Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni Cristo

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Itama ang Iyong Sarili Bago Itama ang Iba

Chongxin Lalawigan ng Shanxi

Sinabi sa isang pagbabahagi: “Ang mga pinuno at manggagawa ay kailangang may mapagmahal na puso, tiyaga, pag-unawa, at kailangang tratuhin ang mga tao sa tamang paraan. Kailangan silang kumilos ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan at tratuhin ang mga tao nang makatwiran” (“Labindalawang Agarang mga Isyu Na Kailangang Lutasin ng mga Iglesia Mula sa Lahat ng mga Lugar” sa Mga Kasaysayan ng Pagbabahagi at mga Kasunduan ng Gawain ng Iglesia II). Noong nakaraan, hindi ko kailanman binigyan ng gaanong pansin ang mga sipi sa pakikipag-usap tungkol sa kung paano dapat kumilos ang mga pinuno at manggagawa sa makataong paraan, magtrabaho ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan, at tratuhin ang mga tao nang makatwiran dahil palagi akong naniwala na ako ay makatao. Hindi ako kagaya ng karamihan ng mga tao ng mundo ng sanlibutan na manlilinlang, hindi tapat. Isa pa, mula noong naging pinuno ako, hindi ko pinigil ang mga pananaw ng iba o ipinuwera ang sinuman sa mga pag-uusap. Dahil dito, pinuri ko ang aking sarili bilang matapat, makatarungan at patas. Kapag nakakarinig ako ng mga huwad na pinuno at manggagawa na hindi tinatrato ang mga tao nang makatwiran o may kinikilingan at itinataas ang mga paborito habang pinipigil at ipinupuwera ang iba, palagi ko silang hinahamak. Akala ko ang mga ganoong pinuno at manggagawa ay talagang hindi makatao at, samakatuwid, hindi kuwalipikado na maglingkod bilang mga pinuno o manggagawa. Tanging pagkatapos ng ilang mga karanasan kamakailan na naibunyag ang aking totoong kalikasan at pinahintulutan akong makatamo ng kaunawaan tungkol sa aking sarili na aking nabatid na hindi ako ang matapat at mabuting taong aking inaakala. Sa halip, nabatid ko na tinatrato ko ang mga tao batay sa emosyon at mga kagustuhan. Sa paghahanap sa aking sariling personal na pakinabang, ako ay katulad din ng iba na tuso, mapanlinlang, makasarili at malisyoso. Tanging sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos na aking nabatid na ang pinaka-kapakipakinabang na paraan, ang pinakapatas at makatarungang paraan ng pagtrato sa mga tao ay ang pagkilos ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan. Dagdag dito, nabatid ko ang kahalagahan, bilang isang pinuno, ng makatwiran na pagtrato sa mga tao.

Itama ang Iyong Sarili Bago Itama ang Iba

Noong Hunyo 2013, nagpunta ako sa ibang lalawigan para makipagtulungan sa ilang gawain ng iglesia. Sa distritong ito, isa sa dalawang pinuno ay isang kapatid na babae mula sa aking bayan, “kapatid na babae A”. Sa nakaraan, nagtulungan kami sa ilang gawain at nagkaroon kami ng napakagandang relasyon. Kagaya ng maiisip mo, sobra akong nasiyahan na makita ulit siya na napakalayo mula sa aming bayan at pagkatapos ng matagal na panahon. Ang pangalawang pinuno, “kapatid na babae B” ay kapipili lang na pinuno at mas mahiyain at matatag mag-isip. Katataas lamang ng kanyang posisyon noong kaming mga pinuno ay papunta sa isang retreat para sa paglilinang na espiritwal. At ang nangyari, ginawa ko at ng dalawang kapatid na babae ang aming retreat sa parehong pamilya na nag-anyaya. Dahil sa aming nakaraan, ako at ang kapatid na babae A ay natural na mas malapit sa isa’t-isa mula sa umpisa. Siya at ako ay may magkaparehong personalidad—pareho kaming hindi mahiyain—kung kaya napakanatural na napakalugod ko sa kanya at nakahandang magtulungan kapag kami ay nagkakaroon ng anumang mga isyu. Kalaunan, nagsimula kong mabatid na itong malapit na relasyon naming dalawa ay hindi uliran para sa gawain naming dalawa at hindi nito pinahihintulutan ang pakikinabang ng isa't isa, kaya nagsimula akong sadyang lumayo, nagrebelde laban sa aking laman. Sa panahong iyon, nagkaroon ako ng kaunting pag-alala dahil ang dalawang kapatid na babae ay hindi makapagtulungang mabuti, pareho silang may kanya-kanyang mga pagtatangi. Kapag nararamdam ng kapatid na babae B na napipigilan, sinisigurado ko na makipag-usap sa kanya at binibigyan siya ng paghikayat at pamamatnubay. Sinadya ko ring bawasan ang oras ng aking pakikitungo kay kapatid na babae A sa takot na maramdaman ni kapatid na babae B na siya ay naiitsa-puwera o hindi masaya. Kapag napapansin ko na inilalantad ni kapatid na babae A ang kanyang kayabangan at makasariling disposisyon, pinakikitunguhan ko at itinatama siya nang walang pag-aatubili. Hindi ko siya pinapaboran o pinoprotektahan dahil lamang sa kaming dalawa ay malapit na magkaibigan noon. .... akala ko na sa ganitong paraan, tinatrato ko ang aking mga kapatid nang makatwiran at naaayon sa layunin ng Diyos. Hindi ko naunawaan ang aking sarili, naunawaan agad ako ng Diyos. Sa mga sumunod na araw, ipinakita Niya ang aking totoong malasatanas na kalikasan, inilantad ang panloob kong kadiliman sa liwanag ng paghatol.

Sa simula ng aming retreat, para matiyak na matapos namin ang aming gawain nang mabilis at ituon ang aming sarili sa espiritwal na paglilinang, hinati namin ang mga gawain nang pantay sa aming tatlo. Si kapatid na babae A ang mamamahala sa pagsasa-ayos at pagpapatupad ng lahat ng mga gawaing panlabas, samantalang si kapatid na babae B at ako ang mamamahala sa pangangasiwa sa anumang mga isyu na magmumula sa loob ng mga iglesia. Sa isang proyekto, pinabayaang ko ang aking mga tungkulin, nakaligtaang iparating ang mga detalye ng proyekto sa aking kapatid at iniwan siya na mamahalang mag-isa. Pagkatapos niyang makumpleto ang proyekto, nakaligtaang ko ring repasuhin at suriin ang kanyang gawain, ang naging resulta, nagkaroon ng ilang mga problema sa proyekto. Pagkatapos nito, sumulat sa amin ang aming pinuno para sabihin ang aming mga pagkakamali at mga layunin. Ako ay lubos na naghinanakit, at inisip ko: Kararating pa lamang dito, nakagawa na ako ng pagkakamali; talagang walang akong silbi at ginawa kong mistulang walang alam ang aking sarili! Ano na lang ang iisipin ng pinuno tungkol sa akin? Sasabihin kaya ng pinuno na kulang ako sa katotohanan at hindi ko kayang makapagpatupad ng gawain? Noong naisip ko ang lahat ng ito, bigla akong nakaramdam ng malalim na hinanakit sa aking kapatid na babae. Naghinanakit ako dahil siya ang sanhi para gawin kong katawa-tawa ang aking sarili. Sa bagong paligid na ito, nakaligtaan kong matuto mula sa aking mga pagkakamali at hindi ko pinag-isipan ang aking mga pagkakamali para maitama ang aking mga kamalian. Ang masama pa, hindi ako handang pasanin ang responsibilidad at, para mapangalagaan ang aking estado at reputasyon, sinalungat ko ang aking sariling mabuting konsensya at gumawa na isang bagay na kasuklam-suklam—isinisi ko ang lahat ng responsibilidad sa aking kapatid na babae. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko ang ganoong napakasamang mga gawain—anong klaseng tao ako? Sa puntong ito, nararamdaman ko ang pagdudusta ng Banal na Espiritu at nailagay sa aking konsensya ang pagkondena. Subalit, tumitigas ang aking puso kapag naiisip ko kung paano sinira ng aking kapatid na babae ang aking reputasyon at estado. Hindi ko lamang nakaligtaang ilahad ang aking sarili sa aking kapatid na babae, sinikap ko pang palihim na hamakin siya at sinunod ang aking sariling layunin sa aming pag-uusap tungkol sa salita ng Diyos. Kung hindi ko tahasang sinisisi ang aking kapatid, inilulusot ko ang aking sarili sa anumang pananagutan at ibinabaling ang sisi sa aking kapatid na babae para isipin ng lahat na ang isyu ay bunga ng kanyang maling ginawa. Hinusgahan ko pa ang aking kapatid nang palihim; pinagdududahan kung ang Banal na Espiritu ay tumatalab sa kanya at kung may kakayahan siya na gawin ang gawaing ito. Sa dakong huli, nangyari sa akin ang nararapat: Dinisiplinahan ako ng Diyos at nagkaroon ako ng mga sugat sa bibig. Subalit, hindi ko binago ang aking mga paraan, masigasig sa aking pagrerebelde laban sa Diyos at paghamak sa aking kapatid. Hindi ko isinagawa ang katotohanan at naging masamang tao, tuluyang hindi magawang tratuhin nang makatwiran ang aking kapatid na babae. Hindi ko sinang-ayunan ang lahat ng kanyang gawain—para bang para sa akin ay wala siyang ginagawang tama. Matagal ko nang nawala ang aking unang diwa na mapagmahal na suporta at trinato ko siya nang malamig at pormal. Alam ko na mayroong mali sa aking asal, ngunit ang aking malasatanas na kalikasan ang dahilan kaya hindi ko magawang harapin ang mga katibayan at managot para sa aking mga kamalian. Sa halip, ginamit ko ang aking estado para paikutin at disiplinahan ang mga mas mababa sa akin, namumuhay sa pamantayan na “Kung ano ang sinasabi ng pinuno ay siyang masusunod”; ito, isang makamandag na kasabihan ay siguradong naibinuga mula mismo sa bunganga ng malaking pulang dragon. Ang paraan ng pagtrato ko sa aking kapatid na babae ay hindi naiiba sa mabagsik na pagkadiktator ng malaking pulang dragon. Sa aking mga kilos, nakikita ang nakakakilabot na pangit na mukha ni Satanas na naibunyag sa kabuuan. Noong una, hindi tumugon nang negatibo ang kapatid na babae. Kahit na pinakitunguhan na, sinubukan niyang makita ang layunin ng Diyos at pumasok sa masigasig na paraan. Subalit, hindi ko ito makalimutan: Kapag isang bagay ang nagpapaalala sa akin sa “insidente” sa aming kasalukuyang gawain, palagi ko itong ipinapaalala para pakitunguhan siya. Unti-unti, nabawasan ang pagkasigasig ng kapatid na babae sa kanyang gawain. Siya ay nag-aatubiling gumawa ng anuman nang mag-isa at hindi na niya magawa ang makipagtulungan nang ganap. Nang nakita ko kung paano siya umaasal, tuluyan akong nagalit. Pagkatapos, noong naging malinaw sa akin na ang aking dalawang kapatid na babae ay nagkakaroon ng problema sa pagtutulungan, tuluyan akong nagalit. Sinabi ko sa aking sarili: Nagpunta ako dito para suportahan ang dalawa kong kapatid na babae sa kanilang gawain, ngunit sa buong panahong iyon, hindi ko nakayanang lutasin ang kanilang mga isyu—hindi ba ito nagpapakita na ako ay ganap na walang silbing tao? Patuloy ko silang pinakitunguhang dalawa at naramdaman ko na napakarami kong mga responsibidad, ngunit ang lahat ay lubos na walang epekto. Kahit gaano pa ang aking pakikipag-usap sa kanilang dalawa, para bang hindi ko magawang itama ang mga bagay. Nabigo akong lutasin ang kanilang mga isyu, at, ang mas malala, parehong silang may mga pagtatangi laban sa akin at nagreklamo tungkol sa pagkiling ko sa isa sa kanila. Sa kinakaharap na ganitong sitwasyon, ganap na wala akong magawa. Inubos ko ang aking sariling kakayahan at wala akong magawa. Dagdag dito, napuno na ako sa dalawa at inisip ko na ang lahat ng ito ay kanilang problema, dahil hindi sila handa na isagawa ang katotohanan at gumawa ng mga positibong pagbabago.

Tuluyan akong nawalan ng pag-asa, nagdasal ako sa Diyos, hiningi ang kanyang paggabay. Sa aking pagdarasal, naalala ko ang isang sipi sa pagbabahagi mula sa itaas na nagsasabing, “Noong nakaraan mayroong dalawang kasabihan, ‘Itama mo ang iyong sarili bago itama ang iba’ at ‘Paano maitatama ng isang tao ang iba kung siya ang mali?’ Magsalita ayon sa iyong sariling karanasan. Sa pamamagitan ng pagsasalita ayon sa iyong karanasan, tinutulungan mo ang iba at itinatama ang iyong sarili. Tinutulungan mo ang iba sa pamamagitan ng pagtatama sa iyong sarili, at, sa prosesong ito, maaari mong ring itama ang iba. Ito ang pinakamagandang paraan para gawin ang iyong gawain. ...Kung mas matuwid ka, kung mas lalo mong paninindigan ang pagkamatuwid at magsalita nang makatwiran at makatarungan, mas lalo kang mamahalin ng mga tao, gugustuhing makinig para makipag-usap at kumpirmahin ang iyong mga salita. Kung ano ang sinasabi mo, iyon ang gagawin nila. Kailangan mo lang magsabi ng isang salita, at gagawin nila ayon sa iyong mga ninanais. Kahit ano pa ang iyong sabihin, walang magrereklamo, kahit magsalita ka nang marahas. ...Kung mapanatili mo ang iyong pagiging matuwid, kung tatratuhin mo ang lahat ng tao nang makatwiran at palaging tutulungan ang mga tao nang may pagmamahal, sa kalaunan ay makakayanan mong akayin ang mga tao sa katotohanan. Lubos mong makakayanan na akayin ang mga tao sa katunayan ng salita ng Diyos at sa Kanyang pagliligtas” (“Paano Dapat Mamuno at Magtrabaho ang mga Pinuno at Manggagawa” sa Pagbabahagi at Pangangaral Tungkol sa Pagpasok sa Buhay I). Noon ko naisip ang mga sumusunod na sipi ng salita ng Diyos: “Kung wala ang Diyos, ang mga kaugnayan sa pagitan ng mga tao ay mga kaugnayan lamang ng laman. Ang mga ito ay hindi wasto, ngunit nagpapalayaw sa laman—ang mga ito ay mga kaugnayan na kinamumuhian ng Diyos, na Kanyang kinasusuklaman. ... wala kang wastong kaugnayan sa Diyos sa anumang paraan. Tinatangka mong linlangin ang Diyos at ikubli ang iyong sariling kapangitan. Kahit na nagagawa mong magbahagi ng ilang mga pagkaunawa ngunit ang dala-dala mo ay maling mga layunin, ang lahat ng iyong ginagawa ay mainam lamang sa mga pamantayan ng tao. Hindi ka pupurihin ng Diyos—ikaw ay kumikilos alinsunod sa laman, hindi alinsunod sa pasanin ng Diyos. Kung nagagawa mong ipanatag ang iyong puso sa harap ng Diyos at mayroong wastong mga pakikipag-ugnayan sa lahat niyaong umiibig sa Diyos, sa gayon ka lamang nagiging angkop sa pagkasangkapan ng Diyos. Sa ganitong paraan, gaano ka man nakikisalamuha sa iba, hindi ito magiging ayon sa isang pilosopiya sa buhay, ngunit ito ay pamumuhay sa harap ng Diyos, pagsasaalang-alang sa Kanyang pasanin” (“Ang Pagtatatag ng Isang Wastong Kaugnayan sa Diyos ay Napakahalaga” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa pamamagitan ng salita ng Diyos at sa pagbabahagi ng lalaki, bigla kong nabatid na kung gusto mong magtagumpay sa iyong gawain bilang isang pinuno o manggagawa, kailangan munang nasa tama ka, kayang tratuhin ang iba nang pantay-pantay, at magroon ng normal na relasyon sa Diyos. Sa pakikipag-usap sa iba, dapat mong ibahagi ang iyong personal na mga karanasan nang walang anumang patagong motibo para tulungan ang iba. Ang ganitong paraan ng pagkilos ay tumutupad sa layunin ng Diyos at matatamo ang pagsang-ayon ng iba. Sa ilalim ng pamamatnubay ng Banal na Espiritu, pinatahimik ko ang aking puso at pinagnilayan ang aking asal sa aking dalawang kapatid na babae. Noong una nakaya kong ibigay sa bagong taas na kapatid ang suporta nang may pagmamahal, ngunit ito ay dahil lamang sa ang aming sitwasyon ay walang direktang kaugnayan sa aking personal na pakinabang. Noong nakagawa ang aking kapatid ng pagkakamali na nakapinsala sa aking reputasyon at estado, ibinunyag ng totoo kong kalikasan ang sarili nito. Kagaya ng “masamang bruha” sa ika-75 na sermon, na habang hawak ang pamalo o sundang, ay pinipigil ang lahat na humahadlang sa kanyang daanan. Sa panlabas, mukhang tinutugunan ko lamang ang mga isyu sa gawain ng aking kapatid na babae, ngunit ang katotohanan, ibinubuhos ko ang aking sariling personal na mga pagkabigo. Bilang resulta, nagsalita ako sa magaspang at maanghang na paraan na naging dahilan para maramdaman ng aking kapatid na babae na siya ay minamaliit at iniinsulto ko. Noong nakita ko kung gaano kanegatibo ang pagtingin ng aking kapatid na babae sa pakikitungo sa kanya, hindi lamang ako hindi nakaramdam ng pagka-awa, itinuring ko siya nang may paghamak at pagkasuklam. Noong una akong naitaas ng posisyon para tuparin ang aking tungkulin, maraming bagay din akong hindi naunawaan kaagad. Nakatali sa aking sariling reputasyon at estado, nag-aatubili rin akong kumilos at naapektuhan ang aking pagganap. Lumala ito sa puntong madalas kong kinailangang tumakas tungo sa isang pribadong lugar para umiyak; sa isang pagkakataon, umabot ako sa punto kung saan huminto ang Banal na Espiritu sa paggana sa kalooban ko. Subalit, hindi kailanman nasuklam sa akin ang aking pinuno at kasamang mga maggagawa, walang kapagurang nagtrabaho para suportahan at hikayatin ako hanggang sa wakas ay nakawala ako mula sa aking kalagayan at naramdaman kong lumitaw ulit ang aking sarili. Ngunit, noong dumadaan ang aking kapatid na babae sa parehong sitwasyon, naging bulag ako sa sariling kong nakaraan. Hindi lamang ako nabigo na ibahagi ang aking sariling mga karanasan sa pakikipag-usap para suportahan ang aking kapatid na babae, ibinaling ko rin ang sisi sa kanya, sinasaktan siya nang siya ay nakalugmok at tuwang-tuwa sa kanyang kabiguan. Noong ko lamang nabatid ang masamang kalikasan ng aking pagkatao at na ang aking “suporta” kuno sa aking kapatid na babae noong nakaraan ay pawang mapagpaimbabaw at panlilinlang. Dahil nagkaroon ako ng mga pagkiling sa aking puso, kahit na gaano pa kainit ang pagtrato ko sa kanya, o gaano kalaki ang aking pasanin, hindi ako kumilos nang talagang may pagmamahal sa aking puso, hindi ko siya trinato nang makatwiran. Sa ganitong pagtrato ko sa kanya, paano ko aasahan ang aking kapatid na babae na magtiwala sa akin? At ang aking kapatid na babae na mas malapit sa akin, sa kabila ng katotohanan na inasahan kong kumilos siya ayos sa mga mahigpit na pamantayan, mayroon pa ring emosyonal na bahagi sa aming relasyon. Ginampanan ko ang aking papel bilang kanyang nakatatandang kapatid. Kung minsan pinapagalitan ko siya parang isang magulang na nagagalit sa kanyang anak: Nag-aalala ako kapag inilalantad niya ang kanyang katiwalian, ngunit ang pag-alalang ito ay nagmumula sa emosyonal na ugnayan. Kumikilos ako ayon sa aking laman at inilalantad ang aking katiwalian, hindi dahil sa pananagutan sa Diyos. Habang lalo akong kumikilos ng ganito sa aking kapatid na babae, lalo namang lumalim ang emosyonal na pagbuklod ng aming laman. Hindi kailanman ito nakatulong o nakabuti sa aking kapatid na babae. Noon ko nakita ang pinag-ugatan ng aking kabiguan na magtagumpay sa aking gawain: Wala akong normal na relasyon sa Diyos. Sa kabila ng katotohanan na nakikipag-usap ako ayon sa salita ng Diyos kapag aking tinutulungan ko ang aking mga kapatid na babae na lutasin ang kanilang mga problema, patuloy ko pa ring kinikimkim ang aking sariling mga pagkiling at nagtrabaho para protektahan ang aking sariling mga kapakanan ng laman sa halip na ituon ang aking puso sa Diyos at magtrabaho para tuparin ang mga ninanais ng Diyos. Sa panlabas, maaaring parang nakikita na tangan ko ang pasanin, ngunit ang katotohanan ay dinadaya ko ang Diyos at pinagtatakpan ang aking nakapangingilabot na kalikasan. Hindi pinapayagan ng Diyos yaong mga walang tamang layunin, kung kaya nabigo ako na magtagumpay at naging hindi produktibo. Sa pagninilay-nilay na ito, nabatid ko na hindi ako makatao, matuwid o makatwirang tao. Talagang ako ay makasarili, nakikisabwatan at masamang nilalang. Sa puntong ito, naisip ko ang isa pang pagbabahagi mula sa itaas, “Sa mga nahuling liham, mabilis si Pablo sa pangmamaliit kay Pedro. Minsan, tinuligsa pa niya si Pedro sa harap ng mga tao. Hindi siya tumigil. Alam ng lahat na ito ay nangyari. ... Ngayon, paano inilarawan ni Pedro si Pablo? Sinabi niya, ‘Natanggap ni kapatid na Pablo ang pagbubunyag ng Diyos, pakinggan ang kanyang testimonya ng ebanghelyo sa Diyos. Natanggap niya ang pagbubunyag ng Diyos.’ Hindi lamang hindi ininsulto ni Pedro si Pablo, tinawag pa niyang kapatid ito. Ang pagtrato ba ni Pedro kay Pablo ay makatwiran at makatarungan? Makatwiran niyang trinato si Pablo. Ang kanyang pagsusuri kay Pablo ay makatarungan at makatwiran. Bakit binanggit ni Pedro ang mga kagalingan ni Pablo? Si Pedro ay isang tao na napabuti ang disposisyon ng kanyang buhay, kilala ang Diyos at kayang tratuhin ang mga tao nang makatwiran. Samantalang si Pablo ay mayabang at hambog, hindi sumusuko sa kaninuman sa kanyang kahibangan” (“Anong Klaseng Tao ang Gagawing Perpekto ng Diyos” sa Pagbabahagi at Pangangaral Tungkol sa Pagpasok sa Buhay VII). Noong inihambing ko ang sarili kong mga gawain kila Pedro at Pablo, parang mas malala pa ako kay Pablo sa lahat ng paraan. Bilang pinuno na nahaharap sa pangangasiwa sa mga isyu na dulot ng aming gawain, hindi lamang ako nabigong maging masigla sa pag-ako ng responsibilidad para sa mga isyu, manguna sa paraan ng pagsasagawa sa katotohanan, hanapin ang katotohanan kasama ang aking mga kapatid na babae, lutasin ang mga kinakaharap na problema at protektahan ang mga kapakanan ng pamilya ng Diyos, ngunit ininsulto at sinaktan ko rin ang aking kapatid sa paghahanap sa aking personal na pakinabang. Talagang hindi ko napabuti nang kahit kaunti ang aking disposisyon. Habang tinitingnan ko ang aking kapatid na babae: Mula sa umpisa hanggang sa katapusan nanatili siyang tahimik na tumanggap, hindi niya kailanman sinubukan na ilabas ang anumang isyu sa akin. Ang kanyang pag-uugali ay paghatol sa akin—paglalantad sa aking parang dagang kapangitan. Ang aking mga kilos ay hindi makatao—walang bahid ng pagiging makatao sa aking nagawa. Sigurado, ang aking pag-uugali ay hindi angkop sa isang pinuno.

Sa pagnilay-nilay ko sa lahat ng ito, naging malungkot ang pakiramdam ko. Bago nito, palagi kong inakala na ako ay makatao at trinato ang mga tao nang napaka-makatwiran. Sa pagkakagawa sa ganoong mga kahiya-hiyang bagay, mas lalo akong natakot. Kung ipipinta ng isang tao ang larawan ng aking pangit na kaluluwa, ito ay siguradong magiging kamukha ng isang masama, matulis ang pangil na halimaw na may dugong tumutulo mula sa kanyang bunganga. Isang araw, nabasa ko ang sumusunod na sipi mula sa “Paano Sumulat ng Isang Magandang Sermon” sa Pagbabahagi at Pangangaral Tungkol sa Pagpasok sa Buhay IX: “Silang hindi mahal ang katotohanan ay hindi makatao, silang napopoot sa katotohanan ay masama.” Nakaramdam ako ng pagkirot sa aking puso, na para bang ang linyang ito ay ang paghatol ng Diyos sa akin. Si Cristo at ang Banal na Espiritu ay naghahari sa pamilya ng Diyos na may hustisya at katwiran: Paano Nila palalampasin ang pag-iiral ng anuman na hindi sumusunod sa katotohanan? Ang lahat ng malasatanas na gawain ng kawalang-hustisya ay kinakailangang harapin ang matuwid na paghatol ng Diyos. Noong naisip ko ang aking sariling kasamaan at pagka-di makatao, mabigat akong inakusahan ng aking konsensiya. Habang namumuhay sa kadiliman at sakit na walang lulusutan, hindi ako sigurado kung paano ko haharapin ang aking mga kapatid na babae. Ang tangi kong nagawa ay humarap sa Diyos at hilingin ang Kanyang pamamatnubay sa pamamagitan ng dasal: “O Diyos ko, ako ay litong-lito at naghihirap, nawala ako sa aking landas. Hindi ko alam kong paano haharapin ang aking mga kapatid na babae, at mas lalong wala akong kaalam-alam kung paano tutuparin ang aking mga tungkulin. Nagsusumamo ako na paliwanagan Mo ako sa aspetong ito ng katotohanan.” Nang matapos ang aking panalangin, binuksan ko ang ika-42 ng 162 mga prinsipyo, “Ang Prinsipyo ng Pagtrato sa mga Tao nang Makatwiran” at binasa ang sumusunod na salita ng Diyos, “Ano ang hinihingi ng salita ng Diyos bilang prinsipyo sa pakikitungo sa iba? Mahalin ang minamahal ng Diyos, kamuhian ang kinamumuhian ng Diyos. Iyon ay, ang mga taong minamahal ng Diyos na tunay na naghahangad ng katotohanan at gumagawa ng kalooban ng Diyos, ang mga taong dapat mong mahalin. Ang mga hindi gumagawa sa kaloobang ng Diyos, namumuhi sa Diyos, sumusuway sa Diyos, at kinasusuklaman ng Diyos, ay mga taong dapat nating kasuklaman at tanggihan. Iyan ang hinihingi ng salita ng Diyos” (“Ang Pagkilala sa Iyong Sarili ay Nangangailangan ng Pagkilala sa Iyong Mga Kaisipan at Mga Pananaw na Nag-ugat na nang Malalim” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). “Patungkol sa mga kalagayan ng mga tao, ang ilan ay kumontra, ang ilan ay nagrebelde, ang ilan ay bumigkas ng mga salitang mareklamo, ang ilan ay gumawa ng di mabuting asal, gumawa ng mga bagay na laban sa simbahan o gumawa ng mga bagay na nakasira sa pamilya ng Diyos. Ang kanilang bunga ay pagpapasiyahan ayon sa kanilang kalikasan at kabuuan ng kanilang gawi. Ang ilang mga tao ay masama, ang ilan ay hangal, ang ilan ay maloko, at ang ilan ay mga hayop. ... Ang gawi ng bawat tao ay magkakaiba, kaya ang bawat tao ay dapat tingnan nang may kabuuan ayon sa kanilang angking kalikasan at gawi” (“Anong Uri ng Mga Tao Ang Maparurusahan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). “Ang mga kaugnayang ito ay hindi itinatatag sa laman, ngunit sa saligan ng pag-ibig ng Diyos. Halos walang mga pakikipag-ugnayan batay sa laman, ngunit sa espiritu ay mayroong pagsasamahan at pag-ibig, kaaliwan, at paglalaan para sa isa’t isa. Ang lahat ng ito ay ginagawa sa saligan ng isang puso na pinalulugod ang Diyos. Ang mga kaugnayang ito ay hindi pinananatili sa pananangan sa pantaong pilosopiya sa buhay, ngunit ang mga ito ay likas na binubuo sa pamamagitan ng pasanin para sa Diyos. Hindi kinakailangan ng mga ito ang pagsisikap ng tao—ang mga ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng mga panuntunan ng salita ng Diyos. ... Ang isang wastong kaugnayan sa pagitan ng mga tao ay itinatatag sa saligan ng pagbibigay ng kanilang puso sa Diyos; hindi ito natatamo sa pamamagitan ng pagsisikap ng tao” (“Ang Pagtatatag ng Isang Wastong Kaugnayan sa Diyos ay Napakahalaga” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa pagbabahagi ng lalaki, sinasabi nito, “Dapat nating tratuhin ang ating mga kapatid bilang miyembro ng pamilya ng Diyos. Dapat tayong magpakita ng pagtanggap, pasensya at pagmamahal. Hindi tayo dapat manlilang at magkaroon ng kinikilingan, ngunit tratuhin ang lahat nang pantay-pantay at makatwiran” (Mga Katangian na Dapat Taglay ng Lahat ng mga Nagsisilbi sa Diyos at Kung Paano Pagsilbihan ang Diyos Ayon sa Kanyang Layunin” sa Pagbabahagi at Pangangaral Tungkol sa Pagpasok sa Buhay II). Sa pamamagitan ng salita ng Diyos at sa pagbabahagi ng lalaki nabatid ko na ang tunay na paraan para tratuhin ang iba nang makatwiran ay ang mahalin ang mahal ng Diyos at kapootan ang kinapopootan ng Diyos. Silang mga naghahanap sa katotohanan, at nagmamahal sa katotohanan at makapagsasagawa sa kagustuhan ng Diyos ay ang aking mga kapatid at sila dapat ang aking mahalin. Kahit pa sila ay tiwali, tumututol o nakagawa ng masama sa pamilya ng Diyos, dapat pa rin silang tratuhin nang tama. Dapat silang timbangin ayon sa kanilang kalikasan, ang kabuuan ng kanilang mga kilos at ang sitwasyong nagbunsod ng kanilang kilos. Hindi sila dapat husgahan batay sa isang namumukod na insidente. Ito ang prinsipyo na batayan ng makatwirang pagtrato natin sa iba. Dagdag dito, ang mga kapatid ay dapat tratuhin nang pantay-pantay at nang walang diskriminasyon. Nasisiyahan man tayo sa kapatid o hindi, kailangan nating sumunod sa prinsipyong ito. Tanging sa ganitong paraan tayo kikilos ayon sa katotohanan at kagustuhan ng Diyos. Sa pamamagitan ng karanasang ito, nabatid ko na ang makatwirang pagtrato sa mga tao ay hindi kasing simple ng aking inaakala. Noong nakaraan, akala ko ang ibig sabihin ng hindi makatwirang pagtrato ay pagiging mahigpit at pagpapamalas ng magaspang na pag-uugali sa iba. Akala ko ang pagtrato sa mga tao nang may mainit at pagmamahal sa puso ay bahagi ng makatwirang pagtrato. Ngayon, sa pamamagitan ng salita ng Diyos, nabatid ko na sa pamamagitan ng pagsuri sa mga sitwasyon ayon sa katotohanan at pagtrato sa mga tao ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan lamang nating magagawang tratuhin ang mga tao nang makatwiran at ayon sa kanilang tunay na sarili. Kahit na magkaroon tayo ng mahigpit o mainit na pag-uugali, basta't kumikilos tayo ayon sa katotohanan, susundin natin ang layunin ng Diyos. Kung hindi matatamo natin ang pagkasuklam ng Diyos at ang ating mga kilos ay hindi kapakipakinabang sa kaninuman. Sa paraang ito, nabatid ko na hindi ko pinakitunguhan nang makatwiran ang iba habang ginagawa ang lahat ng “magandang mga gawain” ayon sa aking natural na karakter. Sa halip, kumilos ako ayon sa aking sariling mga opinyon, mga kagustuhan at sekular na mga pilosopiya. Iniingatan ko lamang ang aking sariling estado sa mga tao at nililinang ang aking sariling imahe. Nabatid ko rin na para pakitunguhan ang mga tao nang makatwiran, dapat munang magkaroon ng normal na relasyon sa Diyos. Sa ganitong paraan, buong pagmamahal man na sinusuportahan ng isang tao ang isang kapatid na lalake o babae, o pinakikitunguhan sila, ang asal ng isang tao sa kanila ay nakabase sa pagmamahal ng Diyos. Ang puso ng isang tao ay nakatuon sa Diyos at nakahanda sa gawain ng pagsasagawa sa katotohanan, sinusunod ang layunin ng Diyos at tinutupad ang mga kagustuhan ng Diyos. Nakahanda ang puso na tanggapin ang pagsusuri ng Diyos. Kung ang pagmamahal ng puso ay hindi ginamit para mapanatili ang relasyon sa pagitan ng mga tao, ito ay malaya sa pagpapaimbabaw, huwad na halina, motibo o mga emosyon ng laman. Ang ganitong pagmamahal ay naglalarawan sa tunay na espiritwal na ugnayan, parehong pagsang-ayon. Tanging sa ganitong pagtrato sa mga tao tayo makakahanay sa prinsipyo ng katotohanan at makinabang ang lahat ng tao.

Pagkatapos, nabasa ko ang sumusunod mula sa isang pagbabahagi, “Ang makatwirang pagtrato sa iba ay ang prinsipyo na dapat taglay ng bawat pinuno. Kapag pinagtaksilan mo ang prinsipyong ito, ito ay nagpapatunay na hindi ka makatao. ... Ikaw ay may masamang intensyon at mababang moral na karakter—ang mga ito ang nagpapahayag sa ugat ng isyu. Hindi ako nakahanda na gamitin ang ganitong mga tao” (“Pagbabahagi at Pangangaral Tungkol sa Salita ng Diyos ‘Dapat Mong Pag-isipan ang Iyong mga Gawa’ (II)” sa Pagbabahagi at Pangangaral Tungkol sa Pagpasok sa Buhay VII). “Paano mo malalaman kung ang isang pinuno ay kwalipikado? Una, siya ba ay nagsasalita sa makatarungang paraan? Pangalawa, tinatrato ba niya ang mga tao nang makatwiran? Ang dalawang pamantayang ito ang tanging susi. Kung matutugunan niya ang dalawang pamantayang ito, siya ay tiyak na isang taong may integridad at nakahanay sa layunin ng Diyos. Kung taglay din niya ang pag-unawa sa katotohanan at alam kung paano isagawa ang katotohanan, makakasiguro ka na siya ay magtatagumpay sa kanyang gawain” (“Isang Buod Tungkol sa Pagiging Matapat ng Tao: Sampung Isyu na Dapat Lutasin ng Bawat Tao para Maging Matapat at ang Kahalagahan ng Pagiging Matapat” sa Pagbabahagi at Pangangaral Tungkol sa Pagpasok sa Buhay V). Sa pamamagitan ng aking pagbabasa sa mga siping ito naunawaan ko na ang makatwirang pagtrato sa iba ay isang prinsipyo na dapat itaguyod ng bawat pinuno. Tanging yaong mga makatao at nagmamahal sa katotohanan ang magkakaroon ng mga tamang layunin, pinananatili ang Diyos sa kanilang mga puso, minamahal ang mga napiling tao ng Diyos at tinatrato ang mga tao nang makatwiran at makatarungan. Tanging ang mga ganitong klase ng tao ang may kakayahan na itaguyod ang katarungan, umayon sa katotohanan sa kanilang bawat gawain, at matamo ang paghanga ng iba. Ang mga ganitong klase ng tao ang likas na magtatagumpay sa kanilang gawain. At para sa mga pinuno na hindi makatao at nagtataglay ng masamang layunin, palagi silang kumikilos na katulad ng sumasaksak patalikod na opisyal ng korte: Kailanman ay wala silang malasakit sa pagprotekta sa mga kapakanan ng pamilya ng Diyos o pagtrato sa mga napiling tao ng Diyos nang may pagmamahal. Ang tangi nilang ginagawa ay magdulot ng kalamidad sa pamilya ng Diyos. Gaya nitong mga gumagawa ng masama, itong mga nag-uudyok ng poot sa mga tao, huwad na mga pinuno at anticristo ay hindi lamang bigo na gumawa ng anumang tunay na gawain, tinatrato rin nila ang kanilang mga kapatid na parang mga mababang utusan na dapat maisumpa at maabuso. Agad-agad, pinipigil, dinidisiplinahan, at ibinubukod pa nila, at pinapatalsik ang kanilang mga kapatid. Itinataas nila ang mga mabababang sipsip habang sinusugpo ang tunay na talento. Pinupukaw nila ang buong iglesia sa kaguluhan. Sa ilalim ng mga paghihigpit nitong mga madilim na kapangyarihan, ang mga kapatid ay nagtatrabaho sa pagdurusa at pagkasiphayo. Hindi lamang nila hindi nakakatanggap ng paglilinang at paglingap, ang kanilang mga buhay ay nawasak at ang kanilang mga puso ay nasaktan nang malalim. Habang lalo akong nag-iisip, lalo akong nangilabot. Nabatid lp na kung hindi tinatrato ng mga pinuno ang iba nang makatwiran, napakalaki ng pinsala. Kung ang isang normal na kasapi ng napiling mga tao ng Diyos ay walang kakayahan na tratuhin ang iba nang makatwiran, ito ay maaaring magdulot ng pagkiling at pagkahiwalay sa isa't isa. Maapektuhan lamang ang kondisyon at pagpasok sa katotohanan ng ilang indibidwal Sa kabilang dako, kung ang mga pinuno ay hindi magawang tratuhin ang mga tao nang makatwiran, sinasaktan at sinisira nito ang mga tao, direktang nakagagambala sa gawain ng pamilya ng Diyos at nakapipinsala sa mga kapakanan ng pamilya ng Diyos. Sa isang pagbabahagi sinabi na, “Para mabuhay ayon sa papel ng isang tao bilang pinuno ng o manggagawa para sa napiling mga tao ng Diyos, dapat mong pahalagahan ang paglutas sa tunay na mga isyu ng mga napili ayon sa katotohanan ng salita ng Diyos. Dapat magawa mong lutasin nang makatarungan ang lahat ng uri ng mga aktuwal na isyu na kinakaharap ng iglesia, tratuhin ang mga tao nang makatwirang, at iwasan na pigilan at pagharian ang mga napiling tao. Ito ang pinakamababang kinakailangang makamtan ng mga pinuno at manggagawa sa bawat antas ng iglesia. Kung talagang hinahangad ng isang tao ang katotohanan, ang kanyang mga kilos ay siguradong makakatamo ng pagsang-ayon at suporta ng mga napili ng Diyos. Kung tunay na taglay ng isang tao ang katunayan ng ilang katotohanan, hindi niya ilalantad ang kanyang sariling kayabangan sa bawat pagkakataon o magtaglay ng mataas at makapangyarihan na saloobin. Hindi siya tiyak na magsasalita sa mga hindi karaniwang parirala, pinaghaharian, binibigkis, iginagapos, o inaakusahan ang iba nang walang pinipili. Sa halip, tutulungan niya ang mga napili ng Diyos nang may kalmado at mapagmahal na puso. Pangangaralan, hihikayatin at papatnubayan niya ang iba sa kanilang pag-unawa at pagsasagawa sa katotohanan. Nang may mapagmahal na kabaitan, ipaliliwanag niya ang katotohanan para malutas ang mga isyu at magtamo ng mga resulta. Ito ang ibig sabihin ng mabuting pinuno o manggagawa. Sa mga araw na ito, may ilang mga pinuno o manggagawa ang parang walang kahit kaunting katunayan ng katotohanan. Subalit nasisiyahan sila sa kanilang kayabangan, nagsasalita ng mga kakatwa at walang puwang sa kanilang puso para sa Diyos o sa napiling mga tao ng Diyos. Hindi nila pinagsisilbihan ang napili ng Diyos o tinutupad ang kanilang mga tungkulin para maibalik ang pagmamahal ng Diyos. Sila ay tumatahak sa mga mapanganib na tubig at naglalakad na sa landas ng anticristo. Kung hindi nila babaguhin ang kanilang mga paraan, sila ay itatapon at aalisin ng Diyos.” “Tanging ang mga talagang nagmamahal sa Diyos ang tatrato sa napili ng Diyos nang may mapagmahal na puso. Ito ang totoo. Silang hindi nagmamahal sa napili ng Diyos at hindi magawang tratuhin sila nang makatwiran at ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan ay tiyak na hindi nagmamahal sa Diyos. Tanging ang mga talagang nagmamahal sa Diyos ang kayang magmahal sa iba kagaya ng pagmamahal nila sa kanilang sarili. Silang walang pagmamahal sa Diyos ay siguradong hindi magagawang mahalin ang iba. Yaong nagmamahal sa napili ng Diyos ay tiyak na kayang mahalin ang Diyos—walang pagdududa” (“Kailangan Ninyong Maranasang Pumasok sa Realidad ng Katotohanan ng Salita ng Diyos Upang Makamit ang Pagpeperpekto ng Diyos” sa Ang Pangangaral at Pagbabahagi ng Itaas). Habang tinitingnan itong mga pagbabahaging ito, naramdaman ng puso ko ang pagkastigo. Nabatid ko na ako ay nasa mapanganib na teritorya na, lumalakad sa daan ng anticristo. Nabatid ko rin na hindi ko kayang tratuhin ang aking mga kapatid nang makatwiran at nang may mapagmahal na puso. Hindi ito isa lang na pagpapakita ng katiwalian kung hindi, tanda ng aking masama at mapandayang kalikasan. Sa ugat nito, ang aking problema ay ang hindi ko pagmamahal sa Diyos sa aking puso. Sa lahat ng mga taon ng aking pananampalataya, hindi ko pa rin nakamtam ang kaunting katunayan ng katotohanan at tutuntong pa lamang sa landas ng pagkaperpekto ng Diyos. Tanging ang mga nagmamahal sa Diyos ang magsasaalang-alang sa Kanyang layunin at makakaalam kung ano ang Kanyang mas pinapahalagahan at pinangangambahan. Tanging ang mga nagmamahal sa Diyos ang nangangamba sa Kanyang mga pinangangambahan at nag-iisip sa Kanyang mga iniisip, pinagsisikapang nang buong lakas na akayin ang napili ng Diyos sa tamang landas ng pananampalataya. Tanging ang nagmamahal sa Diyos ang makakasunod sa halimbawa ni Cristo sa paglinang ng mahabagin at maawaing puso, sa pagpapahintulot sa iba nang may matiyaga at mapagmahal na puso. Tanging ang mga nagmamahal sa Diyos ang makapagsasagawa sa misyon na ipinagkatiwala ng Diyos sa kanila; hindi sila mapakali hangga’t hindi nila napaglilingkuran ang pamilya ng Diyos at hindi nila kayang harapin ang Diyos hanggang malutas nila ang kanilang mga isyu ng napili ng Diyos. Sa ganoon, alam nila kung ano ang kakulangan at ano ang kailangan ng kanilang mga kapatid. Kaya nilang makiramay sa paghihirap ng kanilang mga kapatid at ginagawa nila ang lahat para tamang isaayos ang lahat ng bagay. Para sa akin, wala akong pagmamahal sa Diyos sa aking puso, kung kaya, hindi ko nagawang mahalin ang aking mga kapatid. Ang tangi kong minahal ay ang aking sariling kapakinabangan. Ang tangi kong pinahalagahan ay ang aking sariling reputasyon at estado. Kaya ang naging bunga nito, malamig ang naging pagtrato ko sa aking mga kapatid. Noong nakataya ang aking sariling mga kapakanan, umabot ako sa pagdidisiplina, pagpigil, pagpaparusa at paghahangad ng paghihiganti sa iba para mailabas ang aking galit. Nakita ko na ako ay isang taong sukdulang gumagawa ng masama. Noong nakaraan, ipinahayag ng itaas sa pamamagitan ng pagbabahagi na kapag mas mataas ang posisyon ng isang tao bilang pinuno o manggagawa, mas lalo dapat na nakahanda ang isang tao na maging mapagpakumbaba. Kapag mas malaki ang gawain ng isang tao, dapat mas lalong nilang ialay ang kanilang sarili bilang tagapaglingkod sa napili ng Diyos. Subalit, hindi lamang hindi ko inialay ang aking sarili bilang tagapaglingkod, kung hindi tulad ng lupon ng malaking pulang dragon, tinaggap at sinang-ayunan ko ang mga naglingkod para sa aking kapakanan at sumasang-ayon sa aking mga opinyon habang pinipigil at ipinupuwera ang sinuman na sa aking palagay ay mapanganib. Kagaya ng masamang halimaw, nagpunta ako kung saan-saan para hugutin ang mga hindi sumasang-ayon. Sa aking pagbabalik-tanaw sa aking kalagayan sa panahong iyon, nakaramdam ako ng malalim na pagkahiya. Noon ko lamang nabatid kung gaano kasuklam-suklam ang aking kalikasan. Kung ipagpapatuloy ko ang pagtupad sa aking mga tungkulin sa malasatanas na disposisyong ito, sa huli ako ay tuluyang mailalantad at maitatakwil dahil sa lahat ng masamang ginagawa ko.

Salamat sa Diyos para sa Kanyang magandang regalo. Kung hindi dahil sa pagbubunyag ng Diyos, hindi ko sana kailanman pinagnilayan ang aking sariling mga gawain at siguro lalo pa akong nakagawa ng mas marami masamang gawain. Naranasan ko rin ang malawak na pagmamahal at pagkamahabagin ng Diyos. Hindi ako pinarusahan ng Diyos sa aking nagawa—ito ay nagpapahiwatig na inililigtas pa rin ako ng Diyos. Sumusumpa ako na hahanapin ko ang katotohanan nang buong sigasig, magninilay sa mga pagkakamali ko sa nakaraan at magkaroon ng bagong pagsusumikap na maunawaan ang aking sariling kalikasan para hukayin ang mga aspeto na hindi naaayon sa Diyos. Sa pamamagitan ng pagliliwanag at pamamatnubay ng Banal na Espiritu at sa pag-udyok ng budhi sa aking konsensiya, sa wakas ay naisantabi ko ang aking kalayawan, at kinalas ang mga gapos ng maitim na impluwensya ni Satanas. Ako at ang aking mga kapatid ay walang kamalay-malay na inilantad ang aming mga sarili, itinuro ang mga malasatanas na elemento sa bawat isa, at nagkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa bawat isa. Pakiramdam ko ay parang bigla akong sumabog mula sa kadiliman patungo sa liwanag. Naranasan ko ang kagalakan na kaakibat ng pagsasagawa sa katotohanan at pagpapahiya kay Satanas. Naging mas matiwasay ang aking pakiramdam, mas magaan ang aking puso, at wala na akong budhi sa aking konsensiya. Sa pakikipag-usap sa aking mga kapatid, wala nang sinuman ang nakakaramdam ng pag-aatubili. Nailalahad na ng bawat isa ang kanilang sarili nang walang pangingimi. Bigla akong napaawit ng isang himno ng karanasan sa buhay: “Sa Pamilya ng Diyos Tayo ay Nagkikita”: “Sa pamilya ng Diyos tayo ay nagkikita; isang pagtitipon ng mga nagmamahal sa Diyos. Na walang kinikilingan; malapit na samasama, ang tamis at saya sa puso’y umaapaw. Pagsisisi sala’y iniwan natin kahapon; ngayon tayo’y nagkakaintindihan, namumuhay sa pag-ibig ng Diyos. ... Sa pamilya ng Diyos tayo ay nagkikita; pero magkakahiwalay rin tayo agad. Pasan ang pagsusugó’t kalooban ng Diyos, iiwan natin ang isa’t isa para sa kapakanan ng gawa ng Maykapal. Habang tayo’y magkasama, tayo’y mag-uusap at tayo’y tatawa ng masaya. Kapag tayo ay maghiwalay, hihimukin natin ang isa’t-isa. Pag-ibig ng Diyos ang pinagmumulan ng katapatan hanggang sa huli. Para sa magandang Kinabukasan, gagawin natin ang ating makakaya.” Habang inaawit ko ang himno, pinigil ko ang pag-iyak. Dahil ako ay nahulog sa tiwaling kalikasan ni Satanas sa aking kalooban, ako ay minsan naligalig ng malalim na pagsisisi. Ang katibayan na ako at ang aking mga kapatid ay nagkaroon ng pagkakaunawan ngayon sa harapan ng pagmamahal ng Diyos at minamahal ang isa’t-isa na parang pamilya ay testamento ng gawain ng Diyos sa aming kalooban. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay lumupig at iniligtas kami mula sa aming malalim na katiwalian. Noong umabot ako sa parte na nagsasabing, “pero magkakahiwalay rin tayo agad. Pasan ang pagsusugó’t kalooban ng Diyos, iiwan natin ang isa’t isa para sa kapakanan ng gawa ng Maykapal.” nagdalamhati ang aking puso ay hindi na ako makakanta. Nakadama ako ng mas malalim pang pagsisisi dahil ako ay itiniwali ni Satanas, at, taglay ang masamang layunin, iniinsulto at iniiwasan ang aking kapatid, na nagdulot sa kanya ng hindi na maisasaayos na pinsala. Inabala ko rin ang gawain ng pamilya ng Diyos.... Umaasa na lamang ako na itong pagdaluhong ng pagsisisi na naitanim sa aking puso, at ang pagdadalamhati ay magiging kapangyarihan at determinasyon para itama ang mga nakaraang kamalian sa pamamagitan ng pagpapatupad sa aking mga tungkulin. Sa sandaling nabaliktad ko ang aking kondisyon, nakita ko na mas marami pa akong maaaring matutunan mula sa aking kapatid. Siya ay napakamakatao at pinapasan ang mga kahirapan ng lahat ng kanyang tungkulin. Ang mga ito ay kanyang mga kakayahan, mga larangan kung saan siya mas mahusay kaysa sa akin. Naisip ko ang isang sipi mula sa pagbabahagi: Kapag nagkakaisa ang mga tao, nagagawa nilang ginto ang dumi. Sumusumpa ako na magsisimulang muli kasama ang aking mga kapatid, huhugot sa kanilang mga kakayahan at pupunan ang kanilang mga kahinaan. Papasok ako sa katotohanan kasama sila, at bbalikatin ang pasanin ng aming mga tungkulin para kumpletuhin ang misyon ng Diyos. Naniniwala ako na kung nagkakaisa ang aming puso at isipan at pagsasamahin ang aming pagsisikap, kahit ang pinakamasamang kabiguan at kalamidad ay hindi makakahadlang sa amin at matatamo namin ang biyaya ng Diyos sa lahat ng aming gagawin.

Sa pamamagitan ng karanasang ito, hindi ko lamang talagang naunawaan ang aking sarili at kalikasan, nakita ko rin kung paano ipinakita ng aking mga pag-uugali na ako ay tumatahak sa maling landas. Nabatid ko ang mabigat na kahalagahan para sa mga pinuno ng matakot sa Diyos at iwasan ang masama, hangarin ang katotohanan at kilalanin ang gawain ng Diyos, mamuhay nang makatao, at tratuhin ang mga tao nang makatwiran. Ang mga gawaing ito ang magpapasiya kung anong daan ang tatahakin ng isang tao sa paglilingkod sa Diyos. Magmula ngayon, isinusumpa ko na hahanapin ang katotohanan at kikilos ayon sa katotohanan at prinsipyo para sa lalong madaling panahon, ako ay magiging kaayon ng Diyos.

Sinundan:Tanging sa pamamagitan ng Aking Pagpasok sa Katotohanan Ako Maaaring Tunay na Makatulong sa Iba

Sumunod:Tanging sa Pag-unawa ng Katotohanan Mo Tunay na Makikilala ang Iyong Sarili

Baka Gusto Mo Rin