Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Patotoo ng mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

29. Matapos Mawala Ang Aking Katayuan

Huimin    Lungsod ng Jiaozuo, Lalawigan ng Henan

Tuwing nakakakita o nakakarinig ako ng isang taong napalitan bilang isang pinuno at nalungkot ito, nanghina o nagtampo, at hindi na ginugustong sumunod pa, gayon ay minamata ko sila. Inisip ko na ito’y walang iba kundi ang iba’t-ibang mga tao na mayroong iba’t-ibang tungkulin sa loob ng iglesia, na walang pagkakaiba ang mataas o mababa, na tayong lahat ay mga nilalang ng Diyos at walang dapat na ikalungkot. Kaya ako man ay nag-aalaga ng bagong mga mananampalataya o namumuno sa isang distrito, hindi ko naisip na lubos akong nakatuon sa aking katayuan, na ako ay ganoong uri ng tao. Hindi ko lubos maisip na ako ay magpapakita ng ganoong kahiya-hiyang kilos nang ako na ang palitan …

Dahil sa ang aking paggawa ay hindi nagbunga ng anuman sa ilang panahon, pinalitan ako ng aking pinuno. Nang panahong iyon, naisip kong kahit na ang aking kakayahan ay hindi angkop sa pagiging lider ng distrito, dapat pa rin akong tulutan sa gawaing pagdidilig o pag-iingat. Hindi ko kailanman inasahan sa aking pinuno na gawin akong tagagawa ng karaniwang gawain. Nagulat ako noon, iniisip na ang isang marangal na punong-pandistrito na tulad ko ay sa ngayo’y inuutusang gumawa ng mga gawain, at ang sinuman sa iglesia na marunong magpatakbo o may kaunting kaalaman ay makakayang gawin ang ganitong gawain. Hindi ba’t ang pagtatalaga sa akin sa ganitong gawain ay malinaw na pagsasayang ng aking mga kakayanan? Subali’t itinago ko ang damdamin ko sa aking sarili, takot na sabihin ng aking mga kapatid na babae na ako ay masuwayin, na iniingatan ko ang aking katayuan. Nguni’t pagdating ko ng bahay, bumabagsak ako sa kama at masama ang loob. Iniisip na walang katayuan mula ngayon at iniisip kung paano ako titingnan ng aking mga kapatid ay napuno sa aking ulo. At ang ipagawa sa akin ang mga maliliit na gawain—paano ako muling magkakaroon ng araw ko? Habang mas iniisip ko ito, lalo lamang sumasama ang loob ko.

Matapos Mawala Ang Aking Katayuan

Pagkaraan ng ilang araw, nakita ko ang kapatid na babae na nag-ayos ng gawa para sa akin. Nang makita ko siya, binigyan niya ako ng pagbabahagi, na nagsasabing, “Ang paggawa ng gawaing ito ay mukhang madali, nguni’t kailangan pa ring gawin ito ng may pagmamahal,” at napunta sa usapan tungkol sa katotohanan sa ganoong mga aspeto tulad ng karunungan at pagiging masunurin. Bumulong akong walang inaayunan, habang ang puso ko ay tila nag-aapoy, nag-iisip na, “Binibigyan mo ako ng pagbabahagi? Parang wala akong alam! Hindi ba’t ako ang nagbigay sa iyo ng pagbabahagi sa simula? Ngayon ay ikaw ang nagsasabi niyon.” Wala ni isang salita ng pagbabahagi ng aking kapatid ang naintindihan; sa halip ay minasama ko pa ang kanyang pigiging masalita. Sa huli ay sinabi ko nang may pagkainip, “Mayroon pa ba? Kung wala na, paalis na ako!” Nang ako ay makabalik, lagi kong iniisip bakit ako may ganoong pakikitungo sa aking kapatid. Kung ang kanyang katayuan ay naging laging mas mataas kaysa sa akin o kapantay nito, ituturing ko ba siya ng ganito? Hindi, hindi ganoon. Talagang hindi! Hindi kaya ito dahil lagi akong namuno sa kanya, at ngayon siya naman ang nagtuturo sa akin ng mga bagay na hindi ko naman pinaniniwalaan? Hindi ba ito nagpapakita na pinangingibabawan ako ng pag-iisip sa katayuan? Bigla akong nakaramdam ng di-mabuti tungkol sa aking kahiya-hiyang gawi at ang mga salita ng Diyos sa paghatol ay sumaisip ko: “Habang mas naghahanap ka sa ganitong paraan mas kakaunti ang iyong makakamit. Habang mas matindi ang pagnanasa ng isang tao para sa katayuan, mas malubha na sila ay pakikitunguhan at mas nararapat na sila ay sumailalim sa mabigat na pagpipino. Ang ganyang uri ng tao ay napakawalang-kwenta! Sila ay dapat na pakitunguhan at hatulan nang tama upang lubusan nilang mabitawan iyan. Kung inyong sundan ang daang ito hanggang sa katapusan, wala kayong makakamit. Yaong mga hindi naghahabol sa buhay ay hindi maaaring mapabago; yaong mga hindi nauuhaw para sa katotohanan ay hindi maaaring matamo ang katotohanan. Ikaw ay hindi tumutuon sa paghahabol sa pansariling pagpapabago at pagpasok; ikaw ay laging tumutuon sa maluluhong mga pagnanasang yaon, at mga bagay na sumisikil sa iyong pag-ibig para sa Diyos at pumipigil sa iyo mula sa pagiging malapit sa Kanya. Maaari ka bang mapabago ng mga bagay na yaon? Madadala ka ba ng mga iyon tungo sa kaharian? Kung ang layunin ng iyong paghahabol ay hindi ang hanapin ang katotohanan, kung gayon mabuti pang samantalahin mo ang pagkakataong ito at bumalik sa sanlibutan upang ipagpatuloy na ito. Ang pagsasayang ng iyong panahon sa paraang ito ay talagang hindi karapat-dapat—bakit pahihirapan ang iyong sarili?” (“Bakit Hindi Ka Handang Maging Isang Hambingan?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Habang nililimi ang mga salita ng Diyos at nag-iisip tungkol sa aking sarili, natanto ko na ang pinagsisikapan ko ay hindi talaga ang katotohanan, at hindi ko hinahanap na bigyang-kasiyahan ang Diyos, sa halip ito ay katanyagan, pagtamo at katayuan. Kapag may katayuan, ang tiwala ko ay dumarami ng daang ulit; pag wala ito, pakiramdam ko’y naiimpis ako, bugnutin at walang-loob na hindi ako mapilit na magtrabaho. Ako ay lubhang nadala ng aking katayuan, nag-aabala sa sarili buong araw sa paggawa ng maliliit at walang-halagang mga bagay at nagsasayang ng maraming oras; at ano ang ibinibigay nito sa akin sa huli? Ang kahiya-hiyang gawi na ipinakita ko ngayon? Sa pag-iisip ng lahat ng ginawa ng Diyos para sa akin, hindi lamang hindi ko inaliw ang puso ng Diyos sa tiwalang ibinigay Niya sa akin, nguni’t sa kabalintunaan, kinayamutan ko pa ang gawaing ibinigay Niya sa akin bilang napakababa at ayaw ko itong gawin. Kaya ako ba ay nakikitungo sa aking sariling konsensya? Nagpasalamat ako sa Diyos sa Kanyang paglalahad na nagtulot sa aking makita ang kahiya-hiyang paghahangad ko sa aking katanyagan, pagtamo at katayuan, at makilala na ako ay naging mapagmataas, lubhang mayabang at naglagay ng sobrang pagpapahalaga sa katayuan. At noon ay naisip ko isang ang awit: “O Diyos! Ako man ay mayroong katayuan o wala, ngayon ay nauunawaan ko na ang aking sarili. Kung ang katayuan ko ay mataas ito ay dahil sa Iyong pagtataas, at kung ito ay mababa ito ay dahil sa Iyong pagtatalaga. Lahat ay nasa Iyong mga kamay. Ako ay walang anumang mga pagpipilian o mga karaingan. … ako ay dapat lamang na maging ganap na masunurin sa ilalim ng Iyong kapamahalaan dahil ang lahat ay nasa loob ng kung ano ang Iyong itinalaga. … Kung gamitin Mo ako, ako ay isang nilalang. Kung gawin Mo akong perpekto, ako pa rin ay isang nilalang. Kung hindi Mo ako gawing perpekto, mamahalin pa rin Kita dahil ako ay isa lamang nilikha” (“Isa Lamang Akong Napakaliit na Nilikha” sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Inawit ko ang awiting ito nang paulit-ulit, bumubuhos ang luha sa aking mga mata, at ako ay nanalangin sa Diyos: O Diyos! Sa Iyong mga salita nauunawaan ko ang Iyong mga layunin. Maging mataas man o mababa ang aking katayuan, ako ay Iyong nilalang at dapat na lubos na sumunod sa mga pag-aayos na ginawa Mo, na dapat lubos na magsumikap na gampanan ang tungkuling inaasahan Mo sa Iyong mga nilalang at huwag maging mapili sa anumang Iyong ipinagkatiwalang ipagawa sa akin. O Diyos! Minimithi kong sundin ang Iyong mga pag-aayos, ang humarap sa Iyo na gumagawa tulad ng baka at sa Iyong pagtatalaga, kailanma’y hindi muling gagawa ng mga bagay na magpapahirap sa akin o makasasakit sa Iyo para lamang sa katayuan. O Diyos! Hinahangad ko lamang na pakitunguhan Mo ako at hatulan ng higit pa, upang magawa kong iwan ang paghahangad ko sa katayuan, na isuko ang mga bagay na pumipigil sa aking mapalapit sa Iyo at magmahal sa Iyo, at gawin ang aking buong-kaya sa pagganap ko ng aking tungkulin ng buong katapatan.

Sinundan:Isang Mapagpanggap na Diwa Bago sa Isang Pagkabuwal

Sumunod:Ang Gawain ng Diyos ay Napakarunong

Baka Gusto Mo Rin

  • Ang Tunay na Dahilan ng Hindi Epektibong Gawain

    Ipinagkakatiwala ng Diyos sa mga lider ang gawain ng pagtatampok sa Diyos, pagpapatotoo sa Diyos, pakikipagniig tungkol sa kalooban at mga kahilingan ng Diyos, na nagpapahintulot sa mga iba na kumilos alinsunod sa mga hinihingi ng Diyos at, sa huli, maunawaan at masunod ang Diyos.

  • Nasiyahan Ako sa Masaganang Handaan

    Xinwei Lalawigan ng Zhejiang Ang Hunyo 25 at 26, 2013 ay mga araw na hindi malilimutan. Ang aming rehiyon ay nakaranas ng isang malaking kaganapan,…

  • Ito ang Pagsasagawa ng Katotohanan

    Fan Xing Lungsod ng Zhumadian, Lalawigan ng Henan Sa nakaraan, ipinares ako sa isang kapatid na babae para sa ilang tungkulin. Dahil ako ay mapagmataa…

  • Napakagandang Iwaksi ang mga Gapos ng Katayuan sa Lipunan

    Ni Liang Zhi, Anhui Province Ako si Liang Zhi, at anim na taon na mula nang tanggapin ko ang pagliligtas ng Diyos ng mga huling araw. Sa isang demokra…