Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Patotoo ng mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

55. Ang Pagdanas sa Natatanging Pagmamahal ng Diyos

Jiayi Lungsod ng Fuyang, Lalawigan ng Anhui

Ang aking kalikasan ay talagang palalo; anuman ang aking ginagawa, gumagamit ako palagi ng pagka-malikhain at pagka-mapanlikha upang ipakita ang aking galing at kaya naman madalas na lumalabag ako sa kaayusan ng mga gawain para gawin ang mga bagay sa sarili kong paraan. Ako ay lalo ngang palalo tungkol sa pagpili ng mga tao para sa isang partikular na posisyon. Naniniwala ako na ako ay may natatanging kakayahan at pananaw na palaging tumutulong sa aking piliin ang tamang tao. Dahil dito, kapag pumili ako ng tao, hindi ko na pagsisikapang suriin ang lahat ng kalalagayan ng taong nais kong piliin. Hindi ko rin masusing tinitimbang ang mga taong gusto kong piliin ayon sa mahahalagang prinsipyo. Ang resulta nito ay humahantong ako sa pagpili sa ilang tuso at mapanlinlang na nagsasalita lamang ng mga liham at mga doktrina upang taglayin sa kanilang mga sarili ang mahahalagang pananagutan sa iglesia. Ang ganito ay lumikha ng malaking kawalan para sa gawain gayundin sa buhay ng aking mga kapatid. Sa wakas, dahil sa aking kawalan ng makabuluhang gawain sa paglilingkod sa Diyos, itinakwil ako ng Diyos. Nawala ko ang pagpapala ng Banal na Espiritu at inalis sa paglilingkod.

Nang makatanggap ako ng salita na ako ay papalitan, ako ay nagulumihanan. Napakahirap isipin na ang isang bagay na katulad nito ay mangyayari sa akin. Pagkaraan noon, nagsimula akong hindi makaunawa sa Diyos at kuwestiyunin Siya: Pinalitan ako ng iglesia at hindi binigyan ng anumang tungkulin. Tila ba ang suliranin ko ay napakabigat. Malamang pa na ako’y matitiwalag. Ang ilang tao ay natiwalag noong nakaraan dahil sa basta na lamang sila gumawa at dinaya ang Diyos at lubhang inabala at ginambala ang gawain ng iglesia. At ang ilang iba pa ay naging mga anticristo dahil itinaas nila ang kanilang mga sarili, nagpatotoo sa kanilang mga sarili, at nakipagpaligsahan sa Diyos para sa Kanyang hinirang na mga tao? Hindi ba ako’y higit na lalong dapat itiwalag sa kasalukuyan sapagka’t basta na lamang ako gumawa, dinaya ang Diyos, itinaas ang sarili ko at nagpatotoo sa sarili ko, at lubhang inabala at ginambala ang gawain ng iglesia? Pagkakita sa sakuna na aking nilikha, nanginig ako sa takot na tila ba ang kamatayan ay papalapit. Sinabi ng puso ko nang walang patlang: Tapos na ako. Sa pagkakataong ito ay lubusan na akong nagwakas. Lumaban ako at nagkasala sa Diyos nang maraming ulit. Tiyak na hindi ako ililigtas ng Diyos. Bagamat sinabi ng Diyos na ginagawa Niya ang lahat ng Kanyang makakaya upang mailigtas ang sangkatauhan, iyon ay angkop lamang sa mga may kaunting katiwalian at mga nakagawa ng maliliit na pagsalangsang. Ang isang arogante at mapagmataas na tao tulad ko na bulag sa Diyos at ginawa ang lahat ng uri ng mga paglabag ay tiyak na magdurusa sa kaparusahan ng Diyos. Magsikap man akong magsimulang muli, hindi na ako patatawarin ng Diyos, dahil sa ang aking mga pagkilos ay nagdulot sa Diyos na mawalan ng pag-asa sa akin at pinamighati Siya nang lubos…. Nang hindi namamalayan, lumubog na ako sa kapighatian at kawalang-pag-asa.

Ang Pagdanas sa Natatanging Pagmamahal ng Diyos

(Pinagmumulan: Depositphotos)

Sa aking labis na kapighatian, naisip ko ang tungkol sa pagpapakamatay o pagtakas. Subali’t ninais ko rin na bibigyan ako ng iglesia ng isa pang pagkakataong tuparin ang isang tungkulin. Nguni’t tuwing naiisip ko ang ideyang ito, ang mga katagang “mabigat na kasalanan” ay nagpapawalang-bisa at sumasakal sa anumang banaag ng pag-asa. Ang kapighatian, pagsisisi, pagsusumikap, at ang aking mga kagustuhan ay nagpahirap sa akin, nagdulot sa akin ng napakaraming kapightian na ayaw ko nang mabuhay. Kamuntik na akong gumuho sa aking kawalang-pag-asa. Sa sandali pa lamang na ito, binabasa ko ang salita ng Diyos na nagsasabing: “Ayaw ng Diyos ng mga duwag; gusto Niya ng mga taong may determinasyon. Kahit na nagpakita ka ng matinding kasamaan, kahit na marami ka nang tinahak na paliku-likong daan, o kahit na sa daan ay nagkaroon ka na ng maraming paglabag o kinalaban mo ang Diyos—o may ilang mga tao na nagtataglay sa kanilang mga puso ng kalapastanganan sa Diyos o sinisisi Siya, may pakikipag-alitan sa Kanya—hindi ito tinitingnan ng Diyos. Ang tinitingnan lamang ng Diyos ay kung ang isang tao ay magbabago o hindi balang-araw. … Ito ay dahil ang kalooban ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan ay wagas. Binibigyan Niya ang mga tao ng mga pagkakataon na magsisi at mga pagkakataon na magbago, at sa prosesong ito, nauunawaan Niya ang mga tao at alam Niya nang lubusan ang kanilang mga kahinaan at lawak ng kanilang kasamaan. Alam Niyang matitisod sila. … Nauunawaan Niya ang mga paghihirap ng bawa’t tao, mga kahinaan, maging ang mga pangangailangan nila. At lalong higit pa, nauunawaan Niya kung aling mga paghihirap ang haharapin ng bawa’t tao sa proseso ng pagpasok tungo sa pagbabago ng disposisyon, at kung anu-anong uri ng mga kahinaan at kabiguan ang mangyayari. Ito ay isang bagay na nauunawaan ng Diyos nang lubos. Kaya sinasabi na nakikita ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng mga tao. Gaano ka man kahina, hangga’t hindi mo tinatalikuran ang pangalan ng Diyos, hangga’t hindi mo iniiwan ang Diyos, o ang daang ito, lagi kang magkakaroon ng pagkakataon na makamit ang pagbabago ng disposisyon. At kung may pagkakataon tayo na makamit ang pagbabago ng disposisyon kung gayon may pag-asa para sa ating patuloy na pamumuhay. Kung may pag-asa tayo para sa patuloy na pamumuhay, may pag-asa tayo na mailigtas ng Diyos” (“Ano ang Pagbabago ng Disposisyon at ang Landas tungo sa Pagbabago ng Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Nakinig din ako sa taong ginamit ng Banal na Espiritu na nagsasabing, “Ginagawa ng Diyos ang lahat ng Kanyang makakaya upang iligtas ang sangkatauhan, lalo na ang mga mananalangsang. Iniisip ng mga tao na sila ay hindi na maliligtas, nguni’t ang Diyos ay hindi nakahandang sumuko sa kanila at nagnanais pa ring sila ay iligtas. Malala ang mga pagsalangsang ng ilang mga tao. Sinabi ng Diyos sa kanila, ‘Kailangan lamang ninyong bumalik sa pagtatalaga ninyo noon at hangarin Ako. Nais Ko pa ring kayo ay iligtas.’ Maging anuman ang mga pagsalangsang ang taglay ninyo, hangga’t taglay ninyo ang kahandaan na hindi kailanman iiwan ang Diyos at ang pagnanais na hangarin ang kaligtasan, kung gayon ang Diyos ay hindi susuko” (“Paano Makikilala na si Cristo ang Katotohanan, ang Daan at ang Buhay” sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay II). Ang mga salitang ito ay nagmistulang matamis na hamog na tumighaw sa malaon nang pagkatigang ng aking puso. Napahagulgol ako at umiyak. Hindi ko natanto kung gaano kadalas na ang “imposible” ay naging mas mabuti nang hindi inaasahan. Sinabi ng Diyos na nais pa rin Niya akong iligtas kung hindi ko susuko ang aking paghahanap, hangaring magsisi, at hindi iiwan o tatalikuran Siya maging anuman ang aking kalalagayan. Hindi ko mapigilang hindi magpatirapa ng sarili ko sa harap ng Diyos: “O Diyos! Ako’y naniniwala sa Iyo at sumusunod sa Iyo, at naghihimagsik pa laban sa Iyo at sumusuway sa Iyo sa bawat pagkakataon. Malimit kong sinusunod ang aking mga kagustuhan kapag gumaganap ng aking tungkulin at inaabala ay ginugulo ang gawain ng iglesia; ngunit nagpigil Ka at pinatawad ako. Binigyan Mo ako ng isa pang pagkakataong magsisi at maligtas. O Diyos! Inalis ng Iyong pag-ibig ang aking mga di-pagkakaunawa at pag-aalinlangan sa Iyo. Muli nitong binuhay ang aking naghihingalong puso at umahon sa lubhang pagiging negatibo, kapighatian at kawalang-pag-asa. Muli nitong pinagningas ang kagustuhan kong mabuhay—at hangarin ang kaligtasan. O Diyos! Ang Iyong pagmamahal sa akin ay lubhang malalim, napakalawak! Hindi ako makapagsalita sa harap ng Iyong pagmamahal, nahihiya ako at hindi maipakita ang aking mukha. Nararamdaman kong lubha akong mahihiya na mabuhay sa iyong harapan. Sa sandaling ito, maibibigay ko lamang sa Iyo ang marubdob kong pasasalamat at papuri mula sa kaibuturan ng aking puso. Maiaalay ko lamang sa Iyo ang awit ng aking puso: ‘Ang Iyong pagmamahal ang pumigil sa aking pumili ng kahit ano pa. Hindi ko kailanman hahayaang mag-alala Ka sa tungkol sa akin. Ang mga tiwaling tao ay tunay na nasisiyahan sa Iyong pagmamahal. Ikaw lamang ang mahal sa aking puso, ang tanging sinasamba, tinitingala, at inaasahan. Kung wala ang pagmamahal Mo, ako ay nasa kapighatian lamang at hindi na mabubuhay. Anong ligaya ang makilala Ka sa buong buhay ko. Maging anuman ang aking mga kalalagayan, susundan ko ang Iyong mga yapak at sasamahan Ka upang aliwin Ka. Sa matinding kapighatian, nais ko ring magpatotoo at bigyang-kasiyahan Ka. Ang paghihirap at pagpipino ay nagpalapit sa aking puso sa Iyo. Ako ay magpakailanmang maligaya na kasama Ka sa aking puso.’”

Matapos kong iwaksi ang aking maling mga pagkaunawa tungkol sa Diyos, ako ay nagsimulang kumalma at sinuri ang aking naging pag-uugali: Sa aking gawain, hindi ako kailanman umasa sa Diyos o tumingala sa Kanya. Hindi ko hinangad ang Kanyang kalooban at hindi rin gumawa ayon sa pagsasaayos ng mga gawain o mga kinakailangan ng iglesia. Lubos akong umasa sa sarili kong isip, panloob na mga katangian, at karanasan upang gawin ang mga bagay sa aking sariling pamamaraan. Hindi ko kailanman tiningnan o pinamahalaan ang mga bagay ayon sa salita ng Diyos, at hindi ko hinangad ang mga prinsipyo ng aking gawain. Umasa ako sa aking sariling mga damdamin at mga saloobin upang magpasya at humatol. Hindi ako humingi ng payo mula sa iba at madalas na ginagawa ko ang mga bagay sa sarili kong kaparaanan. Kung ako ma’y humingi ng payo sa iba, ito ay upang palitawin lamang na mababa ang aking loob Sa realidad, mayroon na akong isang balak sa aking isip at dahil dito, bihira kong isama ang mga opinyon ng iba. Hindi ko ipatutupad ang mga kaayusan ng gawain mula sa itaas nang mabuti kung hindi ito tumutugma sa aking mga paniwala at kung ang isang tao ay magtangka na makitungo at pungusan ako, lalong hindi ako handing tanggapin iyon. Talagang gusto kong maging bukod-tangi; maging anuman ang ginawa ko gusto kong lampasan ang iba. Naniniwala akong nakahihigit ako sa lahat at walang gawain sa iglesia na hindi ko kayang gawin at lahat ng aking ginawa ay mahusay. … Dahil pinamamahalaan ng aking likas na kapalaluan ng arkanghel, umasa ako sa kalikasan ni Satanas na nasa akin upang magwala sa aking gawain sa loob ng maraming taon. Hindi ako tunay na naghangad ng katotohanan at hindi binigyang-diin ang pagkilala sa aking sarili. Ako’y buong-pusong naghangad ng matataas na katungkulan, at ninais na maging isang dakilang lider. Ang kinahinatnan, lubos kong hindi naunawaan ang disposisyon ng Diyos o ang diwa ng Diyos. Wala ako ni katiting na antas ng paggalang o takot sa Diyos. Kumilos ako nang walang pakundangan sa harap ng Diyos at hindi tumigil sa kahit ano. Mangangahas akong magsalita ng anuman o gumawa ng kahit ano. Hindi ko natanto na ako ay nagiging isang huwad na pastol; ginampanan ko ang papel ng anticristo; tinatahak ko ang daan ng paglilingkod sa Diyos habang tinututulan Siya. Kahit na pinaalalahanan ako ng mga kapatid nang maraming ulit, hindi ko tinanggap ang kanilang mabuting pagtulong. Lubha akong arogante at nagpatuloy sa aking mga pamamaraan. Dahil sa maraming ulit na tinutulan ko Diyos at sumalansang sa Kanya, pinukaw ko ang galit ng Diyos at sa bandang huli ay inalis sa paglilingkod, na nagdala sa akin sa pagninilay sa sarili.

Sa pagsusuri nito, unti-unti akong nagising sa aking pagkakatuliro. Sa lahat ng panahon, pinag-isipang mabuti ng Diyos ang lahat ng mga bagay na sumapit sa akin sa layunin Niyang ako ay mailigtas. Hindi ko mapigilang muling magpatirapa sa sarili ko sa harap ng Diyos: O Makapangyarihang Diyos, nagpapasalamat ako sa Iyo! Kahit na ang pagpalit sa akin sa pagkakataong ito ay parang paghihingalo at ang aking kapighatian ay walang katulad, nagsilbi itong dahilan upang maranasan ko ang Iyong dakilang pagmamahal at pagliligtas para sa akin. Kung hindi ako pinalitan sa pagkakataong ito, mabubuhay pa rin ako sa aking sariling pagkaunawa at kathang-isip, patuloy na gagawin ang mga bagay sa maling paraan. Maniniwala pa ring ako na ang pag-iwan sa aking sambahayan at trabaho para gumawa sa iglesia ay tapat na paglilingkod sa Iyo. Hindi ako sana naglimi tungkol sa aking inasal at hindi mauunawaang ang paglilingkod ko ay pagtutol sa Iyo, at ito ay paggawa ng masama. Kung magpapatuloy ang mga bagay kagaya nito, lalo lamang akong magiging arogante at mapagmataas. Sa bandang huli tututol ako sa Iyo bilang isang anticristo at kakailanganing humarap sa Iyong kaparusahan. Sa kasalukuyan, ang Iyong napapanahong pagkastigo at paghuhukom ay ang nagpatigil sa akin sa pagtahak sa mga landas ng masama. Itinulot Mong huwag na akong maging masuwayin at magpatuloy gumawa ng masama. O Diyos, ang Iyong pagmamahal sa akin ay totoong dakila at totoo! Ang pagpalit sa kasalukuyan ay tunay na kung paano Mo ako inililigtas. Nilupig ng Iyong nagkakastigong pag-ibig ang aking puso. Taos-puso akong nagpapasalamat sa Iyo sa pagliligtas sa akin at pag-iingat sa akin. Higit kong ipinagpapasalamat sa Iyo ang pagtulot sa akin na tunay na makaranas sa pamamagitan ng Iyong pagbubunyag na hindi mapahihintulutan ng iyong matuwid na disposisyon ang pagkakasala; nagpapasalamat ako na tinulutan Mo akong makita ang malalim na pag-ibig ng isang ama na taglay Mo sa walang-pusong paghagupit at masasakit na pagsubok sa tao. Kasabay nito, tinulutan Mo rin akong makilala ang aking sariling tiwaling sangkap at makita na ako ay lubhang ginawang tiwali ni Satanas. Ang aroganteng kalikasan ng arkanghel ay nagkaugat na sa loob ko at lubos kong kailangan ang Iyong pagkastigo, paghatol, mga pagsubok, pagpipino at maging ang Iyong parusa at pagsumpa upang linisin at iligtas ako. Sa pamamagitan ng ganitong gawain ko lamang nagagawang lumabas na may paggalang sa Iyo at naiingatan at nalilinis. O Diyos, mula sa araw na ito, ako ay nakahandang maghangad ng katotohanan at tunay na magpapasakop sa Iyong gawain. Tatanggapin ko ang Inyong paghatol at pagkastigo. Paano Mo man ako tratuhin, ako ay talagang pasasakop sa Iyo at susunod sa Iyong mga kaayusan. Hindi ako magkakamali sa pang-unawa o dadaing. Ako ay magiging totoong tao at mabubuhay na may halaga at layunin.

Sinundan:Ang Mga Lihim na Nakatago sa Likod ng Paghahangad

Sumunod:Maging Mahigpit sa Sarili Upang Madisiplina ang Iba

Baka Gusto Mo Rin

  • Malinaw na Pagtingin sa Tunay Kong Kulay

    Xiaoxiao Lungsod ng Xuzhou, Lalawigan ng Jiangsu Dahil sa mga pangangailangan ng gawain sa iglesia, inilipat ako sa ibang lugar para gampanan ang akin…

  • Hindi Madaling Maging Isang Matapat na Tao

    Ni Zixin, Lalawigan ng Hubei Matapos ang pagtanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita …

  • Bakit Ba Ako Lumakad sa Landas ng mga Fariseo?

    Ako ay taong arogante at masyadong bilib sa sarili at ang katungkulan ay ang aking kahinaan. Sa loob ng maraming taon, nakatali ako sa reputasyon at katungkulan at hindi ko nagawang makalaya mula dito. Paulit-ulit akong naitaas at napalitan; nagkaroon ako ng maraming kabiguan sa aking katungkulan at mga problema sa pagdaan ng panahon.

  • Lubhang Walang Katuturan ang Pagdakila at Pagpapatotoo Ko sa Diyos

    Ni Zhang Cheng, Shandong Province Sa bawa’t pagkakataon na nakita ko ang ilang lider at kapwa manggagawa sa iglesia na nagiging anticristo, at inaalis…