Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni Cristo

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Pagsira Ng Mga Tanikala

Zhenxi Zhengzhou City, Henan Province

Sampung taon na ang nakararaan, dahil sa aking pagiging palalo, hindi ko kailanman lubos na nasunod ang mga pag-aayos ng iglesia. Susunod ako kapag naibigan ko, at kapag hindi naman, mamimili ako kung susundin ko o hindi. Humantong ito sa malalang paglabag sa mga kaayusan sa gawain sa pagtupad ko ng aking tungkulin. Ginawa ko ang sarili kong kagustuhan at nilabag ko ang kalooban ng Diyos, kaya ako ay pinauwi. Pagkaraan ng ilang taong pagdidili-dili sa aking sarili humigit-kumulang ay may nalaman ako sa sarili kong kalikasan, subali’t sa ganang katotohanan na diwa ng Diyos wala pa rin akong gaanong kaalaman. Nang bandang huli, binigyan muli ako ng iglesia ng isa pang pagkakataon, nguni’t nang ako’y naging pinuno ng gawaing pang-Ebanghelyo, nagsimula akong magkaroon ng mga pag-aalinlangan tungkol sa Diyos: lubha akong tiniwali at nasaktan ko din ang kalooban ng Diyos. Bakit ako gagamitin ng Diyos? Nilalamangan ba Niya ako? Iwawaksi ba ako pagkatapos akong pakinabangan? Ah! Dahil binigyan ako ng iglesia ng isa pang pagkakataon itatangi ko ito, kahit na ako’y maging isang tagagawa lamang. Mula noon, ginampanan ko ang aking mga tungkulin sa ganoong kaisipan, nguni’t nang hindi naghahanap ng higit na mataas na layunin – ang gawing perpekto ng Diyos.

Pagsira Ng Mga TanikalaMinsan, nang ako’y gumagawa ng pang-espirituwal na debosyon, nakita ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Sa ngayon, hindi ka maaring masiyahan na sa kung paano ka nalupig, kundi dapat mo ring isaalang-alang ang daan na iyong tatahakin sa hinaharap. Dapat kang magkaroon ng mga hangarin at ng lakas-ng-loob upang magawang perpekto, at hindi mo dapat isipin na hindi kaya ng iyong sarili. May pinapanigan ba ang katotohanan? Kaya bang kusang salungatin ng katotohanan ang mga tao? Kung hahabulin mo ang katotohanan, kaya ka ba nitong gulantangin? Kung maninindigan ka para sa katarungan, pababagsakin ka ba nito? Kung ito nga talaga ang iyong hangarin na habulin ang buhay, kaya bang umiwas ng buhay sa iyo? Kung ikaw ay walang taglay na katotohanan, iyan ay hindi dahil sa hindi ka kinikilala ng katotohanan, kundi dahil sa lumalayo ka mula sa katotohanan; kung hindi mo kayang manindigan nang matibay para sa katarungan, iyan ay hindi dahil sa mayroong mali ang katarungan, kundi dahil sa naniniwala kang lihis ito sa mga katunayan; kung hindi mo natamo ang buhay pagkatapos pagsumikapang hanapin ito sa loob ng maraming taon, iyan ay hindi dahil sa ang buhay ay walang konsensya tungo sa iyo, kundi dahil sa wala kang konsensya tungo sa buhay, at naitaboy ang buhay; ... Kung hindi ka naghahabol, kung gayon ito ay masasabi lamang na ikaw ay walang-halagang basura, at walang lakas-ng-loob sa iyong buhay, at hindi taglay ang espiritu para labanan ang mga puwersa ng kadiliman. Masyado kang mahina! Hindi mo kayang tumakas mula sa mga puwersa ni Satanas na bumihag sa iyo, at handa lamang magpatuloy sa ganitong uri ng ligtas at panatag na buhay at mamatay sa kamangmangan. Ang dapat mong marating ay ang iyong paghahabol na malupig; ito ang iyong nakatakdang tungkulin. Kung sapat na para sa iyo ang malupig, kung gayon ay itinataboy mo ang pag-iral ng liwanag” (“Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Pagkatapos kong kainin at inumin ang siping ito ng salita ng Diyos, masyadong naantig ang loob ko. Nakita ko na ang layon ng Diyos ay hayaan ang lahat ng tao na hangaring gawing perpekto at nararapat gamitin ng Diyos. Kaya nagpasiya ako: aalisin ko ang lahat ng aking takot at hindi na ako magiging negatibo at pasibo. Maniniwala ako sa salita ng Diyos at magsisikap na gawing perpekto ng Diyos. Subali’t unti-unti, dahil hindi ko pa batid ang kakanyahan ng katapatan ng Diyos, nagsimula uli akong mag-alinlangan sa mga salita ng Diyos, laging nag-iisip na ang mga salitang ito ay para sa ibang tao, at maaari lamang magbigay ng kaunting aliw at lakas ng loob sa isang tulad ko. Lagi kong naaalala kung paano ko minsan sinaktan ang disposisyon ng Diyos, na ang aking kalikasan ay napakatiwali, na paminsan-minsan ay naibunyag ko pati ang aking tiwaling disposisyon habang ginagampanan ko ang aking tungkulin, na hindi kailanman ako magiging perpekto gaano ko man ito pagsumikapan, at nag-iisip na dapat maging sapat na sa akin ang maging isang tagagawa lamang. Sa ganoon lamang, di ko napapansin ay muli akong nagsimulang mabuhay sa pagiging pasibo. Ang nasa itaas ay nagpahayag sa bandang huli ng maraming ulit hinggil sa bahagi ng katotohanan tungkol sa pag-alam sa diwa ng Diyos, ngun’t hindi pa rin ako gaanong naliliwanagan. Hanggang isang araw, habang ako ay kumakain at umiinom ng salita ng Diyos, nakita ko ang mga sumusunod na salita ng Diyos: “Ang diwa ng Diyos ay tapat—ginagawa Niya kung ano ang Kanyang sinasabi at kung anuman ang Kanyang ginagawa ay nakakamit” (“Ang Ikalawang Aspeto ng Kahalagahan ng Pagkakatawang-tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Sa saglit na ito, tila may biglang lumagitik sa kalooban ko, na tila ang ulap na lumambong sa aking puso ay biglang nawala. Muli ay naalala ko ang sipi ng salita ng Diyos na dati kong kinakain at iniinom: “Kung ito nga talaga ang iyong hangarin na habulin ang buhay, kaya bang umiwas ng buhay sa iyo? Kung ikaw ay walang taglay na katotohanan, iyan ay hindi dahil sa hindi ka kinikilala ng katotohanan, kundi dahil sa lumalayo ka mula sa katotohanan; kung hindi mo kayang manindigan nang matibay para sa katarungan, iyan ay hindi dahil sa mayroong mali ang katarungan, kundi dahil sa naniniwala kang lihis ito sa mga katunayan; kung hindi mo natamo ang buhay pagkatapos pagsumikapang hanapin ito sa loob ng maraming taon, iyan ay hindi dahil sa ang buhay ay walang konsensya tungo sa iyo, kundi dahil sa wala kang konsensya tungo sa buhay, at naitaboy ang buhay …” (“Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa sandaling ito, naramdaman ko ang nakahihindik at nakapupukaw na pagkamatuwid at walang-hanggang pagmamahal mula sa mga salita ng Diyos, na naglalarawan sa Kanya bilang maharlika at dakila, habang ipinakita sa akin ang aking pagkaaba, kakitiran, at kabulukan. Ang Diyos ay tapat. Ito ay hindi maaaring pag- dudahan at pag-alinlanganan. Ang Diyos ay may diwang tapat, Siya ay mapagkakatiwalaan at pinagsisikapan Niyang iligtas ang tao sa pinakamalawak na abot ng hangga’t maaari. Habang nagsisikap ang taong hanapin ang katotohanan at magkaroon ng pagbabago sa kalooban ayon sa hinihingi ng Diyos, bubuuin ng Diyos ang tao, sapagka’t anuman ang sabihin ng Diyos na gagawin Niya, ang gagawin Niya ay magagawa! Sa halip, pinaghinalaan ko na ang Diyos ay tulad din ng tao at iwawaksi ako pagkatapos kong maging kapaki-pakinabang. Hindi ko trinato ang salita ng Diyos bilang katotohanan, at bukod doon ay hindi tunay at positibong naniwala sa Diyos. Sa halip, nabuhay ako sa mga hinagap at hinala sa aking isip, nagkulang sa tapang sa harap ng katotohanan at may karuwagang bumigay sa hikayat ng kadiliman, at hindi nakapanindigan para sa katarungan. Noon ko totoong naunawaan na ang paghahanap ng kaalaman tungkol sa diwa ng Diyos ay lubhang mahalaga. Kung noon pa ay pinagsikapan ko nang hanapin ang disposisyon at diwa ng Diyos, hindi sana ako gumugol ng ilang taon na nabubuhay sa takot, na nagpabalam ng pag-unlad ng aking buhay.

Salamat, Makapangyarihang Diyos! Ikaw ang nag-aruga sa akin at nagpaliwanag at gumabay sa akin upang makalas ko ang mga tanikala na gumapos sa akin ng napakaraming taon, na nagtulot sa aking lumabas sa kalituhan. Noon ay hindi Kita nakilala at madalas ay nabubuhay ako sa di-pagkakaunawa, hindi nagtitiwala sa Iyong mga salita at itinuring lamang iyon na pang-aliw at pang-akit sa tao. Hindi ko itinuring ang Iyong mga salita bilang katotohanan at buhay, at bukod doon ay hindi Ka itinuring na Diyos. Subali’t hindi Mo ako pinakitunguhan ayon sa aking mga pagkakasala. Pinagparayaan Mo ako, pinagtiyagaan at binigyan ng pagkakataong magtika. Pinaliwanagan Mo ako at tinanglawan, upang ako ay magkaroon ng kahit kaunting kaalaman sa Iyong tapat at makatuwirang diwa. Ito ang tiyak na halimbawa ng Iyong pagmamahal sa tao. O Diyos! Mula ngayon ay masidhi akong magpupunyagi sa paghahanap ng Iyong katotohanan, mabuhay ayon sa Iyong kagustuhan, hanapin ang kaalaman ng Iyong diwa, at sikaping magbagong-loob sa madaling panahon upang ako ay Iyong magawang perpekto!

Pagkaraang malaman ko ang mga bagay na ito, isang uri ng nakasisindak na lakas ang bumalong sa aking puso. Hindi na ako pasibo sa harap ng mga paghihirap, at ang maraming taon kong di-pagkakaunawa, mga hinala, at takot ay nangawalang lahat. Ako ngayon ay nabubuhay sa isang masiglang kalagayan, nagsisikap na gawing perpekto ng Diyos.

Sinundan:Ang Kalikasan ng Tao ay Hindi Mahahatulan sa mga Panlabas na Anyo

Sumunod:Ang Mapait na Bunga ng Kayabangan

Baka Gusto Mo Rin