Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

214 Pagkatapos ng Paghusga Sa Wakas ay Nakilala Ko Ang Sarili Ko

1 Sa maraming tao ng pananalig sa Panginoon, nakatuon lamang ako sa kaalaman sa Biblia ngunit hindi ko hinanap ang katotohanan. Nang isuko ko ang lahat upang ipalaganap ang ebanghelyo, akala ko ang Diyos na ang pinakamamahal ko. Lubusan ko lang talagang nakilala ang aking sarili pagkatapos kong sumailalim sa paghatol ng mga salita ng Diyos. Nagawa kong ipaliwanag ang kaalaman at doktrina sa Biblia ngunit hindi ko talaga naintindihan ang totoong kahulugan ng mga salita ng Diyos. Nagsikap ako nang maraming taon at nagmukhang tapat at taimtim, ngunit sa puso ko ay nagnasa ako ng katayuan. Wala akong takot sa Diyos, at madalas na nagsinungaling at nanlinlang, – paano yun naaayon sa kalooban ng Diyos. Bawat salita ng paghatol ng Diyos ay tumatagos sa puso, wala akong mapagtaguan. Nakita ko na ang katotohanan ng aking pagkukunwari, at wala akong karapatang mabuhay sa harap ng Diyos. Buong kahihiyan at pagsisi akong nagpapatirapa, at masaya kong tinatanggap ang paghatol at paglilinis ng Diyos.

2 Habang sumasailalim sa paghatol ng Diyos, nakita ko na ang mga salita ng Diyos ay pawang mahigpit na katotohanan. Ang likas na pagkatao ng tao ay pagtataksil, puno ng kasakiman at panlilinlang. Napakatindi ng aking katiwalian, nawala na ang aking buong pagkatao. Tunay na isa akong supling ni Satanas. Kung hindi ako sasailalim sa paghatol at paglilinis ng Diyos, paano ko susundin at mamahalin Diyos? Bagaman nakakaranas ako ng ilang pasakit, pagsubok, at pagpipino sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo, nalilinis ang aking katiwalian at nalalaman ko ang kabanalan at katuwiran ng Diyos. Nalinis at napadalisay ng paghatol at pagkastigo ng Diyos ang aking pagmamahal. Dahil natikman ko ang pag-ibig ng Diyos, natuto akong magpitagan sa Kanya, tunay akong nabubuhay sa Kanyang harapan. Ang totoong pagmamahal at pagkilala sa Diyos ay dahil lamang sa pagiging perpekto ng Diyos. Ang tanging hangarin ko ay hanapin ang katotohanan para magkaroon ako ng tunay na pagmamahal sa Diyos.

Sinundan:Mga Pagbubulay-bulay Habang Binabasa Ko ang mga Salita ng Diyos

Sumunod:Dapat Akong Mapagunawa sa Puso ng Diyos

Baka Gusto Mo Rin