01

Natapos na ng Panginoong Jesus ang Gawain ng Pagtubos: Natapos na ba ang Gawain ng Diyos na Iligtas ang Sangkatauhan?

Kaugnay na mga Talata sa Biblia

"Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating" (Juan 16:12-13).

"Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa'y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kaniya" (Mga Hebreo 9:28).

"Na sa kapangyarihan ng Dios ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas na nahanda upang ihayag sa huling panahon" (1 Pedro 1:5).

Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man” (Juan 8:34-35).

At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47-48).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos

Sa tao, winakasan ng pagpapapako sa krus ng Diyos ang gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos, tinubos ang buong sangkatauhan, at tinulutan Siyang agawin ang susi sa Hades. Iniisip ng lahat na ang gawain ng Diyos ay ganap nang natupad. Sa katunayan, sa Diyos, maliit lamang na bahagi ng Kanyang gawain ang natupad. Natubos Niya lamang ang sangkatauhan; hindi Niya nalupig ang sangkatauhan, lalo pa ang mabago ang kapangitan ni Satanas sa tao. Iyon ang dahilan kung bakit sinabi ng Diyos, “Bagaman dumanas ng sakit ng kamatayan ang Aking nagkatawang-taong laman, hindi iyon ang buong layunin ng pagkakatawang-tao Ko. Si Jesus ang sinisinta Kong Anak at ipinako sa krus para sa Akin, ngunit hindi Niya ganap na tinapos ang Aking gawain. Ginawa Niya lamang ang isang bahagi nito.” mula sa "Gawain at Pagpasok (6)"

Sa panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng yaong mga naniwala sa Kanya ay napatawad; hangga’t ikaw ay naniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay hinalinhan sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan sa pamamagitan ng pananampalataya. Ngunit sa yaong mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangang dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit na ni Jesus, sa halip ang tao ay wala na sa kasalanan, na siya ay pinatawad na sa kanyang mga kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan pa. mula sa "Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2)"

Kahit na ang tao ay natubos at napatawad sa kanyang mga kasalanan, ito ay itinuturing lamang bilang hindi pag-alala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga paglabag ng tao. Subali’t, kapag ang tao ay namumuhay sa laman at siya ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, walang-katapusang ibinubunyag ang tiwaling maka-satanas na disposisyon. Ito ang pamumuhay ng tao, isang walang-katapusang pag-ikot ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng mga tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog sa kasalanan ay magpakailanmang mabisa para sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagka’t ang tao ay mayroon pa ring tiwaling disposisyon. … Ito ang katiwalian ng tao; ito ay nananatiling mas malalim kaysa kasalanan, na itinanim ni Satanas at malalim na nag-ugat sa loob ng tao. Hindi madali para sa tao na mabatid ang kanyang mga kasalanan; hindi kayang kilalanin ng tao ang kanyang sariling kalikasang nag-ugat na nang malalim. Tanging sa pamamagitan ng paghatol ng salita makakamit ang gayong mga epekto. Sa gayon lamang maaaring unti-unting mababago ang tao mula sa puntong iyon. mula sa "Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)"

Ang makasalanang tulad mo, na natubos pa lang, at hindi nabago, at hindi ginawang perpekto ng Diyos, susundin mo ba kung ano ang nais ng Diyos? Para sa iyo, ikaw na siyang nananahan pa rin sa iyong dating sarili, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa kaligtasan ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka nagiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, ikaw ay puno ng karumihan, kasakiman at kasamaan, ngunit ninanais mo pa rin na bumaba kasama ni Jesus—napakapalad mo naman! Nagmintis ka sa isang hakbang sa iyong paniniwala sa Diyos: Ikaw ay natubos lang, ngunit hindi nabago. Upang ikaw ay makasunod sa ninanais ng Diyos, ang Diyos ang personal na gagawa ng pagbabago at paglilinis sa’yo; kung ikaw ay tinubos lang, hindi ka magkakaroon ng kakayahang magtamo ng kabanalan. Sa paraang ito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa mga biyaya ng Diyos, dahil nakalimutan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pag-perpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang tinubos, ay walang kakayahang direktang matamo ang pamana ng Diyos. mula sa "Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan"

Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya. Pagkatapos ng libu-libong taon ng katiwalian ni Satanas, ang tao ay mayroon na sa kanyang kalooban ng kalikasang lumalaban sa Diyos. Samakatuwid, nang ang tao ay natubos, walang iba ito kundi pagtubos, kung saan ang tao ay binili sa isang mataas na halaga, nguni’t ang nakakalasong kalikasan sa loob ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang nadungisan ay dapat na sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling sangkap na nasa loob niya, at makakaya niyang ganap na magbago at maging malinis. Tanging sa ganitong paraan maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng trono ng Diyos. mula sa "Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)"

Dapat mong malaman kung anong uri ng mga tao ang Aking nais; yaong mga hindi dalisay ay hindi pinapayagang makapasok tungo sa kaharian, yaong mga hindi dalisay ay hindi pinahihintulutang dungisan ang banal na lupain. Kahit na marami ka pang nagawa, at nakágáwâ sa loob ng maraming mga taon, sa katapusan kung ikaw pa rin ay kalunos-lunos na marumi—hindi katanggap-tanggap sa batas ng Langit na nais mong pumasok sa Aking kaharian! Mula sa pundasyon ng mundo hanggang ngayon, hindi kailanman Ako nag-alok ng madaling daan sa Aking kaharian para sa mga nanunuyo ng pabor sa Akin. Ito ay isang panlangit na alituntunin, at walang sinuman ang makababali nito! mula sa "Ang Tagumpay o Pagkabigo ay Depende sa Daan na Tinatahak ng Tao"

Magpatuloy sa Pagbabasa

Mas Marami Pang Magagandang Nilalaman

Nagbalik na ang Panginoon

Tingnan ang Pahina ng Tampok

Ang Pagkakatawang-tao (1)

Tingnan ang Pahina ng Tampok

Ang Pagkakatawang-tao (2)

Tingnan ang Pahina ng Tampok

Ang Tatlong Yugto ng Gawain

Tingnan ang Pahina ng Tampok

Sinasalubong ng Matatalinong Birhen ang Kasintahang Lalaki

Tingnan ang Pahina ng Tampok

Ang paghatol ay magsisimula sa tahanan ng Diyos

Tingnan ang Pahina ng Tampok

Pananampalataya sa Diyos

Tingnan ang Pahina ng Tampok

Pagtanggap sa Pagpapakita ng Panginoon

Tingnan ang Pahina ng Tampok

Ang Pagdadala sa Langit Bago ang Sakuna

Tingnan ang Pahina ng Tampok

Pagkaligtas laban sa Pagtatamo ng Ganap na Kaligtasan

Tingnan ang Pahina ng Tampok