3. Ano ang mga Ibubunga ng Pagkapit ng Isang Tao sa Pangalan ni Jehova at sa Pangalan ng Panginoong Jesus sa Kanyang Pananalig, at Hindi Pagtanggap sa Bagong Pangalan ng Nagbalik na Panginoon?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian

"Ikaw ay tatawagin sa bagong pangalan, na ipangangalan ng bibig ng Panginoon" (Pahayag 62:2).

"Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya'y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan" (Pahayag 3:12).

"Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat" (Pahayag 1:8).

"At ang apat na nilalang na buhay, na may anim na pakpak bawa’t isa sa kanila, ay mga puno ng mata sa palibot at sa loob; at sila’y walang pahinga araw at gabi, na nagsasabi, Banal, banal, banal, ang Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa lahat, na nabuhay at nabubuhay at siyang darating" (Pahayag 4:8).

"Na nangagsasabi, Pinasasalamatan ka namin, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, na ikaw ngayon, at naging ikaw nang nakaraan; sapagka’t hinawakan mo ang iyong dakilang kapangyarihan, at ikaw ay naghari" (Pahayag 11:17).

"Mga dakila at kagilagilalas ang iyong mga gawa, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat; matuwid at tunay ang iyong mga daan, ikaw na Hari ng mga bansa" (Pahayag 15:3).

Mga Klasikong Salita Mula sa Diyos

Ang gawain na isinagawa ni Jesus ay kumatawan sa pangalan ni Jesus, at kumatawan ito sa Kapanahunan ng Biyaya; para sa gawain na isinagawa ni Jehova, ito ay kumatawan kay Jehova, at kumatawan sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang Kanilang gawain ay gawain ng isang Espiritu sa dalawang magkaibang kapanahunan. ... Kahit na Sila ay tinatawag sa dalawang magkaibang pangalan, ang parehong yugto ng gawain ay isinagawa ng iisang Espiritu, at ang gawain na isinagawa ay tuluy-tuloy. Dahil magkaiba ang pangalan, at ang nilalaman ng gawain ay magkaiba, ang kapanahunan ay magkaiba rin. Nang dumating si Jehova, iyon ang kapanahunan ni Jehova, at nang dumating si Jesus, iyon ang kapanahunan ni Jesus. At kaya, sa bawat pagkakataon na dumarating ang Diyos, Siya ay tinatawag sa iisang pangalan, kinakatawan Niya ang isang kapanahunan, at Siya ay nagbubukas ng bagong daan; at sa bawat bagong daan, Siya ay gumagamit ng bagong pangalan, na nagpapakita na ang Diyos ay laging bago at di-kailanman luma, at ang Kanyang gawain ay patuloy na umuunlad pasulong. Ang kasaysayan ay patuloy na sumusulong, at ang gawain ng Diyos ay patuloy na sumusulong. Upang marating ang katapusan ng Kanyang anim na libong taong plano sa pamamahala, nararapat itong patuloy na umunlad pasulong. Kailangan Niyang magsagawa ng bagong gawain sa bawat araw, kailangan Niyang magsagawa ng bagong gawain sa bawat taon; kailangan Niyang magbukas ng mga bagong daan, mga bagong kapanahunan, magsimula ng bago at higit na malaking mga gawain, at magdala ng mga bagong pangalan at gawain. mula sa "Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)"

Ang bawat kapanahunan ay nagtatampok ng natatanging pagkatawan sa disposisyon ng Diyos, at ang bawat kapanahunan ay naglalaman ng mga gawain na nararapat isagawa ng Diyos. Kaya, ang gawaing ginawa ng Diyos Mismo sa bawat kapanahunan ay naglalaman ng pagpapahayag ng Kanyang tunay na disposisyon, at ang Kanyang pangalan at ang isinasagawa Niyang gawain ay parehong nagbabago kasabay ng kapanahunan; ang lahat ng ito ay bago. Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang gawain ng paggabay sa sangkatauhan ay isinagawa sa ilalim ng pangalan ni Jehova, at ang unang yugto ng gawain ay isinagawa sa lupa. ... Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang pangalan ng Diyos ay Jesus, na nangangahulugan na ang Diyos ay ang Diyos na nagligtas sa tao, at Siya ay isang maawain at mapagmahal na Diyos. Kasama ng tao ang Diyos. Ang Kanyang pagmamahal, ang Kanyang awa, at ang Kanyang kaligtasan ay naging kapiling ng bawat tao. Ang tao ay maaari lang magkamit ng kapayapaan at kagalakan, makatanggap ng Kanyang pagpapala, makatanggap ng Kanyang marami at malawak na biyaya, at matanggap ang Kanyang kaligtasan kung tinanggap ng tao ang Kanyang pangalan at tinanggap ang Kanyang presensiya. Sa pamamagitan ng pagkakapako ni Jesus sa krus, ang siyang mga sumunod sa Kanya ay nakatanggap ng kaligtasan at pinatawad sa kanilang mga kasalanan. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang pangalan ng Diyos ay Jesus. Sa madaling salita, ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya ay isinagawa una sa lahat sa ilalim ng pangalan ni Jesus. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos ay tinawag na Jesus. Gumawa Siya ng gawain na higit pa sa Lumang Tipan, at ang Kanyang gawain ay natapos sa pagpapapako sa krus, at iyon ang kabuuan ng Kanyang gawain. Samakatuwid, sa Kapanahunan ng Kautusan, Jehova ang pangalan ng Diyos, at sa Kapanahunan ng Biyaya, ang pangalan ni Jesus ay kumatawan sa Diyos. Sa mga huling araw, ang Kanyang pangalan ay Makapangyarihang Diyos—ang Makapangyarihan sa lahat, na gumagamit sa Kanyang kapangyarihan upang gabayan ang tao, lupigin ang tao at makamit ang tao, at sa huli, wakasan ang kapanahunan. Sa bawat kapanahunan, sa bawat yugto ng Kanyang gawain, ang disposisyon ng Diyos ay kapansin-pansin. mula sa "Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)"

At sa gayon, kapag ang panghuling kapanahunan—ang kapanahunan ng mga huling araw—ay dumating, ang Aking pangalan ay magbabagong muli. Hindi na Ako tatawaging Jehova, o Jesus, higit na hindi Mesias, ngunit tatawaging ang Makapangyarihang Diyos Mismo, at sa ilalim ng pangalang ito, dadalhin Ko ang buong kapanahunan sa isang katapusan. Minsan na Akong kinilala bilang Jehova. Ako rin ay tinawag na ang Mesias, at minsan na Akong tinawag ng mga tao na Jesus na Tagapagligtas sapagkat minahal at iginalang nila Ako. Subalit ngayon hindi na Ako ang Jehova o Jesus na nakilala ng mga tao sa nakalipas na mga panahon—Ako ang Diyos na bumalik sa mga huling araw, ang Diyos na magdadala sa kapanahunan sa isang katapusan. Ako ang Diyos Mismo na bumabangon mula sa mga dulo ng mundo, puno sa Aking buong disposisyon, at puspos ng awtoridad, karangalan at kaluwalhatian. Kailanman ay hindi nakibahagi sa Akin ang mga tao, kailanman hindi Ako nakilala, at palaging walang-alam sa Aking disposisyon. Mula sa pagkalikha ng mundo hanggang ngayon, wala ni isang tao ang nakakita sa Akin. Ito ang Diyos na nagpapakita sa tao sa mga huling araw ngunit nakatago sa mga tao. Siya ay nakikipamuhay kasama ng tao, tunay at totoo, tulad ng isang nag-aapoy na araw at nagniningas na apoy, puspos ng kapangyarihan at nag-uumapaw sa awtoridad. Walang isang tao o bagay na hindi mahahatulan ng Aking mga salita, at walang isang tao o bagay ang hindi padadalisayin sa pamamagitan ng pagliliyab ng apoy. Sa huli, ang lahat ng mga bansa ay pagpapalain dahil sa Aking mga salita, at madudurog din ng pira-piraso dahil sa Aking mga salita. Sa ganitong paraan, lahat ng mga tao sa panahon ng mga huling araw ay makikita na Ako ang Tagapagligtas na bumalik, Ako ang Makapangyarihang Diyos na lumulupig sa lahat ng sangkatauhan, at para sa tao Ako ay ang minsan ng alay sa kasalanan, subalit sa mga huling araw Ako rin ay magiging mga ningas ng araw na susunog sa lahat ng bagay, gayundin ang Araw ng pagkamatuwid na magbubunyag sa lahat ng bagay. Ganoon ang Aking gawain sa mga huling araw. Kinuha Ko ang pangalang ito at nagmamay-ari Ako ng disposisyong ito upang makita ng lahat ng tao na Ako ay isang matuwid na Diyos, at Ako ay ang nagliliyab na araw, at ang nagniningas na apoy. Ito ay gayon upang ang lahat ay sambahin Ako, ang tanging tunay na Diyos, at sa gayon makita nila ang Aking tunay na mukha: Ako ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, at hindi rin Ako basta ang Manunubos—Ako ang Diyos ng lahat ng mga nilikha sa buong kalangitan at lupa at karagatan. mula sa "Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng ‘Puting Ulap’"

Kung palagi Akong tinatawag ng tao na Jesucristo, ngunit hindi nalalaman na nasimulan Ko na ang isang bagong kapanahunan sa panahon ng mga huling araw at nakapagsimula na sa isang bagong gawain, kung palaging sumasagi sa alaala ng tao ang paghihintay sa pagdating ni Jesus na Tagapagligtas, samakatwid tatawagin Ko ang mga ganitong tao bilang mga taong hindi naniniwala sa Akin. Sila ay mga taong hindi nakakakilala sa Akin, at ang kanilang paniniwala sa Akin ay isang paimbabaw. Maaari kayang masaksihan ng mga taong ganoon ang pagdating ni Jesus na Tagapagligtas mula sa langit? Ang kanilang hinihintay ay hindi ang Aking pagdating, ngunit ang pagdating ng Hari ng mga Hudyo. Hindi nila pinananabikan ang Aking paglipol sa maruming lumang mundong ito, sa halip ay hinahangad nila ang ikalawang pagdating ni Jesus, pagkatapos niyon sila ay matutubos; inaasahan nila si Jesus na muling tutubusin ang lahat ng sangkatauhan mula sa nadumihan at di-matuwid na lupang ito. Paano maaaring mangyari na ang mga tao ay maging yaong magagawang ganap ang Aking gawain sa panahon ng mga huling araw? Ang mga pagnanais ng tao ay walang kakayahan na makamit ang Aking mga hangarin o isakatuparan ang Aking mga gawain, pagkat tanging hinahangaan o pinapahalagahan lamang ng tao ang mga nagawa Ko dati, at walang ideya na Ako ang Diyos Mismo na palaging bago at kailanman ay hindi naluluma. Ang alam lang ng tao ay na Ako si Jehova, at Jesus, at walang malay na Ako ang Katapusan, ang Siyang magdadala sa sangkatauhan sa katapusan. Lahat nang pinananabikan at nalalaman ng tao ay mula sa kanyang sariling pagkaintindi, at tanging yaon na maaari niya lamang makita ng kanyang sariling mga mata. Hindi ito ayon sa gawaing ginagawa Ko subalit di-pagkakaisa dito. mula sa "Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng ‘Puting Ulap’"

Yamang naniniwala ang tao sa Diyos, dapat niyang sundan ang mga yapak ng Diyos, isa-isang hakbang; dapat siyang "sumunod sa Kordero saan man Siya pumaroon." Ang mga ito lamang ang mga taong naghahanap ng totoong daan, sila lamang yaong mga nakakaalam sa gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga taong labis na sumusunod sa mga liham at mga doktrina ay yaong mga naalis ng gawain ng Banal na Espiritu. Sa bawa’t sakop ng panahon, ang Diyos ay magsisimula ng bagong gawain, at sa bawa’t panahon, magkakaroon ng bagong simula sa gitna ng mga tao. Kung ang tao ay sumusunod lamang sa mga katotohanan na "si Jehova ang Diyos" at "si Jesus ang Cristo," na mga katotohanan na nailalapat lamang sa iisang kapanahunan, sa gayon ang tao ay hindi kailanman makakasabay sa gawain ng Banal na Espiritu, at magpakailanmang walang kakayahang magkamit ng gawain ng Banal na Espiritu. Hindi alintana kung paano gumagawa ang Diyos, ang tao ay sumusunod nang wala ni katiting na pag-aalinlangan, at siya ay sumusunod nang malapitan. Sa paraang ito, paano maaalis ng Banal na Espiritu ang tao? Hindi alintana kung ano ang ginagawa ng Diyos, hangga't ang tao ay nakatitiyak na ito ay gawain ng Banal na Espiritu at nakikipagtulungan sa gawain ng Banal na Espiritu nang walang pag-aalinlangan, at sinusubukang tugunan ang mga kinakailangan ng Diyos, kung gayon, paano siya maparurusahan? Hindi nahinto kailanman ang gawain ng Diyos, hindi kailanman natigil ang Kanyang mga yapak, at bago pa man matapos ang Kanyang gawain ng pamamahala, Siya ay palaging maraming ginagawa, at hindi tumitigil. Nguni’t iba ang tao: Nagkamit lamang ng maliit na gawain ng Banal na Espiritu, itinuturing niya ito na parang hindi kailanman magbabago; nagkamit lamang ng maliit na kaalaman, hindi na siya nagpapatuloy sa pagsunod sa mga yapak ng mas bagong gawain ng Diyos; nakakita lamang ng maliit na bahagi ng gawain ng Diyos, agad na niyang itinuring na kahoy na imahen ang Diyos, at naniniwala na mananatili sa ganoong anyo ang Diyos sa harap niya, na ganito rin sa nakalipas at laging magiging ganoon sa hinaharap; nagkamit lamang ng mababaw na kaalaman, napakayabang ng tao kaya’t nakakalimutan niya ang kanyang sarili at nagsisimulang ipahayag ang disposisyon at pagiging-Diyos na hindi talaga umiiral; at yamang nanatili sa isang yugto ng gawain ng Banal na Espiritu, kahit anong uri ng tao ang nagpapahayag ng bagong gawain ng Diyos, hindi ito tinatanggap ng tao. Ang mga ito ay mga taong hindi matanggap ang bagong gawain ng Banal na Espiritu; masyado silang makaluma, at hindi kayang tumanggap ng mga bagong bagay. Ang gayong mga tao ay naniniwala sa Diyos nguni’t tinatanggihan din ang Diyos. Naniniwala ang tao na mali ang mga Israelita na "maniwala lamang kay Jehova at hindi kay Jesus," nguni’t karamihan ng mga tao ay gumaganap ng papel kung saan sila ay "naniniwala lamang kay Jehova at tinatanggihan si Jesus" at "nananabik para sa pagbabalik ng Tagapagligtas, nguni’t tinututulan ang Tagapagligtas na tinatawag na Jesus." Hindi na nakapagtataka, na ang mga tao ay nabubuhay pa rin sa ilalim ng sakop ni Satanas matapos tanggapin ang isang yugto ng gawain ng Banal na Espiritu, at hindi pa rin tinatanggap ang mga pagpapala ng Diyos. Hindi ba’t ito ang bunga ng pagkasuwail ng tao? ... Tanging ang mga sumusunod lamang sa mga yapak ng Kordero hanggang sa katapusan ang magkakamit ng pangwakas na pagpapala, samantalang ang mga "tusong tao," na hindi makasunod hanggang sa katapus-katapusan nguni’t naniniwala na nakamtan nila ang lahat, ay walang kakayahang masaksihan ang pagpapakita ng Diyos. Lahat sila ay naniniwala na sila ang pinakamatalinong tao sa lupa, at pinuputol nila ang patuloy na pag-unlad ng gawain ng Diyos na wala namang dahilan, at sila ay tila naniniwala nang may lubos na katiyakan na isasama sila ng Diyos sa langit, silang "mayroong lubos na katapatan sa Diyos, sumusunod sa Diyos, at tumatalima sa mga salita ng Diyos." Kahit na sila ay mayroong "lubos na katapatan" sa mga salitang sinabi ng Diyos, ang kanilang mga salita at kilos ay nakakadiri pa rin dahil kanilang tinututulan ang gawain ng Banal na Espiritu, at gumagawa ng panlilinlang at masama. Yaong mga hindi sumusunod hanggang sa katapus-katapusan, na hindi sumasabay sa gawain ng Banal na Espiritu, at kumakapit lamang sa mga lumang gawain ay hindi lamang nabigo sa pagkamit ng katapatan sa Diyos, nguni’t sa kabaligtaran, naging yaong mga sumasalungat sa Diyos, naging yaong mga tinatanggihan ng bagong kapanahunan, at siyang mapaparusahan. Mayroon pa bang mas nakakaawa kaysa kanila? Marami pa nga ang naniniwala na ang lahat ng tumatanggi sa lumang kautusan at tumatanggap sa bagong gawain ay walang konsensya. Ang mga taong ito, na ang tanging sinasambit lamang ay "budhi," at hindi alam ang gawain ng Banal na Espiritu, sa kahuli-hulihan ay mapuputol ang kanilang mga inaasam-asam ng kanila mismong mga konsensya. Ang gawain ng Diyos ay hindi sumusunod sa doktrina, at kahit na ito ay Kanyang sariling gawain, hindi pa rin kumakapit ang Diyos dito. Yaong dapat tanggihan ay tinatanggihan, kung ano ang dapat maalis ay inaalis. Nguni’t inilalagay pa rin ng tao ang kanyang sarili sa galit ng Diyos sa pamamagitan ng pagkapit sa maliit na bahagi ng gawain ng pamamahala ng Diyos. Hindi ba’t nakakatawa ang tao? Hindi ba’t ito ang kamangmangan ng tao? Mas mahina ang loob at sobrang maingat ang mga tao dahil sila ay takot na hindi magkamit ng pagpapala ng Diyos, mas hindi sila magkakamit ng mas malalaking pagpapala, at tatanggap ng pangwakas na pagpapala. Yaong mga tao na hamak na sumusunod sa kautusan at nagpapakitang lahat ng kanilang sukdulang katapatan sa kautusan, Mas ipinakikita nila ang kanilang gayong katapatan sa kautusan, sila ay mas mga suwail na tumatalima sa Diyos. Dahil ngayon ang Kapanahunan ng Kaharian at hindi ang Kapanahunan ng Kautusan, at ang gawain sa ngayon ay hindi maaaring ihambing sa mga gawain ng nakalipas, at ang mga gawain ng nakalipas ay hindi maihahambing sa gawain sa ngayon. Ang gawain ng Diyos ay nagbago, at ang pagsasagawa ng tao ay nagbago rin; ito ay hindi para kumapit sa kautusan o magpasan ng krus. Kaya, ang katapatan ng mga tao sa kautusan at sa krus ay hindi magkakamit ng pagsang-ayon ng Diyos. mula sa "Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao"

Kung gumagamit kayo ng mga pagkaintindi upang sukatin at balangkasin ang Diyos, na parang ang Diyos ay tulad ng isang di-nagbabagong estatuwa na gawa sa putik, at kung nililimitahan ninyo ang Diyos sa loob ng Biblia, at pinagkakasya ninyo Siya sa limitadong saklaw ng paggawa, ito ay nagpapatunay na kinondena ninyo ang Diyos. Dahil, sa kanilang mga puso, ang mga Judio sa panahon ng Lumang Tipan ay hinulma ang Diyos sa hugis ng isang diyos-diyosan, na parang ang Diyos ay matatawag lamang Mesiyas, at tanging Siya lamang na tinatawag na Mesiyas ang Diyos, at dahil pinaglingkuran at sinamba nila Siya na parang isang (walang buhay na) estatuwang gawa sa luwad, ipinako nila si Jesus sa krus sa panahong iyon, na hinatulan Siya nila ng kamatayan—at pinarusahan ang walang-kasalanang si Jesus ng kamatayan. Walang ginawang krimen ang Diyos, ngunit hindi pinalampas ng tao ang Diyos at walang pag-aalinlangang hinatulan Siya ng parusang katamayan. Sa gayon, ipinako si Jesus sa krus. Laging naniniwala ang tao na di-nagbabago ang Diyos, at inilalarawan Siya ayon sa Biblia, na parang naaaninag na ng tao ang pamamahala ng Diyos, na parang ang lahat ng mga ginagawa ng Diyos ay nasa kamay ng tao. Ang mga tao ay talaga namang katawa-tawa, angkin nila ang sukdulang kayabangan, at lahat sila ay mayroong likas na kahusayang magsalita nang mapagmalaki. Gaano man kalaki ang kaalaman mo tungkol sa Diyos, sinasabi Ko pa rin na hindi mo kilala ang Diyos, at walang iba pang mas tumututol sa Diyos, at kinondena mo ang Diyos, dahil lubos kang walang kakayahang sundin ang gawain ng Diyos at ang lumakad sa landas na gawin kang perpekto ng Diyos. Bakit hindi kailanman nasisiyahan ang Diyos sa mga pagkilos ng tao? Sapagka’t hindi kilala ng tao ang Diyos, sapagka’t masyado siyang maraming mga pagkaintindi, at sapagka’t, sa halip na tuparin ang realidad, lahat ng kanyang kaalaman tungkol sa Diyos ay nanggaling mula sa parehong hibla, at matigas at di-matinag. Kaya, sa Kanyang pagdating sa mundo ngayon, ang Diyos ay minsan pang naipako ng tao sa krus. mula sa "Ang Masama ay Dapat Parusahan"

Gusto ba ninyong malaman kung ano ang pinag-ugatan ng pagkalaban ng mga Fariseo kay Jesus? Gusto ba ninyong malaman ang substansya ng mga Fariseo? Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesiyas. Bukod pa riyan, naniwala lang sila na darating ang Mesiyas, subalit hindi nila hinanap ang katotohanan ng buhay. Kaya nga, kahit ngayon ay hinihintay pa rin nila ang Mesiyas, sapagkat wala silang kaalaman sa daan ng buhay, at hindi nila alam kung ano ang daan ng katotohanan. Sasabihin ninyo, paano matatamo nang gayon kahangal, katigas ang ulo at kamangmang na mga tao ang pagpapala ng Diyos? Paano nila mamamasdan ang Mesiyas? Kinalaban nila si Jesus dahil hindi nila alam ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu, dahil hindi nila alam ang daan ng katotohanang binanggit ni Jesus, at, bukod pa riyan, dahil hindi nila naunawaan ang Mesiyas. At dahil hindi pa nila nakita ang Mesiyas kailanman at hindi nakasama ang Mesiyas kailanman, nagkamali silang magbigay ng walang saysay na parangal sa pangalan ng Mesiyas habang kinakalaban ang pagkatao ng Mesiyas sa anumang paraan. Ang mga Fariseong ito sa pagkatao ay mga sutil, mayayabang, at ayaw sumunod sa katotohanan. Ang panuntunan ng paniniwala nila sa Diyos ay: Gaano man kalalim ang pangangaral Mo, gaano man kataas ang Iyong awtoridad, hindi Ikaw si Cristo maliban kung Ikaw ang tinatawag na Mesiyas. Hindi ba katawa-tawa at kakatwa ang mga pananaw na ito? Tatanungin Ko kayong muli: Hindi ba napakadali ninyong magagawa ang mga pagkakamali ng mga sinaunang Fariseo, kung isasaalang-alang na wala kayong kahit katiting na pagkaunawa kay Jesus? Kaya mo bang mahiwatigan ang daan ng katotohanan? Talaga bang magagarantiyahan mo na hindi mo kakalabanin si Cristo? Kaya mo bang sumunod sa gawain ng Banal na Espiritu? Kung hindi mo alam kung kakalabanin mo si Cristo, sinasabi Ko na nasa bingit na ng kamatayan ang buhay mo. Yaong hindi nakakilala sa Mesiyas ay kayang kalabanin si Jesus, tanggihan si Jesus, siraan Siya ng puri. Ang mga taong hindi nakakaunawa kay Jesus ay kayang itatwa Siya, at laitin Siya. Bukod pa riyan, kaya nilang ituring na panlilinlang ni Satanas ang pagbalik ni Jesus, at mas maraming tao ang huhusgahan ang pagbabalik ni Jesus sa katawang-tao. Hindi ba kayo natatakot sa lahat ng ito? Ang kinakaharap ninyo ay magiging kalapastanganan sa Banal na Espiritu, pagkawasak sa mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia, at paghamak sa lahat ng ipinahayag ni Jesus. Ano ang mapapala ninyo kay Jesus kung litong-lito kayo? Paano ninyo mauunawaan ang gawain ni Jesus pagbalik Niya sa Kanyang katawang-tao sa ibabaw ng puting ulap, kung nagmamatigas kayong huwag tanggapin ang inyong mga pagkakamali? Sinasabi Ko sa inyo: Ang mga taong ayaw tanggapin ang katotohanan, subalit pikit-matang naghihintay sa pagdating ni Jesus sa ibabaw ng puting mga ulap, ay tiyak na lalapastangan sa Banal na Espiritu, at sila ang lahing lilipulin. Hinahangad lang ninyo ang biyaya ni Jesus, at gusto lang ninyong matamasa ang napakaligayang kaharian ng langit, subalit hindi naman ninyo sinunod kailanman ang mga salitang sinambit ni Jesus, at hindi ninyo natanggap kailanman ang katotohanang ipinahayag ni Jesus pagbalik Niya sa Kanyang katawang-tao. Ano ang pinanghahawakan ninyo bilang kapalit ng katotohanan ng pagbalik ni Jesus na nasa ibabaw ng puting ulap? Ang kataimtiman ba ninyo na paulit-ulit kayong gumagawa ng mga kasalanan, at pagkatapos ay ikinukumpisal ang mga ito, nang paulit-ulit? Ano ang iaalay ninyong sakripisyo kay Jesus na nagbabalik sa ibabaw ng puting ulap? Ang mga taon ba ng pagtatrabaho na nagpapadakila sa inyong sarili? Ano ang pinanghahawakan ninyo para pagkatiwalaan kayo ng nagbalik na si Jesus? Iyon bang mayabang ninyong kalikasan, na hindi sumusunod sa anumang katotohanan?

... Ang pagbalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga tao na kayang tanggapin ang katotohanan, ngunit para sa mga tao na hindi kayang tanggapin ang katotohanan, ito’y tanda ng paghuhusga. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at itakwil ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging isang mangmang at mayabang na tao, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang. Pinapayuhan Ko kayo na tahakin nang maingat ang landas ng paniniwala sa Diyos. Huwag kayong magsalita nang tapos; bukod pa rito, huwag maging mapagwalang-bahala at walang-ingat sa inyong paniniwala sa Diyos. Dapat man lang ninyong malaman na yaong mga naniniwala sa Diyos ay dapat maging mapagpakumbaba at mapitagan. Yaong mga nakarinig sa katotohanan subalit minaliit ito ay mga hangal at mangmang. Yaong mga nakarinig sa katotohanan subalit walang-ingat na nagsasalita nang tapos o hinuhusgahan ito ay puno ng kayabangan. Walang sinumang naniniwala kay Jesus ang may karapatang sumpain o husgahan ang kapwa. Kayong lahat ay dapat maging isang taong makatuwiran at tumatanggap sa katotohanan. Marahil, dahil narinig mo na ang daan ng katotohanan at nabasa ang salita ng buhay, naniniwala ka na isa lang sa 10,000 sa mga salitang ito ang naaayon sa iyong mga paniniwala at sa Biblia, at sa gayo’y dapat kang patuloy na maghanap sa ika-10,000 ng mga salitang ito. Pinapayuhan pa rin kita na maging mapagpakumbaba, huwag masyadong magtiwala sa sarili, at huwag masyadong magmalaki. Kapag may kaunting paggalang sa Diyos sa puso mo, magtatamo ka ng higit na liwanag. Kung susuriin mong mabuti at paulit-ulit na pagninilayan ang mga salitang ito, mauunawaan mo kung ang mga ito ay totoo o hindi, at kung ang mga ito ay buhay o hindi. Marahil, dahil ilang pangungusap lamang ang kanilang nabasa, pikit-matang hinuhusgahan ng ilang tao ang mga salitang ito, na nagsasabi, "Kaunting pagliliwanag lamang iyan mula sa Banal na Espiritu," o, "Huwad na Cristo ito na naparito upang linlangin ang mga tao." Yaong mga nagsasabi ng gayong mga bagay ay nabubulagan ng kamangmangan! Kakaunti ang nauunawaan mo tungkol sa gawain at karunungan ng Diyos, at pinapayuhan kita na magsimula kang muli sa wala! Huwag ninyong pikit-matang husgahan ang mga salitang ipinahayag ng Diyos dahil sa paglitaw ng mga huwad na Cristo sa mga huling araw, at huwag ninyong lapastanganin ang Banal na Espiritu dahil lamang sa takot kayong malinlang. Hindi ba’t masyadong kaawa-awa ang gayon? Kung, matapos ang maraming pagsusuri, naniniwala ka pa rin na ang mga salitang ito ay hindi totoo, hindi ang daan, at hindi ang pagpapahayag ng Diyos, sa huli’y parurusahan ka, at hindi magtatamo ng mga pagpapala. Kung hindi mo matanggap ang katotohanang sinambit nang lantaran at napakalinaw, hindi ba’t hindi ka naaakma sa pagliligtas ng Diyos? Hindi ba’t hindi ka pinapalad nang sapat upang makabalik sa harapan ng luklukan ng Diyos? Pagisipan ito! Huwag magpadalus-dalos at mapusok, at huwag ituring na laro ang paniniwala sa Diyos. Mag-isip alang-alang sa iyong hantungan, alang-alang sa iyong mga inaasahan, alang-alang sa iyong buhay, at huwag mong paglaruan ang iyong sarili. Matatanggap mo ba ang mga salitang ito? mula sa "Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa"

Basahin ang iba pa

Malinaw itong nasusulat sa banal na kasulatan: “Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man” (Hebreo 13:8). Kaya nga, ang pangalan ng Panginoon ay di maaaring magbago! sinasabi nila na ang pangalan ni Jesus ay nagbabago sa mga huling araw. Paano mo ito ipaliliwanag?

Marami pang Magagandang Nilalaman

Mga Pelikula Tungkol sa Ebanghelyo

Kristiyanong Pelikula "Pananalig sa Diyos"

Ano Ang Tunay na Pananalig sa Diyos? “Pananalig sa Diyos” Kristiyanong Pelikula

Serye ng mga Video ng Koro

Siya na May Kapangyarihan sa Lahat (Musical Documentary)

Tagalog Christian Music "Siya na May Kapangyarihan sa Lahat" (Musical Documentary) | Power of God

Serye ng mga Video ng Koro

Christian Musical Drama 2018 "Sinasamba ng Bawat Bansa Ang Makapangyarihang Diyos" (Tagalog Dubbed)

Christian Musical Drama 2018 "Sinasamba ng Bawat Bansa Ang Makapangyarihang Diyos" (Tagalog Dubbed)

Mga Pelikula Tungkol sa Ebanghelyo

Tagalog Christian Movie "Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono"

Tagalog Christian Movie | "Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono" | God Is the Life Supply for Me

Serye ng mga Video ng Koro

Filipino Choir Song "Ang Diyos ay ang simula at ang wakas"

Filipino Choir Song "Ang Diyos ay ang simula at ang wakas" | God Is the Everlasting God

Serye ng mga Video ng Koro

Ang Makapangyarihang Diyos ay Nakaupo sa Maluwalhating Trono

Ang Makapangyarihang Diyos ay Nakaupo sa Maluwalhating Trono

Kaugnay na mga Video