Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Patotoo sa Cristo ng mga Huling Araw

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

XI. Ang mga Katotohanan Tungkol sa Relasyon sa Pagitan ng Diyos at ng Biblia

5. Ano ang tunay na pananalig sa Diyos? Paano dapat manalig sa Diyos ang isang tao para matamo ang Kanyang papuri?

Ang Biblia

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang “paniniwala sa Diyos” ay nangangahulugang paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng pagkakaintindi sa pananampalataya sa Diyos. Bukod pa rito, ang paniniwalang mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na pananalig sa Diyos; kundi, ito ay isang uri ng simpleng pananampalataya na may malakas na pangrelihiyong mga kahulugan. Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng bagay. Sa gayon ikaw ay mapapalaya mula sa iyong tiwaling disposisyon, makakatupad sa ninanasa ng Diyos at makakakilala sa Diyos. Tanging sa pamamagitan ng ganoong paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos.

—mula sa Paunang Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang tunay na paniniwala sa Diyos ay hindi tungkol sa paniniwala sa Kanya para maligtas at lalo pang hindi tungkol sa pagiging mabuting tao. Hindi rin ito tungkol lamang sa paniniwala sa Diyos para magkaroon ng wangis ng tao. Sa katunayan, dapat makita ng mga tao na ang pananampalataya ay hindi lamang paniniwala na mayroong Diyos: hindi ito na dapat maniwala ka lamang na ang Diyos ang katotohanan, ang daan, ang buhay, at wala nang iba pa. Ni hindi ito para lang kilalanin mo ang Diyos at maniwala na ang Diyos ang Pinuno sa lahat ng bagay, na makapangyarihan ang Diyos, na nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay sa mundo, na natatangi at kataas-taasan ang Diyos. Hindi lang ito para maniwala ka sa mga katunayang ito. Ang kalooban ng Diyos ay ang iyong buong pagkatao at ang puso mo ay dapat maibigay sa Diyos at magpasakop sa Diyos; iyon ay, dapat sinusunod mo ang Diyos, hinahayaang gamitin ka ng Diyos, maging masaya na magsilbi para sa Kanya, at dapat mong gawin ang anuman para sa Diyos.

—mula sa “Tanging ang Paghahabol sa Katotohanan ang Tunay na Paniniwala sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Ngayon, ano ang tunay na paniniwala sa Diyos? Ito ay ang pagtanggap sa salita ng Diyos bilang realidad ng iyong buhay at ang pagkilala sa Diyos mula sa Kanyang salita upang makamit ang tunay na pagmamahal sa Kanya. Upang maging malinaw: Ang paniniwala sa Diyos ay upang sumunod ka sa Diyos, mahalin ang Diyos, at gampanan ang tungkulin na dapat magampanan ng isang nilikha ng Diyos. Ito ang layunin ng paniniwala sa Diyos. Dapat mong kamtin ang isang pagkakilala sa pagiging kaibig-ibig ng Diyos, sa kung gaano karapat-dapat ang Diyos sa paggalang, sa kung paano, sa Kanyang mga nilikha, ginagawa ng Diyos ang gawain ng pagliligtas at ginagawa silang perpekto—ito ang pinakamababa na dapat mong taglayin sa iyong paniniwala sa Diyos. Ang paniniwala sa Diyos ay pangunahin na ang paglipat mula sa isang buhay sa laman tungo sa isang buhay ng pagmamahal sa Diyos, mula sa isang buhay sa loob ng pagiging-likas tungo sa isang buhay sa loob ng kung ano ang Diyos, ito ay paglabas mula sa ilalim ng sakop ni Satanas at pamumuhay sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Diyos, ito ay ang nakakayanang makamit ang pagkamasunurin sa Diyos at hindi pagkamasunurin sa laman, ito ay pagpapahintulot sa Diyos na makamit ang iyong buong puso, pagpapahintulot sa Diyos na gawin kang perpekto, at pagpapalaya sa iyong sarili mula sa tiwaling mala-satanas na disposisyon. Ang paniniwala sa Diyos ay pangunahing upang ang kapangyarihan at kaluwalhatian ng Diyos ay maaaring mahayag sa iyo, nang sa gayon maaari mong gawin ang kalooban ng Diyos, at tuparin ang plano ng Diyos, at magawang patotohanan ang Diyos sa harap ni Satanas. Ang paniniwala sa Diyos ay hindi dapat upang makita ang mga tanda at mga kababalaghan, ni hindi dapat para sa kapakanan ng iyong personal na laman. Ito ay dapat na para sa paghahabol sa pagkilala sa Diyos, at kakayahang sumunod sa Diyos, at tulad ni Pedro, sumunod sa Kanya hanggang kamatayan. Ito ay kung ano ang pangunahin upang makamit. Ang pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos ay upang makilala ang Diyos at upang bigyang-kasiyahan ang Diyos. Ang pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos ay nagbibigay sa iyo nang higit na pagkakilala sa Diyos, at pagkatapos lamang nito makakasunod ka sa Diyos. Kung nakikilala mo lamang ang Diyos ay maiibig mo Siya, at ang pagkakamit ng mithiing ito ay ang tanging mithiin na dapat magkaroon ang tao sa kanyang paniniwala sa Diyos. Kung, sa iyong paniniwala sa Diyos, palagi mong sinusubukang makita ang mga tanda at mga kababalaghan, kung gayon ang pananaw ng ganitong paniniwala sa Diyos ay mali. Ang paniniwala sa Diyos ay pangunahing pagtanggap sa mga salita ng Diyos bilang realidad ng buhay. Tanging sa pagsasagawa ng mga salita ng Diyos mula sa Kanyang bibig at pagsasakatuparan ng mga iyon sa iyong sariling kalooban ang pagkakamit ng minimithi ng Diyos. Sa paniniwala sa Diyos, dapat habulin ng tao ang magawang perpekto ng Diyos, ang makayanang magpasakop sa Diyos, at ang kumpletong pagkamasunurin sa Diyos. Kung masusunod mo ang Diyos nang hindi nagrereklamo, nililimi ang mga ninanasa ng Diyos, kinakamit ang tayog ni Pedro, at tinataglay ang estilo ni Pedro na sinabi ng Diyos, doon mo naman makakamtan ang tagumpay sa paniniwala sa Diyos, at ito ay magiging tanda na ikaw ay nakakamtan ng Diyos.

—mula sa “Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Dahil ikaw ay naniniwala sa Diyos, ikaw ay dapat kumain at uminom ng Kanyang salita, danasin ang Kanyang salita, at isabuhay ang Kanyang salita. Ito lamang ang matatawag na paniniwala sa Diyos! Kung sinasabi mo sa iyong bibig na naniniwala ka sa Diyos nguni’t hindi maisagawa ang kahit na ano sa Kanyang mga salita o makagawa ng anumang realidad, hindi ito masasabing naniniwala sa Diyos. Sa halip, ito ay “paghahanap ng tinapay upang pawiin ang gutom.” Ang pagsasalita lamang ng mga walang-kuwentang patotoo, walang-silbing mga bagay, at mabababaw na bagay, nang wala ni katiting na realidad: ang mga ito ay hindi bumubuo sa paniniwala sa Diyos, at sadyang hindi mo lang naintindihan ang tamang paraan ng paniniwala sa Diyos. Bakit mo kailangang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos hangga’t maaari? Ibinibilang ba itong paniniwala sa Diyos kung ikaw ay hindi kumakain at umiinom ng Kanyang mga salita at naghahanap lamang para makaakyat sa langit? Ano ang unang hakbang para sa isang naniniwala sa Diyos? Sa pamamagitan ng anong landas ginagawang perpekto ng Diyos ang tao? Maaari ka bang magawang perpekto nang hindi kumakain at umiinom ng salita ng Diyos? Maibibilang ka bang tao sa kaharian kung wala ang salita ng Diyos bilang iyong realidad? Ano nga ba ang paniniwala sa Diyos? Ang mga naniniwala sa Diyos ay nararapat magtaglay ng mabuting pag-uugali sa panlabas, sa pinakamababa, at higit na mahalaga sa lahat ay ang maangkin ng salita ng Diyos. Kahit na anong mangyari, hindi mo kailanman matatalikuran ang Kanyang salita. Ang iyong pagkakilala sa Diyos at pagtupad ng Kanyang kalooban ay nakakamit lahat sa pamamagitan ng Kanyang salita. Sa hinaharap, ang bawat bansa, denominasyon, relihiyon, at sektor ay malulupig sa pamamagitan ng salita. Magsasalita ang Diyos nang tuwiran, at ang lahat ng tao ay hahawakan ang salita ng Diyos sa kanilang mga kamay; sa pamamagitan nito ay magagawang perpekto ang mga tao. Sa loob at labas, ang salita ng Diyos ay lumalaganap saanman: Ang mga tao ay bibigkasin sa kanilang mga bibig ang salita ng Diyos, magsasagawa ayon sa salita ng Diyos, at iingatan sa kalooban ang salita ng Diyos, na kapwa sa loob at sa labas ay babad sa salita ng Diyos. Sa ganito gagawing perpekto ang mga tao. Ang mga tumutupad sa kalooban ng Diyos at kayang sumaksi sa Kanya ay yaong mga nagtataglay ng salita ng Diyos bilang kanilang realidad.

—mula sa “Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ngayon, nakita na ng lahat ng mga tao na ang isang naglilingkod sa Diyos ay hindi lamang dapat alam kung paano ang magdusa para sa Kanyang kapakanan, nguni’t higit pa, dapat maintindihan nila na ang paniniwala sa Diyos ay para sa kapakanan ng paghahanap na ibigin Siya. Ang paggamit sa iyo ng Diyos ay hindi lamang para sa pagpino sa iyo o para magdusa ka, nguni’t ito ay upang maipaalam sa iyo ang Kanyang mga pagkilos, malaman mo ang tunay na kabuluhan ng buhay ng tao, at lubusang ipabatid sa iyo na hindi madaling tungkulin ang paglilingkod sa Diyos. Hindi tungkol sa pagtatamasa sa biyaya ang pagdanas sa gawain ng Diyos, nguni’t higit ay tungkol sa pagdurusa dahil sa iyong pag-ibig sa Kanya. Yamang tinatamasa mo ang biyaya ng Diyos, dapat mo ring tinatamasa ang pagkastigo Niya—kailangang maranasan mo ang lahat ng ito. Mararanasan mo ang pagliliwanag ng Diyos sa iyo, at mararanasan mo rin ang Kanyang pakikitungo sa iyo at ang Kanyang paghatol. Sa gayong paraan, nararanasan mo ang lahat ng panig. Nakagawa ang Diyos ng gawain ng paghatol sa iyo, at nakagawa rin Siya ng gawain ng pagkastigo sa iyo. Pinakitunguhan ka ng salita ng Diyos, nguni’t niliwanagan ka rin nito, nilinawan ka. Kapag gusto mong tumakas, hinahatak ka pa rin ng kamay ng Diyos. Ang lahat ng gawaing ito ay upang ipaalam sa iyo na ang lahat ng tungkol sa tao ay nasa pagsasaayos ng Diyos. Maaari mong isipin na tungkol sa pagdurusa ang paniniwala sa Diyos, o ang paggawa ng maraming bagay para sa Kanya, o para sa kapayapaan ng iyong laman, o upang maging maayos ang lahat sa iyo, upang maging maginhawa ang lahat—nguni’t wala sa mga ito ang mga layuning dapat mayroon ang mga tao para sa paniniwala sa Diyos. Kung iyan ang iyong paniniwala, kung gayon ay hindi tama ang iyong pananaw at hindi ka basta magagawang perpekto. Ang mga pagkilos ng Diyos, ang matuwid na disposisyon ng Diyos, ang Kanyang karunungan, ang Kanyang mga salita, at ang Kanyang pagiging kamangha-mangha at pagiging di-maarok ay ang lahat ng bagay na dapat maunawaan ng mga tao. Gamitin ang pagkaunawang ito upang tanggalin ang pansariling mga kahilingan gayundin ang mga indibiduwal na mga pag-asa at mga pagkaunawa sa iyong puso. Sa pagtanggal lamang sa mga ito matutugunan mo ang mga kundisyon na hinihingi ng Diyos. Sa pamamagitan lamang nito magkakaroon ka ng buhay at mapalulugod ang Diyos. Ang paniniwala sa Diyos ay para sa pagpapalugod sa Diyos, at upang isabuhay ang disposisyon na Kanyang kinakailangan, upang maipamalas ang Kanyang mga pagkilos at kaluwalhatian sa pamamagitan ng grupong ito ng mga taong di karapat-dapat. Yaon ang tamang pananaw para sa paniniwala sa Diyos, at layunin din na dapat mong hanapin. Mayroon kang dapat na tamang pananaw sa paniniwala sa Diyos at hanapin na matamo ang mga salita ng Diyos. Kailangan mong kainin at inumin ang mga salita ng Diyos, at magawang isabuhay ang katotohanan, at bukod-tanging nakikita ang Kanyang praktikal na mga gawa, nakikita ang Kanyang kamangha-manghang mga gawa sa buong sansinukob, gayundin ang praktikal na gawain na Kanyang ginagawa sa katawang-tao. Sa pamamagitan ng kanilang aktwal na mga karanasan, mapapahalagahan ng mga tao kung paano ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa kanila, at kung ano ang Kanyang kalooban tungo sa kanila. Lahat ng ito ay upang tanggalin ang kanilang tiwaling maka-Satanas na disposisyon. Tanggalin sa sarili mo ang di-malinis at di-matuwid na nasa loob mo, hubarin ang iyong maling mga layunin, at mabubuo sa iyo ang totoong pananampalataya sa Diyos. Sa pamamagitan lamang ng pagkakaroon ng totoong pananampalataya na totoo mong maiibig ang Diyos. Maiibig mo lamang nang tunay ang Diyos sa mga saligan ng iyong paniniwala sa Kanya. Matatamo mo ba ang pag-ibig sa Diyos nang hindi naniniwala sa Kanya? Yamang naniniwala ka sa Diyos, hindi ka dapat hangal tungkol dito. Napupuno ng kalakasan ang ilang mga tao sa sandaling makita nila na ang pananampalataya sa Diyos ay magdudulot sa kanila ng mga pagpapala, nguni’t nawawala ang lahat ng sigla sa sandaling makita nilang magdurusa sila ng mga pagpipino. Paniniwala ba sa Diyos iyan? Sa katapusan, dapat mong maabot ang ganap at lubos na pagsunod sa harap ng Diyos sa iyong pananampalataya. Naniniwala ka sa Diyos nguni’t mayroon ka pa ring mga hinihingi sa Kanya, mayroon pa ring maraming mga relihiyosong pagkaintindi na hindi mo mabitiwan, pansariling mga kapakanan na hindi mo mapakawalan, at naghahangad pa rin ng mga pagpapala sa laman at nais mong iligtas ng Diyos ang iyong laman, na iligtas ang iyong kaluluwa—lahat ng ito ay mga pagpapahayag ng mga tao na may maling pananaw. Bagama’t may pananampalataya sa Diyos ang mga taong may mga relihiyosong paniniwala, hindi sila naghahanap ng pagbabago sa disposisyon, hindi naghahabol ng pagkakilala sa Diyos, at ang hinahanap lamang nila ay ang mga kapakanan ng kanilang laman. Marami sa gitna ninyo ang mayroong mga pananampalataya na kabilang sa kategorya ng relihiyosong mga paniniwala. Hindi iyan totoong pananampalataya sa Diyos. Upang maniwala sa Diyos kailangang angkin ng mga tao ang isang puso na magdurusa para sa Kanya at handang isuko ang kanilang mga sarili. Hangga’t hindi nila natutugunan ang dalawang kalagayang ito hindi ito nabibilang na pananampalataya sa Diyos, at hindi nila matatamo ang pagbabago sa disposisyon. Ang mga tao lamang na tunay na naghahabol sa katotohanan, naghahanap ng pagkakilala sa Diyos, at naghahabol sa buhay ay yaong mga totoong naniniwala sa Diyos.

—mula sa “Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa kanyang pananampalataya sa Diyos, hinanap ni Pedro na mapasaya ang Diyos sa lahat ng bagay, at hinanap na sundin ang lahat ng nagmula sa Diyos. Nang wala ni katiting na reklamo, kinaya niyang tanggapin ang pagkastigo at paghatol, pati na rin ang pagpipino, kapighatian at kakulangan sa kanyang buhay, kung saan wala sa mga nabanggit ang makapagbabago ng kanyang pag-ibig sa Diyos. Hindi ba ito ang sukdulang pag-ibig sa Diyos? Hindi ba ito ang katuparan ng tungkulin ng isang nilalang ng Diyos? Sa pagkastigo, paghatol, o kapighatian, laging may kakayahan kang makamit ang pagsunod hanggang kamatayan, at ito ang dapat na makamit ng isang nilalang ng Diyos, ito ang pagiging dalisay ng pagmamahal ng Diyos. Kung kaya ng tao na magkamit ng ganito kahigit, kung gayon siya ay isang angkop na nilalang ng Diyos, at walang mas makapagpapasaya sa kalooban ng Lumikha. Ipagpalagay mo na kaya mong gumawa para sa Diyos, nguni’t hindi ka sumusunod sa Diyos, at hindi mo kayang tunay na magmahal sa Diyos. Sa ganitong paraan, hindi mo lamang sa hindi natupad ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos, nguni’t maisusumpa rin ng Diyos, dahil ikaw ay isang taong hindi nagtataglay ng katotohanan, na hindi kayang sumunod sa Diyos, at isang masuwayin sa Diyos. Pinahahalagahan mo lamang ang paggawa para sa Diyos, at hindi pinahahalagahan ang pagsasagawa ng katotohanan, o pagkilala sa iyong sarili. Hindi mo naiintindihan o nakikilala ang Lumikha, at hindi sumusunod o nagmamahal sa Lumikha. Ikaw ay taong likas na masuwayin sa Diyos, at kaya ang mga taong ganoon ay hindi mahal ng Lumikha.

—mula sa “Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Upang ibuod ang pagtahak sa landas ni Pedro sa paniniwala sa Diyos, ito ay ang pagtahak sa landas ng paghahabol sa katotohanan, na siya ring landas ng tunay na pagkilala sa sarili at pagbabago sa disposisyon ng isa. Sa pamamagitan lamang ng pagtahak sa daan ni Pedro matatahak ng isa ang landas ng pagiging ginawang perpekto ng Diyos. Dapat maging malinaw sa isa kung paano espesipiko na tahakin ang landas ni Pedro at kung paano ito isagawa. Una, dapat munang isantabi ng isa ang kanyang sariling mga hangarin, di-wastong mga paghahabol, at maging ang kanyang sambahayan at lahat ng bagay ukol sa kanyang sariling laman. Dapat siyang maging buong-pusong nakatalaga, iyon ay, ganap na italaga ang kanyang puso tungo sa salita ng Diyos, magtuon ng pansin sa pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos, magtuon ng pansin sa paghahanap para sa katotohanan, sa paghahanap para sa hangarin ng Diyos sa Kanyang mga salita, at subukang maunawaan ang kalooban ng Diyos sa lahat ng bagay. Ito ang pinakapangunahin at ang pinakamahalagang paraan ng pagsasagawa. Ito ang ginawa ni Pedro pagkatapos niyang makita ang Panginoong Jesus, at sa pamamagitan lamang ng pagsasagawa sa ganitong paraan nakakamit ng isa ang pinakamahusay na mga resulta. Ang buong-pusong pagtatalaga sa mga salita ng Diyos ay pangunahing nangangahulugan ng paghahanap sa katotohanan, paghahanap sa hangarin ng Diyos sa loob ng Kanyang mga salita, pagtutuon ng pansin sa pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at pag-unawa at pagkakamit ng mas maraming katotohanan mula sa mga salita ng Diyos. Kapag binabasa ang Kanyang mga salita, hindi nakatuon si Pedro sa pag-unawa sa mga doktrina at siya ay lalo pang hindi nakatuon sa pagkakamit ng kaalamang pangteolohiya; sa halip, siya ay nakatuon sa pag-unawa sa katotohanan at pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at pagtatamo ng pagkaunawa ng Kanyang disposisyon at ng Kanyang pagiging kaibig-ibig. Sinubukan din niyang unawain ang iba’t ibang tiwaling mga kalagayan ng tao mula sa mga salita ng Diyos, at unawain ang tiwaling kalikasan ng tao at ang tunay na mga pagkukulang ng tao, tinatamo ang lahat ng aspeto ng mga hinihingi ng Diyos sa tao upang mapalugod Siya. Nagkaroon siya ng napakaraming wastong mga pagsasagawa sa loob ng mga salita ng Diyos; ito ay halos naaayon sa kalooban ng Diyos, at ito ang pinakamahusay na pakikipagtulungan ng tao sa kanyang karanasan sa gawain ng Diyos. …

Kung kaya ng isa na bigyang-kasiyahan ang Diyos kapag ginagampanan ang kanyang tungkulin, may panuntunan sa kanyang mga salita at mga kilos, at tunay na makapapasok tungo sa realidad ng lahat ng aspeto ng katotohanan, kung gayon siya ay magiging isang tao na ginagawang perpekto ng Diyos. Masasabi na ang gawain at mga salita ng Diyos ay lubos na mabisa para sa taong ito, na ang mga salita ng Diyos ay nagiging kanyang buhay, nakukuha niya ang katotohanan, at makakaya niyang mabuhay alinsunod sa mga salita ng Diyos. Pagkatapos nito ang kalikasan ng kanyang laman, iyon ay, ang saligan ng kanyang katutubong pag-iral ay mauuga at mabubuwal. Pagkatapos taglayin ng isa ang mga salita ng Diyos bilang kanyang buhay siya ay nagiging isang bagong tao. Ang mga salita ng Diyos ay nagiging kanyang buhay; ang pangitain ng gawain ng Diyos, ang Kanyang mga kinakailangan mula sa tao, ang Kanyang pahayag sa tao, at ang mga pamantayan para sa isang tunay na buhay na kinakailangan ng Diyos na matamo ng tao ay nagiging kanyang buhay—siya ay nabubuhay alinsunod sa mga salitang ito at sa mga katotohanang ito, at ang taong ito ay nagiging perpekto sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Nakakaranas siya ng muling-pagsilang at nagiging isang bagong tao sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Ito ang landas kung paano naghabol si Pedro sa katotohanan; ito ay ang landas ng pagiging ginagawang perpekto, ginagawang perpekto sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, at nagkakamit ng buhay mula sa mga salita ng Diyos. Ang katotohanan na ipinapahayag ng Diyos ay naging kanyang buhay, at sa gayon lamang siya naging isang tao na nakamit ang katotohanan.

—mula sa “Paano Tahakin ang Landas ni Pedro” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Sinundan:Walang daan tungo sa buhay na walang hanggan sa loob ng Biblia; kung pinanghahawakan ng tao ang Biblia at sinasamba ito, hindi nila matatamo ang buhay na walang hanggan

Sumunod:Paano dapat ituring at gamitin ng isang tao ang Biblia sa isang paraang naaayon sa kalooban ng Diyos? Ano ang likas na halaga ng Biblia?

Baka Gusto Mo Rin