Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Paraan para Makilala ang Diyos

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Ang Pag-inog ng Buhay at Kamatayan ng Mga Taong Hindi Sumasampalataya

Ang Pag-inog ng Buhay at Kamatayan ng Mga Taong Hindi Sumasampalataya

Simulan natin sa pag-inog ng buhay at kamatayan ng mga taong hindi sumasampalataya. Pagkatapos mamatay ng tao, sila ay kinukuha ng isang tagapamahala mula sa espirituwal na mundo. At ano ang kinukuha sa kanila? Hindi ang kanilang laman, kundi ang kanilang kaluluwa. Kapag ang kanilang kaluluwa ay kinuha na, darating sila sa isang lugar na isang sangay ng espirituwal na mundo, yaong sadyang tumatanggap sa mga kaluluwa ng mga tao na kamamatay pa lamang. (Tandaan: Ang unang lugar na pupuntahan nila pagkatapos mamatay ng isang tao ay kakaiba sa kaluluwa.) Kapag sila ay dinala sa lugar na ito, ang isang opisyal ang magsasagawa ng mga unang pagsisiyasat, titiyakin ang kanilang pangalan, tirahan, edad, at ano ang ginawa nila sa kanilang buhay. Ang lahat ng mga bagay na ginawa nila sa kanilang buhay ay nakatala sa isang aklat at tinitiyak para sa kawastuan. Pagkatapos itong masiyasat lahat, ang pag-uugali at mga pagkilos ng sa buong buhay nila ay ginagamit upang pasiyahan kung sila ay maparurusahan o patuloy na sa muling pagkakatawang-tao bilang tao, na siyang unang yugto. Ang unang yugto bang ito ay nakatatakot? Ito ay hindi gaanong nakatatakot, sapagkat ang tanging bagay na nangyari ay dumating ang tao sa madilim at hindi kilalang lugar. Hindi naman iyon gaanong nakatatakot.

Karamihan sa mga tao ay nakagagawa ng sobrang daming kasamaan, ang kanilang mga kasalanan ay masyadong mabigat, at kaya kapag sila ay muling naging laman sila ay nagiging isang hayop nang makapito o maka-labindalawang beses. Pito hanggang labindalawang beses—hindi ba iyon nakatatakot? Ano ang nakatatakot sa inyo? Ang isang tao magiging isang hayop, yaon ay nakatatakot. At para sa isang tao, ano pa ang pinakamasakit tungkol sa pagiging isang hayop? Ang hindi pagkakaroon ng wika, ang pagkakaroon ng mga payak na saloobin lamang, makagagawa lamang ng mga bagay na ginagawa ng mga hayop at kakainin ang mga bagay na kinakain ng mga hayop, pagkakaroon ng payak na pag-iisip at pakikipag-usap gamit ang katawan ng isang hayop, hindi magagawang maglakad nang tuwid, hindi magagawang makipagtalastasan sa mga tao, at wala sa pag-uugali at mga aktibidad ng mga tao ang nagdadala ng anumang kaugnayan sa mga hayop. Na ang ibig sabihin, sa gitna ng lahat ng mga bagay, ang pagiging hayop ay gagawin kayong pinakamababa sa lahat ng buhay na bagay, at ito ay higit na mas masakit kaysa sa pagiging tao. Ito ay isang aspeto ng parusa ng espirituwal na mundo sa mga nakagawa ng sobrang kasamaan at nakagawa ng malaking mga kasalanan. Pagdating sa tindi ng parusa, ito ay pinapasiyahan sa pamamagitan ng naging uri ng hayop sila. Halimbawa, ang pagiging isang baboy ba ay mainam kaysa sa pagiging isang aso? Ang isang baboy ba ay nabubuhay nang mas mainam o mas malala kaysa sa isang aso? Mas malala, sigurado. Kung ang mga tao ay magiging isang baka o isang kabayo, mabubuhay ba sila nang mas mainam o mas malala kaysa sa isang baboy? (Mas mainam.) Para itong, kung papipiliin, mayroon kayong panlasa. Mas magiging maginhawa ba kung ang isang tao ay magiging isang pusa? Ito ay higit na mas magiging maginhawa kaysa maging isang kabayo o baka. Kung nagkaroon kayo ng pagpipilian sa pagitan ng mga hayop, pipiliin ninyo ang maging isang pusa, at yaon ay mas maginhawa, sapagkat maaari ninyong ipahinga ang karamihan sa inyong oras sa pagtulog. Ang maging isang baka o kabayo ay higit na matrabaho, at kaya kapag ang mga tao ay muling naging laman bilang baka o kabayo, kailangan nilang magtrabaho nang mabigat—na tila ito ay parang isang malupit na parusa. Ang maging isang aso ay medyo mainam kaysa sa isang baka o kabayo, sapagkat ang isang aso ay may mas malapit na kaugnayan sa kanyang panginoon. Ano pa, sa araw na ito, napakaraming tao ang nag-aalaga ng isang aso at pagkatapos ng tatlo o limang taon natutuhan nitong maintindihan ang napakarami sa kanilang sinasabi! Sapagkat naiintindihan ng isang aso ang marami sa mga salita ng kanyang panginoon, ito ay may mabuting pagkaunawa sa kanyang panginoon, at maaari itong umangkop sa kalooban at mga kinakailangan ng kanyang panginoon, kaya tinatrato ng panginoon ang kanyang aso nang mas mainam, at ang aso ay kumakain nang mas mainam at umiinom nang mas mainam, at kapag ito ay may sakit na nararamdaman ito ay lalo pang inaasikaso—kaya hindi ba nagtatamasa ng isang masayang buhay ang isang aso? Kaya, ang pagiging isang aso ay mas mainam kaysa sa isang baka o kabayo. Sa ganito, ang kalubhaan ng parusa sa tao ang nagpapasiya kung ilang beses sila magkakatawang-tao bilang isang hayop, at sa aling uri ng hayop sila magkakatawang-tao. Naiintindihan ninyo, oo?

Sa ikalawang yugto, kung ang taong ito ay nakagawa ng maraming masamang bagay sa buong buhay nila, kung sila ay nakagawa ng maraming mga masasamang gawa, kung gayon sila ay dadalhin sa isang lugar ng pagpaparusa upang parusahan. Yaon ang magiging lugar kung saan sila dadalhin, isang lugar na talagang para sa parusa ng mga tao. Ang mga pagtukoy kung paano sila parurusahan ay batay sa mga kasalanan na kanilang ginawa, at kung gaano karaming masasamang bagay na kanilang ginawa bago sila namatay—na siyang unang kalagayan na nangyayari sa ikalawang yugto. Dahil sa mga bagay na kanilang ginawa at ang kasamaan na kanilang ginawa bago sila namatay, kapag sila ay nagkatawang-tao kasunod ng kanilang kaparusahan—kapag sila ay isinilang muli sa materyal na mundo—ang ilang tao ay patuloy na magiging tao, at ang ilan ay magiging mga hayop. Na ang ibig sabihin, pagkabalik ng tao mula sa espirituwal na mundo, sila ay parurusahan dahil sa kasamaan na kanilang nagawa; mangyari pa, dahil sa masasamang bagay na kanilang ginawa, sa kanilang susunod na pagkakatawang-tao hindi sila magiging tao, kundi isang hayop. Ang saklaw ng mga hayop na maari silang maging ay kinabibilangan ng mga baka, mga kabayo, mga baboy, at mga aso. Ang ilang tao ay maaring maging isang ibon sa himpapawid, o isang pato o gansa…. Pagkatapos nilang muling naging laman bilang isang hayop, kapag sila ay namatay babalik sila sa espirituwal na mundo, at, gaya ng dati, batay sa kanilang pag-uugali bago sila namatay ang espirituwal na mundo ay magpapasiya kung maaari o hindi sila magkakatawang-tao bilang tao.

Sapagkat nakagawa sila ng napakaraming kasalananan habang sila ay nabubuhay, ang ilang tao ay maparurusahan sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao bilang isang hayop nang makapito o maka-labindalawang beses. Sa sapat na bilang ng paulit-ulit na pagkaparusa, kapag sila ay nagbalik sa espirituwal na mundo sila ay dadalhin sa isang lugar. Ang iba’t ibang kaluluwa sa lugar na ito ay naparusahan na, at mga uri na inihahanda upang muling maging laman bilang isang tao. Inuuri ng lugar na ito ang bawat kaluluwa sa isang uri alinsunod sa kung anong uri ng pamilya sila isisilang, anong uri ng tungkulin ang kanilang gagampanan kapag sila ay nagkatawang-tao na, at iba pa. Halimbawa, ang ilang tao ay magiging mga mang-aawit sa pagdating nila sa mundong ito, at kaya inilalagay sila sa mga mang-aawit; ang ilan ay magiging mga negosyante sa pagdating nila sa mundong ito, kaya sila ay inilagay sa gitna ng mga taong negosyante; at kung ang isang tao ay magiging isang siyentipikong mananaliksik kapag sila’y naging tao, kung gayon sila ay ilalagay sa gitna ng mga siyentipikong mananaliksik. Pagkatapos na sila ay mauri, ang bawat isa ay ipadadala alinsunod sa magkakaibang panahon at itinakdang petsa, kagaya lang kung paano magpadala ng mga e-mail ang mga tao sa araw na ito. Sa ganito makukumpleto ang isang pag-inog ng buhay at kamatayan, at ito ay masyadong dramatiko. Magmula sa araw na makarating ang isang tao sa espirituwal na mundo at hanggang sa matapos ang kanilang parusa, sila ay maaaring muling maging laman bilang hayop nang maraming beses, at sila ay maghahanda na muling maging laman bilang isang tao; ito ay isang kumpletong proseso.

At yaon bang mga natapos nang maparusahan, at hindi na magkakatawang-tao bilang mga hayop, ay kaagad na ipadadala sa materyal na mundo upang maging tao? O gaano pa katagal bago sila maaring makisalamuha sa tao? Gaano kadalas kung saan ang mga taong ito ay magiging tao?[a] May mga pansamantalang mga paghihigpit sa ganito. Ang lahat ng nangyayari sa espirituwal na mundo ay isasailalim sa angkop na pansamantalang mga paghihigpit at mga patakaran—kung saan, kung ipaliliwanag Ko ito sa bilang, inyong maiintindihan. Para sa mga muling naging laman sa loob ng maigsing panahon, kapag sila ay namatay ang kanilang muling pagsilang bilang tao ay ihahanda. Ang pinakamaigsing panahon ay tatlong araw. Para sa ilang tao, ito ay tatlong buwan, para sa ilan ito ay tatlong taon, para sa ilan ito ay tatlumpung taon, para sa ilan ito ay tatlong daang taon, para sa ilan ito ay tatlong libong taon pa, at iba pa. Kaya ano ang maaring masabi sa pansamantalang mga patakaran na ito, at ano ang kanilang nilalaman? Ang pagdating ng isang kaluluwa sa materyal na mundo, mundo ng tao, ay ayon sa pangangailangan: Ito ay alinsunod sa papel na gagampanan ng kaluluwang ito dito sa mundo. Kapag ang mga tao ay muling nagkatawang-tao bilang isang karaniwang tao, karamihan sa kanila ay muling magkakatawang-tao kaagad, sapagkat ang mundo ng tao ay may madaliang pangangailangan para sa gayong karaniwang mga tao, at kaya pagkatapos ng tatlong araw sila ay ipadadala muli sa isang pamilya na lubos na naiiba doon sa isa na kinabibilangan nila bago sila namatay. Ngunit may ilan na kailangang gumanap ng natatanging papel sa mundong ito. Ang “natatangi” ay nangangahulugang walang malaking pangangailangan para sa mga taong ito sa mundo ng tao; hindi kailangan ang maraming tao upang gumanap sa gayong papel, at kaya maaari itong umabot ng tatlong daang taon bago sila magkatawang-tao.[b] Na ang ibig sabihin, ang kaluluwang ito ay minsan lamang darating kada tatlong daang taon, o maaari pang minsan kada tatlong libong taon. At bakit ito ganito? Sapagkat sa loob ng tatlong daang taon o tatlong libong taon, ang gayong papel ay hindi kinakailangan sa mundo ng tao, at kaya ay pinananatili sa isang lugar sa espirituwal na mundo. Kunin si Confucius, bilang halimbawa. Nagkaroon siya ng malalim na impluwensiya sa tradisyonal na kulturang Tsino. Malamang lahat kayo ay kilala siya; ang kanyang pagdating ay nagkaroon ng malalim na epekto sa kultura, kaalaman, tradisyon, at pag-iisip ng mga tao sa panahong iyon. Ngunit ang isang tao na kagaya nito ay hindi kinakailangan sa bawat kapanahunan, at kaya kinailangan niyang manatili sa espirituwal na mundo, naghihintay doon sa loob ng tatlong daang taon o tatlong libong taon bago muling magkatawang-tao. Dahil ang mundo ng tao ay walang pangangailangan sa isang taong kagaya nito, kinailangan niyang maghintay na walang ginagawa, sapagkat sobrang kaunti lamang ng mga papel ang kagaya ng sa kanya, kaunti lamang ang kanyang magagawa, at kaya kinailangan niyang manatili sa isang lugar sa espirituwal na mundo nang higit sa lahat ng panahon, walang ginagawa, at ipadadala kung magkaroon ng pangangailangan sa kanya ang mundo ng mga tao. Ang mga gayon ay ang daigdig na espirituwal ng pansamantalang mga patakaran para sa dalas kung saan ay nagkakatawang-tao ang karamihan sa mga tao. Maging sila ay isang taong karaniwan o natatangi, ang espirituwal na mundo ay may angkop na mga patakaran at tamang mga kasanayan para sa pagproseso ng muling pagkakatawang-tao ng mga tao, at ang mga patakaran at mga pagsasagawang ito ay galing sa Diyos, ang mga ito ay ipinadadala mula sa Diyos, at hindi pinapasyahan o pinamamahalaan ng sinumang tagapamahala o nilalang sa espirituwal na mundo. Ngayon naintindihan ninyo, oo?

Para sa alinmang kaluluwa, ang papel na kanilang gagampanan pagkatapos muling magkatawang-tao—kung ano ang kanilang papel ay narito sa buhay na ito—anong pamilya sila maisisilang, at ano ang kanilang magiging buhay ay may malapit na kaugnayan sa kanilang nagdaang buhay. Ang lahat ng uri ng mga tao ay nagpupunta sa mundo ng tao, at ang mga papel na kanilang ginagampanan ay magkakaiba, kagaya ng mga tungkulin na kanilang tutuparin. At anong mga tungkulin ang mga ito? Ang ilang tao ay dumarating upang magbayad ng utang: Kung may utang sila sa iba nang napakaraming salapi sa kanilang nagdaang buhay, sila ay magbabayad ng utang. Ang ilan sa mga tao, samantala, ay dumating upang maningil ng pautang: Sila ay naloko sa napakaraming mga bagay, at napakaraming salapi sa nagdaan nilang buhay, at kaya pagkatapos nilang dumating sa espirituwal na mundo, bibigyan sila ng hustisya ng espirituwal na mundo at tutulutan silang maningil ng kanilang pautang sa buhay na ito. Ang ilang tao ay darating upang magbayad ng utang na loob: Sa panahon ng kanilang nagdaang buhay—bago sila namatay—may isang tao ang naging mabait sa kanila, at sa buhay na ito sila ay nabigyan ng malaking pagkakataon na muling magkatawang-tao at kaya sila ay isinilang muli upang bayaran ang utang na loob na ito. Ang iba naman, samantala, ay muling isinilang sa mundong ito upang umangkin ng buhay. At kaninong buhay ang kanilang aangkinin? Ang tao na pumatay sa kanila sa kanilang nagdaang buhay. Kung susumahin, ang bawat kasalukuyang buhay ng tao ay may dala-dalang matibay na kaugnayan sa kanilang nagdaang buhay, ang kaugnayan nito ay hindi maihihiwalay. Na ang ibig sabihin, ang bawat kasalukuyang buhay ng tao ay apektado nang malaki sa kanilang nagdaang buhay. Halimbawa, bago siya mamatay dinaya ni Zhang si Li ng napakalaking halaga ng salapi. Kaya si Zhang ba ay may utang kay Li? Kung mayroon siya, natural lang ba na singilin ni Li sa kanyang utang si Zhang? At kaya, pagkatapos nilang mamatay, may pagkakautang na dapat na lutasin sa pagitan nilang dalawa, at kapag sila ay muling maging laman at si Zhang ay naging tao, paano siya sisingilin ni Li sa kanyang pagkakautang? Ang isang paraan ay ang sisingilin ni Li ang kanyang utang sa pamamagitan ng pagkasilang muli bilang anak ni Zhang, na si Zhang bilang kanyang ama. Ganito ang mangyayari sa buhay na ito, sa kasalukuyang buhay. Ang ama ni Li na si Zhang ay kumikita ng napakaraming salapi, at ito ay lulustayin ng kanyang anak, na si Li. Gaano man kalaking salapi ang kitain ni Zhang, ang kanyang anak na si Li ay “tinutulungan” siya sa paggugol dito. Gaano man kalaki ang kinikita ni Zhang, ito ay hindi kailanman magiging sapat, at ang kanyang anak, samantala, sa ilang kadahilanan ay palaging nauuwi sa paggastos sa salapi ng kanyang ama sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan at kaparaanan. Si Zhang ay nagtataka: “Ano ang nangyayari? Bakit ang anak ko ay palaging isang malas? Bakit ang mga anak ng ibang mga tao ay masyadong mabuti? Bakit ang aking anak ay walang pangarap, bakit masyado siyang walang silbi at walang kakayahan na kumita ng anumang salapi, bakit palagi kong kailangang suportahan siya? Yamang kailangan kong suportahan siya gagawin ko, ngunit bakit gaano mang halaga ng salapi ang ibigay ko sa kanya, palagi siyang nangangailangan ng mas marami? Bakit hindi siya makapagtrabaho nang maayos? Bakit siya batugan, kumakain, umiinom, nambabae, nagsusugal—ginagawa lahat ng ito? Ano ang nangyayari sa mundo?” Sa gayon si Zhang ay nag-isip sumandali: “Ito ba ay dahil may pananagutan ako sa kanya sa nagdaang buhay? Ah, maaaring ito ay ang pagkautang ko sa kanya sa nagdaang buhay. Kung gayon, babayaran ko ito! Hindi ito matatapos hangga’t hindi ko binayaran ito nang buo!” Maaaring dumating ang araw na mabawi ni Li ang kanyang pautang, at kapag siya ay apatnapu o limampu, darating ang araw na bigla na lang siyang matatauhan: “Hindi ako nakagawa ng kahit isang bagay na mabuti sa unang kalahati ng aking buhay! Nalustay ko ang lahat ng salapi na pinagtrabauhan ng aking ama—dapat akong maging mabuting tao! Patitibayin ko ang sarili ko: Ako ay magiging isang tao na tapat, at mamumuhay nang maayos, at hindi na ako kailanman muling magbibigay ng kalungkutan sa aking ama!” Bakit niya naiisip ang ganito? Bakit siya biglang nagbago at naging mabuti? May dahilan ba para rito? Ano ang dahilan? Sa totoo lang, ito ay dahil nasingil niya ang kanyang pautang; ang pautang ay nabayaran na. Sa ganito, mayroong sanhi at epekto. Ang kuwento ay nagsimula noon, noon pang una, bago pa isilang ang dalawa, at kaya ang kuwentong ito ng kanilang nagdaang buhay ay dinala sa kanilang kasalukuyang buhay, at hindi masisisi ninuman ang sinuman. Anumang ituro ni Zhang sa kanyang anak, ang kanyang anak ay hindi kailanman nakinig, at hindi kailanman nagtrabaho nang maayos—ngunit sa araw na ang utang ay nabayaran, hindi na kailangang turuan pa siya; naintindihan ito kaagad ng kanyang anak. Ito ay isang payak na halimbawa, at mayroong mga, nang walang pag-aalinlangan, marami pang ibang mga ganitong halimbawa. At ano ang isinasaad nito sa mga tao? (Na dapat silang maging mabuti.) Na hindi sila dapat gumawa nang masama, at magkakaroon ng kagantihan sa kanilang masasamang mga gawa! Karamihan sa mga taong hindi sumasampalataya, makikita mo, nakagagawa ng sobra at malabis na kasamaan, at ang kanilang masasamang mga gawa ay lalapatan ng kagantihan, tama? Ngunit hindi ba makatwiran ang kagantihang ito? Ang lahat ng nilalapatan ng kagantihan ay may isang kaugnay na kahulugan at isang dahilan. Iniisip mo ba na walang mangyayari sa iyo matapos mong dayain sa salapi ang isang tao? Iniisip mo ba na, pagkatapos silang malinlang sa salapi, walang magiging bunga sa iyo pagkatapos mong tangayin ang kanilang salapi? Magiging imposible iyon: Anuman ang iyong ginawa gagawin din sa iyo—ito’y talagang totoo! Iyon ay upang sabihin na maging sino man sila, o maniwala man sila o hindi na mayroong Diyos, kailangang managot ng bawat tao para sa kanilang asal, at tiisin ang mga ibubunga ng kanilang mga pagkilos. Tungkol naman sa payak na halimbawang ito—si Zhang na pinarusahan, at si Li na binayaran—ito ba ay makatarungan? Makatarungan ito. Kapag ang mga tao ay gumagawa ng mga bagay kagaya noon, may gayong uri ng resulta. At ito ba ay nakahiwalay sa pamamahala ng espirituwal na mundo? Ito ay hindi maihihiwalay mula sa pamamahala ng espirituwal na mundo. Sa kabila ng pagiging mga taong hindi sumasampalataya, yaong mga hindi naniniwala sa Diyos, ang kanilang pag-iral ay nasa ilalim ng gayong panlangit na mga kautusan at mga batas kung saan walang sinuman ang makatatakas; gaano man kataas ang kanilang posisyon sa mundo ng tao, walang makaiiwas sa katotohanan na ito.

Yaong mga walang pananampalataya ay kadalasang naniniwala na ang lahat ng maaring makita ay umiiral, habang ang lahat nang hindi nakikita, o yaong masyadong malayo mula sa tao, ay hindi. Mas gusto nilang paniwalaan na walang “pag-inog ng buhay at kamatayan,” at walang “parusa,” at kaya sila ay nagkakasala at gumagawa ng masama nang walang pangangamba—pagkatapos kung saan sila ay naparusahan, o muling nagkatawang–tao bilang mga hayop. Karamihan sa iba’t-ibang mga tao sa gitna ng mga taong hindi sumasampalataya ay nahuhulog sa paulit-ulit na pagkakamaling ito. At bakit nagkaganoon? Sapagkat hindi nila alam na ang espirituwal na mundo ay mahigpit sa pamamahala nito sa lahat ng buhay na nilalang. Paniwalaan mo man ito o hindi, ang katotohanang ito ay umiiral, sapagkat wala kahit isang tao o bagay ang makatatakas sa saklaw ng kung anong pinagmamasdan ng mga mata ng Diyos, at wala kahit isang tao o bagay ang makatatakas sa mga patakaran at mga limitasyon ng panlangit na mga kautusan at mga batas ng Diyos. At kaya sinasabi sa bawat isa sa inyo ang payak na halimbawang ito; hindi alintana kung naniniwala ka man sa Diyos o hindi, hindi katanggap-tanggap na magkasala at gumawa ng masama, mayroong mga kahihinatnan, at ito ay tiyak. Kung ang isang tao ay nandaya sa iba dahil sa salapi ay pinarusahan, ang gayong parusa ay makatarungan at makatwiran, at matuwid. Ang pangkaraniwang nakikitang asal kagaya nito ay parurusahan ng espirituwal na mundo, parurusahan ng mga batas at panlangit na kautusan ng Diyos, at kaya ang talamak na kriminal at napakasamang asal—panggagahasa at pagnanakaw, pandaraya at panlilinlang, pang-uumit at panloloob, pagpatay at panununog, at iba pa—ay higit pang isinasailalim sa iba’t ibang parusa na may magkakaibang bigat. At ano ang kabilang sa mga parusa na may magkakaibang bigat na ito? Ang ilan sa mga ito ay gumugugol ng panahon upang itatag ang antas ng kalubhaan, ang ilan ay nagkakagayon sa pamamagitan ng magkakaibang mga sistema, at ang iba ay nagkakagayon sa pamamagitan ng kung saan nagpupunta ang mga tao kapag sila ay muling nagkatawang-tao. Halimbawa, ang ilan sa mga tao ay mahalay ang bibig. Ano ang tinutukoy ng pagiging “mahalay ang bibig”? Nangangahulugan ito nang malimit na pagtutungayaw sa iba at paggamit ng malisyosong pananalita, pananalita na sumusumpa sa mga tao. Ano ang ipinahihiwatig ng malisyosong pananalita? Ipinahihiwatig nito na ang isang tao ay may masamang puso. Ang malisyosong pananalita na sumusumpa sa mga tao ay kadalasang nagmumula sa mga bibig ng gayong mga tao, at ang gayong malisyosong pananalita ay may kakabit na mabigat na kahihinatnan. Pagkatapos mamatay ng mga taong ito at matanggap ang kaukulang parusa, maari silang muling isilang bilang mga pipi. Ang ilang tao ay masyadong tuso nang sila ay nabubuhay, madalas nilang nilalamangan ang iba, ang kanilang maliit na mga pakana ay talagang planado nang husto, at gumagawa sila nang labis na nakapipinsala sa iba. Kapag sila ay isinilang na muli, maaaring bilang isang sintu-sinto o isa na may kapansanan sa pag-iisip. Ang ilang tao ay madalas sumilip sa pagiging pribado ng iba; ang kanilang mga mata ay nakakakita nang sobra na hindi nila dapat pinakikialaman, at marami silang alam na hindi naman dapat malaman, at kaya kung sila ay isisilang muli, maaaring sila’y bulag. Ang ilang tao ay masyadong listo nang sila ay nabubuhay, madalas silang makipag-away, at gumagawa ng maraming kasamaan, at kaya kapag sila ay isinilang muli maaari silang may kapansanan, lumpo o walang isang kamay, o kung hindi ay maging kuba sila, o may tabinging leeg, maaari silang maglakad na paika-ika, o magkaroon ng isang paa na mas maigsi kaysa sa isa, at iba pa. Sa ganito, sila ay isinailalim sa magkakaibang mga parusa batay sa antas ng kasamaan na kanilang ginawa habang nabubuhay. At ano ang masasabi ninyo, bakit ang mga tao ay duling? Marami ba ang gayong mga tao? Napakarami nilang nakapaligid sa panahong ito. Ang ilang tao ay duling sapagkat sa nagdaan nilang buhay ay ginamit nila nang sobra ang kanilang mga mata, gumawa rin sila ng maraming masasamang mga bagay, at kaya nang sila ay isilang muli sa buhay na ito ang kanilang mga mata ay duling, at sa malubhang mga kaso sila ay mga bulag pa. Sa tingin mo ba na ang mga taong duling at magandang pagmasdan? Nag-iiwan ba sila ng magandang impresyon? Tingnan kung paano silang may magandang balangkas na mukha, ang kanilang balat ay malinaw at maputla, sila ay may malalaking mga mata at dobleng pilik-mata—ngunit sa kasawiang palad isa sa kanilang mga mata ay duling. Ano ang nakakamukha nila? Wala ba itong kabuuang epekto sa pag-uugali ng tao? At sa ganitong epekto, anong uri ng buhay mayroon sila? Kapag nakikisalamuha sila sa iba, iniisip nila sa kanilang mga sarili: “Oh, ako ay duling! Hindi ako dapat masyadong tumingin sa mga tao, ayokong makita nila ang aking mga mata. Kailangang nakayuko ako kapag nagsalita, Hindi ko sila matingnan nang harapan.” Ang kanilang mga matang duling ay nakakaepekto sa kanilang pagtingin sa mga bagay, at ang kanilang kakayahang tumingin nang harapan sa mga tao. Sa ganito, hindi ba nila nawala ang gamit ng kanilang mga mata? At kaya, ang kanilang pagmamalabis sa kanilang mga nagdaang buhay? Kaya, sa susunod na buhay, hindi na sila mangangahas na gumawa ng anumang kasing-sama. Ito ang ganti!

Ang ilang tao ay nakakapalagayang-loob ang iba bago sila mamatay, gumagawa sila ng maraming mabuting bagay para sa mga nakapaligid sa kanila, para sa kanilang minamahal sa buhay, mga kaibigan, mga kasamahan, o sa mga taong may kaugnayan sa kanila. Tinutulungan nila ang iba, nagkakawanggawa sila at lumilingap sa iba, o tinutulungan nila sila sa pinansiyal, tinitingala sila ng iba, at kapag ang gayong mga tao ay nagbalik sa espirituwal na mundo sila ay hindi parurusahan. Upang hindi maparusahan ang isang taong hindi sumasampalataya sa anumang paraan nangangahulugan itong sila’y naging napakabuting tao. Sa halip na maniwala sa pag-iral ng Diyos, naniniwala lamang sila sa Matandang Lalaki sa Langit. Naniniwala lamang sila na mayroong espiritu sa ibabaw nila na nanonood sa lahat ng kanilang ginagawa—yaon lamang ang kanilang pinaniniwalaan. At ano ang resulta? Sila ay mas mabuti-pino ang kilos. Ang mga taong ito ay may mabuting puso at mapagkawanggawa, at kapag sa huli ay bumalik sila sa espirituwal na mundo, tatratuhin sila nang maayos ng espirituwal na mundo at kaagad silang muling magkakatawang-tao at isisilang muli. At sa anong uri ng pamilya sila makararating? Bagamat hindi ito magiging mayaman, ang buhay pamilya ay magiging payapa, magkakaroon ng pagtutulungan sa mga miyembro nito, pagdadaanan nila ang tahimik, masayang mga araw, ang lahat ay magiging masaya, at magkakaroon sila ng mabuting buhay. Kapag ang tao ay nakarating sa karampatang gulang, ipanganganak nila ang maraming anak na lalaki at anak na babae, at magkakaroon ng malaki at pinalawig na pamilya, ang kanilang mga anak ay magiging talentado at magtatamasa ng tagumpay, at sila at ang kanilang pamilya ay magtatamasa ng magandang kapalaran—at ang gayong kalalabasan ay may malaking kaugnayan sa nagdaang buhay ng tao. Na ang ibig sabihin, ang buong buhay ng tao, pagkatapos na pagkatapos nilang mamatay at saan sila pupunta kapag sila ay muling nagkatawang-tao, maging sila man ay lalaki o babae, kung ano ang kanilang misyon, kung ano ang pagdadaanan nila sa buhay, ang kanilang mga kasawian, kung anong mga pagpapala ang kanilang tinatamasa, sino ang kanilang makikilala, kung ano ang mangyayari sa kanila—walang makahuhula nito, makaiiwas nito, o makapagtatago mula rito. Na ang ibig sabihin, pagkatapos maitakda ang iyong buhay, sa anumang mangyayari sa iyo, gaano mo man balakin at iwasan ito, sa anumang mga pamamaraan mo balakin at iwasan ito, wala kang paraan para labagin ang pag-inog ng buhay na itinakda para sa iyo ng Diyos sa espiritwual na mundo. Sapagkat kapag ikaw ay muling nagkatawang-tao, ang kapalaran ng iyong buhay ay itinakda na. Maging ito man ay mabuti o masama, kailangang harapin ito ng lahat, at dapat na makapagpatuloy; ito ay isang isyu na walang sinumang nabubuhay sa mundong ito ang makaiiwas, at walang isyu ang mas makatotohanan. Tama, naintindihan mo ang lahat ng ito, oo?

Sa pagkaintindi nito, nakikita ba ninyo na ang Diyos ay mayroong masyadong mapaghanap at mahigpit na pagsisiyasat at pamamahala para sa pag-inog ng buhay at kamatayan ng mga taong hindi sumasampalataya? Una, ang Diyos ay nagtatag ng iba’t ibang panlangit na kautusan, batas, at sistema sa espirituwal na kaharian, at pagkatapos ng pagpapahayag nitong mga panlangit na kautusan, batas, at sistema, ang mga ito ay mahigpit na ipinatutupad, gaya ng itinakda ng Diyos, sa pamamagitan ng mga nilalang sa iba’t ibang opisyal na posisyon sa espirituwal na mundo, at walang sinuman ang nangangahas na labagin ito. At kaya, sa pag-inog ng buhay at kamatayan ng sangkatauhan sa mundo ng tao, maging ang isang tao man ay muling nagkatawang-tao bilang isang tao o isang hayop, may mga batas para sa dalawa. Sapagkat ang mga kautusang ito ay nagmula sa Diyos, walang sinuman ang nangangahas na labagin ang mga ito, ni walang sinuman ang makalalabag sa mga ito. Ito ay dahil lamang sa gayong kapangyarihan ng Diyos, at dahil mayroong gayong mga kautusan, na ang materyal na mundong iyon na nakikita ng mga tao ay karaniwan at may kaayusan; ito ay dahil lamang sa gayong kapangyarihan ng Diyos na ang sangkatauhan ay sabay na umiiral nang payapa sa iba pang mundo na lubos na hindi nakikita ng sangkatauhan, at nagagawang mabuhay nang may pagkakaisa—ang lahat ng ito ay hindi maihihiwalay sa kapangyarihan ng Diyos. Pagkatapos mamatay ng makalamang buhay ng kaluluwa, ang kaluluwa ay mayroon pa ring buhay, at kaya ano ang mangyayari kung wala ang pamamahala ng Diyos? Ang kaluluwa ay maglilibot sa lahat ng lugar, manghihimasok kahit saan, at makapipinsala pa sa mga buhay na bagay sa mundo ng sangkatauhan. Ang gayong pinsala ay hindi lamang tungo sa sangkatauhan, ngunit maaari rin namang tungo sa mga halaman at sa mga hayop—ngunit ang unang mapipinsala ay ang mga tao. Kung ito ay mangyayari—kung ang gayong kaluluwa ay walang kapamahalaan, at talagang napinsala ng mga tao, at talagang gumawa ng napakasamang mga bagay—kung gayon magkakaroon din ng maayos na pag-aasikaso sa kaluluwang ito sa espirituwal na mundo: Kung ang mga bagay ay malubha, ang kaluluwa ay kaagad na titigil sa pag-iral, ito ay mawawasak; hangga’t maaari, ilalagay ito sa isang lugar at pagkatapos ay muling magkakatawang-tao. Na ang ibig sabihin, ang pamamahala ng espirituwal na mundo sa iba’t ibang kaluluwa ay itinakda, at isinasakatuparan alinsunod sa mga hakbang at mga patakaran. Ito ay dahil lamang sa gayong pamamahala na ang materyal na mundo ng tao ay hindi nahulog sa mga kaguluhan, na ang sangkatauhan ng materyal na mundo ay nagtataglay ng normal na kaisipan, normal na pagkamakatuwiran, at isang isinasaayos na makalamang buhay. Pagkatapos lamang na magkaroon ang sangkatauhan ng gayong normal na buhay saka pa lamang makapagpapatuloy yaong mga nabubuhay sa laman sa pagpapaunlad at sa pagpaparami sa loob ng maraming salinlahi.

Pagdating sa mga taong hindi sumasampalataya, ang prinsipyo ba sa likod ng mga pagkilos ng Diyos ay yaong pinagpapala ang mabuti at pinarurusahan ang masama? Nakikita ba ninyo na mayroong isang prinsipyo sa mga pagkilos ng Diyos? Dapat ninyong makita na mayroon. Ang mga taong hindi sumasampalataya ay hindi naniniwala sa Diyos, hindi nila tinatalima ang katugmaan ng Diyos, at sila ay walang kamalayan sa kapangyarihan ng Diyos, lalong hindi nila kinikilala ang Diyos. Ang mas malala pa, nilalapastangan nila ang Diyos, at isinusumpa Siya, at nangangagalit sa mga naniniwala sa Diyos. Bagamat ang mga taong ito ay mayroong gayong asal tungo sa Diyos, ang pamamahala ng Diyos sa kanila ay hindi lumilihis sa Kanyang mga prinsipyo; pinangangasiwaan Niya sila sa maayos na paraan alinsunod sa Kanyang prinsipyo at Kanyang disposisyon. Paano ipinapalagay ng Diyos ang kanilang poot? Bilang kamangmangan! At kaya pinangyari ng Diyos sa mga taong ito—ang karamihan sa mga taong hindi sumasampalataya—na minsan ay muling maging laman bilang mga hayop. Kaya ano ang iyong masasabi sa mga hindi sumasampalataya sa mga mata ng Diyos? (Mga alagaing hayop.) Sa mga mata ng Diyos, sila ay sa ganitong uri, sila ay mga alagaing hayop. Pinangangasiwaan ng Diyos ang mga alagaing hayop, at pinangangasiwaan Niya ang sangkatauhan, at mayroon Siyang kaparehong mga prinsipyo para sa ganitong uri ng mga tao. Maging sa pamamahala ng Diyos sa mga taong ito at ang Kanyang mga pagkilos tungo sa kanila, mayroon pa ring makikitang disposisyon ng Diyos at ang mga kautusan para sa Kanyang kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. At kaya, nakikita ba ninyo ang kapangyarihan ng Diyos sa mga prinsipyo kung saan ay pinangangasiwaan Niya ang mga taong hindi sumasampalataya na kasasabi Ko lang? Nakikita ba ninyo ang matuwid na disposisyon ng Diyos? (Oo nakikita namin.) Nakikita ninyo ang kapangyarihan ng Diyos, at nakikita ninyo ang Kanyang disposisyon. Na ang ibig sabihin, alinman sa lahat ng mga bagay ang pakitunguhan Niya, ang Diyos ay kumikilos alinsunod sa Kanyang sariling mga prinsipyo at disposisyon. Ito ang diwa ng Diyos. Hindi Siya basta hihiwalay sa mga batas o mga panlangit na kautusan na Kanyang itinakda dahil itinuturing Niya ang ganitong uri ng mga tao bilang alagaing hayop; kumikilos ang Diyos alinsunod sa mga prinsipyo, nang wala ni katiting na kaguluhan, ang Kanyang mga pagkilos ay lubos na di naaapektuhan ng anumang dahilan, at maging anuman ang Kanyang gawin, lahat nito ay sa pagsunod sa Kanyang sariling mga prinsipyo. Ito ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng katotohanan na ang Diyos ay mayroong diwa ng Diyos Mismo, na isang natatanging diwa na hindi taglay ng anumang nilikhang nilalang. Ang Diyos ay matapat at responsible sa Kanyang paghawak, pagharap, pamamahala, pangangasiwa, at pamumuno bawat bagay, tao, at buhay na bagay sa gitna ng lahat ng mga bagay na Kanyang nilikha, at hindi Siya kailanman naging pabaya dito. Sa mga mabubuti, Siya ay mapagpala at mabuti; sa mga masasama, nagpapataw Siya ng malupit na parusa; at para sa iba’t-ibang buhay na mga nilalang, Siya ay gumagawa ng angkop na mga pagsasaayos na napapanahon at regular alinsunod sa iba’t-ibang mga kinakailangan sa mundo ng sangkatauhan sa iba’t-ibang mga panahon, nang upang itong mga buhay na mga nilalang ay muling magkatawang-tao alinsunod sa mga papel na kanilang ginagampanan sa maayos na paraan, at lumipat sa pagitan ng materyal na mundo at sa espirituwal na mundo sa maayos na paraan. Ito ang dapat maintindihan at makilala ng sangkatauhan.

Ang kamatayan ng isang buhay na nilalang—ang pagwawakas ng isang pisikal na buhay—nagpapahiwatig na ang buhay na nilalang ay nakaalis mula sa materyal na mundo patungo sa espirituwal na mundo, habang ang pagsilang ng isang bagong pisikal na buhay ay nagpapahiwatig na isang buhay na nilalang ay dumating mula sa espirituwal na mundo patungo sa materyal na mundo at nagsimulang gawin ang papel nito, upang gampanan ang papel nito. Maging ito man ay pag-alis o pagdating ng isang nilalang, kapwa sila hindi maihihiwalay mula sa gawain ng espirituwal na mundo. Kapag ang isang tao ay dumating sa materyal na mundo, ang mga angkop na pagsasaayos at mga pakahulugan ay naisagawa na ng Diyos sa espirtuwal na mundo para sa pamilya na kanilang pupuntahan, ang panahon na kanilang pupuntahan, ang oras ng kanilang pagdating, at ang papel na kanilang gagampanan. At kaya ang buong buhay ng taong ito—ang mga bagay na kanilang ginagawa, at ang mga landas na kanilang tinatahak—ay magpapatuloy alinsunod sa mga pagsasaayos ng espirituwal na mundo, nang wala ni katiting na pagkakamali. Ang panahon kung kailan magwawakas ang isang pisikal na buhay, samantala, at ang paraan at ang lugar kung saan ito magwawakas, ay malinaw at namamalas sa espirituwal na buhay. Pinamamahalaan ng Diyos ang materyal na mundo, at pinamamahalaan Niya ang espirituwal na mundo, at hindi Niya pinatatagal ang normal na pag-inog ng buhay at kamatayan ng isang kaluluwa, ni hindi Siya makagagawa ng anumang mga pagkakamali sa pagsasaayos ng pag-inog ng buhay at kamatayan ng isang kaluluwa. Ang bawat mga namamahala sa opisyal na mga puwesto sa espirituwal na mundo ay tinutupad ang kanilang mga pananagutan, at ginagawa ang kinakailangan nilang gawin, alinsunod sa mga tagubilin at mga patakaran ng Diyos. At kaya, sa mundo ng sangkatauhan, ang bawat materyal na pangyayari na nakikita ng tao ay nasa ayos, at hindi naglalaman ng kaguluhan. Ang lahat ng ito ay dahil sa maayos na pamamahala ng Diyos sa lahat ng mga bagay, at dahil din sa ang awtoridad ng Diyos ang namamahala sa lahat, at kabilang sa lahat ng mga bagay na pinamamahalaan Niya ang materyal na mundo na tinitirhan ng tao, at, mangyari pa, ang hindi nakikitang espirituwal na mundo sa likod ng sangkatauhan. At kaya, kung nagnanais ang sangkatauhan na magkaroon ng mabuting buhay, at nagnanais na manirahan sa magandang mga kapaligiran, bukod sa paglalaan sa buong materyal na mundo na nakikita, ang tao ay kailangan ding paglaanan ng espirituwal na mundo, na walang sinumang nakakakita, na siyang namamahala sa bawat buhay na nilalang sa ngalan ng sangkatauhan, at ito ay maayos. Kaya, kapag sinabi na Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay, hindi ba natin naidagdag sa ating kamalayan at pagkaunawa sa “lahat ng mga bagay”?

mula sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ano ang espirituwal na mundo

Sumunod:Ang Pag-inog ng Buhay at Kamatayan ng Iba’t Ibang Tao na Mayroong Panampalataya

Baka Gusto Mo Rin