2. Kung Kumakapit Lang ang Isang Tao sa mga Sulat at Patakaran ng Biblia sa Kanyang Pananalig at Hindi Naghahanap ng Paraan para Makasundo si Cristo, Magtatamo ba Siya ng Buhay na Walang Hanggan?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian

"Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay" (Juan 5:39-40).

"Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko" (Juan 14:6).

Mga Klasikong Salita Mula sa Diyos

Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng kahit na sino lang, ni hindi rin ito madaling makamtan ng lahat. Ito ay dahil sa ang buhay ay maaari lang magmula sa Diyos, na ibig sabihin, ang Diyos Mismo lang ang may taglay ng sangkap ng buhay, walang ibang daan ng buhay kung wala ang Diyos Mismo, sa gayon ang Diyos lang ang pinanggagalingan ng buhay, at ang walang hanggang umaagos na bukal ng buhay na tubig ng buhay. mula sa "Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan"

Maraming tao ang naniniwala na ang pag-unawa at magawang ipaliwanag ang Biblia ay katulad ng paghahanap ng tunay na landas—ngunit sa katunayan, ganoon ba kadali ang mga bagay? Walang kahit isa ang nakakakilala sa katotohanan ng Biblia: na hindi hihigit pa sa makasaysayang tala ng gawain ng Diyos, at isang testamento sa nakaraang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, at hindi nagbibigay sa iyo ng pag-unawa sa mga layunin ng gawain ng Diyos. Ang bawat isa na nakapagbasa ng Biblia ay alam na ito ay nagtatala sa dalawang yugto ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang Lumang Tipan ay nagsasalaysay sa kasaysayan ng Israel at ang gawain ni Jehova mula sa oras ng paglikha hanggang sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan. Ang Bagong Tipan ay nagtatala ng gawain ni Jesus sa lupa, na kung saan ay nasa Apat na Ebanghelyo, pati na rin ang gawain ni Pablo; hindi ba sila mga tala ng kaysayan? Ang pagpapalitaw sa mga bagay ng nakaraan sa panahon ngayon ay ginagawa silang kasaysayan, at hindi mahalaga kung gaano katotoo o tunay ang mga ito, ang mga ito ay kasaysayan pa rin—at ang kasaysayan ay hindi maaaring makatugon sa kasalukuyan. Sapagka’t ang Diyos ay hindi tumitingin pabalik sa kasaysayan! At kaya, kung iyo lamang nauunawaan ang Biblia, at walang naiintindihan sa gawain na nilaan na gawin ngayon ng Diyos, at kung naniniwala kayo sa Diyos ngunit hindi hinahanap ang gawain ng Banal na Espiritu, sa gayon ay hindi ninyo nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ng paghahanap sa Diyos. Kung binabasa ninyo ang Biblia upang pag-aralan ang kasaysayan ng Israel, upang saliksikin ang kasaysayan ng paglikha ng Diyos sa lahat ng mga kalangitan at kalupaan, sa gayon ay hindi kayo naniniwala sa Diyos. Ngunit ngayon, dahil naniniwala kayo sa Diyos, at nagpapatuloy sa buhay, dahil kayo ay nagpapatuloy sa pagkakilala sa Diyos, at hindi ipinagpapatuloy ang mga patay na liham at doktrina, o ang pag-unawa ng kasaysayan, dapat ninyong hanapin ang kalooban ng Diyos ngayon, at dapat ninyong hanapin ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu. Kung kayo ay isang arkeologo maaari ninyong mabasa ang Biblia—ngunit kayo ay hindi, kayo ay isang naniniwala sa Diyos, at mabuting hanapin ninyo ang kalooban ng Diyos sa ngayon. mula sa "Tungkol sa Biblia (4)"

Kahit na ang Biblia ay pinagsasama ang ilang mga aklat ng mga salita ng buhay, tulad ng mga liham nila Pablo at sulat ni Pedro, at bagaman ang mga tao ay maaaring mabigyan matulungan ng mga librong ito, nakalipas pa rin ang mga librong ito, ang mga ito ay nabibilang pa rin sa lumang kapanahunan, at kahit na gaano man sila kabuti, ang mga ito ay angkop lamang para sa isang panahon, at hindi panghabang-panahon. Sapagka’t ang gawain ng Diyos ay palaging umuunlad, at ito ay hindi maaaring simpleng tumigil sa panahon nina Pablo at Pedro, o palagiang mananatili sa Kapanahunan ng Biyaya kung saan si Jesus ay ipinako sa krus. At kaya, ang mga librong ito ay angkop lamang para sa Kapanahunan ng Biyaya, hindi para sa Kapanahunan ng Kaharian ng huling mga araw. Ang mga ito ay maaari lamang maglaan para sa mga mananampalataya ng Kapanahunan ng Biyaya, hindi para sa mga santo ng Kapanahunan ng Kaharian, at hindi mahalaga kung gaano sila kabuti, ang mga ito ay lipas pa rin. Ito ay pareho sa gawain ni Jehova ng paglikha o sa Kanyang gawain sa Israel: Hindi mahalaga kung gaano kahusay ang gawaing ito, ito ay hindi pa rin napapanahon, at ang oras ay darating pa rin nang ito ay lumipas. Ang gawa ng Diyos ay pareho rin: Ito ay dakila, ngunit darating ang panahon na ito ay magtatapos; hindi ito maari na palagiang manatili sa gitna ng gawain ng paglikha, ni hindi rin isa sa pagpapako sa krus. Hindi mahalaga kung paano kapani-paniwala ang gawain ng pagpapako sa krus, hindi mahalaga kung gaano kabisa ito sa pagdaig kay Satanas, ang gawain ay, pagkatapos ng lahat, ay gawain pa rin, at ang kapanahunan, pagkatapos ng lahat, ay kapanahunan pa rin; ang gawain ay hindi maaaring palagiang manatili sa parehong pundasyon, ni ang mga panahon din ay kailanman hindi magbago, dahil doon ay mayroong paglikha at doon ay dapat mayroong huling mga araw. Ito ay tiyak na mangyayari! Kaya, ngayon ang mga salita ng buhay sa Bagong Tipan—ang mga liham ng mga apostoles, at ang Apat na Ebanghelyo—ay naging makasaysayang mga libro, sila ay naging lumang almanak, at paano ang lumang almanak ay magdadala sa mga tao sa bagong kapanahunan? Hindi alintana ang kakayahan ng mga almanake na ito sa pagbibigay sa mga tao ng buhay, hindi alintana kung paano nito magagawang akayin ang mga tao sa krus, hindi ba ang mga ito ay lipas na? Hindi ba walana silang mga halaga? Kaya, sinasabi ko na hindi dapat kayo bulag na naniniwala sa mga almanake na ito. Ang mga ito ay masyadong luma, hindi nila kayo kayang dalhin sa bagong gawain, at maaaring pabigat lamang sila sa inyo. Hindi lamang sa hindi nila kayo madadala sa bagong gawain, at sa bagong pagpasok, ngunit dinadala kayo ng mga ito sa lumang relihiyosong mga simbahan—at kung gayon, hindi ba kayo paurong sa inyong paniniwala sa Diyos? mula sa "Tungkol sa Biblia (4)"

Si Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng nananatili at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ay ang landas na sa pamamagitan nito ay makakamit ng tao ang buhay, at ang tanging landas sa pamamagitan niyao’y makikilala ng tao ang Diyos at upang masangayunan ng Diyos. Kung hindi mo hahanapin ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, sa gayon, ikaw ay hindi kailanman makakakuha ng pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat ikaw ay kapwa sunud-sunuran at bilanggo ng kasaysayan. Silang mga kontrolado ng mga tuntunin, ng mga nasusulat, at nakagapos sa kasaysayan ay hindi kailanman makakamtan ang buhay, at hindi kailanman makakamtan ang walang hanggang daan ng buhay. Iyan ay dahil ang mayroon lang sila ay malabong tubig na nanatiling walang pag-unlad nang libu-libong mga taon, sa halip na ang tubig ng buhay na dumadaloy mula sa luklukan. Silang mga hindi nabigyan ng tubig ng buhay ay mananatiling bangkay magpakailanman, mga laruan ni Satanas, at mga anak ng impiyerno. Paano, gayon, nila makikita ang Diyos? Kung ikaw ay sumusubok lang na panghawakan ang nakaraan, sinusubukan lang na panatilihin ang mga bagay na walang pagbabago, at hindi sinusubukang baguhin ang nakasanayan at itapon ang kasaysayan, sa gayon hindi ka ba magiging laging salungat sa Diyos? Ang mga hakbang sa gawain ng Diyos ay malawak at makapangyarihan, tulad ng rumaragasang mga alon ng dagat at dumadagundong na mga kulog—ngunit ikaw ay nakaupo at walang imik na naghihintay ng kapahamakan, nananatili sa iyong kahangalan at walang ginagawa. Sa ganitong paraan, paano ka maituturing na nilalang na sumusunod sa mga yapak ng Kordero? Paano mo mapatutunayan na ang Diyos na kinakapitan mo ay isang Diyos na laging bago at hindi naluluma? At paano ka maihahatid ng mga salita ng mga nanilaw sa luma mong libro patawid sa panibagong panahon? Paano ka nila papatnubayan sa iyong paghahanap ng mga hakbang sa gawain ng Diyos? At paano ka nila madadala paakyat sa langit? Ang hawak mo sa iyong mga kamay ay ang mga nasusulat na magbibigay ng panandaliang ginhawa lang, hindi ang mga katotohanan na kayang magbigay ng buhay. Ang mga kasulatan na iyong nababasa ay ang mga nakakapagpayaman lang ng iyong dila, hindi mga salita ng karunungan na makatutulong sa pag-unawa mo sa buhay ng tao, lalong hindi ang mga magiging daan na maghahatid sa iyo sa pagka-perpekto. Ang pagkakaiba bang ito ay hindi nagdudulot sa iyo ng pagbubulay bulay? Hindi ba nito maipaunawa sa iyo ang mga hiwaga na sumasaloob dito? Ikaw ba ay may kakayahan na dalhin ang iyong sarili sa langit upang makipagkita sa Diyos nang ikaw lang? Kung hindi dumating ang Diyos, kaya mo bang dalhin ang sarili mo sa langit upang magalak sa kapamilyang kasiyahang kasama ang Diyos? Nananaginip ka pa rin ba ngayon? Imumungkahi ko, sa gayon, na ihinto mo ang pananaginip, at tingnan kung sino ang gumagawa ngayon, kung sino ang umaakay sa gawain ng pagliligtas sa tao sa mga huling araw. Kung hindi, hindi mo makakamtan ang katotohanan kailanman, at hindi kailanman makakamtan ang buhay. mula sa "Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan"

Marami na Akong natapos na gawain kasama ng mga tao, at ang mga salitang Aking naipahayag sa mga oras na ito ay marami na rin. Ang mga salitang ito ay para sa kaligtasan ng tao, at ipinahayag nang sa gayon ang tao ay maaaring maging kaayon sa Akin. Ngunit kaunti lamang ang nakamit Kong tao sa lupa na kaayon sa Akin, at kaya Aking sinasabi na hindi pinahahalagahan ng tao ang Aking mga salita, dahil ang tao ay hindi kaayon sa Akin. Sa paraang ito, ang gawaing Aking ginagawa ay hindi lamang upang Ako ay sambahin ng tao; ang mas mahalaga, ito ay upang maging kaayon sa Akin ang tao. Ang mga taong nagawang masama, ay namumuhay lahat sa bitag ni Satanas, nabubuhay sila sa laman, nabubuhay sa pansariling hangarin, at wala ni isa man sa kanila ang kaayon sa Akin. Mayroong ilan na nagsasabing sila ay kaayon sa Akin, ngunit lahat sila ay sumasamba sa mga malabong diyus-diyosan. Bagaman kinikilala nila ang Aking pangalan bilang banal, sila ay tumatahak sa landas na taliwas sa Akin, ang kanilang mga salita ay puno ng kayabangan at pagmamalaki, dahil, sa pinag-ugatan, silang lahat ay laban sa Akin, at lahat ay hindi kaayon sa Akin. Araw-araw silang naghahanap ng Aking mga bakas sa Biblia, at basta lamang nakakakita ng anumang "angkop" na mga sipi na binabasa nila nang walang katapusan, at kanilang binibigkas bilang mga kasulatan. Hindi nila alam kung paano maging kaayon sa Akin, hindi nila alam ang ibig sabihin ng pakikipag-alitan sa Akin, at basta lamang nagbabasa ng mga kasulatan nang walang taros. Pinipilit nila sa Biblia ang malabong Diyos na hindi nila kailanman nakita, at walang kakayahang makita, at saka lamang nila tinitingnan kapag sila ay may libreng oras. Sila ay naniniwala sa Aking pag-iral ngunit sa loob lamang ng nasasaklawan ng Biblia. Para sa kanila, Ako ay katulad ng Biblia; kung wala ang Biblia wala rin Ako, at kung Ako’y wala, wala ring Biblia. Hindi nila binibigyang pansin ang Aking pag-iral o mga pagkilos, sa halip ay naglalaan ng sobra at natatanging pansin sa bawat isang salita ng Kasulatan, at marami pa nga sa kanila ay naniniwala na hindi Ko dapat gawin ang anumang bagay na nais Kong gawin maliban na lamang kung ito ay inihula ng Kasulatan. Naglalakip sila nang labis na pagpapahalaga sa Kasulatan. Maaaring sabihin na nakikita nila ang mga salita at pahayag bilang lubhang mahalaga, hanggang sa ginagamit nila ang mga talata mula sa Biblia upang sukatin ang bawat salitang Aking sinasabi, at upang husgahan Ako. Ang kanilang hinahanap ay hindi ang paraan ng pagiging kaayon sa Akin, o ang paraan ng pagiging kaayon sa katotohanan, ngunit ang paraan ng pagiging kaayon sa mga salita ng Biblia, at naniniwala sila na ang anumang hindi alinsunod sa Biblia, nang walang pagtatangi, ay hindi Ko gawa. Hindi ba ang gayong mga tao ay mga masunuring inapo ng mga Fariseo? Ginamit ng mga Judiong Fariseo ang mga batas ni Moises upang husgahan si Jesus. Hindi nila hinanap na maging kaayon kay Jesus noong panahong iyon, subalit masikap nilang sinunod ang mga batas nang lubusan, hanggang sa sukdulang ipinako nila sa krus ang inosenteng si Jesus, pinagbintangan Siyang hindi sumusunod sa batas ng Lumang Tipan at hindi Siya ang Mesias. Ano ang kanilang kakanyahan? Hindi ba’t dahil hindi nila hinanap ang paraan ng pagiging kaayon sa katotohanan? Nahumaling sila sa bawat salita ng Kasulatan, habang hindi pinapakinggan ang Aking kalooban at ang mga hakbang at paraan ng Aking gawain. Hindi sila ang mga taong naghangad ng katotohanan, ngunit mga taong mahigpit na sumunod sa mga salita ng Kasulatan; hindi sila ang mga taong naniwala sa Diyos, ngunit mga taong naniwala sa Biblia. Sa katunayan, mga tagapagbantay sila ng Biblia. Upang mapangalagaan ang mga kapakanan ng Biblia, at mapagtibay ang dignidad ng Biblia, at mapanatili ang reputasyon ng Biblia, humantong sila hanggang sa pagpako sa mahabaging si Jesus sa krus. Ito ay ginawa lamang nila para sa kapakanan ng pagtatanggol sa Biblia, at para sa kapakanan ng pagpapanatili sa katayuan ng bawat salita ng Biblia sa puso ng mga tao. Kaya mas pinili nilang talikuran ang kanilang kinabukasan at ang alay para sa kasalanan upang husgahan si Jesus, na hindi tumalima sa doktrina ng Kasulatan, hanggang sa kamatayan. Hindi ba sila tila mga tagasunod sa bawat salita ng Kasulatan?

At ano naman ang mga tao ngayon? Dumating si Cristo upang ipahayag ang katotohanan, ngunit mas pipiliin nilang paalisin Siya sa gitna ng mga tao upang makapasok sa langit at makatanggap ng biyaya. Mas pipiliin nilang lubusang itanggi ang pagdating ng katotohanan upang kanilang maprotektahan ang mga interes ng Biblia, at mas pipiliin nilang muling ipako sa krus ang Cristong nagbabalik sa katawang-tao upang matiyak ang walang hanggang pag-iral ng Biblia. Paano matatanggap ng tao ang Aking kaligtasan, kung ang kanyang puso ay lubhang mapaghangad ng masama, at ang kanyang kalikasan ay napakapalaban sa Akin? Ako ay namumuhay kasama ng mga tao, ngunit hindi pa rin nalalaman ng tao ang Aking pag-iral. Nang pinagniningning Ko ang Aking liwanag sa tao, nananatili pa rin siyang mangmang sa Aking pag-iral. Kapag pinakakawalan Ko ang Aking galit sa tao, itinatanggi niya ang Aking pag-iral nang may mas higit pang lakas. Naghahangad ang tao ng pagiging kaayon sa mga salita, sa Biblia, ngunit wala ni isang tao ang lumalapit sa harap Ko upang hanapin ang paraan ng pagiging kaayon sa katotohanan. Tinitingala Ako ng tao sa langit, at naglalaan ng partikular na malasakit sa Aking pag-iral sa langit, subalit walang may pakialam sa Akin sa katawang-tao, dahil Ako na namumuhay kasama ng mga tao ay sadyang masyadong walang halaga. Ang mga naghahanap lamang ng pagiging kaayon sa mga salita sa Biblia at naghahanap lamang ng pagiging kaayon sa malabong Diyos ay kahabag-habag sa Aking paningin. Iyon ay dahil ang kanilang sinasamba ay mga patay na salita, at isang Diyos na may kakayahang magkaloob sa kanila ng napakalaking kayamanan. Ang kanilang sinasamba ay isang Diyos na inilalagay ang sarili sa awa ng tao, at hindi umiiral. Ano, kung gayon, ang matatamo ng gayong mga tao sa Akin? Ang tao ay sadyang masyadong mababa para sa mga salita. Silang mga laban sa Akin, silang humihingi ng walang katapusang pabor sa Akin, mga walang pagmamahal sa katotohanan, mga suwail sa Akin—paano sila magiging kaayon sa Akin?

Ang mga laban sa Akin ay mga hindi kaayon sa Akin. Gayundin ang mga hindi nagmamahal sa katotohanan at mga naghihimagsik laban sa Akin ay higit na lumalaban sa Akin at hindi kaayon sa Akin. Ang lahat na hindi kaayon sa Akin, ay ibinibigay Ko sa mga kamay ng masama. Tinatalikuran Ko sila sa kasamaan ng masama, hinahayaan Ko silang ibunyag ang kanilang paghahangad ng masama, at higit sa lahat ibinibigay Ko sila sa masama upang lamunin. Hindi Ko iniintindi kung ilang tao ang sumasamba sa Akin, na ang ibig sabihin, hindi Ko iniintindi kung ilang tao ang naniniwala sa Akin. Ang Akin lamang iniintindi ay kung ilang tao ang kaayon sa Akin. Iyon ay dahil ang lahat ng hindi kaayon sa Akin ay mga masasamang ipinagkakanulo Ako; sila ang Aking mga kaaway, at hindi ko dapat "idambana" ang Aking mga kaaway sa Aking tahanan. Yaong mga kaayon sa Akin ay maglilingkod magpakailanman sa Akin sa Aking tahanan, at silang mga naglalagay ng kanilang mga sarili sa pakikipag-alitan sa Akin ay walang hanggang magdurusa ng Aking kaparusahan. Ang mga umiintindi lamang sa mga salita ng Biblia, ang mga walang pakialam sa katotohanan o paghahangad sa Aking mga yapak—sila ay laban sa Akin, dahil nililimitahan nila Ako ayon sa Biblia, at Ako’y kanilang pinipilit sa loob ng Biblia, kaya’t lubhang lapastangan tungo sa Akin. Paano makalalapit ang gayong mga tao sa Akin? Sila ay hindi nagbibigay ng pag-intindi sa Aking mga gawa o sa Aking kalooban, o sa katotohanan, sa halip sila ay nahuhumaling sa mga salita, mga salitang nakamamatay. Paano magiging kaayon sa Akin ang mga gayong tao?

Nakapagpahayag Ako ng napakaraming salita, at nakapagpahayag din ng Aking kalooban at disposisyon, ngunit magkagayunman, ang mga tao ay wala pa ring kakayahang makilala Ako at paniwalaan Ako. O, maaaring sabihin, wala pa rin silang kakayahang sumunod sa Akin. Silang mga nabubuhay sa Biblia, silang mga nabubuhay sa gitna ng batas, silang mga nabubuhay sa krus, silang mga nabubuhay ayon sa doktrina, silang mga nabubuhay sa gitna ng Aking mga gawa ngayon—sino sa kanila ang kaayon sa Akin? Iniisip lamang ninyo ang tumanggap ng mga biyaya at gantimpala, at hindi kailanman nag-isip ng kahit kaunti kung papaano magiging kaayon sa Akin, o kung papaano mapipigilan ang inyong sarili sa pakikipag-alitan sa Akin. Ako ay lubos na nabigo sa inyo, dahil napakarami Kong naibigay sa inyo, ngunit napakaliit ng natamo Ko mula sa inyo. Ang inyong pandaraya, ang inyong kayabangan, ang inyong kasakiman, ang inyong labis na pagnanais, ang inyong pagtataksil, ang inyong hindi pagsunod—alin dito ang makatatakas sa Aking pansin? Pinaglalaruan ninyo Ako, Ako’y inyong nililinlang, Ako’y inyong iniinsulto, Ako’y inyong dinaraya, Ako’y inyong kinikikilan para sa mga sakripisyo—paano makatatakas ang ganoong kasamaan sa Aking kaparusahan? Ang inyong masamang gawain ay isang patunay ng inyong pakikipag-alitan sa Akin, at patunay ng inyong hindi pagiging kaayon sa Akin. Bawat isa sa inyo ay naniniwala na kayo ay kaayon sa Akin, ngunit kung iyon ang kalagayan, kanino nauukol ang mga hindi mapabulaanang patunay na iyon? Naniniwala kayong nagtataglay kayo nang sukdulang katapatan at malasakit para sa Akin. Iniisip ninyong kayo ay napakabait, napakamahabagin at naglaan nang sobra para sa Akin. Sapat na sa tingin ninyo ang inyong mga nagawa para sa Akin. Ngunit naihambing na ba ninyo ang mga paniniwalang ito laban sa inyong sariling pag-uugali? Sasabihin Kong kayo ay napakayabang, napakasakim, lubhang walang interes; ang mga panlilinlang na ginamit ninyo sa Akin ay talagang tuso, at marami kayong napakasasamang balak at napakasasamang paraan. Ang inyong katapatan ay masyadong kakaunti, ang inyong pagkamasigasig ay walang saysay, at ang inyong konsensya ay higit pang mas kulang. Napakaraming masamang hangarin sa inyong mga puso, at walang hindi saklaw nito, maging Ako. Ako ay pinagsarhan ninyo para sa kapakanan ng inyong mga anak, o ng inyong mga asawa, o ng inyong pangangalaga sa inyong sarili. Sa halip na Ako ay inyong intindihin, iniintindi ninyo ang inyong pamilya, ang inyong mga anak, ang inyong katayuan, ang inyong kinabukasan, at ang inyong sariling kasiyahan. Kailan ninyo Ako inalala man lamang habang kayo’y nagsasalita o kumikilos? Kapag malamig ang panahon, bumabaling ang inyong saloobin sa inyong mga anak, mga asawa, o mga magulang. Kapag mainit ang panahon, ni hindi man lang Ako sumagi sa inyong mga isipan. Kapag ginagawa mo ang iyong tungkulin, iniisip mo ang iyong mga sariling interes, ang iyong sariling kaligtasan, ang iyong pamilya. Ano na ba ang iyong mga nagawa na para naman sa Akin? Kailan mo ba Ako naalala man lamang? Kailan mo ba inialay man lang ang iyong sarili, anuman ang kapalit, para sa Akin at sa Aking gawain? Nasaan ang patunay ng iyong pagiging kaayon sa Akin? Nasaan ang realidad ng iyong katapatan sa Akin? Nasaan ang katotohanan ng iyong pagsunod sa Akin? Kailan hindi naging tungkol sa pagtanggap ng biyaya mula sa Akin ang iyong mga layunin? Dinadaya at nililinlang ninyo Ako, pinaglalaruan ninyo ang katotohanan at itinatago ang pag-iral ng katotohanan, at ipinagkakanulo ang diwa ng katotohanan. Inilalagay ninyo ang inyong sarili sa gayong pakikipag-alitan sa Akin, kaya ano ang naghihintay sa inyo sa hinaharap? Sinisikap lamang ninyong maging kaayon sa malabong Diyos, at naghahanap ng malabong paniniwala, ngunit hindi pa rin kayo kaayon kay Cristo. Hindi ba’t ang inyong paghahangad ng masama ay makatatanggap din ng kaparehong parusa gaya ng sa masama? Sa oras na iyon, inyong mapagtatanto na walang sinumang hindi kaayon kay Cristo ang makatatakas sa araw nang matinding galit, at inyong matutuklasan kung anong uri ng parusa ang nararapat sa mga nakikipag-alitan kay Cristo. Kapag dumating ang araw na iyon, ang inyong mga pangarap na pagpapalain dahil sa inyong paniniwala sa Diyos, at ang pagpasok sa langit, ay mangadudurog lahat. Gayunman, ito ay hindi para sa mga kaayon kay Cristo. Bagaman nawalan sila nang napakarami, kahit na nagdusa sila ng maraming paghihirap, matatanggap nila ang lahat ng pamana na Aking iiwan sa sangkatauhan. Sa huli, inyong maiintindihan na Ako ang matuwid na Diyos, at Ako lang ang may kakayahang dalhin ang sangkatauhan sa maganda nitong hantungan. mula sa "Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo"

Basahin ang iba pa

Ang Biblia ay isang patotoo sa gawain ng Diyos, napakalaki ng pakinabang nito sa sangkatauhan. Sa pagbabasa ng Biblia, nauunawaan natin na ang Diyos ang Lumikha ng lahat ng bagay, nakikita natin ang kamangha-mangha at makapangyarihang mga gawa, at ang walang-hanggang kapangyarihan ng Diyos. Biblia ay isang talaan ng salita ng Diyos at patotoo ng tao sa Diyos, hindi matatanggap ng isang tao ang buhay na walang hanggan sa pagbabasa ng Biblia. bakit hindi matagpuan sa Biblia ang daan tungo sa buhay na walang hanggan?

Marami pang Magagandang Nilalaman

Mga Pelikula Tungkol sa Ebanghelyo

Kristiyanong Pelikula "Pananalig sa Diyos"

Ano Ang Tunay na Pananalig sa Diyos? “Pananalig sa Diyos” Kristiyanong Pelikula

Serye ng mga Video ng Koro

Siya na May Kapangyarihan sa Lahat (Musical Documentary)

Tagalog Christian Music "Siya na May Kapangyarihan sa Lahat" (Musical Documentary) | Power of God

Serye ng mga Video ng Koro

Christian Musical Drama 2018 "Sinasamba ng Bawat Bansa Ang Makapangyarihang Diyos" (Tagalog Dubbed)

Christian Musical Drama 2018 "Sinasamba ng Bawat Bansa Ang Makapangyarihang Diyos" (Tagalog Dubbed)

Mga Pelikula Tungkol sa Ebanghelyo

Tagalog Christian Movie "Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono"

Tagalog Christian Movie | "Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono" | God Is the Life Supply for Me

Serye ng mga Video ng Koro

Filipino Choir Song "Ang Diyos ay ang simula at ang wakas"

Filipino Choir Song "Ang Diyos ay ang simula at ang wakas" | God Is the Everlasting God

Serye ng mga Video ng Koro

Ang Makapangyarihang Diyos ay Nakaupo sa Maluwalhating Trono

Ang Makapangyarihang Diyos ay Nakaupo sa Maluwalhating Trono

Kaugnay na mga Video