag sinabi kong sila ay manggagawa ng kasamaan, ito ay dahil hindi nila maintindihan ang kalooban ng Diyos o makita ang Kanyang karunungan. Hindi kailanman ipinakita ng Diyos ang Kanyang gawa sa kanila; sila’y mga bulag na hindi nakikita ang mga gawa ng Diyos. Sila yaong mga tinalikdan ng Diyos at walang taglay na kalinga at pag-iingat ng Diyos, lalo pa ang gawa ng Banal na Espiritu. Yaong mga walang gawa ng Diyos ay manggagawa ng kasamaan at naninindigan sa mga sumasalungat sa Diyos.

mula sa “Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ayaw nilang hayaang manahan sa kanilang mga puso ang disposisyon ng Diyos o ang Diyos Mismo. Nais lang nilang pagbigyan ang sarili nilang mga kagustuhan, mga imahinasyon, at mga ambisyon. Kaya ang mga taong ito ay maaaring mananampalataya sa Diyos, sumusunod sa Diyos, at maaari ring isakripisyo ang kanilang mga pamilya at hanapbuhay para sa Kanya, ngunit hindi nila tinatapos ang kanilang mga masasamang kagawian. Ang iba pa nga ay nagnanakaw o nagwawaldas ng mga kaloob, o isinusumpa ang Diyos nang palihim, samantalang ang iba ay maaaring gamitin ang kanilang mga katungkulan upang paulit-ulit na magpatotoo tungkol sa kanilang mga sarili, palaguin ang kanilang mga sarili, at makipag-agawan sa Diyos para sa mga tao at katungkulan. Gumagamit sila ng sari-saring mga paraan at hakbang para sambahin sila ng mga tao, palaging sinusubukang makuha ang mga tao at panghawakan sila. Ang mga iba nga ay sinasadya pang ilihis ang mga tao para isiping sila ay Diyos at maaaring tratuhing parang Diyos. Hinding-hindi nila sasabihin sa mga tao na sila rin mismo ay makasalanan, na sila rin ay tiwali at mayabang, at huwag silang sambahin, at gaano man sila kahusay, ito ay dahil lamang sa pagpaparangal sa Diyos at dapat rin lang naman nilang ginagawa. Bakit hindi nila ito binabanggit? Dahil lubha silang natatakot na mawala ang kanilang lugar sa puso ng mga tao. Ito ang dahilan kung bakit ang mga taong tulad nito ay hindi kailanmang dumakila sa Diyos at hindi kailanmang sumaksi tungkol sa Diyos, katulad ng kailanmang hindi nila pagsubok na unawain ang Diyos.

mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I” sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinadya nilang labanan ang katotohanan sa kabila nang malinaw na kamalayan ng mga ito. Mga anak ng mapanghimagsik! Ito ay mistulang, ngayong umakyat na ang kanilang hari ng impiyerno sa luklukan ng pagkahari, naging mayabang sila at trinato ang lahat ng iba ng may panlalait. Gaano karami ang naghahanap ng katotohanan at sumusunod sa katuwiran? Silang lahat ay mga hayop tulad ng mga baboy at mga aso, pinapangunahan ang isang grupo ng mga mabahong langaw sa isang tumpok ng dumi upang kawagin ang kanilang mga ulo at mag-udyok ng kaguluhan.[1] Naniniwala sila na ang kanilang hari ng impiyerno ay ang pinaka-nakahihigit sa mga hari, na hindi napagtatantong sila ay walang kwenta na mas higit pa sa mga langaw sa bulok. Hindi lamang iyon, gumagawa sila ng mga mapanirang-puri na puna laban sa pag-iral ng Diyos sa pamamagitan ng pag-asa sa mga baboy at aso ng kanilang magulang. Tingin ng mga maliit na langaw sa kanilang mga magulang ay kasing laki ng may ngipin na balyena.[2] Hindi nila mapagtanto na sila ay maliit, gayon ma’y ang kanilang mga magulang ay di-malinis na mga baboy at mga aso na isang bilyong beses na mas malaki kaysa sa kanilang mga sarili? Walang kamalayan sa kanilang sariling kababaan, tumatakbo silang naghuhuramentado sa batayan nang bulok na amoy ng mga baboy at mga aso at mayroong maling ideya na magpakarami sa hinaharap na mga henerasyon. Yan ay ganap na makapal ang mukha! Na may berdeng pakpak sa kanilang mga likuran (ito ay tumutukoy sa kanilang pahayag na naniniwala sa Diyos), nagsisimula silang maging mayabang at ipinagmamalaki sa lahat ng dako ang kanilang sariling kagandahan at pagiging kaakit-akit, lihim na tinataboy palayo ang kanilang mga karumihan papunta sa tao. Sila rin ay mayabang, na parang ang isang pares ng bahagharing kulay na mga pakpak ay maaaring itago ang kanilang sariling mga karumihan, at sa gayon inuusig nila ang pag-iral ng tunay na Diyos (ito ay tumutukoy sa tunay na kuwento ng mundo ng relihiyon). Hindi masyadong alam ng tao na, kahit na ang mga pakpak ng mga langaw ay maganda at kaakit-akit, itong lahat ay hindi hihigit sa isang maliit na langaw na puno ng dumi at nababalot ng mga mikrobyo. Sa kalakasan ng mga baboy at mga aso ng kanilang mga magulang, tumatakbo silang huramentado sa buong lupa (ito ay tumutukoy sa mga relihiyosong opisyal na umuusig sa Diyos sa batayan nang malakas na suporta mula sa bansa na pinagtataksilan ang tunay na Diyos at ang katotohanan) na may napakalaking kabangisan. Ito ay parang ang mga multo ng mga Judiong Pariseo ay bumalik kasama ang Diyos sa bansa ng malaking pulang dragon, bumalik sa kanilang lumang pugad. Nagsimula silang muli sa kanilang gawa ng pag-uusig, ipinagpapatuloy ang kanilang gawa na sumasaklaw sa ilang libong taon. Ang grupong ito ng masasamang tao ay tiyak na malilipol sa lupa sa katapusan! Lumalabas na, pagkatapos ng ilang libong taon, ang mga karumaldumal na espiritu ay naging mas tuso at mapandaya. Patuloy silang nag-iisip ng mga paraan upang lihim na pahinain ang gawain ng Diyos. Sila ay matalino at tuso at nais ulitin sa kanilang tinubuang-bayan ang trahedya na ilang libong taon na ang nakakaraan. Halos pinilit nitong magbigay ang Diyos ng isang malakas na sigaw, at hirap Siyang panatilihin ang Sarili Niya sa pagbabalik sa ikatlong langit upang lipulin sila.

mula sa “Gawa at Pagpasok (7)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Masisira ang mundo! Paralisado ang Babylon! Ang mundong relihiyoso—paano ito hindi masisira ng Aking awtoridad sa lupa? Sino pa ang mangangahas na sumuway at tumutol sa Akin? Ang mga tagasulat? Lahat ng relihiyosong opisyal? Ang mga pinuno at mga awtoridad sa lupa? Ang mga anghel? Sino ang hindi makikipagdiwang sa pagiging sakdal at kaganapan ng Aking katawan? Sa mga tao, sino ang hindi kumakanta ng mga papuri sa Akin nang walang tigil, na siyang ganap na masaya? ... Paanong ang mga bansa sa mundo ay hindi maglalaho? Paanong ang mga bansa sa lupa ay hindi babagsak? Paanong ang Aking mga tao ay hindi magdidiwang? Paanong hindi sila kakanta nang may kagalakan?

mula sa “Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas” ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Talababa:

1. “Mag-udyok ng kaguluhan” ay tumutukoy sa kung paano lumalaganap ang mga taong mala-diyablo, hinaharangan at tinututulan ang gawain ng Diyos.

2. “May ngipin na balyena” ay ginamit nang pakutya. Ito ay isang metapora sa kung gaano kaliit ang mga langaw na ang mga baboy at aso ay nagmumukhang sinlaki ng mga balyena sa kanila.

Sinundan:Ano ang iglesia ng Diyos? Ano ang organisasyong pangrelihiyon?

Sumunod:Bakit isinumpa ng Panginoon ang mga Fariseo? Ano ba talaga ang tunay na diwa ng mga Fariseo?

Baka Gusto Mo Rin