Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Patotoo sa Cristo ng mga Huling Araw

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

24. Ano ang kaibhan sa pagitan ng mabuting alipin at ng masamang alipin?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang gawain ng karapat-dapat na manggagawa ay maaaring magdala sa mga tao sa tamang daan at tinutulutan silang mas lumalim pa sa katotohanan. Ang gawain na ginagawa niya ay maaaring magdala sa mga tao sa harap ng Diyos. Idagdag pa, ang gawain na ginagawa niya ay maaaring maiba sa bawat indibiduwal at hindi nakatali sa mga alituntunin, anupa’t tinutulutan ang mga tao na makawala at makalaya. Bukod dito, maaari silang unti-unting lumago sa buhay, umunlad nang mas malalim tungo sa katotohanan. Ang gawain ng isang hindi karapat-dapat na manggagawa ay malayung-malayo; ang kanyang gawain ay kahangalan. Maaari lamang niyang dalhin ang mga tao sa mga alituntunin; ang hinihingi niya sa mga tao ay hindi naiiba sa bawat indibiduwal; hindi siya gumagawa ayon sa aktuwal na pangangailangan ng mga tao. Sa ganitong uri ng gawain, mayroong napakaraming alituntunin at napakaraming doktrina, at hindi nito madadala ang mga tao sa realidad o sa normal na pagsasagawa ng paglago sa buhay. Maaari lamang itong magbigay-kakayahan sa mga tao na makatayo sa kaunti at walang-halagang mga tuntunin. Ang ganitong uri ng paggabay ay maaaring magdulot lamang sa mga tao na maligaw. Inaakay ka niya na maging katulad ng kung ano siya; madadala ka niya tungo sa kung anong mayroon siya at kung ano siya.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Yaong mga naglilingkod sa Diyos ay dapat maging mga kaniig ng Diyos, dapat ay nakasisiya sila sa Diyos, at may kakayahan ng sukdulang katapatan sa Diyos. Hindi alintana kung ikaw ay kumikilos sa likod ng mga tao, o sa harap nila, ikaw ay nakakatamo ng kagalakan ng Diyos sa harap ng Diyos, ikaw ay may kakayahang tumindig nang matatag sa harap ng Diyos, at paano ka man tratuhin ng ibang mga tao, lagi mong tinatahak ang sarili mong landas, at masusing nangangalaga sa pasanin ng Diyos. Tanging ito ang isang kaniig ng Diyos. Na nakakaya ng mga kaniig ng Diyos na direktang maglingkod sa Kanya ay dahil nabigyan na sila ng malaking tagubilin ng Diyos, at pasanin ng Diyos, nagagawa nilang damahin ang puso ng Diyos bilang kanila, at ang pasanin ng Diyos bilang kanila, at hindi mahalaga sa kanila kung magkamit man sila o mawalan ng pagkakataon: Kahit na wala silang mga pagkakataon, at wala silang makukuha, sila ay palaging maniniwala sa Diyos na may mapagmahal na puso. At dahil dito, ang ganitong uri ng tao ay kaniig ng Diyos. Ang mga kaniig ng Diyos ay Kanya ring mga pinagkakatiwalaan; ang mga pinagkakatiwalaan lamang ng Diyos ang makakagawang makibahagi sa Kanyang pagkabalisa, at sa Kanyang mga nais, at bagaman ang kanilang laman ay makirot at mahina, natitiis nila ang kirot at tinatalikdan yaong kanilang sariling kasiyahan upang mapasaya ang Diyos. Nagbibigay ang Diyos ng mas maraming pasanin sa nasabing mga tao, at kung ano ang gagawin ng Diyos ay ipinapahayag gamit ang mga taong ito. Sa gayon, nakasisiya ang mga taong ito sa Diyos, sila ay mga lingkod ng Diyos na kaayon ng Kanyang sariling puso, at ang mga tao lamang na tulad nito ang maaaring mamuno kasama ng Diyos.

—mula sa “Paano Maglingkod Nang Kaayon sa Kalooban ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang bawat isa sa inyo, bilang mga tao na naglilingkod, ay kailangang maipagtanggol ang kapakanan ng iglesia sa lahat ng bagay na iyong ginagawa, sa halip na atupagin ang iyong sariling mga kapakanan. Hindi katanggap-tanggap na gawin ito nang nag-iisa, kung saan pinahihina mo siya at pinahihina ka niya. Ang mga tao na kumikilos sa ganitong paraan ay hindi karapat-dapat na maglingkod sa Diyos! Ang disposisyon ng ganitong uri ng tao ay napakasama; wala ni isang patak ng pagkatao ang nananatili sa kanila. Sila ay isandaang porsiyentong Satanas! Sila ay mga hayop! Maging sa ngayon ang gayong mga bagay kagaya nito ay nangyayari pa rin sa inyo, umaaabot hanggang sa pag-atake sa bawat isa sa panahon ng pagbabahagi, sadyang naghahanap ng mga pagdadahilan, namumula ang buong mukha sa pakikipagtalo dahil sa ilang maliliit na bagay, hindi nakahanda ang sinuman na magparaya, itinatago ng bawat tao kung ano ang nasa loob mula sa iba pa, pinagmamasdang mabuti ang kabilang panig at nagiging alisto. Maaari bang ang ganitong uri ng disposisyon ay karapat-dapat sa paglilingkod sa Diyos? Maaari bang ang ganitong gawain kagaya ng sa iyo ay makapagbibigay ng panustos sa mga kapatid? Hindi lamang sa hindi mo nagagawang gabayan ang mga tao tungo sa tamang landas ng buhay, ang totoo ipinapasok mo ang iyong mga tiwaling disposisyon sa mga kapatid. Hindi mo ba sinasaktan ang iba? Napakasama ng iyong konsensiya, bulok hanggang sa pinakagitna! Hindi ka pumapasok sa realidad, at hindi mo isinasagawa ang katotohanan. Bukod pa riyan, ibinubunyag mo ang iyong napakasamang kalikasan sa ibang mga tao nang walang kahihiyan, talagang wala kang nalalamang kahihiyan! Ipinagkatiwala sa iyo ang mga kapatid, ngunit dinadala mo sila sa impiyerno. Hindi ka ba isang tao na nabulok na ang konsensiya? Ikaw ay lubos na walang kahihiyan!

—mula sa “Maglingkod Kagaya ng Ginawa ng Mga Israelita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Maraming tao sa Aking likuran ang nag-iimbot sa pagpapala ng katayuan, nagpapasasa sila sa pagkain, mahilig silang matulog at masusing pinangangalagaan ang laman, laging natatakot na walang paraan upang makaiwas sa laman. Hindi nila ginagampanan ang kanilang karaniwang tungkulin sa iglesia, at kumakain nang walang bayad, o kaya ay pinagsasabihan ang kanilang mga kapatiran gamit ang Aking mga salita, nagmamataas sila at pinaghaharian ang iba. Palaging sinasabi ng mga taong ito na ginagawa nila ang kalooban ng Diyos, lagi nilang sinasabi na sila ay mga kaniig ng Diyos—hindi ba ito katawa-tawa? Kung ikaw ay may matuwid na mga adhikain, nguni’t hindi naglilingkod ayon sa kalooban ng Diyos, kung gayon ikaw ay nananatiling hangal; nguni’t kung ang iyong mga adhikain ay hindi tama, at sinasabi mo pa rin na ikaw ay naglilingkod sa Diyos, kung gayon ikaw ay isang taong sumasalungat sa Diyos, at marapat parusahan ng Diyos! Wala Akong simpatya sa mga naturang tao! Sa bahay ng Diyos kumakain sila nang libre, at laging hinahangad ang kaginhawahan ng laman, at walang pagsasaalang-alang sa mga interes ng Diyos; lagi nilang hinahanap kung ano ang mabuti para sa kanila, hindi nila pinapansin ang kalooban ng Diyos, ang lahat ng kanilang ginagawa ay hindi tinitingnan ng Espiritu ng Diyos, lagi silang nanlilinlang at nagbabalak ng masama laban sa kanilang mga kapatid, at doble-kara sila, parang isang soro sa isang ubasan, laging nagnanakaw ng mga ubas at tinatapak-tapakan ang ubasan. Maaari bang maging mga kaniig ng Diyos ang gayong mga tao? Ikaw ba ay angkop upang matanggap ang mga pagpapala ng Diyos? Hindi mo kinukuha ang pananagutan sa iyong buhay at sa iglesia, ikaw ba ay angkop para tanggapin ang tagubilin ng Diyos? Sino ang mangangahas na magtiwala sa isang katulad mo? Kapag ikaw ay naglilingkod nang ganito, maaari bang mangahas ang Diyos na magtiwala sa iyo ng mas mabigat na gawain? Hindi mo ba inaantala ang mga bagay-bagay?

—mula sa “Paano Maglingkod Nang Kaayon sa Kalooban ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Yaong mga nananatiling hindi nagbabago ang tiwaling disposisyon ay hindi kailanman maaaring maglingkod sa Diyos. Kung ang iyong disposisyon ay hindi nahatulan at nakastigo na ng salita ng Diyos, sa gayon ang iyong disposisyon ay kumakatawan pa rin kay Satanas. Ito ay sapat para patunayan na ang iyong paglilingkod sa Diyos ay nagmumula sa iyong sariling mabuting hangarin. Ito ay paglilingkod batay sa iyong makademonyong kalikasan. Ikaw ay naglilingkod sa Diyos gamit ang iyong likas na karakter, at ayon sa iyong personal na mga kagustuhan; ano pa nga ba, patuloy mong iniisip na nalulugod ang Diyos sa anumang nais mong gawin, at napopoot sa anumang hindi mo nais gawin, at lubusan kang ginagabayan ng iyong sariling mga kagustuhan sa iyong gawain. Maaari bang matawag itong paglilingkod sa Diyos? Sa huli, ang iyong disposisyon sa buhay ay hindi magbabago ni katiting; sa halip, ikaw ay lalong magiging mas matigas ang ulo sapagka’t napaglilingkuran mo ang Diyos, at gagawin nito ang iyong tiwaling disposisyon na nakatanim nang malalim. Sa paraang ito, bubuo ka sa iyong loob ng mga alituntunin tungkol sa paglilingkod sa Diyos na pangunahing batay sa iyong sariling karakter, at sa karanasang nakuha mula sa iyong paglilingkod ayon sa iyong sariling disposisyon. Ito ang aral mula sa karanasan ng tao. Ito ang pilosopiya ng tao sa buhay. Ang mga taong katulad nito ay nabibilang sa mga Fariseo at mga relihiyosong namumuno. Kung hindi sila kailanman magising at magsisi, sa kahuli-hulihan sila ay magiging mga huwad na Cristo na lilitaw sa mga huling araw, at magiging mga manlilinlang ng mga tao. Ang sinabi noon na mga huwad na Cristo at manlilinlang ay magmumula sa ganitong uri ng tao. Kung yaong mga naglilingkod sa Diyos ay sumusunod sa kanilang sariling karakter at kumikilos ayon sa kanilang sariling kalooban, kung gayon sila ay nasa panganib na mapalayas anumang oras. Yaong mga gumagamit ng maraming taon ng karanasan nila sa paglilingkod sa Diyos upang mahalin sila ng iba, pangaralan at sawayin nila ang iba, at manatili sa mataas na posisyon—at hindi nagsisisi kailanman, hindi kailanman nangungumpisal ng kanilang mga kasalanan, hindi kailanman nagtatatwa sa mga benepisyo ng posisyon—ang mga taong ito ay mahuhulog sa harapan ng Diyos. Sila ang mga uri ng tao na katulad ni Pablo, ipinangangahas ang kanilang pagiging nauna sa panunungkulan at ipinagmamagaling ang kanilang mga kwalipikasyon. Hindi dadalhin ng Diyos ang mga taong tulad nito sa pagkaperpekto. Ang ganitong uri ng paglilingkod ay humahadlang sa gawain ng Diyos. Ang mga tao ay mahilig kumapit sa luma. Sila ay kumakapit sa mga pagkaunawa ng nakaraan, sa mga bagay mula sa nakaraan. Ito ay isang malaking sagabal sa kanilang paglilingkod. Kung hindi mo kayang itakwil ang mga iyon, magiging hadlang ang mga bagay na ito ng buong buhay mo. Hindi ka pupurihin ng Diyos, kahit katiting, kahit pa mabali mo ang iyong mga binti sa pagtakbo o ang iyong likod sa paggawa, kahit pa mapatay ka sa iyong paglilingkod sa Diyos. Sa kabaligtaran: sasabihin Niya na ikaw ay isang gumagawa ng masama.

—mula sa “Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang sinumang hindi nauunawaan ang layunin ng gawain ng Diyos ay yaong naninindigan laban sa Diyos, at lalo na yaong mga alam ang layunin ng gawain ng Diyos ngunit hindi hinahangad na bigyang kasiyahan ang Diyos. Yaong mga nagbabasa ng Biblia sa mga engrandeng iglesia ay nagsasalaysay ng Biblia araw-araw, nguni’t ni isa ay hindi nauunawaan ang layunin ng gawain ng Diyos. Wala ni isa ang kayang makilala ang Diyos; bukod dito, wala ni isa ang nakaaayon sa puso ng Diyos. Lahat sila ay mga walang silbi, masasamang tao, bawat isang tumatayo nang mapagmataas para turuan ang Diyos. Kahit iwinawagayway nila ang ngalan ng Diyos, kusang-loob nila Siyang sinasalungat. Kahit tinatawag nila ang kanilang mga sarili na mananampalataya ng Diyos, sila yaong mga kumakain ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng taong iyon ay mga demonyong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong diyablong sinasadyang manggambala sa mga sumusubok lumakad sa tamang landas, at mga balakid na humahadlang sa landas ng mga naghahanap sa Diyos. Kahit sila ay may “matipunong laman”, paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga anticristo na umaakay sa tao sa pagsalungat sa Diyos? Paano nila malalaman na sila ay mga demonyong nabubuhay na sadyang naghahanap ng mga kaluluwang lalamunin?

—mula sa “Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:

Ang mga pinuno at manggagawa ng iglesia sa lahat ng lebel ay maaaring ilagay sa tatlong kategorya. Mas angkop na ilarawan ang mga ito bilang matatapat na lingkod, taksil na lingkod o masasamang lingkod. Ang unang kategorya ay kayang sundin ang gawain ng Diyos, gawin ang lahat para pangalagaan ang gawain ng Diyos habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin, talikuran ang lahat para gugulin ang sarili nila para sa Diyos, at dakilain at patotohanan ang Diyos. Ang grupong ito lamang ng mga tao ang talagang naghahanap sa katotohanan, naghahangad na magawang perpekto at makabilang sa matatapat na lingkod ng Diyos. Ang ikalawang klase ay wala talagang realidad ng katotohanan, hindi nagagawang pangalagaan ang gawain ng Diyos habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin, hindi ginagawa ang mga bagay-bagay alinsunod sa mga pagsasaayos ng gawain, ginagawa ang anumang gusto nila at walang ingat sa pagkilos, kumikilos ayon sa nasa ng kanilang laman, tinatrato ang mga tao batay sa kanilang damdamin, hindi sinusunod ang mga prinsipyo ng katotohanan, nahihirapang isabuhay ang katotohanan, madalas subukang makipagtawaran sa Diyos. Nasa landas sila ng anticristo at nasa kategorya ng taksil na mga lingkod. Ang ikatlong klase ay mayabang at mapagmataas, naghahangad ng katayuan, at ambisyoso. Gusto nila palaging kontrolin ang mga taong hinirang ng Diyos, at maging mas mataas kaysa iba, at sinusupil at nagtatangi sila laban sa mga taong hindi sumasang-ayon sa kanila. Pinipigilan, iginagapos at binibitag nila ang mga taong hinirang ng Diyos, sinusubukang gamitin ang kanilang kapangyarihan para kontrolin ang mga taong hinirang ng Diyos at magtayo ng sarili nilang malayang kaharian. Nasa kategorya sila ng masasamang taong kauri ng mga bulaang pinuno at anticristo, ibig sabihin, masasamang lingkod. …

… Gumagawa ang Banal na Espiritu sa mga taong may mabuting pagkatao na nagmamahal din sa katotohanan. Yaong mga hindi mabuti ang pagkatao at walang pagmamahal sa katotohanan ay walang gawain ng Banal na Espiritu. Ang isang taong mapanlinlang, mabisyo at mapanira ang pagkatao ay isang masamang tao na siyempre pa ay nasa kategorya ng masamang lingkod. Ang masasamang lingkod ay mga kaaway ng Diyos at siyang mga pakay ng Kanyang pagsumpa at kaparusahan. Angkop na angkop na ilarawan ang tatlong klaseng ito ng mga pinuno at manggagawa bilang matatapat na lingkod (kagaya ng mga loyalistang binabanggit ng mga walang pananampalataya), taksil na mga lingkod (kagaya ng taksil na mga opisyal ng hukuman na binabanggit ng mga walang pananampalataya), at masasamang lingkod (kagaya ng latak na nagtataksil sa bayan at umaanib sa kaaway na binabanggit ng mga walang pananampalataya). Yaong mga nasa kategorya ng matatapat na lingkod ay mas matatapat, may konsiyensya at pakiramdam, at naninindigan sa gawain ng Diyos sa lahat ng bagay habang ginagampanan ang kanilang tungkulin. Masunurin at matapat sila sa Diyos. Lahat ng gayong pinuno at manggagawa ang pakay ng pagliligtas at pagpeperpekto ng Diyos. Yaong mga nasa kategorya ng taksil na mga lingkod ay hindi nagmamahal sa katotohanan, ayaw hanapin ang katotohanan at hindi nagpapakita ng tunay na pagsunod sa Diyos. Sa pagtupad sa kanilang tungkulin, ginagawa nila ang anumang gusto nila. Tinatrato nila ang mga tao batay sa kanilang mga emosyon at hindi sila makatarungan at makatwiran. Sa paglilingkod nila sa Diyos nilalabanan nila Siya, sinusunod ang tawag ng laman, at ginagawa ang mga bagay nang walang mga prinsipyo, sinusubukan pang makipagtawaran sa Diyos. Kung minsan maaari silang magtaksil sa katotohanan at sa Diyos, at nilalabanan pa nila ang mga interes ng tahanan ng Diyos, hindi pinangangalagaan ang gawain ng Diyos kahit kaunti. Ang ganitong klaseng mga tao ay nasa kategorya ng mga taksil na lingkod, kagaya ng taksil na mga opisyal ng hukuman na binabanggit ng mga walang pananampalataya. … Mangyari pa, lahat ng taksil na mga lingkod ay nasa kategorya ng mga bulaang pinuno at manggagawa. Gayunman, ang ilang bulaang pinuno at manggagawa ay may mabuting pagkatao at lubos na kakayahang magsisi at magbago. Dapat silang tratuhin nang may pagmamahal at bigyan ng isa pang pagkakataong magsanay. Ngunit yaong masasamang lingkod ay lahat bulaang pinuno at anticristo na may likas na kademonyohan. Mangyari pa, lahat ng masamang lingkod ay nasa kategorya ng masasamang tao. Mayroon silang katangian at diwa ng diyablo, kaya nga nakakaya ng masasamang taong ito ang lahat ng klase ng kasamaan at malupit nilang sinusugpo at pinahihirapan ang mga taong hinirang ng Diyos. Ginagawa nila ang lahat ng kaya nila para gambalain at patigilin ang gawain ng Diyos at tutulan ang Diyos sa lahat ng bagay, na para bang walang-wala silang pakiramdam. Matigas at sutil ang puso nila. Hindi ba ito pagiging kaaway ng Diyos? Hindi maililigtas ang masasamang lingkod. Samakatwid, kailangang paalisin ng tahanan ng Diyos ang anumang huwad na mga pinuno at anticristo na may kademonyohan. Walang puwang para sa pakikipagkasundo.

—mula sa “Magpasakop nang Tapat sa Gawain ng Diyos upang Makapasok sa Realidad ng Katotohanan” sa Mga Piling Salaysay Tungkol sa mga Isinaayos na Gawain ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Kung talagang may taglay na kakayahan ang mga taong naglilingkod, makikipagtulungan sa kanila ang mga pinamumunuan nila—magkakaroon ng napakalakas na tensyon at pagkakasundo rin sa buong kapaligiran, at yayabong ang buhay-iglesia sa bawat araw na nagdaraan. Walang negatibong saloobin o napag-iiwanan. Mag-uumapaw ang katuwiran at magkakaisa ang isipan ng lahat ng miyembro ng simbahan; magkakaisa sila sa kanilang mga pagsisikap. Magagawa nilang lahat na magpatotoo tungkol sa Diyos at pahalagahan Siya nang husto. Ito ang pinakamagandang kalalabasan. Kung wala pa ring buhay ang simbahan at karamihan sa mga tao ay negatibo, patunay ito na walang patutunguhan sa iyong patnubay. Ang buhay-iglesia ay parang isang karwahe at ang lider ay parang kabayo na humihila rito. Kung nagagawa ng kabayo ang layunin nito, mahihila nito ang karwahe pasulong; lalakad ito kapag dapat itong lumakad at tatakbo kapag dapat itong tumakbo. Walang makakapigil dito. Kapag talagang nararapat ang isang tao na maglingkod sa Diyos, lahat ng suliranin ay malulutas saanman siya magpunta; matatalakay niya ang anumang mga problema nila at maituturo ang daan. Malaking kasiyahan ito para sa iba, na para bang nawala ang bigat na pasan nila. Gaano man kahirap ang sitwasyon sa isang lugar, kung mananatili siya roon nang ilang araw at magtitipon ng mga tao para sa ilang pagpupulong, sasaya ang puso nila. Sisigla sila sa sandaling maunawaan nila ang katotohanan at lubos na malulutas ang kanilang pagkanegatibo. Mapapawi ang pagtatalo ng laman at tatahak sa tamang landas ang buhay-iglesia. Mauunawaan ng isang taong talagang naglilingkod sa Diyos ang mga pagkukulang ng iba, alam niya kung anong klaseng pangangalaga ang kailangan ng iba’t ibang tao, saan magsisimula, at paano lubusang lulutasin ang mga problema. Bago man o dati nang mananampalataya, matanda o bata, namumuno o sumusunod, kaya niyang buhayin sila nang lubusan. Malulutas ang lahat ng problema nila at makakausap niya ang lahat ng tao. Para sa mga taong tunay na nakapaglilingkod sa Diyos, walang mga patakaran sa pagbabahagi ng katotohanan; hindi nila ito ginagawa sa pamamagitan ng pagsasaulo, kundi nagsasalita sila mula sa bawat panig at bawat anggulo. Maipapaliwanag nila ang mga bagay-bagay sa iba’t ibang pananalita at mapagsasama-sama ang lahat ng uri ng katotohanan, at mauunawaan iyon ng lahat ng klase ng tao at makikinabang sila. Gustung-gusto ng lahat na makasama ang mga tunay na naglilingkod sa Diyos; handa silang buksan ang kanilang puso at makibahagi sa kanila, iginagalang nila sila, at handang kaibiganin sila at makausap sila nang masinsinan. Kung lahat ay natatakot at pinagtataguan ka, may problema ka. Mamalasin ka kapag tumawid sa harap mo ang isang pusang itim. Ang mga taong nakaayon ang puso sa kalooban ng Diyos ay laging nagsisimba, nakikisama sa mga pinamumunuan nila sa gawain, nakikihalubilo sa mga tao at kumakain na kasama sila, at magdamag na nakikipag-usap sa mga tao. Paulit-ulit nilang pinapayuhan ang mga tao kapag nagkakatiwala sa kanila ng gawain; at natatakot sila na hindi nila magawa nang maayos ang mga bagay-bagay at hindi nila binabalewala ang sinuman kailanman. Alam nila na ang pag-alis sa pinagtatrabahuhan ay pagpapabaya sa tungkulin—yaong mga nang-iiwan sa mga taong pinagtatrabahuhan nila ay mga linta lamang. Posible bang malutas ang lahat ng praktikal na hirap nang hindi kinakausap ang mga lider at manggagawa sa pinakamababang lebel na nakikipag-ugnayan sa iyo? Magagawa ba ito nang hindi lubusang nararanasan ang buhay-iglesia sa pinakamababang antas? May mapapala ka ba nang hindi nakikipag-usap nang masinsinan? Maiiwanan mo ba ang trabaho mo bago mapaos ang boses mo? Dala mo pa ba ang pasanin mo kapag hindi nag-aalab ang puso mo? Kung hindi pa nababawasan ang timbang mo, talaga bang nagtatrabaho ka nang husto? Talaga bang nagmamalasakit sa naging bunga ng kanilang gawain ang mga taong nakatuon sa kanilang pagkain at pananamit? Maisasapuso ba nila ang kalooban ng Diyos? Talaga bang magagampanan nilang mabuti ang kanilang gawain kung kakaunti lang ang kinakausap nilang mga tao na sarili lang nila ang iniisip samantalang iniiwasan ang mga taong hindi ganoon? Hindi ba sila mga linta na naghahanap ng madali, komportable at masayang buhay?

Alam ng mga taong tunay na nakapaglilingkod sa Diyos kung saan sila nagkukulang; kaya nilang ayusin ang kanilang sarili at punan ang sarili nilang mga kakulangan anumang oras habang ipinararating din ang katotohanan para mabuhay ang iba. Higit pa rito, nakatuon sila sa pagpasok nila mismo sa katotohanan at higit na pagkilala sa kanilang sarili. Maaari nilang pigilan ang kanilang sarili na magyabang, magmagaling at magpasikat; handa rin silang ihayag ang kanilang damdamin, para makita ng iba ang kanilang mga kahinaan at pagkukulang. Samakatuwid, ang kanilang pakikibahagi ay taos-puso at tunay, walang pagkukunwari. Magkakaroon ng tiwala ang mga tao sa kanila at iginagalang sila at sinusunod din ang mga katotohanang ibinabahagi nila. Nauunawaan ng mga taong talagang naglilingkod sa Diyos ang gawain ng Banal na Espiritu at alam kung ano ang nagmumula sa sarili nilang karanasan at kung ano ang nagmumula sa kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Taos-puso silang nagpipitagan sa Diyos at hindi sila mayabang o hambog. Hindi nila hinahamak ang iba dahil nasa kanila ang gawain ng Banal na Espiritu, kundi mas inuunawa nila ang iba, inaalagaan ang iba, at tinutulungan ang iba. Mas gugustuhin pa nilang magdusa para maaaring maging masaya ang iba. Nauunawaan nila ang mga hirap na dinaranas ng mga tao at lubos ding nauunawaan kung gaano kasakit para sa isang tao na masadlak sa dilim. Bukod pa rito, nauunawaan nila ang mga kasiyahan ng nililiwanagan ng Banal na Espiritu at handa silang ibahagi ang kaliwanagang iyon sa iba, pati na ang kagalakang hatid niyon. Hindi nila ginagawang puhunan ang pagkakaroon ng gawain ng Banal na Espiritu para masiyahan. Nasisiyahan sila sa gawain ng Banal na Espiritu at isinasaalang-alang ang kalooban ng Diyos. Handa silang lutasin ang mga paghihirap at pasakit ng ibang mga tao at ipasa sa iba ang kasiyahang nakukuha nila mula sa gawain ng Banal na Espiritu para masiyahan ang Diyos. Kaya nilang aktibong makiisa sa gawain ng Banal na Espiritu, ipakita ang lahat ng pagsasaalang-alang sa kalooban ng Diyos at isuko ang sarili nilang kasiyahan para masiyahan ang Diyos. Tinatanggihan nila ang mga pagpapala ng katayuan at hindi naghahangad ng espesyal na pagtrato; nagdarasal sila at magalang na naglilingkod sa Diyos at tapat na ginagampanan ang kanilang tungkulin. Ang mga tao lamang na naglilingkod sa Diyos sa ganitong paraan ang kumikilos alinsunod sa kalooban ng Diyos.

Para makapaglingkod alinsunod sa kalooban ng Diyos, kailangan munang baguhin ng isang tao ang disposisyon niya sa buhay. Matapos magbago, maaari nang magsimula ang isang tao na pormal na maglingkod. Kailangan ang ilang taon ng karanasan, at kung walang katotohanan walang magagandang resultang matatamo. Kung talagang nauunawaan ng mga tao ang tunay na kahulugan ng paglilingkod, malalaman nila kung paano gampanang mabuti ang kanilang tungkulin. Dahil lubos nilang nauunawaan na ang pagtupad ng isang tao sa tungkulin ay upang ituro sa ibang mga tao ang katotohanan, ang daan, at ang buhay na natamo ng isang tao mula sa gawain ng Diyos, at ipaalam sa simbahan ang kanilang karanasan, kaalaman tungkol sa Diyos at liwanag na inihayag ng Banal na Espiritu, para maibabahagi ito ng iba, at para mababago nilang lahat ang kanilang disposisyon sa buhay, makilala nila ang Diyos, masunod nila ang Diyos, maging tapat sila sa Diyos at matamo sila ng Diyos. Hindi nila pinalalakas ang kanilang sarili sa kaalaman tungkol sa katotohanan at itinuturo sa iba ang mga titik at doktrina para ipakita kung gaano sila katalino. Ang pagtupad ng isang tao sa tungkulin ay pag-aalaga, pagtulong, pag-unawa at pangangalaga sa iba nang may pag-ibig sa Diyos, pagmamalasakit sa iba kaysa sa sarili, pag-iisip palagi tungkol sa iba, paggawa ng lahat nang nasasaisip ang simbahan, mas ginugustong magdusa para magkamit ng buhay at maligtas ang karamihan, at gawin ang lahat para maunawaan ng mga tao ang katotohanan at gugulin ang kanilang sarili para sa Diyos upang mabigyang-kasiyahan ang kalooban ng Diyos. Hindi ito pagmamapuri ng sarili batay sa katayuan ng isang tao sa lipunan o pagkapit sa mga kasiyahan ng laman nang hindi isinasaalang-alang kung gaano nagdurusa ang kanyang mga kapatid, o basta bigyang-kasiyahan lang ang kanyang sariling pagnanais na kumain, uminom at magpakasaya samantalang pinababayaan ang kapakanan ng kanyang mga kapatid. Nagtatrabaho pa nga ang ilang tao ayon sa sarili nilang mga kagustuhan at damdamin. Kung tinatanggap sila ng isang tao nang maayos at nakukuha ang kanilang simpatiya, magbabahagi sila sa kanila, at kung hindi naman ay tatanggi sila. Siya ang pinaka-nakasusuklam na tao na ginagampanan ang kanyang gawain at humihingi ng kapalit. Ang pagtupad ng isang tao sa tungkulin ay pag-ayon sa kalooban ng Diyos, na itinuturing na agaran ang itinuturing ng Diyos na agaran, isinasaalang-alang ang isinasaalang-alang ng Diyos, inaalala ang mga inaalala ng Diyos, at inuuna ang kapakanan ng pamilya ng Diyos sa lahat ng oras. Ito ay pagsusumikap nang husto kaya nakakalimutan ng isang tao na kumain at matulog, at ito ay napakaingat na mga pagsisikap at paggawa ng gawaing ipinagkatiwala na ng Diyos sa isang tao nang may responsibilidad ng isang dalubhasa. Hindi ito umaasang magantimpalaan para sa isang maliit na gawain, o masiyahan matapos ang kaunting pagdurusa, o nagiging mayabang at mapagmataas matapos makamit ang ilang resulta, o nagtatamasa ng katayuan at kumikilos na parang isang malupit na pinuno. Ang matatapat sa pagganap sa kanilang tungkulin ay nagpapasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos, matatapat, deboto, at gumagawa nang hindi makasarili at walang reklamo bilang mga lingkod ng Diyos, na ninanasa lamang na suklian ang pag-ibig ng Diyos at ialay ang kanilang buhay sa Kanya. Itinuturing nila ang kanilang sarili na katiting na alikabok lamang na walang dangal, at lalong hindi karapat-dapat na magtamasa ng biyaya ng Diyos, at lubos silang nagpapasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos at hindi nagrereklamo. Hindi sila masama at walanghiyang mga ipokrito na pinapahalagahan ang sarili nilang buhay, na ang layunin ay magtamo ng mga pagpapala, at umaasang mangibabaw sa iba at masiyahan sa pagiging higit kaysa iba. Ang pagganap ng isang tao sa tungkulin ay pagkakaroon ng konsiderasyon sa kalooban at pasanin ng Diyos, pagturing sa mga kapatid na parang kanyang mga magulang, pagiging handang magsilbi sa lahat, isinasaisip ang buhay ng mga kapatid, nangangahas na tumanggap ng pananagutan, walang pinagkakautangan, tinutulutan ang iba na matamo ang natamo ng iba, naglilingkod nang may konsiyensya, at nangangahas na tanggapin ang pangangasiwa ng lahat. May sinasabi ang ilang tao na masarap pakinggan ngunit hindi naman nila ginagawa; nasisiyahan sila sa magiliw na pagtanggap ng mga kapatid ngunit inaapi pa rin ang mga ito, at inuutusang gumawa ng iba’t ibang bagay para sa kanila at gawin ang lahat para maalagaan sila. At pinangangaralan at pinahihirapan nila ang kanilang mga kapatid sa lahat ng pagkakataon, o pinapupunta ang mga ito para pagsilbihan sila kapag sila ay may sakit, at samahan sila kapag kailangan. Ang gayong tao na nagpapasilbi sa mga tao ay hindi talaga naglilingkod sa Diyos; sa halip, dinadakila niya ang kanyang sarili, sumasaksi sa kanyang sarili, itinataas ang kanyang sarili at inuutusan ang mga tao na ituring siyang Diyos. Takot na takot siyang bumaba ang kanyang reputasyon at hindi niya makumbinsi ang mga tao. Nagsisikap siyang mabuti at ginagawa niya ang lahat para sundin at sambahin siya ng mga tao, at lumulugar sa Diyos sa pagtuturo sa mga tao sa buong maghapon. Hinahamak niya ang lahat, ginagawa ang lahat sa abot ng kanyang kapangyarihan para lumawak ang kanyang impluwensya, at nagpapatakbo siya ng sarili niyang mga negosyo para hangaan siya ng iba, pakinggan ang kanyang mga salita, sundin ang kanyang mga pagsasaayos at isantabi ang Diyos para siya ang sambahin nila. Matapos magtrabaho nang ilang taon, walang kaalaman sa Diyos ang mga taong pinamumunuan niya. Bagkus, siya lang ang kinatatakutan at sinusunod nilang lahat. Siya mismo’y naging isang diyus-diyusan. Sa paggawa nito, hindi ba niya inaakay ang mga tao na sambahin siya? Magnanakaw ang ganitong uri ng tao, isang magnanakaw sa loob ng pamilya, at isang anticristo.

—mula sa Ang Pagbabahagi mula sa Itaas

Sinundan:Ano ang kaibhan sa pagitan ng trigo at ng mapanirang damo?

Sumunod:Ano ang gawain ng Banal na Espiritu? Paano naipapamalas ang gawain ng Banal na Espiritu?

Baka Gusto Mo Rin