Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Araw-araw na Pagkain

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

Sa paningin ng Diyos, kahit na si Job ay ang dati pa ring Job, nagdala ang kanyang pananampalataya, pagsunod, at takot sa Diyos ng ganap na kaluguran at kasiyahan sa Diyos. Sa oras na ito, nakamit ni Job ang pagiging perpekto na inaasahan ng Diyos na makakamit niya, siya ay naging tunay na karapat-dapat na tawaging “perpekto at matuwid” sa paningin ng Diyos. Ang kanyang mga matuwid na gawa ang nagpatagumpay sa kanya laban kay Satanas at nagpatibay sa kanya sa kanyang patotoo sa Diyos. Gayundin, ang kanyang mga matuwid na gawa ang nagperpekto sa kanya, at nagtaas sa halaga ng kanyang buhay at mangibabaw nang higit pa sa kailanman, at gumawa sa kanya bilang ang unang tao na hindi na kailanman lulusubin at tutuksuhin ni Satanas. Dahil si Job ay matuwid, siya’y pinaratangan at tinukso ni Satanas; dahil si Job ay matuwid, siya ay ibinigay kay Satanas; at dahil si Job ay matuwid, napagtagumpayan at tinalo niya si Satanas, at nanindigan sa kanyang patotoo. Simula noon si Job ang naging unang tao na hindi na kailanman muling ibibigay kay Satanas, talagang humarap siya sa trono ng Diyos, at nabuhay sa liwanag, sa ilalim ng mga pagpapala ng Diyos na walang pagmamanman o paninira ni Satanas.... Siya ay naging isang tunay na lalake sa paningin ng Diyos, siya ay napalaya....

Sinundan:Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

Sumunod:Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II