Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Patotoo sa Cristo ng mga Huling Araw

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

23. Ano ang kaibhan sa pagitan ng trigo at ng mapanirang damo?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Tulad ng nasabi Ko, naipadala ni Satanas yaong mga nagsisilbi para sa Akin upang gambalain ang Aking pamamahala. Mga mapanirang damo ang mga tagapag-silbing ito, pero hindi tumutukoy sa mga panganay na anak ang mga trigo, kundi sa lahat ng anak at mga tao na hindi mga panganay na anak. “Palaging magiging trigo ang trigo, palaging magiging mapanirang damo ang mapanirang damo”; ibig sabihin nito na hindi kailanman maaaring magbago ng kalikasan yaong mga kay Satanas. Kaya, sa maikling salita, nananatili sila bilang Satanas. Ibig sabihin ng trigo ay ang mga anak at ang bayan, dahil bago ang paglikha ng mundo idinagdag Ko sa mga taong ito ang Aking katangian. Dahil nasabi Ko noon na hindi nagbabago ang kalikasan ng tao, palaging magiging trigo ang trigo.

—mula sa “Kabanata 113” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kahit paano man sila sinusubukan, ang katapatan ng mga taong nasa puso nila ang Diyos ay nananatiling hindi nagbabago; nguni’t para sa mga taong walang Diyos sa kanilang puso, sa sandaling ang gawain ng Diyos ay hindi kapaki-pakinabang sa kanilang laman, binabago nila ang kanilang pananaw tungkol sa Diyos, at nililisan pa ang Diyos. Ganoon ang mga hindi maninindigan sa katapusan, na naghahanap lamang ng mga pagpapala ng Diyos at walang pagnanais na gumugol sa kanilang mga sarili para sa Diyos at ialay ang kanilang mga sarili sa Kanya. Ang uring ito ng mga hamak na tao ay patatalsikin lahat kapag natapos na ang gawain ng Diyos, at hindi karapat-dapat sa kahit na anong awa. Yaong mga walang pagkatao ay walang kakayahang mahalin ang Diyos nang tunay. Kapag ang paligid ay tiwasay at ligtas, o kung sila ay makikinabang, sila ay lubusang masunurin sa Diyos, nguni’t sa sandaling ang kanilang ninanais ay napalagay sa alanganin o hindi nila nakuha, ay agad silang naghihimagsik. Kahit na pagkatapos lamang ng isang gabi, maaari silang magbago mula sa isang nakangiti at “mabait” na tao tungo sa isang pangit at mabangis na mamamatay-tao, biglang itinuturing na mortal na kaaway ang kanilang tagapagpala kahapon nang walang pagkatugma o kadahilanan. Kung ang mga demonyong ito ay hindi napapalayas, mga demonyong papatay sa isang iglap, hindi ba’t sila ang pagmumulan nang higit pang paghihirap? … Ang mga tunay na sumusunod sa Diyos ay kayang matagalan ang pagsubok ng kanilang gawain, samantalang yaong mga hindi talaga sumusunod sa Diyos ay hindi kayang matagalan ang anumang mga pagsubok ng Diyos. Hindi magtatagal, sila ay mapatatalsik, habang ang mga mananagumpay ay mananatili sa kaharian. Kung ang tao ay tunay na naghahanap sa Diyos o hindi ay nalalaman sa pamamagitan ng pagsubok sa kanyang gawain, iyon ay, sa pamamagitan ng mga pagsubok ng Diyos, at walang kaugnayan sa pagpapasya ng tao mismo. Hindi tinatanggihan ng Diyos ang sinumang tao kung kailan Niya gusto; lahat ng ginagawa Niya ay lubusang makakahikayat sa tao. Hindi Siya gumagawa ng anumang bagay na hindi nakikita ng tao, o anumang gawain na hindi makahihikayat sa tao. Kung ang paniniwala ng tao ay tunay o hindi, ay napapatotohanan ng mga katunayan, at hindi mapagpapasyahan ng tao. Walang duda na ang “trigo ay hindi magagawang mapanirang damo, at ang mapanirang damo ay hindi magagawang trigo.” Ang lahat ng tunay na nagmamahal sa Diyos ay mananatili sa kaharian sa kahuli-hulihan, at hindi pagmamalabisan ng Diyos ang sinumang tunay na nagmamahal sa Kanya.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinuman na nagsasabing kinikilala ang Diyos na nagkatawang-tao ngunit hindi magagawang isagawa ang katotohanan ng pagsunod sa Diyos na nagkatawang-tao ay ganap na aalisin at wawasakin, at sinuman na nagsasabing kinikilala ang nakikitang Diyos at kumakain at umiinom din ng katotohanan na ipinahayag ng nakikitang Diyos ngunit hinahanap ang malabo at di-nakikitang Diyos ay lalong higit na wawasakin sa hinaharap. Wala sa mga taong ito ang maaaring manatili hanggang sa panahon ng kapahingahan makaraang natapos na ang gawain ng Diyos; wala ni isa ang maaaring maging tulad ng mga taong ito na mananatili hanggang sa oras ng kapahingahan. Ang mga mala-demonyong tao ay ang mga hindi isinasagawa ang katotohanan; ang kanilang kakanyahan ay isang pagkalaban at pagiging suwail sa Diyos, at wala silang kahit na katiting na intensyon ng pagsunod sa Diyos. Ang ganitong mga tao ay wawasaking lahat. Maging kung ikaw ay nagtataglay ng katotohanan o kung ikaw ay lumalaban sa Diyos ay pinagpapasyahan sa iyong kakanyahan, hindi ayon sa iyong anyo o sa iyong paminsan-minsang pananalita at pag-uugali. Ang kakanyahan ng bawat tao ang nagpapasya kung sila ay wawasakin; ito ay pinagpapasyahan ayon sa kakanyahan na ibinunyag sa pamamagitan ng kanilang pag-uugali at ng kanilang paghangad ng katotohanan. Sa mga taong magkakatulad na gumagawa ng gawain at gumagawa din ng magkatulad na dami ng gawain, yaong mabubuti ang makataong kakanyahan at nagtataglay ng katotohanan ay ang mga tao na maaaring manatili, ngunit yaong mga masasama ang kakanyahang pantao at sumusuway sa nakikitang Diyos ay yaong wawasakin. Alinman sa gawain o mga salita ng Diyos na ipinatungkol sa hantungan ng sangkatauhan ay pinakikitunguhan nang wasto ang sangkatauhan ayon sa kakanyahan ng bawat tao; hindi magkakaroon ng mga aksidente, at tiyak na walang magiging kahit katiting na pagkakamali. Tanging kapag ang isang tao ay nagsasakatuparan ng gawain may mapapahalong pantaong emosyon o pakahulugan. Ang gawaing ginagawa ng Diyos ay ang pinaka-angkop; Siya ay lubusang hindi magpaparatang nang mali laban sa anumang nilalang. Maraming tao ngayon ang hindi nahihiwatigan ang hinaharap na hantungan ng sangkatauhan at hindi rin naniniwala sa mga salita na sinasabi Ko; lahat ng hindi naniniwala, kasama ang mga hindi nagsasagawa ng katotohanan, ay mga demonyo!

Ang mga naghahanap at ang mga hindi naghahanap ay dalawang magkaibang uri ng mga tao ngayon, at sila ay dalawang uri ng mga tao na may dalawang magkaibang hantungan. Yaong mga taong nagpapatuloy sa kaalaman ng katotohanan at isinasagawa ang katotohanan ay ang mga tao na ililigtas ng Diyos. Ang mga hindi nakakaalam sa tunay na daan ay mga demonyo at mga kaaway; sila ang mga inapo ng arkanghel at wawasakin.

—mula sa “Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:

Ang mga pangunahing pagpapakikitang inihayag sa mga nagtamo ng kaligtasan ay ang mga sumusunod: Nagagawa nilang magpasakop sa gawain ng Diyos, anuman ang kanilang pansariling kagustuhan; sinusunod nila ang Diyos saanman Niya sila akayin, sa gitna man ng mga pagsubok ng mga tagapagsilbi, kamatayan, mga panahon ng pagkastigo, o ng malaking kapighatian—sa lahat ng ito hindi sila lumalabag o nagkukunwari. Sa dinanas nilang mga paghihirap at pagkabigo, hindi pa nila tinalikuran ang tunay na daan, at hanggang ngayon ay nagpapasakop pa rin sila sa mga pagsasaayos ng Diyos at ginagampanan ang mga tungkulin na kailangan nilang tuparin—ito ay isang masunuring taong nagpapasakop at siguradong ililigtas ng Diyos sa huli. Ganito ang taong tunay na naghahangad sa Diyos—susundan nila Siya hanggang wakas kahit malagay pa ang buhay nila sa panganib. “Anuman ang mangyari, hindi ako lalayo sa Diyos. Maaari kong talikuran ang kaligayahan ng aking pamilya at itakwil ang aking asawa o mga anak. Ayos lang iyan basta’t magugugol ko ang sarili ko para sa Diyos.” Ito ang malinaw na pagkakaiba ng mga taong maliligtas sa mga taong maaalis. Sa karanasan nila sa gawain ng Diyos, ang maliligtas ay yaong mga nagpapatuloy sa katotohanan at nakatuon sa buhay, at sila ang tunay na nagtatamo ng nakasisiyang mga resulta at nagkakamit ng pagbabago sa kanilang disposisyon sa buhay sa iba’t ibang antas. Unti-unting nababawasan ang kanilang mga haka-haka at pagsuway, at unti-unti nilang isinasabuhay ang kawangis ng isang tao. Mas normal na ang kanilang mga pakikisalamuha sa iba at hindi na sila gaanong tiwali. Lumago na sila sa katotohanan, at patuloy na naghahangad na magkaroon ng mas malalim na kaliwanagan tungkol sa katotohanan. Itinatangi nila ang salita ng Diyos at nauuhaw sila rito. Binabasa nila ang salita ng Diyos at ibinabahagi nang wasto ang katotohanan, binibigyang-diin nila ang pagkilala sa kanilang sarili, at binibigyang-diin nang mas malalim ang pagbabago ng kanilang disposisyon. Anumang tungkulin ang ginagampanan nila, walang humpay ang pagpasok nila sa buhay. Masasabi na sila ay nasa tamang landas ng pananampalataya at hindi kailangang mag-alalang masyado ang Diyos tungkol sa kanila. Sila ay mga taong medyo kinalulugdan ng Diyos. Ito ang isa pang pagkakaiba ng mga taong maliligtas sa mga taong maaalis. Yaong mga maliligtas ay ginugugol lahat ang kanilang sarili para sa Diyos sa abot ng kanilang makakaya at ginagawa nila ang anumang angkop sa kanila. Masigasig silang nagkukusa, hindi sila makupad o bulakbulero, at hindi basta-basta ni padaskol ang anumang ginagawa nila. Buong puso at lakas nilang ginagawa ang anumang gawaing nasa harapan nila, sineseryoso ito, at nagagawa nilang isaalang-alang ang kapakanan ng bahay ng Diyos sa pakikipagtulungan sa iba. Nagtutuon sila sa epekto ng gawain, may konsiderasyon sila sa kalooban ng Diyos, at sinisikap nilang tapusin ang Kanyang mga ipinagagawa. Wala silang mga makasariling motibo sa pagganap sa kanilang mga tungkulin, wala silang binabalak para sa kanilang sarili o iniisip kung may mapapala o mawawalan sila, maisasantabi nila ang mga pita ng laman at anumang pakinabang para sa kanilang sariling pamilya, at handa silang tiisin ang pisikal na paghihirap kung kinakailangan. Para sa kanila, nangunguna ang maayos na pagtupad sa kanilang tungkulin, gayundin ang pagpapalaganap ng ebanghelyo para iligtas ang mga tao at palawakin ang gawain ng ebanghelyo ng Diyos. Ito ang kanilang salawikain. Ang pagiging matapat sa pagganap sa kanilang tungkulin ay katunayan na may konsiyensa at katwiran ang tao. Ang higit pang kapuri-puri ay ang kakayahan nilang maisaalang-alang ang kalooban ng Diyos at kahandaan nilang tiisin ang paghihirap para maaliw ang puso ng Diyos. Dahil mahal ng mga taong ito ang katotohanan at hinahangad ang buhay, palagi silang pinapatnubayan ng Banal na Espiritu. Mayroon silang kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu kapag nagbabahagi sila ng salita ng Diyos at nagagawa nilang tanggapin ang katotohanan. Dahil doon, mas sumasaya ang puso nila, mas masigla nilang tinutupad ang kanilang tungkulin, lalong gumaganda ang kanilang kalagayan, at mas lalong nagiging normal ang mga relasyon nila sa ibang mga kapatid. Maaari nilang mahalin ang isa’t isa, ngunit nailalayo rin nila ang kanilang sarili sa lantad na mga taong hindi nagmamahal sa Diyos at hindi ginagampanan ang kanilang mga tungkulin, at alam nila kung paano pakitunguhan nang matalino ang gayong mga tao. Nakikita nila nang napakalinaw, lalo na, ang mundo at ang mga walang pananampalataya; labis nilang kinamumuhian ang mga ito at sawang-sawa na sila kapag nakakaugnayan nila ang mga ito. Gusto lang nilang makipag-usap sa iba pang mga kapatid. Sa tingin nila, mga kapatid lang nila ang kanilang kapamilya, at pakiramdam nila ay hindi nila kayang mabuhay kung nahiwalay sila sa pamilya ng Diyos, na mas mabuti pang mamatay kaysa hindi mabuhay para sa Diyos. Ang mga taong ito ay matapat at talagang matuwid, kaya kung may kinamumuhian ang Diyos ay tatalikuran nila ito at gagawin ang ipinagagawa ng Diyos, basta’t nasisiyahan ang Diyos. Mayroon silang paggalang sa sarili, at taos-puso silang nasasabik na maging mahusay at determinado. Handa silang maglingkod para sa Diyos at ituring ang pagiging matapat na tagapagsilbi bilang sarili nilang kaluwalhatian. Nagsisikap silang bigyang-kasiyahan ang Diyos, at kahit pagsisilbi lamang ito, magsisilbi sila hanggang wakas, hanggang sa kahuli-hulihan nilang hininga. Naniniwala sila na ang paghahangad sa mga pagpapala ay napakasama, ang pagkakaroon ng mga lihim na pagnanasa ay nakakahiya, at na tungkulin nilang maging angkop at matuwid na tagapagsilbi. Naluluwalhati ang Diyos sa pamamagitan ng mga taong ito. Bagama’t may kaunting pagsuway at katiwalian sa kanila, mahal nila ang katotohanan at naghahangad sila ng katarungan. Hindi sila takot sa mga paghihirap, lagi silang nagtitiyagang tumupad sa kanilang tungkulin, at sa huli’y natatamo nila ang pagpapala ng Diyos. Nakikita natin nang napakalinaw ang mga resulta ng gawain ng Diyos—nagbago na ang disposisyon nila sa buhay sa iba’t ibang antas, malaki ang ipinagbabago ng mga pananaw sa buhay, pag-iisip, pamumuhay, at opinyon nilang lahat tungkol sa mga bagay-bagay, at nagiging bagong tao sila kahit paano. Ang mga taong ito na maliligtas ay nakaraan na sa lambak ng anino ng kamatayan at nakita na ang unang liwanag ng bukang-liwayway, na para bang naibangon sila mula sa kamatayan. Habang papalapit ang katapusan nadaragdagan ang kanilang sigla, at nananariwa ang kanilang kabataan. Sa pagsunod sa Diyos naninindigan sila sa kanilang pagsaksi. Ito mismo ang grupo ng mga tao na inorden ng Diyos na tumanggap ng Kanyang dakilang pagliligtas sa ngayon.

Ngayon, tingnan natin ang ugali ng masasamang taong iyon na inilantad na. Dinidismaya at tinatakot nila ang mga tao, at perpektong halimbawa sila ng kasabihang, “mas madaling baguhin ang mga bundok at ilog kaysa baguhin ang kalikasan ng tao.” Bagama’t noong araw, nagtrabaho o nagsilbi sila sa pamilya ng Diyos, sa huli nang sila ay ilantad ng Diyos, nagbalik sila sa dati at ipinakita nila ang totoong ugali nila. Lihim silang pumasok sa pag-asang magtamo ng mga pagpapala, ngunit sa huli ay sinapit nila ang kanilang katapusan sa masakit at nakahihiyang pagkatalo. Ni hindi nila mahal ang katotohanan at hindi sila interesado sa gawain ng Diyos. Hindi nila sineryoso kailanman ang pagbabasa sa salita ng Diyos. Mas mahirap para sa kanila ang basahin ang salita ng Diyos kaysa uminom ng gamot, at lalong ayaw nilang magbahagi tungkol sa katotohanan. Ito ang pangunahin nilang katangian. Para sa kanila, imposibleng unawain at hanapin ang katotohanan, lalo pa ang kilalanin ang kanilang sarili. Wala silang pananampalataya; sila ay mga panirang damo na inihasik ni Satanas. Walang kuwentang pag-usapan ang buhay nila. Nang pumasok sila sa iglesia, hindi maganda ang mga layunin nila. Ang mga pangunahing ipinapakita ng mga taong ito ay: Ayaw nilang maglaan ng anuman kailanman, at gusto nila palaging makalamang at makinabang. Gumagamit sila ng iba’t ibang mga pagkakataon para kumita. Kung hindi sila makakalamang, hindi sila babangon nang maaga. Gusto lang nilang kumita, at hindi nila ginagampanan ang kanilang tungkulin nang masaya at maluwag sa kalooban. Napakasama ng disposisyon nila, at ni wala silang pusong may habag o pagdamay sa iba. Nakasusuklam ang kanilang pagkagahaman at wala silang kasiyahan. Sinusunggaban nila ang sinumang mapapakinabangan at malalamangan nila at pinagsisilbi ito sa kanila. Lagi silang nagsisinungaling. Anumang sabihin nila ay may mga kasinungalingan o kalaswaan. Wala silang sinasabing anuman na tumpak, kaya hindi mo alam kung alin sa sinasabi nila ang totoo at alin ang mga kasinungalingan. Ginagawa nila ang lahat nang patago, at wala silang ginagawang anuman na makatarungan at marangal. Hinding-hindi nila ipapaalam ang nilalaman ng kanilang puso at ipagtatapat ang anuman sa iba, maliban kapag malapit na silang mamatay at lumuluha kapag nakita nila ang kabaong. Karamihan sa lumalabas sa bibig nila ay paninira sa ibang mga tao, tsismis at pamimintas, mga salitang nagpapasimula ng pagtatalo at paninisi, gayundin ng mga salitang nakakainsulto sa iba. Ang pinakagusto nila ay ang pambobola at pagsamba ng ibang mga tao sa kanila, at gustung-gusto nila na naliligiran sila ng mga tao. Talagang pinapangarap nilang maging reyna o pinakamataas na kapangyarihan na pinagsisilbihan ng lahat. Kapag nasa maayos na kalagayan at sinusuwerte sila, maitatago nila ang buntot nila at nagkukunwari sila sandali na mabubuting tao. Gayunman, kapag natatalo sila at pinababayaan ng Diyos, agad nilang ipinapakita ang tunay na ugali nila, at nang-aabuso sila kaagad, nagpapahayag ng matitinding hinaing, at nagiging mga demonyo. Kung gayon ay kaya nilang gawin ang anuman. Tulad ng isang salot na laganap sa maraming lugar, nagkakalat sila ng lason sa lahat ng dako at nagpapalaganap ng mga tsismis upang linlangin ang mga tao. Lahat ng gayong masasamang tao na gumagawa ng lahat ng uri ng kasamaan ay magkakapareho ang likas na pagkatao, bagama’t maaaring magkakaiba ang kanilang mga pag-uugali. Magkakatulad ang kanilang sikolohikal na kalagayan; nagkakaiba lang sila sa tindi ng kasamaan na malinaw na nakikita. Ang ganitong klaseng tao ay matatagpuan sa lahat ng dako, at madali silang matukoy. Maipapaliwanag ito nang ganito: Lahat ng taong gustong makalamang sa halip na ibatay ang kanilang mga kilos sa katotohanan ay masasamang tao; lahat ng hindi naghahanap ng layon sa buhay at wala ni katiting na kaalaman tungkol sa kanilang sarili ay masasamang tao; lahat ng hindi nag-aambag kahit may pera sila at ayaw gampanan ang kanilang tungkulin ay masasamang tao; lahat ng walang ingat sa paggawa ng kanilang tungkulin, hanggang sa kusang-loob silang kumilos, ay masasamang tao; lahat ng nakikipagpaligsahan para sa posisyon, gumagambala sa buhay-iglesia, at walang sinusunod ay masasamang tao; lahat ng kumikilos ayon sa sarili nilang kagustuhan, na walang pakundangang kumilos, na hindi nakikinig kaninuman ay masasamang tao; lahat ng nakaririnig sa tinig ng Diyos at walang takot, at ni hindi nagsisisi, ay masasamang tao; lahat ng may mabangis at malupit na disposisyon, na nagmamalupit sa mga tao, na kabilaan ang pag-atake sa mga tao sa mapang-abusong pananalita, na ni hindi binabago ang kanilang mga opinyon, ay mas karumal-dumal ang mga kasalanan. Lahat ng nagbalik sa dating gawi, na nagbalik sa dati nilang tunay na ugali ay katulad lamang ng mga walang pananampalataya, at pawang mga demonyo na ipinakikita kung sino sila talaga. Matagal nang iniwan ng Banal na Espiritu ang mga taong ito. Ipinasa na sila ng Diyos kay Satanas, at hindi sila nabibilang sa pamilya ng Diyos.

—mula sa Ang Pagbabahagi mula sa Itaas

Sinundan:Ano ang pagsunod sa tao?

Sumunod:Ano ang kaibhan sa pagitan ng mabuting alipin at ng masamang alipin?

Baka Gusto Mo Rin