Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Patotoo sa Cristo ng mga Huling Araw

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

18. Ano ang bulaang pinuno o bulaang pastol? Paano mahihiwatigan ang isang bulaang pinuno o bulaang pastol?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang gawain sa isip ng tao ay napakadaling makamit ng tao. Ang mga pastor at mga pinuno sa relihiyosong mundo, halimbawa, ay umaasa sa kanilang mga kaloob at mga katungkulan upang gawin ang kanilang gawain. Ang mga tao na sumusunod sa kanila sa mahabang panahon ay mahahawa sa kanilang mga kaloob at maiimpluwensiyahan ng ilan sa kung ano sila. Nakatuon sila sa mga kaloob, mga kakayahan, at kaalaman ng mga tao, at nagbibigay sila ng pansin sa mga higit-sa-karaniwang mga bagay at sa maraming malalalim na di-makatotohanang doktrina (mangyari pa, ang ganitong malalalim na doktrina ay hindi matatamo). Hindi sila nagtutuon ng pansin sa mga pagbabago sa disposisyon ng mga tao, sa halip ay nakatuon sila sa pagsasanay sa pangangaral ng mga tao at mga kakayahan sa paggawa, pinabubuti ang kaalaman ng mga tao at saganang relihiyosong mga doktrina. Hindi sila nakatuon sa kung gaano kalaki sa disposisyon ng mga tao ang nababago o gaano karaming tao ang nakauunawa sa katotohanan. Hindi sila nagmamalasakit sa diwa ng mga tao, ni sinusubukang alamin ang normal at di-normal na mga kalagayan ng mga tao. Hindi nila sinasalungat ang mga pagkaunawa ng mga tao o ibinubunyag ang kanilang mga pagkaunawa, lalong hindi inaayos ang kanilang mga kakulangan o mga katiwalian. Karamihan sa mga tao na sumusunod sa kanila ay naglilingkod sa pamamagitan ng likas nilang mga kaloob, at ang kanilang ipinahahayag ay kaalaman at malabong relihiyosong katotohanan, na hindi makatotohanan at lubusang hindi nakapagbibigay ng buhay sa mga tao. Sa totoo lang, ang diwa ng kanilang gawain ay pag-aalaga sa kakayahan, pag-aalaga sa isang tao na walang kahit ano tungo sa isang matalinong nagtapos sa seminaryo na nang maglaon ay gumagawa at nangunguna.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Yaong mga nananatiling hindi nagbabago ang tiwaling disposisyon ay hindi kailanman maaaring maglingkod sa Diyos. Kung ang iyong disposisyon ay hindi nahatulan at nakastigo na ng salita ng Diyos, sa gayon ang iyong disposisyon ay kumakatawan pa rin kay Satanas. Ito ay sapat para patunayan na ang iyong paglilingkod sa Diyos ay nagmumula sa iyong sariling mabuting hangarin. Ito ay paglilingkod batay sa iyong makademonyong kalikasan. Ikaw ay naglilingkod sa Diyos gamit ang iyong likas na karakter, at ayon sa iyong personal na mga kagustuhan; ano pa nga ba, patuloy mong iniisip na nalulugod ang Diyos sa anumang nais mong gawin, at napopoot sa anumang hindi mo nais gawin, at lubusan kang ginagabayan ng iyong sariling mga kagustuhan sa iyong gawain. Maaari bang matawag itong paglilingkod sa Diyos? Sa huli, ang iyong disposisyon sa buhay ay hindi magbabago ni katiting; sa halip, ikaw ay lalong magiging mas matigas ang ulo sapagka’t napaglilingkuran mo ang Diyos, at gagawin nito ang iyong tiwaling disposisyon na nakatanim nang malalim. Sa paraang ito, bubuo ka sa iyong loob ng mga alituntunin tungkol sa paglilingkod sa Diyos na pangunahing batay sa iyong sariling karakter, at sa karanasang nakuha mula sa iyong paglilingkod ayon sa iyong sariling disposisyon. Ito ang aral mula sa karanasan ng tao. Ito ang pilosopiya ng tao sa buhay. Ang mga taong katulad nito ay nabibilang sa mga Fariseo at mga relihiyosong namumuno. Kung hindi sila kailanman magising at magsisi, sa kahuli-hulihan sila ay magiging mga huwad na Cristo na lilitaw sa mga huling araw, at magiging mga manlilinlang ng mga tao. Ang sinabi noon na mga huwad na Cristo at manlilinlang ay magmumula sa ganitong uri ng tao.

—mula sa “Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Bakit ba gumugugol ang karamihan sa mga tao ng maraming pagsisikap sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, nguni’t pagkatapos ay taglay lamang ang kaalaman at walang masasabing anuman tungkol sa isang totoong landas? Iniisip mo ba na ang pagkakaroon ng kaalaman ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng katotohanan? Hindi ba iyon isang litong pananaw? Nakakapangusap ka ng maraming kaalaman na kasingdami ng buhangin sa dalampasigan, datapwa’t wala sa mga ito ang naglalaman ng anumang tunay na landas. Sa ganito, hindi mo ba niloloko ang mga tao? Hindi ka ba gumagawa ng hungkag na palabas na walang anumang sumusuporta rito? Ang lahat ng ganyang asal ay nakapipinsala sa mga tao! Mas mataas ang teorya, mas walang-wala itong realidad, at mas walang kakayahan ito na dalhin ang mga tao sa realidad; mas mataas ang teorya, mas ginagawa ka nitong lumaban at sumalungat sa Diyos. Huwag mong tratuhin ang pinakamatatayog na teorya tulad ng mahalagang kayamanan; sila ay mapaminsala at walang silbi! Marahil may ilang tao na kayang makapagsalita sa pinakamatatayog na teorya—nguni’t ang mga ganoong teorya ay hindi naglalaman ng realidad, sapagka’t ang mga taong ito ay hindi personal na nakaranas sa kanila, at sa gayon wala silang landas sa pagsasagawa. Ang mga ganoong tao ay walang kakayahang dalhin ang tao sa tamang daanan, at ihahantong lamang ang mga tao na maligaw. Hindi ba ito nakapipinsala sa mga tao? Sa pinakamababa, dapat mong makayanang lutasin ang kasalukuyang mga gulo at hayaan ang mga tao na makamit ang pagpasok; ito lamang ang maituturing bilang debosyon, at tanging sa gayon ikaw ay magiging kwalipikadong gumawa para sa Diyos. Huwag palaging nangungusap ng mararangya, mabulaklak na mga salita, at huwag itali ang mga tao at gawin silang sumunod sa iyo kasama ang iyong maraming hindi-angkop na mga pagsasagawa. Ang magsagawa ng ganoon ay walang epekto, at maaari lamang makadagdag sa pagkalito ng mga tao. Ang pangunahan ang mga tao sa ganitong paraan ay makapagdudulot ng maraming piraso ng regulasyon, na kung saan gagawin ang mga tao na kasuklaman ka. Ito ay pagkukulang ng tao, at ito ay tunay na kahiya-hiya.

—mula sa “Magtuon nang Higit na Pansin sa Realidad” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang ilang tao’y gumagawa at nangangaral at, bagaman sa ibabaw mukhang sila’y nagbabahagi ng salita ng Diyos, ang tanging sinasalita nila ay tungkol sa literal na kahulugan ng salita ng Diyos, walang binabanggit na may nilalaman. Ang kanilang mga sermon ay parang pagtuturo mula sa isang tekstong-aklat ng wika; ang mga salita ng Diyos ay iniaayos batay sa aytem, aspeto, at kapag tapos na sila umaawit ng mga papuri ang lahat, sinasabing: “Ang taong ito’y mayroong realidad. Napakahusay nilang mangaral at napaka-detalyado.” Matapos silang mangaral, sinasabihan nila ang iba na pagsama-samahin ang lahat ng ito at ipadala sa lahat. Ang kanilang pagkilos ay nagiging panlilinlang ng iba at ang tanging ipinangangaral nila ay mga kabulaanan. Sa ibabaw, mukhang salita lamang ng Diyos ang ipinangangaral nila at mukhang kaayon ito sa katotohanan. Nguni’t sa maingat na pagtalos, makikita mong walang iba kundi mga titik at doktrina at huwad na pangangatwiran kasama ng ilang guni-guni at pagkaunawa ng tao gayundin ay ilang bahagi na naglilimita sa Diyos. Hindi ba ang ganitong uri ng pangangaral ay isang paggambala sa gawain ng Diyos? Ito’y paglilingkod na sumasalungat sa Diyos.

—mula sa “Kung Wala ang Katotohanan Madaling Saktan ang Damdamin ng Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Ang kaalaman ninyo ay makakapagtustos lamang sa mga tao sa loob ng isang partikular na panahon. Habang lumalakad ang panahon, kung paulit-ulit mong sinasabi ang parehong bagay, matatalos ng ilang tao iyan; sasabihin nilang napakababaw mo, kulang na kulang sa lalim. Wala kang pagpipilian kundi sikaping linlangin ang mga tao sa pangangaral ng mga doktrina. Kung lagi kang nagpapatuloy nang ganito, yaong mga nasa ilalim mo ay susunod sa iyong mga pamamaraan, mga hakbang, at halimbawa ng pananampalataya at pagdaranas at pagsasagawa ng mga salita at doktrinang iyon. Sa kasukdulan, habang patuloy kang nangangaral nang nangangaral, lahat sila’y gagamit sa iyo bilang isang halimbawa. Sa iyong pamumuno sa iba nagsasalita ka tungkol sa mga doktrina, kaya ang mga nasa ilalim mo ay matututo ng mga doktrina mula sa iyo, at habang nagpapatuloy ang mga bagay-bagay nalakaran mo na ang maling landas. Ang mga nasa ilalim mo ay lalakaran ang anumang landas na ginagawa mo; lahat sila’y matututo mula sa iyo at susunod sa iyo, kaya mararamdaman mo: “Makapangyarihan na ako ngayon; kaya maraming tao ang nakikinig sa akin, at ang iglesia ay sunud-sunuran sa akin.” Ang uri ng pagkakanulong ito sa loob ng tao ay di-namamalayang nagsasanhi sa iyo na gawing tau-tauhan lang ang Diyos, at ikaw naman mismo ay nagtatayo ng isang uri ng denominasyon. Ito ang kung paano naglilitawan ang iba-ibang denominasyon. Masdan mo lang ang mga pinuno ng bawat denominasyon—lahat sila’y mapagmataas at mapagmalinis, at binibigyang-kahulugan nila ang Biblia nang wala sa konteksto at ayon sa kanilang sariling imahinasyon. Lahat sila’y umaasa sa mga kaloob at pag-aaral sa paggawa ng kanilang gawain. Kung sila’y walang kakayahang mangaral ng anuman, susunod ba sa kanila ang mga taong iyon? Sila, kung sa bagay, ay nagtataglay ng kaunting kaalaman, at makakapangaral ng ilang doktrina, o alam kung paano makaakit ng iba at paano gumamit ng ilang pagkukunwari. Ginagamit nila ang mga ito para dalhin ang mga tao sa harapan nila at linlangin sila. Sa pangalan, ang mga taong iyon ay naniniwala sa Diyos, nguni’t sa realidad sinusunod nila ang kanilang mga pinuno. Kung nakakatagpo sila ng sinumang nangangaral ng tunay na daan, ang ilan sa kanila’y nagsasabing, “Kailangang konsultahin namin ang aming pinuno tungkol sa aming pananampalataya.” Ang kanilang pananampalataya ay dapat dumaan sa isang tao; hindi ba problema iyan? Nagiging ano na kung gayon ang mga pinunong iyan? Hindi ba sila nagiging mga Fariseo, huwad na mga pastol, mga anticristo, at mga katitisuran sa pagtanggap ng mga tao sa tunay na daan?

—mula sa “Tanging ang Paghahabol sa Katotohanan ang Tunay na Paniniwala sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:

Ang kahulugan ng maglingkod sa relihiyosong paraan ay lubos na maglingkod ayon sa tradisyonal na mga paraan sa relihiyon at pagsasagawa ng paglilingkod, na mahigpit na sumusunod sa lahat ng klase ng ritwal ng relihiyon, at para pamunuan lamang ang mga tao ayon sa kaalaman sa Biblia. Masigla at napakarelihiyoso nito sa tingin, lubos na naaayon sa mga palagay ng tao, at walang maipintas ang mga tao tungkol dito, pero wala itong gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga taong naglilingkod sa ganitong paraan ay nagbibigay ng mga sermon na pawang mga doktrina ng relihiyon at kaalaman sa Biblia, puno ng mga pagkaunawa tungkol sa relihiyon, at walang anumang kaliwanagan ng Banal na Espiritu. At walang kabuhay-buhay ang mga miting na idinaraos nila. Sa maraming taon ng ganitong uri ng paglilingkod, hindi matatanggap ng mga taong hinirang ng Diyos ang katotohanan, hindi nila makikilala o masusunod ang Diyos, ni hindi sila makakapasok sa tamang landas ng pananalig sa Diyos. Dahil hindi kaligtasan ang hinahanap ng mga tao, kundi biyaya at mga pagpapala, hindi makikita ang mga pagbabago sa disposisyon sa buhay ng mga tao, at sa huli ay wala silang napapala. Ito ang resulta ng paglilingkod ayon sa relihiyosong paraan. Malinaw na hindi talaga nauunawaan ng ganitong uri ng taong naglilingkod sa Diyos ang gawain ng Diyos, ni hindi nila nauunawaan ang mga intensyon ng Diyos. Hindi nila alam kung ano ang kahulugan ng makipagtulungan sa gawain ng Banal na Espiritu at pag-akay lamang ito ng bulag sa isa pang bulag. Inililigaw nila ng landas ang mga taong hinirang ng Diyos. Naniniwala sila sa Diyos ngunit nilalabanan at hindi nila kilala ang Diyos. Gaya ng mga Fariseo, hindi sila maliligtas.

—mula sa “Matatahak Lamang ng Isang Tao ang Tamang Landas ng Paglilingkod sa Diyos sa Pagpasok Muna sa Tamang Landas ng Pananalig sa Diyos” sa Mga Piling Salaysay Tungkol sa mga Isinaayos na Gawain ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang mga pastor at mga pinuno sa relihiyosong mundo ay nasanay na lahat sa loob ng mga seminaryo, at sila ay binigyan lamang ng patunay upang maging mga pastor. Wala silang katibayan ng gawa ng Banal na Espiritu o pahintulot ng Diyos sa paanuman. Ito ay isang katunayan. Ang pagkaunawa ng anuman sa Biblia ay kinakailangan, nguni’t ang pinaka-maselan ay yaong dapat na alam ng isang tao ang gawain ng Diyos upang maging karapat-dapat sa gawain ng pagpapastol ng iglesia. Ang Biblia ang talaan ng unang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, kaya kung hindi binabasa ang Biblia, imposibleng maunawaan ang mga katunayan ng kasaysayan ng pagpapakita ng Diyos at Kanyang gawain. Imposible rin na malaman kung aling mga katotohanan ang ipinahayag ng Diyos sa Kanyang nagdaang dalawang yugto ng gawain, at walang paraan upang makamtan ang malinaw na mga sagot tungkol sa maraming hiwaga ng katotohanan na dapat maunawaan ng mga tao. Kaya ang pagbabasa ng Biblia ay kailangang-kailangan sa pananampalataya sa Diyos, subali’t ang pananalig sa kaalaman lamang sa Biblia ay hindi sapat upang ating matamo ang pagkakilala sa Diyos. Ang isang tao ay dapat sumailalim sa kaliwanagan, pagpapalinaw, paggabay, pagsasanay, at pagpeperpekto ng gawain ng Banal na Espiritu upang tunay na maunawaan ang mga salita ng Diyos at ang katotohanan, at matamo ang pagkakilala sa Diyos. Ang pagtatamo ng isang pagkaunawa sa katotohanan ay nakasalalay sa pagdanas sa gawain ng Diyos at sa kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu. Hindi ito nakakamtan batay lamang sa pagsasaliksik at pagdadalubhasa sa kaalamang biblikal. Maraming pastor sa mga relihiyosong kalipunan ang mayroong lubusang masusing kaunawaan ng Biblia, subali’t ganap silang walang pagkaunawa sa gawain ng Diyos. Ito ay pangunahing dahil wala silang gawain ng Banal na Espiritu. Bakit nga kapag ang ilang tao ay nagbabasa ng mga salita ng Diyos, umaalis silang may kaliwanagan ng Banal na Espiritu, subali’t kapag ang ibang tao ang nagbabasa ng mga salita ng Diyos, wala sila ng Kanyang gawain? Inilalantad nito kung ang pananampalataya ng mga tao ay totoo man, at kung nagmamahal man sila sa katotohanan o hindi. Maraming tao ang dumadalo sa seminaryo para maging mga pastor, at kung mayroon man silang tamang motibo o wala, ang pinakamahalaga ay dapat nilang mahalin at habulin ang katotohanan. Ito lamang ang paraan upang makamtan ang gawain ng Banal na Espiritu. Tanging sa pagpapasailalim nang ilang taon sa gawain ng Banal na Espiritu tunay na mauunawaan ng isang tao ang katotohanan at nakakayang pumasok tungo sa realidad ng katotohanan. Ito lamang ang paraan upang maging karapat-dapat na manguna at magpastol sa piniling bayan ng Diyos. Ang pag-asa lamang sa pagpapatunay bilang isang pastor upang pangunahan ang piniling bayan ng Diyos ay isang lubos na pantaong konsepto at ito’y ibang-iba sa sariling mga hinihingi ng Diyos. Halimbawa, nang ang Panginoong Jesus ay dumating bakit hindi Siya nagpunta sa templo at dumalaw sa mga punong saserdote at mga eskriba ng mga Judio, at mga Fariseo, sa halip ay nagtungo sa gitna ng mga tao upang hanapin ang mga nagmamahal at naghahabol sa katotohanan upang matagpuan ang mga apostol? Ang kalooban ng Diyos ay mauunawaan mula sa loob nito. Ang mga hindi nagmamahal sa katotohanan ay ganap na di-kayang magkamit ng katotohanan, kaya hindi rin nila kayang magpastol sa piniling bayan ng Diyos. Ito ang kung paanong magiging malinaw lahat kung aling mga tao ang totoong gusto ng Diyos, alin ang totoong ililigtas Niya, alin ang totoong gagamitin Niya, at alin ang totoong kinamumuhian Niya. Karamihan sa mga pastor sa mga relihiyosong kalipunan ay kulang sa gawain ng Banal na Espiritu, na nagpapakita na hindi sila ang mga nagmamahal o naghahabol sa katotohanan, at wala silang paraan para makamtan ang gawain ng Banal na Espiritu. Ito rin ang isa sa mga pangunahing dahilan na ang relihiyosong mundo ay nagkukulang sa gawain ng Banal na Espiritu.

—mula sa Ang Pagbabahagi mula sa Itaas

Ngayon ay ibabahagi Ko ang limang prinsipyo kung paano makikilala ang isang bulaang lider: Ang unang prinsipyo ay ang karamihan sa mga bulaang lider ay hindi umiibig sa katotohanan at hindi nila hinahabol ang katotohanan, at kung kaya hindi nila taglay ang gawain ng Banal na Espiritu. Ang ilan sa kanila, o ang ilan sa mga indibidwal, na may mabuting pagkatao ay maaaring hindi taglay ang gawain ng Banal na Espiritu sapagka’t naniniwala lamang sila sa Diyos sa maigsing panahon, sapagka’t hindi nila alam kung paano habulin ang katotohanan o hindi nila magawang normal na habulin ang katotohanan sapagka’t sila ay pinipigilan ng ilang mga bagay. Ang sinuman na nagsilbi bilang isang lider sa loob ng tatlo o limang taon na hindi pa rin taglay ang gawain ng Banal na Espiritu ay tiyak na hindi ang tao na umiibig sa katotohanan o naghahabol sa katotohanan, at sila ay tiyak na tiyak na isang bulaang lider. Ang ikalawang prinsipyo ay ang mga titik at mga doktrina lamang ang itinuturo ng mga bulaang lider, sila ay lubos na walang taglay na realidad ng katotohanan, sila ay lubos na walang kakayahang gamitin ang katotohanan upang lutasin ang mga suliranin, at hindi nila magawang hikayatin ang mga tao sa puso at sa pamamagitan ng salita. Ang ikatlong prinsipyo ay, sapagka’t wala silang taglay na realidad ng katotohanan, ang mga bulaang lider ay hindi nakagaganap ng anumang totoong gawain at hindi naaakay ang mga hinirang na tao ng Diyos tungo sa realidad ng katotohanan. Palagi nilang basta na lamang ginagawa ang kanilang gawain, at kapag sila ay pinipilit na gumawa ng isang bagay, pinipigilan naman nila ang iba na gawin kung ano ang hindi nila kaya, at sinasaway nila at basta na lamang nakikitungo sa iba. Sapagka’t wala silang taglay na katotohanan, hindi nila nahihikayat ang iba sa pamamagitan ng pagtataglay ng katotohanan, at kaya ginagamit ng mga bulaang lider ang mga pamamaraan ng pagtatabas at pakikitungo. Sinasamantala nila ang mga kamalian ng iba at palagi silang sinisiil, ninanais na supilin sila sa pamamagitan ng mga pagsaway at mga kaparusahan upang ipakita ang kanilang awtoridad bilang isang lider—ito ay isang bulaang lider. Ginagamit ng isang tunay na lider ang katotohanan upang hikayatin ang mga tao, ginagamit ang katotohanan upang lutasin ang mga suliranin at hinahangaan ng iba; sinisiil ng isang bulaang lider ang iba, sinasamantala ang mga pagkakamali ng iba at palagi silang sinasaway at ipinasisiyasat ang kanilang mga sarili laban sa salita ng Diyos, at ipinadarama sa kanila na sila ay pinipigilang gawin kung ano ang lampas sa kanilang kakayahan. Sa katapusan, inilalagay sila ng bulaang lider sa ilalim ng kanyang kontrol at ipinaiisip sa kanila, “Hindi ko talaga taglay ang realidad ng katotohanan. Labis ang aking pagkukulang, at hindi ko hinahabol ang katotohanan. Tama ang sinasabi ng aking lider.” Paniwalang-paniwala talaga sila sa kanilang lider, nguni’t hindi sila totoong nahikayat dahil taglay ng bulaang lider ang katotohanan, kundi dahil pinakitunguhan sila ng bulaang lider at pinahirapan sila. Ito ay isang partikular na pamamaraan na ginagamit ng mga bulaang lider, ang gamitin ang pagiging ipokrito at ang palabasin ang kasinungalingan bilang katotohanan. Sapagka’t hindi nila nahihikayat ang mga tao sa pamamagitan ng pagkakaroon ng katotohanan, kailangan nilang gamitan ng ibang pamamaraan, na iniisip, “Basta ko na lamang sasamantalahin ang inyong mga suliranin at makikitungo sa inyo, hihikayatin kayo, at gagamitin ang aking pakikitungo sa inyo upang ipakita na mayroon akong katotohanan. Pakikitunguhan ko kayo nang husto na kayo ay malulugmok, at papapaniwalain ko kayo na taglay ko ang katotohanan at na wala kayong taglay na katotohanan, at kayo kung gayon ay mahihikayat.” Kapag ang isang tao ay walang taglay na katotohanan, sila ay madadaya ng mga bulaang lider, at mag-iisip, “Nakikitungo siya sa akin sa ganitong paraan kaya tiyak na mas nauunawaan niya ang katotohanan kaysa sa akin, at tiyak na taglay niya ang realidad ng katotohanan.” At kaya, sila ay humahantong sa pagiging nadaya at kontrolado ng bulaang lider. Ang ikaapat na prinsipyo ay ang walang taglay na maibiging puso ang mga bulaang lider sa mga hinirang na tao ng Diyos at hindi nila tunay na nagagawang kilalanin ang kanilang mga sarili, lalong hindi hinahanap ang katotohanan upang lutasin ang mga suliranin o akayin ang mga tao sa realidad. Nakikitungo lamang sila sa mga tao at basta na lamang sila sinisiil, pinasusunod ang iba sa kanila gamit ang mga pamamaraan ng pagtatabas at pakikitungo sa kanila, at ipinakikita nila ang kanilang sariling katayuan at ipinakikita na sila ang lider—ito ay isang pagkukunwari. Ang ikalimang prinsipyo ay ang hinahabol ng lahat ng bulaang lider ang katayuan at ang karangalan, inaasam nila ang mga biyaya ng katayuan at inaasam nila ang kahambugan. Wala silang ginagampanang totoong gawain, gayunma’y naniniwala pa rin sila na may karapatan silang magtamasa sa mga handog sa Diyos, at sila ay nagiging lubos na walang kahihiyan dahil dito. Karapat-dapat ba nilang tamasahin ang mga handog sa Diyos samantalang hindi sila gumaganap ng anumang totoong gawain? Natatagpuan ng ilang tao ang pinakamayayaman na pamilya na matutuluyan, at araw-araw nanghihingi sila ng inihaw na manok at pritong isda—karapat-dapat ba sila sa ganito? Anong panustos ang naibigay nila para sa mga buhay ng mga hinirang na tao ng Diyos, at anong gawain ang kanilang nagagampanan? Dapat silang magkaroon ng karne at isdang makakain araw-araw, nguni’t hindi ba sila kung gayon nagiging mga palamunin? Ang mga nagnanais ng katayuan at kasiyahan ay hindi ba walang-kahihiyan? Ang mga tao bang ganito ay may taglay na konsensya at katuwiran?

—mula sa “Para Magtamo ng Kaligtasan, Kailangang Lutasin ng Isang Tao ang mga Problema ng Pagsunod at Pagsamba sa Ibang mga Tao” sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay IX

Sinundan:Ano ang isang huwad na Cristo? Paano mahihiwatigan ang isang huwad na Cristo?

Sumunod:Ano ang pagpapaimbabaw?

Baka Gusto Mo Rin