Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Paraan para Makilala ang Diyos

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Ang Kapalaran ng Sangkatauhan at ang Kapalaran ng Sansinukob ay Di Maihihiwalay mula sa Dakilang Kapangyarihan ng Manlilikha

Ang Kapalaran ng Sangkatauhan at ang Kapalaran ng Sansinukob ay Di Maihihiwalay mula sa Dakilang Kapangyarihan ng Manlilikha

Lahat kayo ay matatanda na. Ang ilan sa inyo ay nasa katanghaliang-gulang; ang ilan ay nakapasok na sa matandang edad. Mula sa isang di-mananampalataya tungo sa isang mananampalataya, at mula sa simula ng paniniwala sa Diyos sa pagtanggap sa salita ng Diyos at pagdanas sa gawa ng Diyos, gaano karaming kaalaman na ang nakamtan ninyo sa dakilang kapangyarihan ng Diyos? Anong mga pananaw ang natamo ninyo sa pantaong kapalaran? Maaari bang makamit ng tao ang lahat ng kanyang mga inaasam sa buhay? Ilang bagay sa loob ng ilang dekada ng inyong buhay ang naisakatuparan ninyo ayon sa inyong ninais? Ilang mga bagay ang hindi nangyari gaya ng inasahan? Ilang mga bagay ang dumating bilang kaaya-ayang mga sorpresa? Ilang mga bagay ang hinihintay pa ng mga tao na maaaring magdala ng bunga—walang malay na naghihintay sa tamang sandali, naghihintay sa kalooban ng Langit? Ilang mga bagay ang nagpaparamdam sa mga tao na wala silang magawa at bigo? Ang bawat isa ay puno ng pag-asa tungkol sa kanilang kapalaran, at umaasa na ang lahat sa kanilang buhay ay aayon sa kanilang ninanais, na hindi sila mangangailangan ng pagkain o pananamit, na ang kanilang swerte ay kamangha-manghang aangat. Walang sinuman ang nagnanais ng isang buhay na dukha at api, puno ng paghihirap, dinadagsa ng mga kalamidad. Subalit hindi maaaring mahulaan ng mga tao o makontrol ang lahat ng mga ito. Marahil para sa iba, ang nakaraan ay isang pagkakahalu-halo ng mga karanasan; hindi kailanman nila natutunan kung ano ang kalooban ng Langit, ni wala silang pag-intindi kung ano ito. Isinasabuhay nila ang kanilang buhay nang hindi nag-iisip, tulad ng mga hayop, nabubuhay sa araw-araw, walang iniintindi tungkol sa ano ang kapalaran ng sangkatauhan, tungkol sa kung bakit ang mga tao ay buhay o kung paano dapat silang mamuhay. Ang mga taong ito ay nakarating sa katandaang gulang na walang natamong pagkaunawa sa pantaong tadhana, at hanggang sa sandali na sila’y mamatay wala silang ideya kung ano ang tungkol sa buhay. Ang mga ganoong tao ay patay; sila’y mga nilalang na walang espiritu; sila’y mga hayop. Bagaman nabubuhay kasama ang lahat ng mga bagay, ang mga tao ay nakakakuha ng kasiyahan mula sa maraming mga paraan na kung saan binibigyang-lugod ng mundo ang kanilang materyal na mga pangangailangan, kahit na nakikita nila ang materyal na mundong ito na patuloy na sumusulong, ang kanilang sariling karanasan—kung ano ang nadarama at nararanasan ng kanilang mga puso at kanilang mga espiritu—ay walang kinalaman sa mga materyal na bagay, at walang anumang materyal ang kapalit nito. Ito ay isang pagkilala sa kaibuturan ng sariling puso, isang bagay na hindi maaaring makita ng mata lamang. Ang pagkilalang ito ay namamalagi sa pag-unawa at pakiramdam ng tao sa buhay ng tao at kapalaran ng tao. At palagi nitong pinangungunahan ang sarili sa agam-agam na ang di-nakikitang Panginoon ay isinasaayos ang lahat ng bagay, nagsasaayos ng lahat ng bagay para sa tao. Sa gitna ng lahat ng ito, hindi maaaring hindi tanggapin ang mga paghahanda at pagsasaayos ng tadhana; sa parehong panahon, hindi maaaring hindi tanggapin ang landas na inilatag ng Manlilikha, ang kapangyarihan ng Manlilikha sa kapalaran ng sinuman. Ito ang hindi mapag-aalinlangang katotohanan. Anuman ang pag-iisip at pag-uugaling mayroon ang isang tao tungkol sa kapalaran, walang makapagbabago sa katotohanang ito.

Saan ka pupunta araw-araw, ano ang gagawin mo, sino o ano ang iyong makakatagpo, ano ang sasabihin mo, ano ang mangyayari sa iyo—maaari bang mahulaan ang alinman sa mga ito? Hindi maaaring mahulaan ng mga tao ang lahat ng mga pangyayaring ito, higit lalo ang makontrol kung paano ito magaganap. Sa buhay, ang mga di-nakikitang mga pangyayaring ito ay nagaganap sa lahat ng oras, at ito’y mga pang araw-araw na pangyayari. Ang mga araw-araw na malaking mga pagbabago at ang mga paraan ng pagladlad ng mga ito o ang mga disenyo na ipinapakita nila, ay palagiang mga paalaala sa sangkatauhan na walang nangyayari nang walang pinipili, na ang mga pagsasanga-sanga ng mga ito at ng kanilang kawalang kayang maiiwasan, ay hindi mababago ng pantaong kagustuhan. Bawa’t pangyayari ay nagpapahatid ng isang tagubilin mula sa Manlilikha ng sangkatauhan, at nagpapadala din ito ng mensahe na ang mga taong nilalang ay hindi maaaring makontrol ang kanilang sariling kapalaran; kasabay nito ang bawa’t pangyayari ay isang ganting-matwid sa padalus-dalos, walang-saysay na ambisyon at mga pagnanasa ng sangkatauhan na ilagay sa sariling mga kamay ang kanilang kapalaran. Ang mga ito’y mga malalakas na sampal na sunud-sunod sa mga tainga ng sangkatauhan, pinupwersa ang mga tao na isaalang-alang, sa pagtatapos, na pamahalaan at kontrolin ang kanilang kapalaran. At habang ang kanilang mga ambisyon at mga pagnanais ay paulit-ulit na nahahadlangan at nadudurog, ang mga tao ay natural na dumarating sa isang walang-malay na pagtanggap sa kung ano ang nailaan ng kapalaran, ang pagtanggap sa realidad, ng kalooban ng Langit at ng dakilang kapangyarihan ng Manlilikha. Mula sa pang-araw-araw na malalaking mga pagbabago tungo sa mga kapalaran ng buong pantaong pamumuhay, walang hindi ibinubunyag ang plano ng Maylalang at Kanyang dakilang kapangyarihan; walang anumang hindi nagpapaabot ng mensahe na "ang awtoridad ng Lumikha ay hindi malalampasan," ang hindi nagpapadala ng walang hanggang katotohanan na "ang awtoridad ng Lumikha ay pinakamataas."

Ang mga kapalaran ng sangkatauhan at ng sansinukob ay malapit na nakapulupot sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, di-maihihiwalay na nakatali sa mga pagsasaayos ng Manlilikha; sa katapusan, sila ay hindi maaaring maihiwalay mula sa awtoridad ng Manlilikha. Sa pamamagitan ng mga batas ng lahat ng mga bagay nakakarating ang tao sa pagkaunawa ng mga pagsasaayos ng Manlilikha at Kanyang dakilang kapangyarihan; sa pamamagitan ng mga patakaran ng kaligtasan nararamdaman niya ang pamamahala ng Manlilikha; mula sa mga kapalaran ng lahat ng mga bagay kumukuha siya ng mga konklusyon tungkol sa mga paraan na isinasagawa ng Manlilikha ang Kanyang dakilang kapangyarihan at pagkontrol sa kanila; at sa mga siklo ng buhay ng mga tao at lahat ng bagay, tunay na nararanasan ng tao ang pagsasaayos at paghahanda ng Lumikha para sa lahat ng bagay at may buhay at tunay na sumasaksi sa kung paanong ang mga pagsasaayos at paghahandang 'yon ay humahalili sa lahat ng maka-lupang batas, patakaran, at mga institusyon, lahat ng iba pang kapangyarihan at puwersa. Dahil dito, napipilitan ang sangkatauhan na kilalanin na ang dakilang kapangyarihan ng Manlilikha ay hindi maaaring labagin ng sinumang nilalang, na walang puwersa ang maaaring makialam ni palitan ang mga pangyayari at mga bagay na itinakda ng Manlilikha. Sa ilalim ng mga sagradong batas at mga patakarang ito nabubuhay at nagpaparami ang mga tao at lahat ng bagay, sa bawat salinlahi. Hindi ba ito ang tunay na diwa ng awtoridad ng Manlilikha? Bagaman nakikita ng tao, sa layunin ng mga batas, ang dakilang kapangyarihan ng Manlilikha at Kanyang ordinasyon para sa lahat ng mga pangyayari at lahat ng mga bagay, ilang mga tao ang nakakaunawa sa prinsipyo ng dakilang kapangyarihan ng Manlilikha sa sansinukob? Ilang tao ang maaaring tunay na makaalam, makakilala, makatanggap at mapasailalim sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha at kaayusan ng kanilang sariling kapalaran? Sino, matapos maniwala sa katotohanan ng dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, ang tunay na naniniwala at kumikilala na ang Manlilikha ang nagdidikta rin ng kapalaran ng buhay ng tao? Sino ang maaaring tunay na makaunawa sa katotohanan na ang kapalaran ng tao ay nakapatong sa palad ng Manlilikha? Ang uri ng pag-uugali na dapat na magkaroon ang sangkatauhan hinggil sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, kapag naharap siya sa katotohanan na pinamamahalaan at kinokontrol Niya ang kapalaran ng sangkatauhan, ay isang kapasyahan na dapat gawin ng bawat tao sa sarili niya na ngayon ay kaharap ng katotohanan na ito.

mula sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Binabalanse ng Diyos ang mga Ugnayan sa Pagitan ng Lahat ng mga bagay Upang Ipagkaloob sa Tao ang Isang Matatag na Kapaligiran para Mabuhay

Sumunod:Kapanganakan: Ang Unang Sugpungan

Baka Gusto Mo Rin