Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II
Sa kanyang puso, si Job ay tunay na naniniwala na ang lahat ng pag-aari niya ay ibinigay sa kanya ng Diyos, at hindi nanggaling sa sarili niyang paghihirap. Kaya, hindi niya nakita ang mga biyayang ito bilang isang bagay na dapat bigyan ng pansin, ngunit kumuha lang ng kanyang kailangan para mabuhay ng payak alinsunod sa kanyang mga prinsipyo sa pamumuhay. Itinatangi niya ang mga biyaya ng Diyos, at nagpasalamat para sa mga ito, ngunit hindi niya inibig, at hindi siya humingi ng karagdagang pagpapala. Ganito ang kanyang saloobin tungkol sa ari-arian. Wala rin siyang ginawa upang makatanggap pa ng mga pagpapala, o nag-alala o nagluksa sa kakulangan o kawalan ng mga pagpapapala ng Diyos; hindi siya naging mabangis at hibang sa kasiyahan dahil sa mga biyaya ng Diyos, hindi niya binalewala ang paraan ng Diyos o nakalimutan ang pagpapala ng Diyos dahil sa mga biyaya na madalas niyang tinatamasa.