Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Patotoo sa Cristo ng mga Huling Araw

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

XIII. Ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao ng Diyos sa China sa mga Huling Araw

2. Ano ang mga layunin at ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa China para gumawa sa mga huling araw?

Ano ang mga layunin at ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa China para gumawa sa mga huling araw?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang gawain ni Jehova ay ang paglikha sa mundo, ito ang simula; ang yugto na ito ng gawain ay ang katapusan ng gawain, at ito ang konklusyon. Sa simula, isinagawa ang gawain ng Diyos sa mga napiling tao sa Israel, at ito ang simula ng isang bagong panahon sa pinakabanal sa lahat ng lugar. Ang huling yugto ng gawain ay isinasagawa sa pinakamarumi sa lahat ng bansa, upang hatulan ang mundo at ihatid ang kapanahunan sa isang katapusan. Sa unang yugto, ang gawain ng Diyos ay isinagawa sa pinakamaliwanag na lugar sa lahat, at ang huling yugto ay isinasagawa sa pinakamadilim na lugar sa lahat, at ang kadilimang ito ay mapapaalis, ibibigay ang liwanag, at ang lahat ng tao ay malulupig. Kapag ang mga tao nitong pinakamarumi at pinakamadilim sa lahat ng lugar ay nalupig na, at ang buong populasyon ay kinilalang mayroong isang Diyos, na Siyang tunay na Diyos, at ang bawat isa ay lubusang nakumbinsi, kung gayon ang katotohanang ito ay magagamit upang maisagawa ang gawain ng panlulupig sa buong sansinukob. Ang yugtong ito ng gawain ay makahulugan: Kapag natapos na ang gawain sa kapanahunang ito, ang gawain ng 6,000 taon ng pamamahala ay makakarating sa isang ganap na katapusan. Sa oras na yaong mga nasa pinakamadilim sa lahat ng lugar ay nalupig na, tiyak na ganoon din ang mangyayari sa iba’t ibang lugar. Sa gayon, tanging ang gawain ng panlulupig sa Tsina ang nagtataglay ng makabuluhang sagisag. Kinakatawan ng Tsina ang lahat ng puwersa ng kadiliman, at ang mga tao sa Tsina ay kumakatawan sa lahat ng nasa laman, kay Satanas, at ang mga mula sa laman at dugo. Ang mga Tsino ang siyang mga pinakalubos na ginawang tiwali ng malaking pulang dragon, na siyang may pinakamasidhing pagsalungat sa Diyos, na ang pagkatao ay pinakamasama at marumi, at kaya sila ang mga orihinal na modelo ng lahat ng tiwaling sangkatauhan. Hindi ito nangangahulugan na ang ibang mga bansa ay walang anumang mga suliranin; ang mga pagkaintindi ng tao ay magkakaparehong lahat, at bagama’t ang mga tao sa mga bansang ito ay mayroong mahusay na kakayahan, kung hindi nila nakikilala ang Diyos, kung gayon tiyak na kinakalaban nila Siya. Bakit sinalungat at kinalaban din ng mga Judio ang Diyos? Bakit kinalaban din Siya ng mga Fariseo? Bakit pinagtaksilan ni Judas si Jesus? Sa panahong iyon, marami sa mga disipulo ang hindi nakakilala kay Jesus. Bakit, pagkatapos ipako sa krus si Jesus at muling nabuhay, ay hindi pa rin naniwala sa Kanya ang mga tao? Hindi ba pare-pareho lamang ang pagkamasuwayin ng tao? Ang mga tao ng Tsina ay ginawa lamang halimbawa, at kapag sila ay nilupig, sila ay magiging isang modelo at halimbawa at magsisilbing sanggunian para sa iba. Bakit Ko palaging sinasabi na kayo ay mga karagdagan sa Aking plano ng pamamahala? Sa mga tao sa Tsina naipakikita nang pinakabuong-buo at nabubunyag sa iba’t ibang mga anyo nito ang katiwalian, karumihan, di-pagkamakatuwiran, pagtutol, at ang pagiging-mapanghimagsik. Sa isang banda, sila ay may mahinang kakayahan, at sa kabilang banda, ang kanilang mga buhay at pag-iisip ay paurong, at ang kanilang mga gawi, kapaligirang panlipunan, pamilya ng kapanganakan—ang lahat ay kaawa-awa at paurong. Ang kanilang katayuan, ay mababa rin. Ang gawain sa lugar na ito ay makahulugan, at matapos maisagawa ang gawaing pagsusuri sa kabuuan nito, ang Kanyang mga susunod na gawain ay magiging higit na mabuti. Kung maisasakatuparan ang hakbang ng gawain na ito, kung gayon ang mga susunod na gawain ay matitiyak. Sa oras na matapos ang hakbang ng gawain na ito, makakamit nang lubusan ang dakilang tagumpay, at ang gawain ng panlulupig sa lahat ng dako ng buong sansinukob ay darating sa isang ganap na katapusan. Sa katotohanan, kapag nagtagumpay ang gawain sa inyo, ito ay magiging katumbas ng tagumpay sa lahat ng dako ng buong sansinukob. Ito ang kahalagahan ng kung bakit pinakilos Ko kayo bilang huwaran at uliran.

—mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang mga taong Tsino ay hindi kailanman naniwala sa Diyos at hindi kailanman nakapaglingkod kay Jehova, hindi kailanman nakapaglingkod kay Jesus. Ang kaya lamang nilang gawin ay maging sunud-sunuran, magsunog ng insenso, magsunog ng papel na joss, at sumamba kay Buddha. Sumasamba lamang sila sa mga diyos-diyosan—silang lahat ay mapanghimagsik sa kasukdulan, kaya mas mababa ang katayuan ng mga tao, mas ipinakikita nito na ang natatamo ng Diyos mula sa iyo ay higit pang kaluwalhatian. … Kung ang mga inapo ni Jacob ay isinilang sa Tsina, sa bahaging ito ng lupain, at sila ay kayong lahat, kung gayon ay ano ang magiging kabuluhan ng gawaing ginawa sa inyo? Ano’ng sasabihin ni Satanas? Sasabihin ni Satanas: “Dati ay takot sila sa Iyo, sila ay tumalima sa Iyo mula sa pasimula at wala silang kasaysayan ng pagkakanulo sa Iyo. Sila ay hindi ang pinakamadilim, pinakahamak, o pinakapaurong sa sangkatauhan.” Kung ito ay tunay na ginagawa sa paraang ito, sino ang magiging kumbinsido sa gawaing ito? Sa buong sansinukob, ang mga Tsino ang pinakapaurong sa mga tao. Sila ay isinilang na hamak na may mababang integridad, sila ay mahina ang isip at manhid, at sila ay bastos at napababa. Sila ay inilubog sa mga maka-Satanas na disposisyon, marumi at mahalay. Mayroon kayo ng lahat ng ito. Hinggil sa mga tiwaling disposisyong ito, pagkaraang matapos ang gawaing ito iwawaksi ang mga iyon ng mga tao at ganap na makakasunod at magagawang ganap. Tanging ang bunga mula sa ganitong uri ng gawain ang tinatawag na patotoo sa gitna ng sangnilikha!

—mula sa “Ang Kabuluhan ng Pagliligtas sa Mga Inapo ni Moab” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang paggawa ngayon sa mga inapo ni Moab ay pagliligtas sa mga yaon na nahulog tungo sa pinakamatinding kadiliman. Bagaman sila ay isinumpa, ang Diyos ay handang magkamit ng kaluwalhatian mula sa kanila. Ito ay sapagka’t sa pasimula, silang lahat ay mga tao na walang Diyos sa kanilang mga puso—ang magawa lamang sila na mga yaong sumusunod at nagmamahal sa Kanya ay tunay na paglupig, at ang gayong bunga ng gawain ay ang pinakamakabuluhan at pinakakapani-paniwala. Ito lamang ang pagkakamit ng kaluwalhatian—ito ang kaluwalhatian na nais makamit ng Diyos sa mga huling araw. Bagaman ang mga taong ito ay may mababang katayuan, sila ngayon ay may kakayahang makamit ang gayon kadakilang kaligtasan, na tunay na pagtataas ng Diyos. Ang gawaing ito ay napakamakahulugan, at ito ay sa pamamagitan ng paghatol kaya nakakamtan Niya ang mga taong ito. Hindi Niya sinasadyang parusahan sila, kundi dumating Siya upang iligtas sila. Kung isinasagawa pa rin Niya ang gawain ng paglupig sa Israel sa panahon ng mga huling araw ito ay magiging walang-halaga; kung ito man ay magkaroon ng bunga, hindi ito magkakaroon ng anumang halaga o anumang malaking kabuluhan, at hindi Niya makakamit ang lahat ng kaluwalhatian. Siya ay gumagawa sa inyo, iyan ay, yaong mga nahulog tungo sa pinakamadilim na mga lugar, yaong mga pinakapaurong. Ang mga taong ito ay hindi kumikilala na mayroong isang Diyos at kailanman ay hindi nakaalam na mayroong isang Diyos. Ang mga nilalang na ito ay ginawang tiwali ni Satanas hanggang sa punto na nakalimutan na nila ang Diyos. Sila ay nabulag ni Satanas at wala silang kaalam-alam na mayroong isang Diyos sa langit. Sa inyong mga puso kayong lahat ay sumasamba sa mga diyos-diyosan, sinasamba si Satanas—hindi ba kayo ang pinakahamak, ang pinakapaurong na mga tao? Kayo ang pinakahamak sa laman, walang anumang pansariling kalayaan, at nagdurusa rin kayo ng mga kahirapan. Kayo rin ang mga tao sa pinakamababang antas sa lipunang ito, na wala kahit ang kalayaan ng pananampalataya. Ito ang kabuluhan ng paggawa sa inyo.

—mula sa “Ang Kabuluhan ng Pagliligtas sa Mga Inapo ni Moab” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Nang dumating ang Diyos sa lupa Siya ay hindi buhat sa sanlibutan at hindi Siya naging katawang-tao upang tamasahin ang sanlibutan. Ang lugar kung saan ang paggawa ay pinakamahusay na magbubunyag sa Kanyang disposisyon at ang pinakamakahulugan ay ang lugar kung saan Siya isinilang. Kung ito man ay isang banal o isang maruming lupain, at kahit saan Siya gumagawa, Siya ay banal. Ang lahat sa mundo ay nilikha Niya; lahat nga lamang ay ginawang tiwali ni Satanas. Gayunpaman, ang lahat ng bagay ay sa Kanya pa rin; lahat ng iyon ay nasa Kanyang mga kamay. Ang Kanyang pagdating sa isang maruming lupain upang gumawa ay upang ibunyag ang Kanyang kabanalan; ginagawa Niya ito alang-alang sa Kanyang gawain, iyan ay, nagtitiis Siya ng malaking kahihiyan upang gumawa sa paraang ito upang iligtas ang mga tao ng maruming lupaing ito. Ito ay alang-alang sa pagsaksi at ito ay para sa buong sangkatauhan. Ang tinutulutan ng ganitong uri ng gawain na makita ng mga tao ay ang pagkamakatuwiran ng Diyos, at higit pa nitong nakakayang ipakita ang pagiging mataas-sa-lahat ng Diyos. Ang Kanyang kadakilaan at pagkamatuwid ay ipinakikita sa pamamagitan ng pagliligtas ng isang grupo ng hamak na mga tao na hindi gaanong inaalala ng sinuman. Ang pagiging isinilang sa isang maruming lupain ay hindi kailanman nagpapatunay na Siya ay hamak; tinutulutan lamang nito ang buong sangnilikha na makita ang Kanyang kadakilaan at ang Kanyang tunay na pag-ibig para sa sangkatauhan. Mas gumagawa Siya sa paraang ito mas ibinubunyag nito ang Kanyang dalisay na pag-ibig sa tao, ang Kanyang walang-dungis na pag-ibig.

—mula sa “Ang Kabuluhan ng Pagliligtas sa Mga Inapo ni Moab” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang lahat ng gawain ng Diyos sa buong sansinukob ay nakatutok na sa kalipunang ito ng mga tao. Nailaan na Niya ang lahat ng Kanyang pagsisikap para sa inyo at isinakripisyo ang lahat para sa inyo; Kanyang nabawi na at naibigay sa inyo ang lahat ng gawain ng Espiritu sa buong sansinukob. Iyan ang dahilan kung bakit Ko sinasabing, kayo ang mapalad. Higit pa rito, nailipat na Niya ang Kanyang kaluwalhatian mula sa Israel, ang Kanyang hinirang na bayan, sa inyo, nang sa gayon ay lubusang maipamalas ang layunin ng Kanyang plano sa pamamagitan ninyong kalipunan ng mga tao. Samakatwid, kayo yaong mga tatanggap ng pamana ng Diyos, at higit pa, ang mga tagapagmana ng kaluwalhatian ng Diyos. Marahil ay naaalala ninyong lahat ang mga salitang ito: “Sapagka’t ang aming magaang kapighatian, na sa isang sangdali lamang, ay siyang gumagawa sa amin ng lalo’t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan.” Dati, narinig na ninyong lahat ang kasabihang ito, nguni’t walang nakaunawa ng tunay na kahulugan ng mga salita. Ngayon, alam na alam ninyo ang tunay na kahalagahan ng mga ito. Ang mga salitang ito ang isasakatuparan ng Diyos sa mga huling araw. At ang mga ito ay mangyayari doon sa mga malupit na pinahirapan ng malaking pulang dragon sa lupain kung saan ito namamalagi. Inuusig ng malaking pulang dragon ang Diyos at ito ang kaaway ng Diyos, kaya sa lupaing ito, yaong mga naniniwala sa Diyos ay isinasailalim sa panghihiya at pang-uusig. Iyon ang dahilan kung bakit ang mga salitang ito ay magiging realidad sa inyong kalipunan ng mga tao. Habang ang gawain ay isinasakatuparan sa isang lupain na tumututol sa Diyos, ang lahat ng Kanyang gawain ay sinasalubong ng labis na pang-aabala, at marami sa Kanyang mga salita ay hindi maisasakatuparan sa tamang panahon; kaya, ang mga tao ay pinipino dahil sa mga salita ng Diyos. Ito rin ay bahagi ng paghihirap. Labis na nakakapagod para sa Diyos na isakatuparan ang Kanyang gawain sa lupain ng malaking pulang dragon, nguni’t ito’y sa pamamagitan ng naturang paghihirap na gumagawa ang Diyos ng isang yugto ng Kanyang gawain upang ipamalas ang Kanyang karunungan at mga nakakamanghang gawa. Kinukuha ng Diyos ang pagkakataong ito upang gawing ganap itong kalipunan ng mga tao. Dahil sa pagdurusa ng mga tao, sa kanilang kakayahan, at sa lahat ng mala-satanas na disposisyon ng mga tao sa maruming lupaing ito, ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagdadalisay at paglupig nang sa gayon, mula rito, Siya ay maaaring magkamit ng kaluwalhatian at makamit yaong mga tumatayong saksi sa Kanyang mga gawa. Ito ang lubos na kabuluhan ng lahat ng sakripisyo na nagawa na ng Diyos para sa kalipunan ng mga taong ito. Ibig sabihin, ginagawa ng Diyos ang gawain ng panlulupig sa pamamagitan lamang niyaong mga sumasalungat sa Kanya. Ang paggawa lamang ng gayon ang magpapamalas ng dakilang kapangyarihan ng Diyos. Sa madaling salita, yaon lamang mga nasa maruming lupain ang karapat-dapat na magmana ng kaluwalhatian ng Diyos, at ito lamang ang makapagbibigay ng katanyagan sa dakilang kapangyarihan ng Diyos. Iyan ang dahilan kung bakit Ko sinasabing ang kaluwalhatian ng Diyos ay nakakamit sa maruming lupain at mula sa mga yaon na naninirahan doon. Ito ang kalooban ng Diyos. Ito ay katulad din sa yugto ng gawain ni Jesus; maaari lamang Siyang maluwalhati sa kalagitnaan ng mga Fariseong umusig sa Kanya. Kung hindi dahil sa pang-uusig na iyon at sa pagkakanulo ni Judas, hindi sana napagtawanan o nakaranas ng paninirang-puri si Jesus, lalong hindi sana Siya ipinako sa krus, at sa gayon hindi sana Siya nagkamit ng kaluwalhatian kailanman. Saan man gumagawa ang Diyos sa bawat kapanahunan at saan man Siya gumagawa ng Kanyang gawain sa katawang-tao, Siya ay nagkakamit ng kaluwalhatian doon at doon ay nakakamit yaong mga ninanais Niyang makamit. Ito ang plano ng gawain ng Diyos, at ito ang Kanyang pamamahala.

Sa plano ng Diyos ng ilang libong taon, ang gawaing ginagawa sa katawang-tao ay nahahati sa dalawang bahagi: Ang una ay ang gawaing pagpapapako sa krus, na kung saan Siya ay niluluwalhati; ang pangalawa ay ang gawain ng panlulupig at pagpeperpekto sa mga huling araw, na sa pamamagitan nito Siya ay magkakamit ng kaluwalhatian. Ito ang pamamahala ng Diyos. Kaya, huwag ipapalagay na napakapayak ng gawain ng Diyos o ng tagubilin ng Diyos sa inyo. Lahat kayo ay mga tagapagmana ng sobra-sobra at walang-hanggang bigat ng kaluwalhatian ng Diyos, at ito ay natatanging itinalaga ng Diyos. Sa dalawang bahagi ng Kanyang kaluwalhatian, ang isa ay ibinubunyag sa inyo; ang kabuuan ng isang bahagi ng kaluwalhatian ng Diyos ay ipinagkakaloob sa inyo nang sa gayon ay maaari itong maging inyong pamana. Ito ang pagpaparangal mula sa Diyos at ang Kanyang plano na itinalaga matagal nang nakalipas. Dahil sa kadakilaan ng gawaing nagawa ng Diyos sa lupain kung saan nananahan ang malaking pulang dragon, ang ganoong gawain, kung inilipat sa ibang lugar, ay matagal na sanang nagbunga ng maraming bunga at madali nang natanggap ng tao. At ang ganoong gawain ay napakadaling matatanggap ng mga kleriko sa Kanluran na naniniwala sa Diyos, dahil ang yugto ng gawain ni Jesus ay nagsisilbing halimbawa. Ito ang dahilan kung bakit hindi Niya nakakamit itong yugto ng gawain ng pagluluwalhati saan mang dako; iyan ay, kapag may tulong na nanggagaling mula sa lahat ng tao at pagkilala mula sa lahat ng bansa, walang dako para ang kaluwalhatian ng Diyos ay mamasdan. At ito’y ang tiyak na hindi-pangkaraniwang kahalagahan na taglay ng yugtong ito ng gawain sa lupaing ito.

—mula sa “Napakapayak ba ng Gawain ng Diyos na Tulad ng Inaakala ng Tao?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ginawa ng Diyos ang lahat ng mga kalangitan at lupa at lahat ng mga bagay, at ginawa ang buong sangnilikha; paanong lilimitahan Niya ang Kanyang gawain sa Israel lamang? Kung magkagayon, ano ang silbi para sa Kanya na gawin ang kabuuan ng Kanyang sangnilikha? Nilikha Niya ang buong mundo; naisakatuparan Niya ang Kanyang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala hindi lamang sa Israel kundi pati na rin sa bawat tao sa sansinukob. Kung sila man ay nakatira sa Tsina, sa Estados Unidos, sa United Kingdom o Rusya, isang inapo ni Adan ang bawat tao; silang lahat ay ginawa ng Diyos. Walang kahit isang tao ang nakakaalis mula sa saklaw ng sangnilikha ng Diyos, at walang kahit isang tao ang nakakatakas sa tatak na “inapo ni Adan.” Nilalang silang lahat ng Diyos, at lahat sila ay mga inapo ni Adan; sila rin ay mga ginawang tiwaling inapo nina Adan at Eba. Hindi lamang ang mga Israelita ang nilalang ng Diyos, kundi ang lahat ng tao; gayon pa man, isinumpa ang ilan sa mga nilikha, at pinagpala ang ilan. Maraming kanais-nais na mga bagay ang tungkol sa mga Israelita; ang Diyos sa simula ay gumawa nang kasama nila dahil sila ang mga taong pinakabahagyang-tiwali. Ang mga Tsino ay walang sinabi kung ihahambing sa kanila, at hindi man lamang makaaasang makakapantay nila; kaya, ang Diyos ay unang gumawa sa gitna ng mga tao ng Israel, at ang pangalawang yugto ng Kanyang gawain ay isinakatuparan lamang sa Judea. Bilang resulta nito, bumubuo ang mga tao ng maraming pagkaintindi at maraming patakaran. Sa totoo lang, kung kikilos Siya nang ayon sa mga pagkaintindi ng tao, ang Diyos ay magiging Diyos lamang ng mga Israelita; sa ganitong paraan hindi Niya makakayanang palawakin ang Kanyang gawain tungo sa mga bansang Gentil, sapagka’t Siya ay magiging Diyos lamang ng mga Israelita sa halip na Diyos ng buong sangnilikha. Sinabi ng mga propesiya na magiging dakila sa mga bansang Gentil ang pangalan ni Jehova at kakalat sa mga bansang Gentil ang pangalan ni Jehova—bakit nila sasabihin ito? Kung ang Diyos ay Diyos lamang ng mga Israelita, kung gayon Siya ay gagawa lamang sa Israel. Karagdagan pa, hindi Niya palalawakin ang gawaing ito, at hindi Niya gagawin ang propesiyang ito. Dahil ginawa Niya ang propesiyang ito, kailangan Niyang palawakin ang Kanyang gawain sa mga bansang Gentil at tungo sa bawat bansa at lugar. Dahil sinabi Niya ito, gagawin Niya ito. Ito ang Kanyang plano, dahil Siya ang Panginoong lumalang ng mga kalangitan at lupa at lahat ng bagay, at ang Diyos ng buong sangnilikha. Kung Siya man ay gumagawa kasama ang mga Israelita o sa buong Judea, ang gawaing ginagawa Niya ay ang gawain ng buong sansinukob at ang gawain ng buong sangkatauhan. Ang gawain na ginagawa Niya ngayon sa bansa ng malaking pulang dragon—sa isang bansang Gentil—ay gawain pa rin ng buong sangkatauhan. Maaaring maging batayan ang Israel para sa Kanyang gawain sa lupa; gayon din naman, maaari ding ang Tsina ang maging batayan para sa Kanyang gawain sa gitna ng mga bansang Gentil. Hindi ba natutupad na Niya ngayon ang hula na “ang pangalan ni Jehova ay magiging dakila sa mga bansang Gentil”? Ang unang hakbang ng Kanyang gawain sa gitna ng mga bansang Gentil ay tumutukoy sa gawaing ito na Kanyang ginagawa sa bansa ng malaking pulang dragon. Ang paggawa ng Diyos na nagkatawang-tao sa lupaing ito at ang paggawa sa gitna nitong mga sinumpang tao ay lalong salungat sa mga pagkaintindi ng tao; ang mga taong ito ay ang pinakamababa at walang anumang halaga. Ito ang lahat ng tao na unang tinalikuran ni Jehova. Natatalikuran ng mga tao ang ibang tao, nguni’t kung sila ay tinalikuran ng Diyos, mawawalan ng katayuan ang mga taong ito, at sila ay magkakaroon ng pinakamababang halaga. Bilang isang bahagi ng sangnilikha, ang pagiging nasakop ni Satanas o natalikuran ng ibang tao ay parehong masasakit na pangyayari, nguni’t kung ang isang bahagi ng sangnilikha ay tinalikuran ng Panginoon ng sangnilikha, nangangahulugan ito na ang kanyang katayuan ay lubusang kababa-babaan. Isinumpa ang mga inapo ni Moab, at ipinanganak sila sa loob nitong di-maunlad na bansa; walang duda, ang mga inapo ni Moab ay ang mga taong may pinakamababang katayuan sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman. Dahil ang mga taong ito ay nagtaglay ng pinakamababang katayuan noong nakaraan, ang gawaing ginagawa sa gitna nila ay pinakamay-kakayahang magwasak ng mga pagkaintindi ng tao, at ito rin ang gawaing pinaka-kapaki-pakinabang sa Kanyang buong anim-na-libong-taong plano ng pamamahala. Ang Kanyang paggawa sa gitna ng mga taong ito ay ang pagkilos na pinaka-may-kakayahang magwasak ng mga pagkaintindi ng tao; dahil dito naglulunsad Siya ng isang kapanahunan; gamit ito winawasak Niya ang lahat ng pagkaintindi ng tao; sa ganito Niya tinatapos ang gawain ng buong Kapanahunan ng Biyaya. Ang Kanyang unang gawain ay isinakatuparan sa Judea, sa loob ng sakop ng Israel; sa mga bansang Gentil wala Siyang ginawang kahit anupamang gawaing naglulunsad ng kapanahunan. Ang huling yugto ng Kanyang gawain ay hindi lamang isinasakatuparan sa gitna ng mga bayan ng mga bansang Gentil; lalong higit pa, isinasakatuparan ito sa gitna niyaong mga sinumpang tao. Ang isang puntong ito ay ang katibayan na pinaka-may-kakayahang magpahiya kay Satanas; kaya, ang Diyos “ay nagiging” ang Diyos ng buong sangnilikha sa sansinukob at nagiging ang Panginoon ng lahat ng bagay, ang layon ng pagsamba para sa lahat ng bagay na may buhay.

… Ang gawain ng Diyos ay nakatuon sa lahat ng sangnilikha; hindi ito isinasakatuparan ayon sa kung ang isa ay naisumpa matapos siyang likhain. Ang Kanyang gawaing pamamahala ay nakatuon sa buong sangnilikha, hindi doon sa mga napiling tao na hindi naisumpa. Dahil nais ng Diyos na isakatuparan ang Kanyang gawain sa gitna ng Kanyang sangnilikha, tiyak na isasakatuparan Niya ito hanggang sa matagumpay na kaganapan; gagawa Siya kasama yaong mga tao na kapaki-pakinabang sa Kanyang gawain. Samakatuwid, winawasak Niya ang lahat ng kalakaran sa paggawa kasama ang mga tao; sa Kanya, ang mga salitang “sinumpa,” “kinastigo” at “pinagpala” ay walang kahulugan! Ang mga taong Judio ay napakahusay, at ang hinirang na bayan ng Israel ay hindi rin naman masama; sila ay mga tao na may mabuting kakayahan at pagkatao. Unang inilunsad ni Jehova ang Kanyang gawain sa gitna nila at isinakatuparan ang Kanyang unang gawain, nguni’t mawawalan ito ng kahulugan kung gagamitin Niya sila ngayon bilang mga tagatanggap ng Kanyang gawaing panlulupig. Bagaman bahagi rin sila ng sangnilikha at may maraming positibong aspeto, mawawalan ng kahulugan kung isasakatuparan ang yugtong ito ng gawain sa gitna nila. Hindi Niya magagawang lupigin ang sinuman, ni magagawa Niyang kumbinsihin ang buong sangnilikha. Ito ang kabuluhan ng paglilipat ng Kanyang gawain sa mga taong ito ng bansa ng malaking pulang dragon. Ang pinakamalalim na kahulugan dito ay nasa Kanyang paglulunsad ng isang kapanahunan, sa Kanyang pagwawasak ng lahat ng patakaran at lahat ng pagkaintindi ng tao at pati na rin sa Kanyang pagtatapos sa gawain ng buong Kapanahunan ng Biyaya. Kung isinakatuparan ang Kanyang kasalukuyang gawain sa gitna ng mga Israelita, sa sandaling sumapit na sa pagtatapos ang Kanyang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala, maniniwala ang lahat na ang Diyos ay Diyos lamang ng mga Israelita, na ang mga Israelita lamang ang hinirang na bayan ng Diyos, na ang mga Israelita lamang ang karapat-dapat magmana ng pagpapala at pangako ng Diyos. Sa panahon ng mga huling araw, nagkakatawang-tao ang Diyos sa bansang Gentil ng malaking pulang dragon; natutupad Niya ang gawain ng Diyos bilang ang Diyos ng buong sangnilikha; nakukumpleto Niya ang Kanyang buong gawaing pamamahala, at tatapusin Niya ang pinakasentrong bahagi ng Kanyang gawain sa bansa ng malaking pulang dragon. Ang pagliligtas sa tao ang ubod ng tatlong yugto ng gawaing ito—na, ang buong sangnilikha ay pasambahin sa Panginoon ng buong sangnilikha. Samakatuwid, ang bawat yugto ng gawaing ito ay napakamakahulugan; walang pasubaling hindi gagawa ang Diyos ng isang bagay na walang kahulugan o halaga. Sa isang banda, itong yugto ng gawain ay binubuo ng paglulunsad ng isang kapanahunan at pagtatapos ng nakalipas na dalawang kapanahunan; sa kabilang banda binubuo ito ng pagwawasak sa lahat ng pagkaintindi ng tao at lahat ng lumang paraan ng paniniwala ng tao at kaalaman. Ang gawain ng nakaraang dalawang kapanahunan ay isinakatuparan ayon sa iba’t ibang mga pagkaintindi ng tao; ang yugtong ito, gayunpaman, ay ganap na nag-aalis sa mga pagkaintindi ng tao, at sa gayon ay lubos na nilulupig ang sangkatauhan. Sa pamamagitan ng paglupig sa mga inapo ni Moab at sa pamamagitan ng gawaing isinakatuparan sa gitna ng mga inapo ni Moab, lulupigin ng Diyos ang buong sangkatauhan sa buong sansinukob. Ito ang pinakamalalim na kabuluhan nitong yugto ng Kanyang gawain, at ito ang pinakamahalagang aspeto ng yugtong ito ng Kanyang gawain. Kahit na alam mo na ngayon na ang iyong sariling katayuan ay mababa at ikaw ay may mababang halaga, mararamdaman mo pa rin na nakatagpo mo na ang pinakamasayang bagay: Nakakamana ka ng isang malaking pagpapala, nagtatamo ng isang dakilang pangako, at natatapos mo ang dakilang gawaing ito ng Diyos, at nakikita mo ang tunay na mukha ng Diyos, nalalaman ang likas na disposisyon ng Diyos, at nagagawa ang kalooban ng Diyos. Ang nakaraang dalawang yugto ng gawain ng Diyos ay isinakatuparan sa Israel. Kung sa gitna pa rin ng mga Israelita isinakatuparan ang yugtong ito ng Kanyang gawain sa panahon ng mga huling araw, hindi lamang maniniwala ang buong sangnilikha na ang mga Israelita lamang ang hinirang na bayan ng Diyos, kundi hindi rin makakamit ng buong planong pamamahala ng Diyos ang ninanais nitong epekto. Sa panahon kung kailan ang dalawang yugto ng Kanyang gawain ay isinakatuparan sa Israel, walang bagong gawain ang kailanma’y naisakatuparan at wala kailanmang gawain ng Diyos na paglulunsad-ng-kapanahunan ang naisakatuparan sa mga bansang Gentil. Itong yugto ng gawaing paglulunsad-ng-kapanahunan ay unang isinasakatuparan sa mga bansang Gentil, at dagdag pa rito, una itong isinasakatuparan sa gitna ng mga inapo ni Moab; nailulunsad nito ang buong kapanahunan. Nawawasak ng Diyos ang anumang kaalamang nakapaloob sa mga pagkaintindi ng tao at hindi napapahintulutan ang anuman sa mga ito na patuloy na umiral. Nawawasak Niya ang mga pagkaintindi ng tao sa Kanyang gawaing panlulupig, yaong mga luma, mga sinaunang paraan ng kaalaman ng tao. Hinahayaan Niya ang mga tao na makita na walang mga patakaran sa Diyos, na walang anuman ang luma tungkol sa Diyos, na ganap na napalaya ang gawain na ginagawa Niya, ganap na malaya, na tama Siya sa anumang bagay na ginagawa Niya. Dapat ganap mong ipasakop ang iyong sarili sa anumang gawain na ginagawa Niya sa gitna ng sangnilikha. Anumang gawain na ginagawa Niya ay makahulugan at ginagawa ayon sa Kanyang sariling kagustuhan at karunungan at hindi ayon sa mga pagpili at pagkaintindi ng tao. Ginagawa Niya yaong mga bagay na kapaki-pakinabang sa Kanyang gawain; kung hindi kapaki-pakinabang ang isang bagay sa Kanyang gawain hindi Niya ito gagawin, kahit gaano man ito kabuti! Gumagawa Siya at pinipili ang tagatanggap at lugar para sa Kanyang gawain nang ayon sa kahulugan at layunin ng Kanyang gawain. Hindi siya kumakapit sa mga nakaraang patakaran, ni sinusunod Niya ang mga lumang pamamaraan; sa halip, pinaplano Niya ang Kanyang gawain nang ayon sa kabuluhan ng gawain; sa katapusan gusto Niyang maabot ang tunay na epekto nito at ang inaasahang layunin nito. Kung hindi mo nauunawan ang mga bagay na ito ngayon, walang makakamit na anumang epekto ang gawaing ito sa iyo.

—mula sa “Ang Diyos ay ang Panginoon ng Buong Sangnilikha” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ang Diyos ay nagkatawang-tao na sa China sa mga huling araw; ano ang batayan nito sa mga propesiya sa Biblia at sa mga salita ng Diyos?

Sumunod:Ano ang iglesia ng Diyos? Ano ang isang relihiyosong grupo?

Baka Gusto Mo Rin