Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Puso-sa-Puso sa Diyos

Bilis

`

Puso-sa-Puso sa Diyos

I

O Diyos! Napakarami sa puso ko ang nais kong sabihin Sa'yo.

Dati akong namuhay sa kasalanan,

hindi alam kung paano mamuhay nang makabuluhan.

Sa kabila ng mga uso ng mundo,

ako'y nahulog sa gilid ng daan at namuhay na parang hayop.

Ginamit Mo ang Iyong mga salita upang buksan ang pintuan

tungo sa aking puso at ako'y bumalik Sa Iyo.

Ang mga salita Mo'y katotohanan

na tumutustos sa aking puso tulad ng bukal na tubig.

Sa Iyong mga salita'y nabubuhay ako sa Iyong presensya,

at ang aking puso ay nasa kaginhawahan,

mapayapa at nagagalak.

Sa pamamagitan ng pagkaranas ng Iyong mga salita,

naiintindihan ko ang katotohanan,

at sinusunod ko ang tamang landas sa buhay.

Ngayon ko lamang nalaman na ang paniniwala,

pagsunod at pagmamahal sa Diyos ang pinaka-makabuluhan.

II

Sa pamamagitan ng pagkaranas

ng paghahatol ng Iyong mga salita,

nakukuha ko ang Iyong pagpapala.

Ilantad, sawayin o aliwin man ako ng mga salita Mo,

ito'y upang lubusan akong dalisayin at baguhin.

Ang Iyong salita tulad ng isang matalim na espada

ay hinihiwa ang kapangitan sa aking kaluluwa.

At pagkatapos lamang na nakikita ko kung gaano ako kasama,

kung gaano kapuno ng mga satanikong disposisyon.

Sa paghatol at pagkastigo,

nakikita ko na ang Iyong pagmamahal

ay parehong tunay at banal.

Nauunawaan ko na ang paniniwala lamang sa Diyos

upang makamit ang katotohanan

ang pinakamalaking kaligayahan.

Patitibayin ko ang aking determinasyon

sa pagtamo sa katotohanan,

pagtupad sa aking tungkulin at pagganti sa pag-ibig ng Diyos.

Ang mga utos ng Diyos ang aking misyon,

ako'y magpapatuloy magpakailanman

at 'di pababayaang muli ang mga ito.

Dalangin ko lamang na mahalin at sundin ang Diyos,

at palaging kasama Niya.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Sinundan:Pananabik

Sumunod:Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Pinagpalang Tunay

Baka Gusto Mo Rin