01

Paano Naiiba ang mga Pamamaraan sa Gawain ng Diyos sa Pagitan ng Kapanahunan ng Biyaya at ng Kapanahunan ng Kaharian?

Kaugnay na mga Talata sa Biblia

"Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit" (Mateo 4:17).

"At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw" (Juan 12:47-48).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos

Noong Kanyang unang pagkakatawang-tao, kinakailangan ng Diyos na magpagaling ng maysakit at palayasin ang mga demonyo dahil ang Kanyang gawain ay ang tumubos. Upang tubusin ang buong lahi ng tao, Siya’y kinailangang maging maawain at mapagpatawad. Ang gawain na Kanyang ginawa bago Siya napako sa krus ay ang magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo, na nagbabadya ng Kanyang pagliligtas sa tao mula sa kasalanan at kadungisan. Dahil ito ay Kapanahunan ng Biyaya, kinailangan Niyang magpagaling ng maysakit, at dahil doon nagpakita ng mga palatandaan at mga kababalaghan, na kumatawan sa biyaya noong panahong iyon; dahil ang Kapanahunan ng Biyaya ay sumentro sa pagkakaloob ng biyaya, sinagisag ng kapayapaan, kasiyahan, at materyal na mga biyaya, lahat ng palatandaan ng pananampalataya ng mga tao kay Jesus. Ibig sabihin, ang pagpapagaling ng maysakit, pagpapalayas ng mga demonyo, at pagkakaloob ng biyaya ay likas na abilidad ng katawang-tao ni Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, ang mga ito’y gawa ng Espiritung naging totoo sa katawang-tao. mula sa "Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos"

Sa Kapanahunan ng Biyaya, tinupad ni Jesus ang karamihan sa gawaing iyon, tulad ng pagpapagaling ng sakit, pagpapalayas ng mga demonyo, pagpapatong ng Kanyang mga kamay sa tao upang ipanalangin ang tao, at pagpapala sa tao. Gayunman, ang ipagpatuloy pa ang gayon ay walang saysay sa kasalukuyan. Ang Banal na Espiritu ay gumawa sa ganoong paraan noong panahong iyon, dahil iyon ang Kapanahunan ng Biyaya, at ang tao ay pinakitaan ng sapat na biyaya para tamasahin. Hindi na kinailangang magbayad ang tao ng anumang halaga at maaaring tumanggap ng biyaya hangga’t siya ay may pananampalataya. Lahat ay trinato nang may lubhang kagandahang-loob. Ngayon, ang kapanahunan ay nagbago, at ang gawain ng Diyos ay nakakasulong nang higit pa; sa pamamagitan ng Kanyang pagkastigo at paghatol, ang pagiging-suwail ng tao at ang mga karumihan sa kalooban ng tao ay maaalis. Dahil ito ang yugto ng pagtubos, kinailangang tuparin ng Diyos ang gayong gawain, na nagpapakita sa tao ng sapat na biyaya para matamasa ng tao, para matubos ang tao mula sa kasalanan, at sa pamamagitan ng biyaya mapatawad ang tao sa kanilang mga kasalanan. Ang yugtong ito ay ginawa upang ilantad ang mga kasamaan sa kalooban ng tao sa pamamagitan ng pagkastigo, paghatol, ng pagpalo gamit ang mga salita, pati na rin ng disiplina at pagbubunyag ng mga salita, upang pagkatapos ay maligtas sila. Ito ay gawaing mas malalim kaysa pagtubos. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang tao ay nagtamasa ng sapat na biyaya at nakaranas na ng biyayang ito, at kaya hindi na ito matatamasa ng tao. Ang gayong gawain ay lipas na ngayon at hindi na dapat gawin. Ngayon, ang tao ay naliligtas sa pamamagitan ng paghatol ng salita. Pagkatapos hatulan ang tao, kastiguhin at dalisayin, bunga nito ang kanyang disposisyon ay nababago. Hindi ba ito ay dahil sa mga salitang Aking sinambit? mula sa "Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)"

Nang naparito si Jesus, ginawa rin Niya ang bahagi ng gawain ng Diyos, at nangusap ng ilang mga salita—subali’t ano ang pangunahing gawain na tinupad Niya? Ang pangunahing tinupad Niya ay ang gawain ng pagpapapako sa krus. Naging kalarawan Siya ng makasalanang laman upang kumpletuhin ang gawain ng pagpapapako sa krus at tubusin ang buong sangkatauhan, at para sa kasalanan ng buong sangkatauhan Siya ay nagsilbi bilang pinakahandog para sa kasalanan. Ito ang pangunahing gawain na tinupad Niya. Sa kahuli-hulihan, inilatag Niya ang daan ng krus upang gabayan yaong mga sumunod. Nang dumating si Jesus, ito ay pangunahing para kumpletuhin ang gawain ng pagtubos. Tinubos Niya ang buong sangkatauhan at dinala ang ebanghelyo ng kaharian ng langit sa tao, at, karagdagan pa, dinala Niya ang kaharian ng langit. Bilang bunga, yaong mga sumunod ay nagsabing lahat, “Dapat tayong lumakad sa daan ng krus, at isakripisyo ang ating mga sarili para sa krus.” Mangyari pa, sa pasimula si Jesus ay gumawa rin ng ilang iba pang gawain at nangusap ng ilang mga salita upang papagsisihin ang tao at papagkumpisalin ng kanyang mga kasalanan. Subali’t ang Kanyang ministeryo ay ang pagpapapako pa rin sa krus, at ang tatlo’t kalahating taon na ginugol Niya sa pangangaral ng daan ay bilang paghahanda para sa pagpapapako sa krus na sumunod. Ang maraming ulit na pananalangin ni Jesus ay para din sa kapakanan ng pagpapapako. Ang buhay ng isang normal na tao na ipinamuhay Niya at ang tatlumpu’t-tatlong taon na nabuhay Siya sa lupa ay pangunahing para sa kapakanan ng pagkukumpleto ng gawain ng pagpapapako sa krus, ang mga iyon ay magbibigay sa Kanya ng lakas, nagbibigay-kakayahan sa Kanya na maisagawa ang gawaing ito, kung saan ang bunga ay ang pagkakatiwala ng Diyos sa Kanya ng gawaing pagpapapako sa krus. Ngayon, anong gawain ang tutuparin ng Diyos na nagkatawang-tao? Ngayon, ang Diyos ay pangunahing nagkatawang-tao upang kumpletuhin ang gawain ng “ang Salita ay nagpapakita na nasa katawang-tao,” upang gamitin ang salita para gawing perpekto ang tao, at ipatanggap sa tao ang pakikitungo ng salita at ang pagpipino ng salita. Sa Kanyang mga salita Siya ang nagsasanhi upang iyong matamo ang tustos at matamo ang buhay; sa Kanyang mga salita, nakikita mo ang Kanyang gawain at mga gawa. Ginagamit ng Diyos ang salita upang kastiguhin at pinuhin ka, at kung naghihirap ka naman, ito ay dahil din sa salita ng Diyos. Ngayon, ang Diyos ay hindi gumagawa gamit ang mga katunayan, kundi mga salita. Pagkatapos na ang Kanyang mga salita ay nakakarating sa iyo saka lamang nakakagawa ang Banal na Espiritu sa kalooban mo at nagsasanhi sa iyo na magdusa ng sakit o makaramdam ng katamisan. Tanging ang salita ng Diyos ang nakapagdadala sa iyo tungo sa realidad, at tanging ang salita ng Diyos ang may kakayahang gawin kang perpekto. At sa gayon, dapat mo man lamang maunawaan na ang gawaing ginagawa ng Diyos sa panahon ng mga huling araw ay pangunahing ang paggamit ng Kanyang mga salita upang gawing perpekto ang bawa’t tao at gabayan ang tao. Ang lahat ng gawain na ginagawa Niya ay sa pamamagitan ng salita; hindi Siya gumagamit ng mga katunayan upang kastiguhin ka. mula sa "Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos"

Nang ang Diyos ay naging katawang-tao sa panahong ito, ang Kanyang gawain ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon, pangunahing sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Gamit ito bilang pundasyon, nagdadala Siya ng mas higit na katotohanan sa tao, nagpapakita ng mas maraming mga paraan ng pagsasagawa, at sa gayon ay nakakamit ang Kanyang layunin ng panlulupig sa tao at pagliligtas sa tao mula sa kanyang masamang disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian. mula sa "Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos"

Ang Aking sinasabi sa kasalukuyan ay upang hatulan ang mga kasalanan ng mga tao at ang kanilang pagiging hindi matuwid; iyon ay pagsumpa sa pagiging rebelyoso ng mga tao. Ang kanilang panlilinlang at kalikuan, at kanilang mga salita at mga pagkilos, lahat ng mga bagay na hindi naaayon sa Kanyang kalooban ay sasailalim sa paghatol, at ang pagiging rebelyoso ng mga tao ay tinukoy na makasalanan. Siya ay nagsasalita alinsunod sa mga panuntunan ng paghatol, at ibinubunyag Niya ang Kanyang matuwid na disposisyon sa pamamagitan ng paghatol sa kanilang pagiging hindi matuwid, pagsumpa sa kanilang pagiging rebelyoso, at pagbunyag sa lahat ng kanilang mga pangit na mukha. mula sa "Paano Namumunga ang Ikalawang Hakbang ng Gawain ng Panlulupig"

Ang Diyos ay maraming mga pamamaraan sa pag-perpekto sa tao. Ginagamit Niya ang lahat ng paraan ng mga kapaligiran upang makitungo sa tiwaling disposisyon ng tao, at gumagamit ng iba’t-ibang mga bagay upang ilantad ang tao; sa isang pagsasaalang-alang nakikitungo Siya sa tao, sa isa pa inilalantad Niya ang tao, at sa isa pa ibinubunyag Niya ang tao, hinuhukay at ibinubunyag ang “mga misteryo” sa kaibuturan ng puso ng tao, at ipinakikita sa tao ang kanyang kalikasan sa pamamagitan ng pagbubunyag sa kanyang maraming mga kalagayan. Ginagawang perpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng maraming mga pamamaraan—sa pamamagitan ng pagbubunyag, pakikitungo, pagpipino, at pagkastigo—para maunawaan ng tao na ang Diyos ay praktikal. mula sa "Tanging Yaong Mga Nagtutuon ng Pansin sa Pagsasagawa Ang Maaaring Gawing Perpekto"

Sa pamamagitan ng ano naisasakatuparan ang pagka-perpekto ng Diyos sa tao? Sa pamamagitan ng Kanyang matuwid na disposisyon. Ang disposisyon ng Diyos ay binubuo pangunahin na ng pagkamatuwid, matinding galit, kamahalan, paghatol, at sumpa, at ang Kanyang pagka-perpekto sa tao ay pangunahin sa pamamagitan ng paghatol. Hindi nauunawaan ng ilang mga tao, at itinatanong kung bakit nagagawa lamang ng Diyos na gawing perpekto ang tao sa pamamagitan ng paghatol at sumpa. Sinasabi nila na kung susumpain ng Diyos ang tao, hindi ba mamamatay ang tao? Kung hahatulan ng Diyos ang tao, hindi ba parurusahan ang tao? Kung gayon paano pa siya gagawing perpekto? Ang gayon ay ang mga salita ng mga tao na hindi nakauunawa sa gawain ng Diyos. Ang sinusumpa ng Diyos ay ang pagkamasuwayin ng tao, at ang Kanyang hinahatulan ay ang mga kasalanan ng tao. Bagamat nagsasalita Siya nang may kabagsikan, at wala ni katiting ng pagiging sensitibo, ibinubunyag Niya ang lahat ng nasa loob ng tao, at sa pamamagitan ng istriktong mga salitang ito ibinubunyag Niya kung ano yaong mahalaga sa loob ng tao, ngunit sa pamamagitan ng gayong paghatol, binibigyan Niya ang tao ng isang malalim na kaalaman ukol sa katuturan ng laman, at kaya ang tao ay nagpapasakop sa pagkamasunurin sa harap ng Diyos. Ang laman ng tao ay ukol sa laman, at ukol kay Satanas, ito ay masuwayin, at ang pakay ng pagkastigo ng Diyos—at kaya, upang tulutang makilala ng tao ang sarili niya, ang mga salita ng paghatol ng Diyos ay dapat sumapit sa kanya at dapat gamitin ang bawat uri ng kapinuhan; sa gayon lamang maaaring maging mabisa ang gawain ng Diyos. mula sa "Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Masasakit na Mga Pagsubok Mo Malalaman Ang Kagandahan ng Diyos"

Sa mga mata ng tao, ang kaligtasan ay ang pag-ibig ng Diyos, at ang pag-ibig ng Diyos ay hindi maaaring maging pagkastigo, paghatol, pagsumpa; ang kaligtasan ay kailangang mayroong taglay na pag-ibig, awa, at, higit pa rito, ng mga salita ng kasiyahan, at kailangang taglayin ang walang hanggang mga pagpapala na ipinagkakaloob ng Diyos. Ang mga tao ay naniniwala na kapag inililigtas ng Diyos ang tao ginagawa Niya ito sa pamamagitan ng pag-antig sa kanila at tulutan sila na ibigay ang kanilang mga puso sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang mga pagpapala at biyaya. Iyon ay upang sabihin, kapag hinihipo Niya ang mga tao inililigtas Niya ang mga ito. Ang kaligtasan na kagaya nito ay kaligtasan kung saan ang isang pakikipagkalakalan ay ginagawa. Kapag pinagkalooban pa lamang sila ng Diyos ng sandaang beses saka pa lamang lalapit ang tao sa ilalim ng pangalan ng Diyos, at magsisiskap na gumawang mabuti para sa Diyos at dalhan Siya ng kaluwalhatian. Hindi ito ang kalooban ng Diyos para sa sangkatauhan. Ang Diyos ay dumating upang gumawa sa lupa nang upang iligtas ang tiwaling sangkatauhan-walang kabulaanan dito; kung hindi, tiyak na hindi Siya darating upang gawin ang Kanyang gawain nang personal.Sa nakaraan, ipinakikita ng Kanyang mga paraan sa pagliligtas ang sukdulang pag-ibig at awa, anupa’t ibinigay ang lahat Niya kay Satanas kapalit ng kabuuan ng sangkatauhan. Ang kasalukuyan ay walang kagaya ng nakaraan:Sa kasalukuyan, ang inyong kaligtasan ay nangyayari sa panahon ng mga huling araw, sa panahon ng pag-uuri ng bawat isa ayon sa uri; ang mga paraan ng inyong kaligtasan ay hindi pag-ibig o awa, bagkus ay pagkastigo at paghatol nang upang ang tao ay lalong mas lubusang maligtas. Kung gayon, lahat ng iyong natatanggap ay pagkastigo, paghatol, at walang awang paghampas, ngunit talastasin na sa walang pusong paghampas na ito ay wala ni kakatiting na kaparusahan, talastasin na hindi alintana kung gaano man kabagsik ang Aking mga salita, kung ano ang sumapit sa iyo ay kakaunting mga salita lamang na lumilitaw na talagang walang puso sa iyo, at talastasin na, gaano man katindi ang Aking galit, kung ano ang darating sa inyo ay mga salita pa rin ng pagtuturo, at hindi Ko layon na saktan kayo, o ilagay ka sa kamatayan. Hindi ba ito lahat katotohanan?Talastasin ninyo na sa kasalukuyan, maging ito man ay matuwid na paghatol o walang pusong kapinuhan at pagkastigo, ang lahat ay para sa kapakanan ng kaligtasan. Hindi alintana kung sa kasalukuyan man ay mayroong pag-uuri sa bawat isa ayon sa uri, o ang paghahanap ng mga kategorya ng tao, ang lahat ng mga pagbigkas ng Diyos at gawain ay upang iligtas yaong mga tunay na umiibig sa Diyos. Ang makatuwirang paghatol ay upang dalisayin ang tao, ang walang pusong kapinuhan ay nang upang linisin ang tao, ang masasakit na mga salita at ang pagtutuwid ay lahat upang dalisayin, at para sa kapakanan ng kaligtasan. At kaya, ang kasalukuyang paraan ng pagliligtas ay hindi kagaya noong nakaraan. Sa kasalukuyan, ang makatuwirang paraan ng paghatol ay ililigtas ka, at isang mabuting kasangkapan sa pagbubukod-bukod sa bawat isa sa inyo ayon sa uri, at ang malulupit na pagkastigo ay magdudulot sa inyo ng pinakadakilang kaligtasan--at ano ang masasabi ninyo sa harap ng pagkastigong ito at paghatol? Hindi ba ninyo natatamasa ang pagliligtas mula umpisa hanggang katapusan? …
Bagamat ang Aking mga salita ay maaaring maging mahigpit, ang mga ito ay sinasabing lahat para sa kaligtasan ng tao, sapagkat Ako ay nagsasabi lamang ng mga salita at hindi pinarurusahan ang laman ng tao. Ang mga salitang ito ay naging dahilan sa tao upang mabuhay sa liwanag, upang malaman na ang liwanag ay umiiral, upang malaman na ang liwanag ay napakahalaga, lalong higit pa upang malaman kung gaano kapaki-pakinabang ang mga salitang ito sa tao, at upang malaman na ang Diyos ay kaligtasan.Bagamat nakapagsalita Ako ng maraming mga salita ng pagkastigo at paghatol, ang mga ito ay hindi nangyari sa inyo sa gawa. Ako ay dumating upang gawin ang Aking gawain, upang sabihin ang Aking mga salita, at bagamat mahigpit ang Aking mga salita, ang mga ito ay sinasalita sa paghatol sa iyong katiwalian at pagiging mapaghimagsik. Ang layunin sa paggawa Ko nito ay nananatiling upang iligtas ang tao sa sakop ni Satanas, upang gamitin ang aking mga salita upang iligtas ang tao; ang Aking layunin ay hindi upang saktan ang tao sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ang aking mga salita ay mahigpit nang upang ang mga resulta ay makamit mula sa Aking gawain. Sa pamamagitan lamang ng paggawa sa ganitong paraan maaaring makilala ng tao ang kanilang mga sarili at maaaring humiwalay mula sa kanilang mapaghimagsik na disposisyon. mula sa "Dapat Mong Isantabi Ang Mga Pagpapala ng Kalagayan at Unawain ang Kalooban ng Diyos Para sa Kaligtasan ng Tao"

Magpatuloy sa Pagbabasa

Mas Marami Pang Magagandang Nilalaman

Nagbalik na ang Panginoon

Tingnan ang Pahina ng Tampok

Ang Pagkakatawang-tao (1)

Tingnan ang Pahina ng Tampok

Ang Pagkakatawang-tao (2)

Tingnan ang Pahina ng Tampok

Ang Tatlong Yugto ng Gawain

Tingnan ang Pahina ng Tampok

Sinasalubong ng Matatalinong Birhen ang Kasintahang Lalaki

Tingnan ang Pahina ng Tampok

Ang paghatol ay magsisimula sa tahanan ng Diyos

Tingnan ang Pahina ng Tampok

Pananampalataya sa Diyos

Tingnan ang Pahina ng Tampok

Pagtanggap sa Pagpapakita ng Panginoon

Tingnan ang Pahina ng Tampok

Ang Pagdadala sa Langit Bago ang Sakuna

Tingnan ang Pahina ng Tampok

Pagkaligtas laban sa Pagtatamo ng Ganap na Kaligtasan

Tingnan ang Pahina ng Tampok