Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

766 Pagtanggap sa Katotohanan ang Tanging Landas tungo sa Kaligtasan

1 Ang mga tao na naniniwala sa Diyos sa mahabang panahon ngayon ay umaasa para sa isang magandang hantungan, lahat ng mga taong naniniwala sa Diyos ay umaasa na biglang darating sa kanila ang mabuting kapalaran, at silang lahat ay umaasa na bago pa nila malaman ito ay payapa nilang masusumpungan ang kanilang mga sarili na nakaupo sa isang lugar o sa isa pa sa langit. Nguni’t Aking sinasabi na ang mga taong ito sa kanilang magagandang saloobin ay hindi kailanman nakaalam na kung mayroon silang katangian upang tumanggap ng gayong kagandang kapalaran na bumabagsak mula sa langit, o maupo sa isang upuan sa langit.

2 Kayo sa kasalukuyan ay mayroong mabuting kaalaman sa inyong mga sarili, nguni’t umaasa pa rin kayo na matatakasan ninyo ang mga sakuna ng mga huling araw at ang kamay ng Makapangyarihan sa lahat na nagpaparusa sa masasama. Para bang ang pagkakaroon ng matamis na mga pangarap at ang paghahangad ng isang maalwang buhay ay isang karaniwang katangian ng lahat ng tao na nagawang tiwali na ni Satanas, hindi bunga ng katalinuhan ng nag-iisang tao. Magkagayunman, nais Ko pa ring wakasan ang inyong malabis na mga pagnanasa at ang inyong kasabikan na magkamit ng mga biyaya. Sabihin pa na ang inyong mga paglabag ay napakarami at ang mga katunayan ng inyong pagsuway ay napakarami at parami pa nang parami, paano aakma ang mga ito sa inyong magagandang plano para sa hinaharap?

3 Kung nais mong magpatuloy gaya ng iyong gusto na nasa kamalian, nang walang pumipigil sa iyo, nguni’t nais pa ring matupad ang mga pangarap, kung gayon ay hinihimok kita na magpatuloy sa iyong kawalang-malay at huwag nang magising kailanman, sapagka’t ang sa iyo ay isang hungkag na pangarap, at hindi magsisilbi upang magpalibre sa iyo sa harap ng matuwid na Diyos. Kung nais mo lamang na matupad ang mga pangarap, kung gayon huwag mangarap kailanman, kundi magpakailanmang harapin ang katotohanan, harapin ang mga katunayan. Iyon ang tanging paraan para maligtas ka.

Hango sa “Ang mga Paglabag ay Magdadala sa Tao sa Impiyerno” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Huwag Ninyong Palayawin ang Inyong Sarili Dahil ang Diyos ay Mapagparaya

Sumunod:Alam Mo ba ang Layunin at Kahulugan ng Gawain ng Diyos?

Baka Gusto Mo Rin