Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Patotoo sa Cristo ng mga Huling Araw

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

XIV. Ang mga Kaibhan sa Pagitan ng Iglesia ng Diyos at ng mga Relihiyosong Grupo

1. Ano ang iglesia ng Diyos? Ano ang isang relihiyosong grupo?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Ang iglesia … na siyang katawan niya, na kapuspusan niyaong pumupuspos ng lahat sa lahat” (Efeso 1:22–23).

“At pumasok si Jesus sa templo ng Dios, at itinaboy niya ang lahat na nangagbibili at nangamimili sa templo, at ginulo niya ang mga dulang ng mga mamamalit ng salapi, at ang mga upuan ng mga nagbibili ng mga kalapati; At sinabi niya sa kanila, Nasusulat, Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan, datapuwa’t ginagawa ninyong yungib ng mga tulisan” (Mateo 21:12–13).

At siya’y sumigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi, Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, at naging tahanan ng mga demonio, at kulungan ng bawa’t espiritung karumaldumal, at kulungan ng bawa’t karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon. Sapagka’t dahil sa alak ng galit ng kaniyang pakikiapid ay nangaguho ang lahat ng mga bansa; at ang mga hari sa lupa ay nangakiapid sa kaniya, at ang mga mangangalakal sa lupa ay nagsiyaman dahil sa kapangyarihan ng kaniyang kalayawan” (Pahayag 18:2–3).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Lahat niyaong nasa loob ng agos ng Banal na Espiritu ay nagtataglay ng presensiya at disiplina ng Banal na Espiritu, at yaong mga wala sa loob ng agos ng Banal na Espiritu ay nasa ilalim ng pag-uutos ni Satanas, at walang anumang gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga tao na nasa agos ng Banal na Espiritu ay yaong mga tumatanggap sa bagong gawain ng Diyos, ang mga nakikipagtulungan sa bagong gawain ng Diyos. Kung yaong mga nasa loob ng agos na ito ay walang kakayahang makipagtulungan, at walang kakayahang isagawa ang katotohanan na kinakailangan ng Diyos sa panahong ito, kung gayon sila ay didisiplinahin, at ang pinakamalala ay tatalikuran ng Banal na Espiritu. Yaong mga tumatanggap sa bagong gawain ng Banal na Espiritu, ay mamumuhay sa loob ng agos ng Banal na Espiritu, tatanggapin ang pangangalaga at pag-iingat ng Banal na Espiritu. Yaong mga handang isagawa ang katotohanan ay nililiwanagan ng Banal na Espiritu, at yaong mga hindi handa na isagawa ang katotohanan ay dinidisiplina ng Banal na Espiritu, at maaari pang maparusahan. Hindi alintana kung anong uri ng tao sila, basta’t sila ay nasa loob ng agos ng Banal na Espiritu, pananagutan ng Diyos ang lahat ng tumatanggap sa bagong gawain Niya para sa kapakanan ng Kanyang pangalan. Ang mga lumuluwalhati sa Kanyang pangalan at handang isagawa ang mga salita Niya ay makakatanggap ng Kanyang mga pagpapala; ang mga hindi sumusunod sa Kanya at hindi nagsasagawa ng Kanyang mga salita ay makakatanggap ng Kanyang kaparusahan. Ang mga tao na nasa agos ng Banal na Espiritu ay ang mga tumatanggap sa bagong gawain, at yamang natanggap na nila ang bagong gawain, sila ay nararapat magkaroon ng angkop na pakikipagtulungan sa Diyos, at hindi dapat kumilos na parang mga suwail na hindi ginagampanan ang kanilang tungkulin. Ito ang tanging kinakailangan ng Diyos sa tao. Hindi ganoon para sa mga taong hindi tumatanggap sa bagong gawain: Sila ay nasa labas ng agos ng Banal na Espiritu, at ang disiplina at pamumuna ng Banal na Espiritu ay hindi para sa kanila. Buong araw, ang mga taong ito ay namumuhay sa loob ng laman, sila ay namumuhay sa loob ng kanilang mga isipan, at ang lahat ng ginagawa nila ay ayon sa doktrinang bunga ng paghihimay at pananaliksik ng kanilang sariling mga utak. Hindi ito ang mga kinakailangan ng bagong gawain ng Banal na Espiritu, at lalong hindi ito pakikipagtulungan sa Diyos. Yaong mga hindi tumatanggap sa bagong gawain ng Diyos ay walang presensiya ng Diyos, at, higit sa lahat, salat sa mga pagpapala at pag-iingat ng Diyos. Ang karamihan sa kanilang mga salita at mga pagkilos ay nakaayon sa mga nakalipas na mga kinakailangan ng gawain ng Banal na Espiritu; ang mga ito ay doktrina, hindi katotohanan. Ang gayong doktrina at alituntunin ay sapat na upang patunayan na ang nag-iisang bagay na nagtitipon sa kanila ay relihiyon; hindi sila ang mga hinirang, o ang mga pinag-uukulan ng gawain ng Diyos. Ang pagtitipon nilang lahat na magkakasama ay matatawag lamang na maringal na kongreso ng relihiyon, at hindi matatawag na iglesia. Ito ay isang katunayan na hindi mababago. Wala sa kanila ang bagong gawain ng Banal na Espiritu; ang kanilang ginagawa ay tila samyo-ng-relihiyon, ang kanilang isinasabuhay ay tila sagana sa relihiyon; hindi sila nagtataglay ng presensiya at gawain ng Banal na Espiritu, lalo nang hindi sila karapat-dapat na tumanggap ng disiplina o kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Lahat ng taong ito ay mga walang-buhay na bangkay, at mga uod na walang pagka-esprituwal. Wala silang kaalaman sa pagka-mapanghimagsik at paglaban ng tao, walang kaalaman sa lahat ng masasamang gawa ng tao, lalong wala silang kaalaman sa lahat ng gawain ng Diyos at kasalukuyang kalooban ng Diyos. Lahat sila ay walang alam, mabababang tao, sila ay mga hamak na hindi nararapat tawaging mananampalataya! Wala sa kanilang mga ginagawa ang may kinalaman sa pamamahala ng Diyos, lalong hindi nito masisira ang mga plano ng Diyos. Ang mga salita at pagkilos nila ay nakakadiri, nakakaawa, at talagang hindi karapat-dapat banggitin. Wala sa anumang ginawa niyaong mga wala sa agos ng Banal na Espiritu ang may anumang kinalaman sa bagong gawain ng Banal na Espiritu. Dahil dito, kahit na ano ang kanilang gawin, sila ay walang disiplina ng Banal na Espiritu, at, higit sa lahat, walang kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Dahil lahat sila ay mga taong walang pag-ibig para sa katotohanan, at sila ay kinamuhian at natanggihan na ng Banal na Espiritu. Sila ay tinatawag na makasalanan dahil sila ay lumalakad sa laman, at ginagawa kung ano ang kanilang nais sa ilalim ng karatula ng Diyos. Habang gumagawa ang Diyos, sila ay sadyang palaban sa Kanya, at tumatakbo sa kasalungat na patutunguhan sa Kanya. Ang hindi pakikipagtulungan ng tao sa Diyos ay sukdulang mapanghimagsik sa ganang sarili, kaya’t hindi ba ang mga taong sadyang sumasalungat sa Diyos ay partikular na tinatanggap nila ang nararapat na kaparusahan?

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ano ang tawag ng Diyos sa mga naniwala kay Jehova? Judaismo. Naging isang uri sila ng relihiyosong grupo. At paano naman tinatawag ng Diyos ang mga naniniwala kay Jesus? Sila’y tinatawag bilang bahagi ng relihiyosong grupong Kristiyanismo, tama ba? Sa paningin ng Diyos, relihiyosong grupo ang Judaismo at Kristiyanismo. Bakit ganoon itinuturing ng Diyos ang mga ito? Sa lahat ng kasapi ng mga relihiyosong samahang ito na itinuturing na ganoon ng Diyos, mayroon bang kahit sino na natatakot sa Diyos at nilalayuan ang kasamaan, gumagawa ng kalooban ng Diyos, at sumusunod sa daan ng Diyos? (Wala.) Sa paningin ng Diyos, ang mga sumusunod ba sa Diyos sa pangalan lamang ay magiging mga taong kinikilala Niya bilang mga mananampalataya sa Diyos? Maaari kayang lahat sila’y may ugnayan sa Diyos? Maaari kayang lahat sila’y layon ng pagliligtas ng Diyos? (Hindi.) Kahit natatanggap na ninyo ang gawain ng Diyos ng mga huling araw, darating ba ang araw na kayo ay naibababa sa itinuturing ng Diyos bilang relihiyosong grupo? Mukhang di-maisip ito. Kung mapabilang kayo sa relihiyosong grupo sa paningin ng Diyos, hindi Niya kayo maililigtas at ibig sabihin nito’y hindi kayo kabilang sa tahanan ng Diyos. Kaya subuking ibuod: Ang mga taong ito na sa katawagan lamang naniniwala sa tunay na Diyos nguni’t pinaniniwalaan ng Diyos na kabahagi ng isang relihiyosong grupo—anong landas ang nilalakaran nila? Masasabi kaya na ang mga taong ito’y lumalakad sa landas ng pagwawagayway sa bandila ng pananampalataya nang hindi kailanman sinusunod ang daan Niya o sinasamba Siya, at sa halip ay tinatalikuran ang Diyos? Iyan ay, lumalakad sila sa landas ng paniniwala sa Diyos nguni’t sinasamba si Satanas, isinasakatuparan ang kanilang sariling pamamahala, at sinusubukang itatag ang sarili nilang kaharian—ito ba ang diwa nito? Ang mga tao bang tulad nito ay may anumang ugnayan sa plano ng pamamahala ng Diyos para sa kaligtasan ng tao? (Wala.) Gaano man karami ang mga taong naniniwala sa Diyos, sa sandaling ang paniniwala nila’y itinuturing ng Diyos bilang relihiyon o grupo, kung gayon nalaman na ng Diyos na hindi sila maliligtas. Bakit Ko sinasabi ito? Sa isang pangkat o grupo ng mga taong walang gawain at paggabay ng Diyos at kahit paano’y hindi sumasamba sa Kanya, sinong sinasamba nila? Sinong sinusunod nila? Sa kanilang mga puso kinikilala nila ang Diyos, nguni’t sa katunayan, sila’y sumasailalim sa pagmamanipula at pagkontrol ng tao. Sa ngalan, siguro’y sumusunod sila sa isang tao, nguni’t sa diwa, sumusunod sila kay Satanas, ang diyablo; sumusunod sila sa mga puwersang lumalaban sa Diyos, na mga kaaway ng Diyos. Maililigtas ba ng Diyos ang kawan ng mga taong tulad nito? Nakakapagsisi ba sila? Iwinawagayway nila ang bandila ng pananampalataya, isinasakatuparan ang mga pakikipagsapalaran ng tao, pinatatakbo ang sarili nilang pamamahala, at sila’y sumasalungat sa plano ng pamamahala ng Diyos para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Ang kanilang pangwakas na kalalabasan ay pagiging kinasusuklaman at itinatakwil ng Diyos; hindi posibleng mailigtas ng Diyos ang mga taong ito, hindi posibleng magsisi sila, nabihag na sila ni Satanas—sila’y lubusang nasa kamay ni Satanas. … kung ang mga tao’y di-kayang sumunod sa daan ng Diyos at di-kayang lumakad sa landas ng kaligtasan, ano ang kanilang pangwakas na kalalabasan? Ang kanilang pangwakas na kalalabasan ay matutulad doon sa mga naniniwala sa Kristiyanismo at Judaismo; walang magiging pagkakaiba. Ito ang matuwid na disposisyon ng Diyos! Hindi alintana kung gaano karaming sermon ang napakinggan mo na, at kung gaano karaming katotohanan ang naunawaan mo na, kung sa kasukdulan sinusunod mo pa rin ang mga tao at sinusunod si Satanas, at sa kasukdulan, hindi mo pa rin kayang sumunod sa daan ng Diyos at hindi kayang matakot sa Diyos at layuan ang kasamaan, kung gayon ang mga taong tulad nito ay kasusuklaman at itatakwil ng Diyos. Sa tingin ng lahat, ang mga taong ito na kinasusuklaman at itinatakwil ng Diyos ay makakapagsalita nang marami tungkol sa mga titik at doktrina, gayunman hindi nila kayang matakot sa Diyos at layuan ang kasamaan, at hindi kaya ang lubusang pagsunod sa Diyos. Sa paningin ng Diyos, itinuturing sila ng Diyos bilang isang relihiyon, bilang isa lamang grupo ng mga tao, at bilang isang bahay-tuluyan para kay Satanas. Sama-sama silang itinuturing bilang ang pangkat ni Satanas, at sila’y lubusang kinamumuhian ng Diyos.

—mula sa “Tanging Kapag Namumuhay Ka sa Harapan ng Diyos sa Lahat ng Sandali Nakalalakad Ka sa Landas ng Kaligtasan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Una, pag-usapan natin kung aling mga pananampalataya ang tinutukoy ng “pananampalataya” sa “mga taong may pananampalataya”: Ang ibig sabihin nito ay ang Judaismo, Kristiyanismo, Katolisismo, Islam, at Budismo, itong limang pangunahing relihiyon. …

…………

Sa limang mga relihiyon na ating napag-usapan, ang Kristiyanismo ay tila natatangi. At ano ang natatangi sa Kristiyanismo? Ito ang mga tao na naniniwala sa tunay na Diyos. Paanong nangyari na yaong mga naniniwala sa tunay na Diyos ay naitala rito? Yamang ang Kristiyanismo ay isang uri ng pananampalataya, kung gayon ito ay, nang walang pag-aalinlangan, may kaugnayan lamang sa pananampalataya—ito ay isang uri ng seremonya, isang uri ng relihiyon, at isang bagay na hiwalay mula sa pananampalataya ng mga tunay na sumusunod sa Diyos. Ang katwiran kung bakit inilista Ko ito sa gitna ng limang pangunahing mga relihiyon ay dahil ang Kristiyanismo ay naibaba sa kaparehong antas ng Judaismo, Budismo, at Islam. Karamihan sa mga Kristiyano ay hindi naniniwala na mayroong isang Diyos, o na Siya ang namamahala sa lahat ng bagay, lalong hindi sila naniniwala sa Kanyang pag-iral. Sa halip, ginagamit lamang nila ang mga Banal na Kasulatan upang magsalita tungkol sa teolohiya, ginagamit ang teolohiya upang turuan ang mga tao na maging mabait, upang magtiis ng pagdurusa, at upang gumawa ng mabubuting bagay. Ganyang uri ng relihiyon ang Krsitiyanismo: Pinagtutuunan lamang nito ng pansin ang mga teoryang panteolohiya, wala itong anumang kaugnayan sa gawain ng Diyos sa pamamahala at pagliligtas sa tao, ito ay ang relihiyon nilang mga sumusunod sa Diyos na hindi kinikilala ng Diyos.

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

“Datapuwa’t sinasabi ko sa inyo, na dito ay may isang lalong dakila kay sa templo. Datapuwa’t kung nalalaman ninyo kung ano ang kahulugan nito, Habag ang ibig ko, at hindi hain, ay hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang kasalanan. Sapagka’t ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath” (Mateo 12:6–8). Ano ang tinutukoy ng “templo” dito? Upang maging madali, ang “templo” ay tumutukoy sa isang kahanga-hangang, mataas na gusali, at sa Kapanahunan ng Kautusan, ang templo ay lugar para sa mga saserdote upang sambahin ang Diyos. Nang sinabi ng Panginoong Jesus “dito ay may isang lalong dakila kay sa templo,” kanino tumutukoy ang “isa”? Maliwanag, ang “isa” ay ang Panginoong Jesus sa katawang-tao, sapagka’t Siya ay mas dakila kaysa sa templo. Ano ang sinasabi ng mga salitang ito sa mga tao? Sinasabi nila sa mga tao na lumabas sila sa templo—Nakalabas na ang Diyos at hindi na gumagawa sa loob nito, kaya dapat hanapin ng mga tao ang mga bakas ng Diyos sa labas ng templo at sundan ang Kanyang mga hakbang sa Kanyang gawain. Ang pinagmulan ng pagsasabi nito ng Panginoong Jesus ay sa ilalim ng kautusan, itinuturing na ng mga tao ang templo bilang isang bagay na higit na dakila kaysa sa Diyos Mismo. Iyon ay, sumasamba ang mga tao sa templo sa halip na sambahin ang Diyos, kaya binalaan sila ng Panginoong Jesus na huwag sambahin ang mga idolo, sa halip ay sambahin ang Diyos sapagka’t Siya ang kataas-taasan. Kaya, sinabi Niya: “Habag ang ibig ko, at hindi hain.” Maliwanag na sa mga mata ng Panginoong Jesus, ang karamihan sa mga tao sa ilalim ng kautusan ay hindi na sumasamba sa Diyos na si Jehova, nguni’t basta na lamang nagdaraan sa proseso ng pagsasakripisyo, at tiniyak ng Panginoong Jesus na ang prosesong ito ay pagsamba sa idolo. Itinuturing ng mga sumasambang ito sa idolo ang templo bilang isang bagay na mas dakila, at mas mataas kaysa sa Diyos. Sa kanilang mga puso ay mayroon lamang templo, hindi Diyos, at kung mawala nila ang templo, nawala nila ang kanilang tahanang dako. Kung wala ang templo wala silang masasambahan at hindi na matutupad ang kanilang mga pagsasakripisyo. Ang kanilang tinatawag na tahanang dako ay kung saan nabubuhay sa ilalim ng bandila ng pagsamba sa Diyos na si Jehova, na nagpapahintulot sa kanila na manatili at tuparin ang kanilang sariling mga gawain. Ang kanilang tinatawag na pagsasagawa ng mga sakripisyo ay upang tuparin lamang ang kanilang sariling personal na kahiya-hiyang mga pakikitungo sa ilalim ng balatkayo ng pagsasagawa ng kanilang serbisyo sa templo. Ito ang dahilan kung bakit itinuring ng mga tao nang panahong iyon ang templo bilang higit na dakila kaysa sa Diyos. Sapagka’t ginamit nila ang templo bilang isang taguan, at ang mga sakripisyo bilang isang balatkayo para sa pandaraya sa mga tao at pandaraya sa Diyos, sinabi ng Panginoong Jesus ito upang balaan ang mga tao. Kung gagamitin ninyo ang mga salitang ito sa kasalukuyan, ang mga ito ay kapwa may bisa pa rin at kapwa mahalaga pa rin. Bagama’t ang mga tao sa araw na ito ay nakaranas ng gawain ng Diyos na kaiba kaysa sa naranasan ng mga tao sa Kapanahunan ng Kautusan, ang sangkap ng kanilang kalikasan ay magkapareho.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ano ang mga layunin at ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa China para gumawa sa mga huling araw?

Sumunod:Bakit ang iglesia lamang na tumatanggap at sumusunod sa Kanyang gawain ang pinagpapala ng Diyos? Bakit Niya isinusumpa ang mga relihiyosong grupo?

Baka Gusto Mo Rin