Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Klasikong Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos Cristo ng mga Huling Araw

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

X Mga Klasikong Salita tungkol sa Realidad ng Katotohanan na Kailangang Pasukin ng mga Taong Hinirang ng Diyos

(V) Mga Klasikong Salita tungkol sa Kung Paano Maunawaan ang Gawain ng Banal na Espiritu at Matukoy ang Gawain ng Masasamang Espiritu

99. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay maaaring mahati sa tatlong bahagi: Ang sariling gawain ng Diyos, ang gawain ng mga taong ginagamit, at ang gawain sa lahat ng nasa daloy ng Banal na Espiritu. Sa tatlong ito, ang sariling gawain ng Diyos ay upang pangunahan ang buong kapanahunan; ang gawain ng mga taong ginagamit ay upang pangunahan ang lahat ng tagasunod ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapadala o pagtanggap ng mga atas pagkatapos ng sariling gawain ng Diyos, at ang mga taong ito ay ang mga nakikipagtutulungan sa gawain ng Diyos; ang gawaing ginagawa ng Banal na Espiritu sa mga nasa daloy ay upang panatilihin ang lahat ng Kanyang sariling gawain, iyan ay, panatilihin ang buong pamamahala at upang panatilihin ang Kanyang patotoo, habang ginagawang perpekto yaong maaaring gawing perpekto. Ang tatlong bahaging ito ay ang buong gawain ng Banal na Espiritu, nguni’t kung wala ang gawain ng Diyos Mismo, ang buong gawaing pamamahala ay hindi makakasulong.

mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

100. Ang gawaing nasa daloy ng Banal na Espiritu, kung ito man ay sariling gawain ng Diyos o ang gawain ng mga tao na ginagamit, ito ay gawain ng Banal na Espiritu. Ang sangkap ng Diyos Mismo ay ang Espiritu, na maaaring tawaging Banal na Espiritu o ang Espiritung pitong ulit na pinatindi. Kung anuman, Sila ay ang Espiritu ng Diyos. Kaya lamang ang Espiritu ng Diyos ay iba-iba ang tawag sa magkakaibang mga panahon. Nguni’t ang Kanilang sangkap ay iisa pa rin. Samakatuwid, ang gawain ng Diyos Mismo ay ang gawain ng Banal na Espiritu; ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay walang iba kundi ang Banal na Espiritu na nasa paggawa. Ang gawain ng mga tao na ginagamit ay gawain din ng Banal na Espiritu. Kaya lamang ang gawain ng Diyos ay ang ganap na pagpapahayag ng Banal na Espiritu, at wala iyong pagkakaiba, samantalang ang gawain ng mga tao ay may kahalong maraming mga bagay ng tao, at hindi ito ang tuwirang pagpapahayag ng Banal na Espiritu, lalong hindi ang ganap na pagpapahayag.

mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

101. Ang Banal na Espiritu ay hindi lamang gumagawa sa ilang mga tao na ginagamit ng Diyos, kundi lalong higit pa sa iglesia. Maaari Siyang gumawa sa kahit kanino. Maaari Siyang gumawa sa iyo para sa kasalukuyan, at kapag nararanasan mo na ito, maaari Siyang susunod na gumawa sa iba pa. Magmadali ka na sumunod; habang mas malapit mong sinusundan ang kasalukuyang liwanag, mas nakakagulang at nakakalago ang iyong buhay. Anumang uri siya ng tao, hangga’t ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa kanya, tiyakin mong sumunod ka. Kuhanin mo ang kanyang mga karanasan sa iyong sarili, at tatanggap ka ng mas mataas pang mga bagay. Sa paggawa ng ganoon ay uunlad ka nang mas mabilis. Ito ang landas ng pagpeperpekto para sa tao at isang paraan kung saan ang buhay ay lumalago.

mula sa “Yaong mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Matatamo ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

102. Lahat niyaong mga nasa loob ng agos ng Banal na Espiritu ay nagtataglay ng presensiya at disiplina ng Banal na Espiritu, at yaong mga wala sa loob ng agos ng Banal na Espiritu ay nasa ilalim ng pag-uutos ni Satanas, at wala ang anumang gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga tao na nasa agos ng Banal na Espiritu ay yaong mga tumatanggap sa bagong gawain ng Diyos, ang mga nakikipagtulungan sa bagong gawain ng Diyos. Kung yaong mga nasa loob ng agos na ito ay walang kakayahang makipagtulungan, at walang kakayahang isagawa ang katotohanan na kinakailangan ng Diyos sa panahong ito, kung gayon sila ay parurusahan, at ang pinakamalala ay tatalikuran ng Banal na Espiritu. Yaong mga tumatanggap sa bagong gawain ng Banal na Espiritu, ay mamumuhay sa loob ng agos ng Banal na Espiritu, tatanggapin ang pangangalaga at pag-iingat ng Banal na Espiritu. Yaong mga handang isagawa ang katotohanan ay nililiwanagan ng Banal na Espiritu, at yaong mga hindi handa na isagawa ang katotohanan ay dinidisiplina ng Banal na Espiritu, at maaari pang maparusahan. Hindi alintana kung anong uri ng tao sila, basta’t sila ay nasa loob ng agos ng Banal na Espiritu, panánagútán ng Diyos ang lahat ng mga tumatanggap sa bagong gawain Niya para sa kapakanan ng Kanyang pangalan. Ang mga lumuluwalhati sa Kanyang pangalan at handang isagawa ang mga salita Niya ay makakatanggap ng Kanyang mga pagpapala; ang mga hindi sumusunod sa Kanya at hindi nagsasagawa ng Kanyang mga salita ay makakatanggap ng Kanyang kaparusahan.

mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

103. Ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa iba’t ibang tao batay sa kanilang likas na sangkap, at hindi humihingi sa kanila nang lampas sa kanilang likas na sangkap, o gumagawa man Siya nang lampas sa kanilang totoong kakayahan. Kaya, ang gawain ng Banal na Espiritu sa tao ay nagpapahintulot sa mga tao na makita ang sangkap ng layon ng gawain. Ang likas na sangkap ng tao ay hindi nagbabago; ang aktuwal na kakayahan ng tao ay limitado. Kahit ginagamit ng Banal na Espiritu ang mga tao o gumagawa sa mga tao, ang gawain ay laging nakaayon sa mga hangganan ng kakayahan ng mga tao upang maaaring makinabang sila mula rito. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa mga taong ginagamit, ang kanilang mga kaloob at totoong kakayahan ay parehong gumaganap ng papel at hindi naisasantabi. Ang kanilang aktuwal na kakayahan ay laging ibinubuhos para maglingkod sa gawain. Masasabi na Siya ay gumagawa sa pamamagitan ng paggamit sa mga bagay na mayroon ang tao upang makamit ang mga bunga ng paggawa. Kaiba rito, ang gawain sa nagkatawang-taong laman ay para tuwirang ipahayag ang gawain ng Espiritu at hindi ito nahaluan ng isipan at mga iniisip ng tao, hindi naaabot ng mga kaloob ng tao, karanasan ng tao o ng likas na kalagayan ng tao.

mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

104. Kung paano man gumagawa ang Banal na Espiritu, kung Siya man ay gumagawa sa tao o sa Diyos na nagkatawang-tao, ito ay laging ang mga manggagawa na nagpapahayag kung ano sila. Kahit ang Banal na Espiritu ang gumagawa, ang gawain ay nakasalig sa kung ano ang kalikasan ng tao, sapagka’t ang Banal na Espiritu ay hindi gumagawa nang walang saligan. Sa ibang salita, ang gawain ay hindi ginagawa mula sa wala, sa halip ay laging nakaayon sa tunay na mga pangyayari at mga kalagayan. Ito lamang ang paraan upang ang disposisyon ng tao ay maaaring mabago, na ang kanyang dating mga paniwala at dating mga iniisip ay maaaring mabago.

mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

105. Kahit ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa maraming magkakaibang paraan at ayon sa maraming mga panuntunan, paano man ito ginagawa o sa kung anumang uri ng mga tao, ang sangkap ay laging naiiba, at ang gawain na ginagawa Niya sa iba’t ibang tao ay mayroong panuntunang lahat at lahat ay maaaring kumatawan sa sangkap ng layon ng gawain. Ito ay dahil sa ang gawain ng Banal na Espiritu ay talagang tiyak ang sakop at talagang sukát. Ang gawaing ginagawa sa nagkatawang-taong laman ay hindi katulad sa gawain na isinasagawa sa mga tao, at ang gawain ay nag-iiba rin batay sa iba’t ibang kakayahan ng mga tao. Ang gawaing ginagawa sa nagkatawang-taong laman ay hindi ginagawa sa mga tao, at sa nagkatawang-taong laman ay hindi Niya ginagawa ang katulad na gawain na ginagawa sa mga tao. Sa madaling salita, kahit paano Siya gumagawa, ang gawain sa iba’t ibang layon ay hindi kailanman magkatulad, at ang mga panuntunan na batayan Niya sa paggawa ay naiiba ayon sa katayuan at kalikasan ng iba’t ibang mga tao.

mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

106. Ang landas na dinadala ng Banal na Espiritu sa mga tao ay kunin muna ang kanilang mga puso mula sa lahat ng mga tao, mga pangyayari, at mga bagay, at patungo sa mga salita ng Diyos upang sa kanilang mga puso maniniwala silang lahat na ang mga salita ng Diyos ay lubos na walang pag-aalinlangan at ganap na totoo.

mula sa “Yaong Nagbago Ang Kanilang Disposisyon ay Yaong Mga Pumasok sa Realidad ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

107. Ang Diyos ay nakapagsalita nang marami, kaya dapat mong gawin ang iyong makakaya upang kumain at uminom sa Kanyang salita. Hindi mo namamalayan, darating ka sa pagkaunawa at liliwanagan ka ng Banal na Espiritu. Kapag nililiwanagan ng Banal na Espiritu ang tao, madalas itong lingid sa kaalaman ng tao. Nililiwanagan at ginagabayan ka Niya kapag ikaw ay nauuhaw at naghahanap. Ang panuntunan kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu ay nakapagitna sa salita ng Diyos kung saan ikaw ay kumakain at umiinom. Ang lahat nang hindi nagpapahalaga sa salita ng Diyos at palaging may iba pang pagtingin sa Kanyang salita, isa nang kawalang-ingat at ang paniniwala na walang pagkakaiba kung sila ay nagbabasa ng Kanyang salita, ay yaong walang katunayan. Ang alinman sa gawain ng Banal na Espiritu o pagliliwanag Niya ay hindi nakikita sa kanila.

mula sa “Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

108. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay isang anyo ng maagap na paggabay at positibong pagliliwanag. Hindi nito pinahihintulutan ang tao na maging walang kibo. Sila ay dinadalhan nito ng kaaliwan, binibigyan sila ng pananampalataya at katatagan at nagagawa nito na maghangad silang maging ginagawang perpekto ng Diyos. Kapag gumagawa ang Banal na Espiritu, nagagawa ng mga tao na aktibong pumasok; hindi sila walang kibo o pinipilit, ngunit mga maaagap. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa, ang mga tao ay nagagalak at handa, at sila ay nakahandang sumunod, at masayang magpakumbaba ng kanilang mga sarili, at bagamat sila ay nasasaktan at marupok sa loob, mayroon silang katatagan na makipagtulungan, nagtitiis silang may kagalakan, nagagawa nilang sumunod, at sila ay walang bahid ng kalooban ng tao, walang bahid ng pag-iisip ng tao, at tiyak na walang bahid ng mga pagnanasa at mga pagbubuyo ng tao. Kapag nararanasan ng mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu, sila ay lalo pang banal sa loob. Isinasabuhay niyaong mga nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu ang pag-ibig ng Diyos, ang pag-ibig ng kanilang mga kapatid, at nagagalak sa mga bagay na ikinagagalak ng Diyos, at kinasusuklaman ang mga bagay na kinasusuklaman ng Diyos. Ang mga tao na inaantig ng gawain ng Banal na Espiritu ay mayroong normal na pagkatao, at sila ay nagtataglay ng pagkatao at palaging hinahangad ang katotohanan. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa loob ng mga tao, ang kanilang mga kalagayan ay painam nang painam, at ang kanilang pagkatao ay lalong mas nagiging normal, at bagamat ang ilan sa kanilang pakikipagtulungan ay maaari mang maging hangal, ang kanilang mga pagganyak ay tama, ang kanilang pagpasok ay positibo, hindi nila tinatangkang makagambala, at walang masamang pag-iisip sa loob nila.

mula sa “Ang Gawain ng Banal na Espiritu at Ang Gawain ni Satanas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

109. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa upang liwanagan ang mga tao, karaniwan nang binibigyan Niya sila ng isang kaalaman sa gawain ng Diyos, at ng kanilang tunay na pagpasok at tunay na kalagayan, at binibigyan din Niya sila ng paninindigan, pinahihintulutan silang maintindihan ang masugid na layunin ng Diyos at ang Kanyang mga kinakailangan para sa tao sa kasalukuyan, binibigyan Niya sila ng paninindigan upang maging bukas sa bawat paraan. Maging kapag ang mga tao ay sasailalaim sa pagdanak ng dugo at sakripisyo dapat silang kumilos para sa Diyos, at maging kapag nakasasagupa sila ng pag-uusig at kahirapan, kailangan pa rin nilang ibigin ang Diyos, at huwag magkaroon ng mga pagsisisi, at kailangang maging patotoo para sa Diyos. Ang gayong paninindigan ay ang mga pagpapakilos ng Banal na Espiritu, at ang gawain ng Banal na Espiritu—ngunit alam mong hindi ka magmamay-ari ng gayong mga pagpapakilos sa bawat pagdaan ng sandali. Kung minsan sa mga pagtitipon nararamdaman mo na lubhang nakilos at kinasihan at nagbibigay ka ng matinding pagpupuri at ikaw ay sumasayaw. Nadarama mo na mayroon kang nakakagulat na pagkaunawa sa kung ano ang pinagsasamahan ng iba, bagung-bago ang iyong nararamdaman sa loob, at ang iyong puso ay lubos na malinaw nang walang anumang pakiramdam ng kahungkagan—ang lahat ng ito ay tumutukoy sa gawain ng Banal na Espiritu. Kung ikaw ay isang tao na nangunguna, at binigyan ka ng Banal na Espiritu ng di-karaniwang pagliliwanag at pagpapalinaw kapag ikaw ay nagpupunta sa simbahan upang gumawa, gagawin kang sobrang masigasig, responsable at seryoso sa iyong paggawa, ito ay tumutukoy sa gawain ng Banal na Espiritu.

mula sa “Pagsasagawa (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

110. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay talagang normal, at habang Siya ay gumagawa sa mga tao mayroon pa rin silang mga kaligaligan, lumuluha pa rin sila, nagdurusa pa rin sila, mahihina pa rin sila, at marami pa rin ang hindi malinaw sa kanila, ngunit sa gayong kalagayan nagagawa pa rin nilang pigilan ang kanilang mga sarili na dumausdos pabalik, at maaaring ibigin ang Diyos, at bagamat lumuluha sila at nababalisa sa loob, nagagawa pa rin nilang purihin ang Diyos; ang gawain ng Banal na Espiritu ay talagang normal, at kahit katiting ay hindi higit sa karaniwan. Pinaniniwalaan iyon ng karamihan sa mga tao, sa sandaling magsimulang gumawa ang Banal na Espiritu, ang mga pagbabago ay nangyayari sa kalagayan ng mga tao at ang mahalagang mga bagay ukol sa kanila ay tinatanggal. Ang gayong mga paniniwala ay mapanlinlang. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa loob ng tao, ang pasibong mga bagay ng tao ay naroroon pa rin at ang kanyang tayog ay nananatiling gaya nang dati, ngunit taglay niya ang pagpapailaw at pagliliwanag ng Banal na Espiritu, ang kanyang kalagayan ay mas maagap, ang mga kalagayan sa loob niya ay normal, at nagbabago siya nang mabilis.

mula sa “Ang Gawain ng Banal na Espiritu at Ang Gawain ni Satanas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

111. Kapag nililiwanagan ng Banal na Espiritu ang tao upang maunawaan ang katotohanan, ito ay madalas na sa isang malinaw at natatanging paraan, na walang konteksto. Iyon ay, hindi Niya isinasama ang mga paghihirap ng tao sa pagbubunyag na ito, at sa halip direktang ibinubunyag ang katotohanan. Kapag ang tao ay nakatagpo ng mga paghihirap sa pagpasok, saka isinasama ng tao ang pagliliwanag ng Banal na Espiritu, at ito ang nagiging aktwal na karanasan ng tao.

mula sa “Gawain at Pagpasok (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

112. Lahat ng mga gawa ng Banal na Espiritu ay karaniwan, at tunay. Kapag binabasa mo ang mga salita ng Diyos at nananalangin, sa kalooban mo ikaw ay maningning at matatag, ang mundong panlabas ay di-maaaring makialam sa iyo, sa loob mo handa mong mahalin ang Diyos, handa kang sumangkap sa mga positibong bagay, at kinamumuhian mo ang masamang mundo; ito ay pamumuhay sa loob ng Diyos, at hindi tulad nang sinasabi ng mga tao, na masyadong nagtatamasa—ang ganoong pananalita ay hindi tunay.

mula sa “Paano Malalaman ang Realidad” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

113. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay tungkol lahat sa pagbibigay-kakayahan sa mga tao na makakuha ng mga pakinabang; ito ay tungkol lahat sa pagtatayo sa mga tao; walang gawain na hindi nagiging kapaki-pakinabang sa mga tao. Kahit ang katotohanan ay malalim o mababaw, at kahit ano ang kakayahan ng mga tumatanggap sa katotohanan, anuman ang ginagawa ng Banal na Espiritu, ito ay kapaki-pakinabang lahat sa mga tao.

mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

114. Anong mga epekto ang natatamo ng gawain ng Banal na Espiritu? Maaari kang maging hangal, at walang magiging pagkakaiba sa loob mo, ngunit kailangan lamang gumawa ang Banal na Espiritu para magkaroon ng pananampalataya sa iyo, para palagi mong madama na hindi mo maaaring ibigin nang sapat ang Diyos, para maging handa kang makipagtulungan, upang maging handang makipagtulungan gaano man katindi ang mga kahirapan na darating. Ang mga bagay ay mangyayari sa iyo at hindi magiging malinaw sa iyo kung ang mga ito ay galing sa Diyos o mula kay Satanas, ngunit magagawa mong maghintay, at hindi ka magiging walang kibo o walang-ingat. Ito ang normal na gawain ng Banal na Espiritu. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa loob nila, nakasasagupa pa rin ang mga tao ng totoong mga kahirapan, may mga pagkakataon na lumuluha sila, at may mga pagkakataon na mayroong mga bagay na hindi nila napagtatagumpayan, ngunit lahat ng ito ay isang yugto ng karaniwang gawain ng Banal na Espiritu. Bagamat hindi nila mapagtagumpayan ang mga bagay na ito, at bagamat, sa panahong iyon, sila ay mahihina at nagsisipagreklamo, nagagawa pa rin nila pagkatapos ang ibigin ang Diyos nang may lubos na pananampalataya. Hindi sila maaring pigilan ng kanilang pagiging walang kibo, at hindi alintana kung ano man ang sasabihin ng mga ibang tao, at kung paano nila sila inaatake, nagagawa pa rin nilang ibigin ang Diyos. Sa panahon ng pananalangin, palagi nilang nadadama na dati silang may pagkakautang sa Diyos, at sila ay nagpapasya na mapalugod ang Diyos at tinatalikuran ang laman kapag sila ay muling nakasasagupa ng gayong mga bagay. Ipinakikita ng lakas na ito na naroroon ang gawain ng Banal na Espiritu sa loob nila, at ito ang normal na kalagayan ng gawain ng Banal na Espiritu.

mula sa “Ang Gawain ng Banal na Espiritu at Ang Gawain ni Satanas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

115. Ang mga bagay na nagmumula sa Diyos ay sanhi para lalo kang maliwanagan tungkol sa mga pananaw, at ang mga ito ay sanhi para lalo kang mas mapalapit sa Diyos, tapat na nagbabahagi ng pagmamahal sa iyong mga kapatid; nakakaya mong magpakita ng pagsasaalang-alang sa pasanin ng Diyos, at hindi huhupa ang puso mong nagmamahal sa Diyos; mayroong daan sa hinaharap na iyong tatahakin.

mula sa “Kabanata 22” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

116. Yaong nagmumula sa pagliliwanag ng Banal na Espiritu ay hindi ipinilit sa iyo, ngunit talagang likas. Kung susundin mo ito, tataglayin mo ang katotohanan, at kung hindi, pagkatapos saka magkakaroon ng pagdusta. Kung ito ang pagliliwanag ng Banal na Espiritu, kung gayon walang anuman sa ginagawa mo ang mapanghihimasukan o mapipigilan, ikaw ay mapalalaya, magkakaroon ng isang landas na isasagawa sa iyong mga pagkilos, at hindi ka sasailalim sa anumang mga pagbabawal, at magagawang kumilos sa ibabaw ng kalooban ng Diyos.

mula sa “Ang Gawain ng Banal na Espiritu at Ang Gawain ni Satanas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

117. Kung ito ay ang gawain ng Banal na Espiritu, ang tao ay nagiging lalong higit na normal, at ang kanyang pagkato ay nagiging lalong higit na normal. Ang tao ay may dumaraming kaalaman sa kanyang disposisyon, na ginawang masama ni Satanas, at ng kakanyahan ng tao, at mayroon siyang higit na pananabik sa katotohanan. Na ang ibig sabihin, ang buhay ng tao ay lumalago nang lumalago, at ang masamang disposisyon ng tao ay nakakayanan ang parami nang paraming mga pagbabago—kung saan ang lahat ng ito ay ang kahulugan ng ang Diyos ay nagiging ang buhay ng tao.

mula sa “Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at ang Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

118. Sa ngayon, may isang bahagi ng mga tao na ang mga kondisyon ay paganda nang paganda. Habang lalong gumagawa ang Banal na Espiritu lalong mas nadaragdagan ang kanilang pagtitiwala, at habang nadaragdagan ang kanilang karanasan lalo nilang mas nararamdaman ang malalim na misteryo ng gawain ng Diyos. Habang sila ay nakapapasok nang husto, lalo nilang mas nauunawaan. Nararamdaman nila na ang pag-ibig ng Diyos ay napakadakila, at nakadarama sila ng kapanatagan at niliwanagan sa loob. Sila ay mayroong isang pagkaunawa sa gawain ng Diyos. Ang mga ito ay ang mga tao kung kanino gumagawa ang Banal na Espiritu.

mula sa “Kailangan Mong Mapanatili ang Iyong Katapatan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

119. Kung magtutuon ka ng pansin sa pamumuhay sa mga salita ng Diyos at higit pang ipakikisama ang tungkol sa katotohanan upang matamo ang pagliliwanag at paglilinaw ng Banal na Espiritu, kung gayon itong mga relihiyosong pagkaintindi, katuwirang pansarili at pagpapahalagang pansarili ay maglalahong lahat, at sa gayon ay malalaman mo kung paano gumugol para sa Diyos, malalaman kung paano iibigin ang Diyos, at kung paano mapalulugod ang Diyos. Yaong mga bagay sa labas ng Diyos ay saka makalilimutan nang hindi namamalayan.

mula sa “Tungkol sa Pagpapatahimik sa Iyong Puso sa Harap ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

120. Kapag, sa pang-araw-araw na buhay, hindi kinakalaban ng mga tao ang Diyos, o naghihimagsik laban sa Diyos, hindi gumagawa ng mga bagay na kaiba sa pamamahala ng Diyos, at hindi nanghihimasok sa gawain ng Diyos, sa bawat isa sa kanila ang Espiritu ng Diyos ay gumagawa sa mas malaki o mas maliit na saklaw, at inaantig sila, nililiwanagan sila, binibigyan sila ng pananampalataya, binibigyan sila ng lakas, at pinakikilos sila upang pumasok sa mas aktibong paraan, hindi sa pagiging tamad o pag-iimbot sa mga kasiyahan ng laman, nakahandang isagawa ang katotohanan, at nananabik para sa mga salita ng Diyos—lahat ng ito ay gawain na nagmumula sa Banal na Espiritu.

mula sa “Ang Gawain ng Banal na Espiritu at Ang Gawain ni Satanas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

121. Kapag ang mga kalagayan ng mga tao ay normal, ang kanilang mga espirituwal na buhay sa laman ay normal, at ang kanilang katuwiran ay normal at maayos; sa pangkalahatan ang kanilang nararanasan at nararating sa pagkaalam sa gitna ng kanilang mga sarili sa panahong iyon ay maaaring sabihin na nagmumula sa pagiging inantig ng Banal na Espiritu (sa pagkakaroon ng mga pananaw o pagtataglay ng mababaw na kaalaman kapag kinakain at iniinom mo ang mga salita ng Diyos, o pagiging tapat kapag ang mga bagay ay nangyayari sa iyo, o sa pagkakaroon ng lakas upang ibigin ang Diyos kapag nangyayari ang mga bagay—ang lahat ng mga ito ay ukol sa Banal na Espiritu). Ang gawain ng Banal na Espiritu sa tao ay talagang normal; ang tao ay walang kakayahan na madama ito, at tila sa pamamagitan ng tao mismo—ngunit ang katunayan ito ay ang gawain ng Banal na Espiritu.

mula sa “Ang Gawain ng Banal na Espiritu at Ang Gawain ni Satanas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

122. Ang Banal na Espiritu ay nagbibigay sa mga tao ng isang pakiramdam. Pagkatapos basahin ang salita ng Diyos, sa kanilang mga puso sila ay matatag, at mapayapa, habang yaong mga hindi nakamtan ang mga salita ng Diyos ay nadarama ang kahungkagan. Ganyan ang kapangyarihan ng salita ng Diyos—kailangang basahin ang mga iyon ng mga tao, matapos nilang basahin ang mga iyon sila ay nabubusog, at hindi sila maaari nang wala ang mga iyon. Ito ay tulad ng kapag ang mga tao ay lumalanghap ng opyo: Ito ay nagbibigay sa kanila ng lakas, at kung wala ito sila ay nakakaramdam na desperado, at walang lakas. Ganoon ang nagiging ugali ng mga tao ngayon.

mula sa “Nakarating na ang Milenyong Kaharian” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

123. Ang Banal na Espiritu ay mayroong isang landas na lalakaran sa bawat tao, at nagbibigay sa bawat tao ng mga pagkakataon na maging perpekto. Sa pamamagitan ng iyong pagiging negatibo nagagawa mong malaman ang iyong sariling katiwalian, at sa gayon sa pamamagitan nang pagtapon sa pagiging negatibo makasusumpong ka ng landas sa pagsasagawa, at ito ang pagka-perpekto sa iyo. Karagdagan pa, sa pamamagitan ng patuloy na paggabay at pagbibigay-liwanag ng ilang positibong mga bagay sa loob mo, aktibo mong matutupad ang iyong tungkulin at susulong sa kabatiran at magtatamo ng pagkakilala. Kapag ang iyong mga kalagayan ay mabuti, ikaw ay espesyal na nahahandang basahin ang salita ng Diyos, at espesyal na nahahandang manalangin sa Diyos, at maaaring iugnay mo ang mga sermon na iyong naririnig sa iyong sariling mga kalagayan. Sa gayong mga panahong pinagliliwanag at iniilawan ka ng Diyos sa loob mo, ipinaiisip sa iyo ang ilang mga bagay ng positibong aspeto. Ito ang pagka-perpekto sa iyo sa positibong aspeto. Sa mga negatibong estado, ikaw ay mahina at negatibo, at nararamdaman na hindi mo taglay ang Diyos, ngunit binibigyang-liwanag ka ng Diyos, tinutulungan ka na makahanap ng isang landas na isasagawa. Lalabas dito ang pagtatamo ng pagka-perpekto sa negatibong aspeto.

mula sa “Tanging Yaong Mga Nagtutuon ng Pansin sa Pagsasagawa Ang Maaaring Gawing Perpekto” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

124. Ang mga tao na inantig ng Diyos sa loob ay inspirado kapag naririnig nila ang pakikipag-isa ng iba; kung ang puso ng isang tao ay nananatiling ganap na hindi naantig kapag nakakarinig sila ng nakakasiglang mga salita, kung gayon nagpapatunay ito na ang gawain ng Banal na Espiritu ay wala sa loob nila. Walang kasabikan sa loob nila, na nagpapatunay na wala silang taglay na katatagan, at kaya sila ay walang gawain ng Banal na Espiritu. Kung ang isang tao ay inantig ng Diyos, magkakaroon siya ng reaksyon kapag naririnig niya ang mga salita ng Diyos; kung hindi siya inantig ng Diyos, kung gayon ay hindi siya nakibahagi sa mga salita ng Diyos, ang mga ito ay walang kaugnayan sa kanya, at wala siyang kakayahan na liwanagan. Yaong mga nakarinig ng mga salita ng Diyos at hindi nagkaroon ng reaksyon ay mga tao na hindi naantig ng Diyos—sila ay mga tao na walang gawain ang Banal na Espiritu. Lahat ng mga iyon na nagagawang tanggapin ang bagong liwanag ay inantig, at tinaglay ang gawain ng Banal na Espiritu.

mula sa “Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Mga Yapak ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

125. Mapananatili lamang ang pagkakaroon ng presensiya ng Banal na Espiritu ang normal na pag-iral ng mga tao, subalit ang Banal na Espiritu ay gumagawa lamang sa mga tiyak na panahon. Halimbawa, kung ikaw ay isa sa yaong mga gumagawa para sa Diyos, kapag ikaw ay nagpupunta sa mga iglesia nililiwanagan ka ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng ilang mga salita, at ito ay ang siyang paggawa ng Banal na Espiritu. Kung minsan ikaw ay nagbabasa at nililiwanagan ka ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng ilang mga salita, at matatagpuan mo ang iyong sarili na lalong nagawang itaas ang mga ito laban sa iyong sariling mga karanasan, nagbibigay sa iyo ng isang lalong dakilang kaalaman ng iyong sariling kalagayan; ikaw ay niliwanagan, at ito ay gawain din ng Banal na Espiritu. Paminsan-minsan, habang Ako ay nagsasalita kayo ay nakikinig sa ibaba, nasusukat ninyo ang Aking mga salita laban sa inyong sariling mga kalagayan, minsan kayo ay naaantig o nabibigyang-inspirasyon, at ito ang gawain ng Banal na Espiritu.

mula sa “Pagsasagawa (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

126. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay normal at totoo, ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa tao alinsunod sa mga patakaran ng normal na buhay ng tao, at nililiwanagan Niya at ginagabayan sa tao alinsunod sa totoong paghahangad ng normal na mga tao. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa mga tao, ginagabayan Niya sila at nililiwanagan alinsunod sa mga pangangailangan ng normal na mga tao, naglalaan Siya para sa kanila batay sa kanilang mga pangangailangan, at positibo Niyang ginagabayan at nililiwanagan sila batay sa kung ano ang wala sa kanila, at sa kanilang mga kakulangan; kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa, ang gawaing ito ay naaayon sa mga patakaran ng normal na buhay ng tao, at sa totoong buhay lamang nagagawang makita ng mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu. Kung, sa kanilang pang-araw-araw na mga buhay, ang mga tao sa isang positibong kalagayan at mayroong isang normal na espirituwal na buhay, kung gayon tinataglay nila ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa gayong kalagayan, kapag kinakain nila at iniinom ang mga salita ng Diyos mayroon silang pananampalataya, kapag sila ay nananalangin sila ay inspirado, kapag mayroong isang bagay na nangyayari sa kanila sila ay hindi nagsasawalang-kibo, at habang nangyayari ito sa kanila nagagawa nilang makita ang mga aral na hinihiling sa kanila ng Diyos na matutunan, at sila ay hindi pasibo o mahina, at bagamat mayroon silang totoong mga kahirapan, nakahanda silang sundin ang lahat ng mga pagsasaayos ng Diyos.

mula sa “Ang Gawain ng Banal na Espiritu at Ang Gawain ni Satanas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

128. Ang Diyos ay talagang gumagawa ng napakaraming gawain sa tao, kung minsan sinusubok sila, kung minsan ay lumilikha ng mga kapaligiran upang timplahan sila, at kung minsan ay nagsasabi ng mga salita upang gabayan sila at baguhin ang kanilang mga pagkukulang. Paminsan-minsan inaakay ng Banal na Espiritu ang mga tao sa mga kapaligiran na inihanda ng Diyos para sa kanila upang di-namamalayang matuklasan ang maraming mga bagay na kulang sila. Sa pamamagitan ng kung ano ang sinasabi at ginagawa ng mga tao, ang paraan na tinatrato ng mga tao ang iba at nakikitungo sa mga bagay, nang hindi nila nalalaman, liliwanagan sila ng Banal na Espiritu upang maunawaan ang maraming mga bagay na hindi nauunawaan noong una, tinutulutan silang maunawaan ang maraming mga bagay o mga tao nang mas lubusan, tinutulutan silang makakita ng maraming mga bagay kung saan sila ay dating walang kamalayan.

mula sa “Tungkol sa Karanasan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

130. May mga pagkakakataon na binibigyan ka Niya ng isang tiyak na uri ng damdamin—naiwawala mo ang iyong panloob na kagalakan, naiwawala mo ang presensiya ng Diyos, at nasa kadiliman ka. Isang uri ito ng pagpipino. Tuwing may ginagawa ka nauuwi ito sa di-maayos o napipigil ka ng isang balakid. Disiplina ito ng Diyos. Maaaring gumagawa ka ng isang bagay at walang nararamdamang anumang damdamin para dito, at hindi rin nalalaman ng iba, nguni’t alam ng Diyos. Hindi ka Niya pakakawalan, at didisiplinahin ka Niya. Napaka-detalyado ng gawain ng Banal na Espiritu. Buong ingat Niyang pinagmamasdan ang bawa’t salita at pagkilos ng mga tao, ang kanilang bawa’t kilos at galaw, at ang kanilang bawa’t kaisipan at ideya upang makamtan ng mga tao ang panloob na kamalayan sa mga bagay na ito. Minsan mong ginagawa ang isang bagay at nauuwi ito sa di-maayos, muli mong ginagawa at nauuwi pa rin sa di-maayos, at unti-unti mong maiintindihan ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa maraming mga beses ng pagdidisiplina, malalaman mo kung ano ang gagawin upang umayon sa kalooban ng Diyos at kung ano ang hindi naaayon sa Kanyang kalooban. Sa katapusan, magkakaroon ka ng wastong mga pagtugon sa paggabay ng Banal na Espiritu sa loob mo.

mula sa “Yaong Mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

131. Mayroong isang kondisyon para sa gawain ng Banal na Espiritu sa loob ng mga tao. Hangga’t sila ay nananabik na maghangad at hindi hati ang puso o nag-aalinlangan tungkol sa mga pagkilos ng Diyos, at napagtitibay nila ang kanilang tungkulin sa lahat ng oras, sa ganitong paraan lamang nila makakamit ang gawain ng Banal na Espiritu.

mula sa “Kailangan Mong Mapanatili ang Iyong Katapatan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

133. Kung ang iyong puso ay maibubuhos sa Diyos at mananatiling payapa sa harap ng Diyos, kung gayon magkakaroon ka ng pagkakataon at ng mga kwalipikasyon upang kasangkapanin ng Banal na Espiritu, upang tanggapin ang pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu, at lalo pang, makakamtam mo ang pagkakataon para sa Banal na Espiritu na makabawi para sa iyong mga pagkukulang. Kapag ibinigay mo ang iyong puso sa Diyos, mas lalo kang makapapasok nang maigi sa positibong aspeto at mapupunta sa pinakamataas na uri ng pananaw; sa negatibong aspeto, magkakaroon ka ng mas maraming pagkaunawa ukol sa iyong sariling mga pagkakamali at mga pagkukulang, magiging mas masigasig ka na hangaring mapalugod ang kalooban ng Diyos, at hindi ka magiging walang kibo, at aktibong makapapasok. Nangangahulugan ito na ikaw ay magiging isang tamang tao.

mula sa “Ang Pagtatatag ng Isang Wastong Kaugnayan sa Diyos ay Napakahalaga” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

134. Ang Banal na Espiritu ay gumagawa batay sa prinsipyong ito: Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga tao, sa pamamagitan nila na aktibong nananalangin, naghahanap at mas napapalápít sa Diyos, ang mga bunga ay nakakamtan, at sila’y naliliwanagan at naiilawan ng Banal na Espiritu. Hindi ito ang katayuan na kumikilos nang isang-panig lamang ang Banal na Espiritu, o na ang tao ay kumikilos nang isang-panig lamang. Kapwa sila hindi maaaring mawala, at mas nakikipagtulungan ang mga tao, at mas hinahabol nila ang pag-abot sa mga pamantayan ng mga hinihingi ng Diyos, mas malaki ang gawa ng Banal na Espiritu. Tanging ang totoong pakikipagtulungan ng mga tao, dagdag pa sa gawa ng Banal na Espiritu, ang maaaring magbunga ng tunay na mga karanasan at ng makabuluhang kaalaman sa mga salita ng Diyos. Unti-unti, sa pamamagitan ng pagdanas sa ganitong paraan, isang perpektong tao ang sa kahuli-hulihan ay naibubunga.

mula sa “Paano Malalaman ang Realidad” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

136. Talagang sumusulong ngayon ang panahon. Gumagamit ng maraming ibat ibang paraan ang Banal na Espiritu para akayin tayo tungo sa mga salita ng Diyos. Dapat masangkapan ng buong katotohanan, mapabanal, magkaroon ng tunay na pagkamalapit at ugnayan sa Akin; hindi pinapayagan ng anumang dako para makapamili. Walang emosyon ang gawain ng Banal na Espiritu at walang pagpapahalaga kung anong uri ng tao ka. Hanggat nahahanda kang maghanap at sumunod—hindi magdadahilan, hindi makipagtalo sa mga sarili mong kapakinabangan at mga kawalan pero maghanap na may gutom at uhaw sa pagkamakatuwiran, kung gayon liliwanagan kita. Walang kinalaman kung gaano kahangal at kamangmang ka, hindi Ko nakikita ang gayong mga bagay. Tinitingnan Ko para makita gaano kasipag kang gumawa sa positibong aspeto. Kung pinanghahawakan mo pa rin ang pagkaintindi ng sarili, nagpapaikot-ikot sa iyong sariling munting mundo, kung gayon iniisip Ko na nasa panganib ka….

mula sa “Kabanata 14” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

137. Ang Diyos ay gumagawa sa kanila na naghahangad at pinahahalagahan ang salita ng Diyos. Habang lalo mong pinahahalagahan ang salita ng Diyos, lalong mas gagawa sa iyo ang Espiritu ng Diyos. Habang lalong pinahahalagahan ng isang tao ang salita ng Diyos, lalong mas lalaki ang kanyang pag-asa na gagawing perpekto ng Diyos. Ginagawang perpekto ng Diyos yaong tunay na umiibig sa Kanya. Ginagawa Niyang perpekto yaong ang mga puso ay panatag sa harapan Niya. Kung pinahahalagahan mo ang lahat ng gawain ng Diyos, kung pinahahalagahan mo ang pagliliwanag ng Diyos, kung pinahahalagahan mo ang presensiya ng Diyos, kung pinahahalagahan mo ang pagmamalasakit at pagpapanatili ng Diyos, kung pinahahalagahan mo kung paanong ang salita ng Diyos ay naging iyong katotohanan at panustos sa buhay, higit mong hinahangad ang puso ng Diyos. Kung pinahahalagahan mo ang gawain ng Diyos, kung pinahahalagahan mo ang lahat ng gawain na ginawa ng Diyos sa gitna mo, pagpapalain ka ng Diyos at itutulot na ang lahat ng sa iyo ay dumami.

mula sa “Ginagawang Perpekto ng Diyos Yaong Mga Naghahangad sa Kanyang Puso” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

138. Yaong mga umiibig sa Diyos ay lahat ng mga tao na naghahangad ng buhay, iyon ay, mga taong naghahangad sa katotohanan at mga tao na tunay na ninanais ang Diyos; taglay nilang lahat ang pagliliwanag ng Banal na Espiritu at pag-antig Niya. Nagagawa nilang lahat na magabayan ng Diyos.

mula sa “Ang Tunay na Pag-ibig sa Diyos ay Kusa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

139. Mayroong ilang masasamang espiritu sa kasalukuyan na gumagawa sa pamamagitan ng mga bagay na higit-sa-karaniwan upang linlangin ang tao; yaon ay walang iba kundi panggagaya lamang sa kanilang bahagi, upang linlangin ang tao sa pamamagitan ng gawain na hindi ginagawa sa kasalukuyan ng Banal na Espiritu. Maraming masasamang espiritu ang gumagaya sa paggawa ng mga himala at paglunas ng karamdaman; ang mga ito ay walang iba kundi gawain ng masasamang espiritu, sapagka’t ang Banal na Espiritu ay hindi na gumagawa ng gayong gawain sa kasalukuyan. Lahat niyaong pagkatapos ay gumagaya sa gawain ng Banal na Espiritu—sila ay masasamang espiritu. Lahat ng gawaing ipinatupad sa Israel sa panahong iyon ay yaong di-pangkaraniwan. Gayunman, ang Banal na Espiritu ay hindi na gumagawa sa ngayon sa gayong paraan, at anumang gayong gawain na sumusunod ay kagagawan at panggugulo ni Satanas at ng masasamang espiritu. Ngunit hindi mo masasabi na lahat ng di-pangkaraniwan ay kagagawan ng masasamang espiritu. Ito ay nakabatay sa kapanahunan ng gawain ng Diyos.

mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

140. Kung, sa kasalukuyan, mayroong isang tao na darating na kayang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, at kayang palayasin ang mga demonyo, at magpagaling, at magpakita ng maraming milagro, at kung ang taong ito ay nagsasabing sila si Jesus na dumating, kung gayon ay ito ang huwad na masasamang espiritu, at ang kanilang paggaya kay Jesus. Tandaan ito! Hindi inuulit ng Diyos ang parehong gawain. Nakumpleto na ang yugto ng gawain ni Jesus, at ang Diyos ay hindi na kailanman magsasagawa ng yugtong iyon ng gawain. … Kung, nitong mga huling araw, ang Diyos ay nagpapakita pa rin ng mga tanda at kababalaghan, at nagpapalayas pa rin ng mga demonyo at nagpapagaling—kung ginawa Niya nang eksakto ang ginawa ni Jesus—kung gayon, uulitin ng Diyos ang parehong gawain, at ang gawain ni Jesus ay walang magiging kabuluhan o silbi. Kaya, isinasagawa ng Diyos ang isang yugto ng gawain sa bawa’t panahon. Kapag ang isang yugto ng Kanyang gawain ay nakumpleto na, ito ay agad na ginagaya ng mga masasamang espiritu, at matapos simulan ni Satanas na sundan ang yapak ng Diyos, ang Diyos ay nagpapalit ng pamamaraan; kapag nakumpleto na ng Diyos ang isang yugto ng Kanyang gawain, ito ay ginagaya ng mga masasamang espiritu. Kailangan ninyong maging malinaw tungkol sa mga bagay na ito.

mula sa “Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

141. May ilang sinasaniban ng masasamang espiritu at paulit-ulit na sumisigaw ng, “Ako ay Diyos!” Nguni’t sa katapusan, hindi nila kayang manatiling nakatayo, sapagka’t kumikilos sila sa ngalan ng maling persona. Kinakatawan nila si Satanas at hindi sila binibigyang-pansin ng Banal na Espiritu. Gaano man kataas ang pagpapahalaga mo sa iyong sarili o gaano ka man kalakas sumigaw, ikaw ay isang nilalang pa rin at isa na nabibilang kay Satanas.

mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

142. Kung sinasabi mo na ang Banal na Espiritu ay palaging gumagawa sa loob mo, na ikaw ay nililiwanagan ng Diyos at inaantig ng Banal na Espiritu sa bawat sandali, at magkakamit ng bagong kaalaman sa lahat ng pagkakataon, kung gayon ito ay hindi normal. Ito ay lubos na higit sa karaniwan! Nang wala ni kakatiting na pag-aalinlangan, ang gayong mga tao ay mga masasamang espiritu! Kahit kapag ang Espiritu ng Diyos ay dumarating sa laman, may mga pagkakataon na kailangan Niyang magpahinga, at kailangang kumain—upang huwag sabihing wala ka. Yaong mga inalihan ng mga masasamang espiritu ay parang walang kahinaan ng laman. Nagagawa nilang pabayaan at isuko ang lahat ng bagay, sila ay walang kinikilingan, may kakayahang matiis ang pagdurusa, hindi sila nakadadama ni kakatiting na pagod, na parang napangibabawan nila ang laman.Hindi ba ito lubos na hindi karaniwan? Ang gawain ng masamang espiritu ay hindi karaniwan, at ang mga bagay na ito ay hindi maaaring makamit ng tao. Yaong mga hindi nakakakita sa pagkakaiba ay naiinggit kapag nakikita nila ang gayong mga tao, at sinasabi na ang kanilang paniniwala sa Diyos ay napakalakas at napakabuti at na sila ay hindi kailanman mahina. Sa katunayan, ito ang pagpapamalas ng gawa ng masamang espiritu.

mula sa “Pagsasagawa (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

143. Sa Aking plano, si Satanas ay laging nakasunod sa bawat hakbang, at, bilang kalaban ng Aking karunungan, ay laging sumusubok maghanap ng mga daan at paraan upang masira ang Aking orihinal na plano.

mula sa “Kabanata 8” ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

144. Ang mga pagpapamalas ng malaking pulang dragon ay paglaban sa Akin, kawalan ng pagkaunawa at pag-abot sa mga kahulugan ng Aking mga salita, madalas na pang-uusig sa Akin, at paghahanap na gumamit ng mga pakánâ para gambalain ang Aking pamamahala. Si Satanas ay ipinamamalas sa sumusunod: pakikipagtunggali sa Akin para sa kapangyarihan, pagnanais na angkinin ang Aking mga tao, at paglalabas ng mga negatibong salita para linlangin ang Aking mga tao. … Ang malaking (“great”) pulang dragon na Aking sinasabi ay hindi ang malaking (“big”) pulang dragon; bagkus ito ay ang masamang espiritu na kalaban Ko, kung saan ang “malaking pulang dragon” ay isang kasing-kahulugang salita. Kaya lahat ng mga espiritu bukod sa Banal na Espiritu ay mga masasamang espiritu, at masasabi ring ang anak ng malaking pulang dragon. Ito lahat ay dapat na maging kasing-linaw ng kristal sa lahat.

mula sa “Kabanata 96” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

145. Anong gawain ang nagmumula kay Satanas? Sa gawain na nagmumula kay Satanas, ang mga pananaw sa mga tao ay malabo at mahirap unawain, at sila ay walang normal na pagkatao, ang mga pagganyak sa likod ng kanilang mga pagkilos ay mali, at bagamat nais nilang ibigin ang Diyos, palaging mayroong mga bintang sa gitna nila, at ang mga bintang at mga saloobing ito ay palaging nanghihimasok sa loob nila, pinipigilan ang paglago ng kanilang buhay, at pinahihinto sila mula sa pagkakaroon ng normal na mga kalagayan sa harap ng Diyos. Na ang ibig sabihin, sa sandaling mayroong gawain ni Satanas sa gitna ng mga tao, ang kanilang mga puso ay hindi maaaring maging panatag sa harap ng Diyos, hindi nila alam kung ano ang gagawin nila sa kanilang mga sarili, ang tanawin ng isang pagtitipon ay nagtutulak sa kanila na magnais na lumayo, at hindi nila nagagawang ipikit ang kanilang mga mata kapag nananalangin ang iba. Sinisira ng gawain ng masasamang espiritu ang ugnayan sa pagitan ng tao at ng Diyos, at binabalisa ang dating mga pananaw ng mga tao at ang landas na pinasukan ng kanilang buhay, sa kanilang mga puso hindi sila kailanman maaaring maging malapit sa Diyos, palaging nangyayari ang mga bagay na nagdudulot ng pagkagambala sa kanila at iginagapos sila, at ang kanilang mga puso ay hindi nakasusumpong ng kapayapaan, walang iniiwang lakas sa kanilang pag-ibig sa Diyos, at pinalulubog pababa ang kanilang mga espiritu. Ang gayon ay ang mga pagpapakita ng gawain ni Satanas. Ang gawain ni Satanas ay ipinapakita sa mga sumusunod: hindi nagagawang makapanindigan at maging saksi, nagiging sanhi upang ikaw ay maging isang tao na makasalanan sa harap ng Diyos at yaong walang katapatan tungo sa Diyos. Sa panghihimasok mula kay Satanas, nawawala mo ang pag-ibig at katapatan tungo sa Diyos sa loob mo, ikaw ay tinanggalan ng isang normal na kaugnayan sa Diyos, hindi mo hinahangad ang katotohanan, o ang pagsulong ng sarili mo, ikaw ay umuurong, at nagiging walang kibo, pinalalayaw mo ang sarili mo, nagbibigay ka ng kalayaan sa paglaganap ng kasalanan, at hindi namumuhi sa kasalanan; tangi sa roon, ginagawa kang napakasama ng panghihimasok ni Satanas, nagiging sanhi ito upang ang pag-antig ng Diyos ay maglaho sa loob mo, at itinutulak kang magreklamo tungkol sa Diyos at kalabanin Siya, nag-aakay sa iyo upang kuwestiyunin ang Diyos, at mayroon pang panganib na iiwanan mo ang Diyos. Ang lahat ng ito ay gawain ni Satanas.

mula sa “Ang Gawain ng Banal na Espiritu at Ang Gawain ni Satanas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

146. Kapag ang kalagayan ng mga tao ay hindi normal, sila ay pinababayaan ng Banal na Espiritu, mayroong pagmamaktol sa gitna nila, ang kanilang mga pagganyak ay mali, sila ay tamad, nagpapasasa sila sa laman, at ang kanilang mga puso ay naghihimagsik laban sa katotohanan, at ang lahat ng ito ay nagmumula kay Satanas. Kapag ang mga kalagayan ng mga tao ay hindi normal, kapag sila ay madilim sa loob at nawala ang kanilang normal na katuwiran, pinabayaan ng Banal na Espiritu, at hindi nagagawang maunawaan ang Diyos sa loob ng kanilang mga sarili, ito ay kung kailan si Satanas ay gumagawa sa loob nila.

mula sa “Ang Gawain ng Banal na Espiritu at Ang Gawain ni Satanas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

147. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay maagap na pag-unlad samantalang ang gawain ni Satanas ay paurong at pagiging pasibo, pagkamasuwayin tungo sa Diyos, paglaban sa Diyos, pagkawala ng pananamalataya sa Diyos, at kawalang kahandaan kahit na umawit ng mga awitin o tumindig at sumayaw. ... Ang gawain ni Satanas ay nagdudulot ng maraming mga bagay na nagiging sanhi ng panghihimasok sa iyo, ginagawa ka nitong hindi nakahandang manalangin, masyadong tamad upang kainin at inumin ang mga salita ng Diyos, at hindi nakahandang isabuhay ang buhay ng iglesia, at inihihiwalay ka nito mula sa espirituwal na buhay.

mula sa “Ang Gawain ng Banal na Espiritu at Ang Gawain ni Satanas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

149. Ang mga bagay na nagmumula kay Satanas ay sanhi para mawala mo ang mga pananaw at maglalaho ang lahat ng nasa iyo noon; mahihiwalay ka sa Diyos, wala kang pagmamahal para sa iyong mga kapatid at magkakaroon ka ng napopoot na puso. Magiging desperado ka, hindi mo na nanaising mabuhay sa buhay ng iglesia, at naglalaho ang iyong pusong nagmamahal sa Diyos. Ito ang gawain ni Satanas at ito rin ang kahihinatnang dala ng gawain ng masasamang espiritu.

mula sa “Kabanata 22” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

150. Sa anong mga sitwasyon nanghihimasok si Satanas? Kapag ang iyong mga kalagayan ay hindi normal, kung ikaw ay hindi pa naantig ng Diyos, at walang gawain ng Diyos, at ikaw ay tuyo at tigang sa loob, kapag ikaw ay nananalangin sa Diyos ngunit walang nauunawaang anuman, at kinakain at iniinom ang mga salita ng Diyos ngunit hindi naliliwanagan o naiilawan--sa gayong mga pagkakataon napakadali para kay Satanas na gumawa sa loob mo. Sa ibang pananalita, kapag ikaw ay iniwan ng Banal na Espiritu at hindi mo nauunawaan ang Diyos, kung gayon nangyayari ang maraming mga bagay sa iyo na nagmumula sa tukso ni Satanas.

mula sa “Ang Gawain ng Banal na Espiritu at Ang Gawain ni Satanas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

151. Si Satanas ay gumagawa sa kaparehong oras na ang Banal na Espiritu ay gumagawa, at nanghihimasok sa tao sa kaparehong oras na inaantig ng Banal na Espiritu ang loob ng tao; sa gayong mga pagkakataon, gayunpaman, ang gawain ng Banal na Espiritu ang nangunguna sa kalagayan, at ang mga tao na normal ang mga kalagayan ay makapagtatagumpay, na siyang tagumpay ng gawain ng Banal na Espiritu laban sa gawain ni Satanas. Ngunit kapag gumagawa ang Banal na Espiritu, ang naroon ay ang napakaliit na gawain ni Satanas; kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa naroroon pa rin ang isang masuwaying disposisyon sa loob ng mga tao, at ang lahat na dating nasa kanila ay naroroon pa rin, ngunit sa pamamagitan ng gawain ng Banal na Espiritu napakadali para sa mga tao na malaman ang mahahalagang bagay ukol sa kanila at ang kanilang mapanghimagsik na disposisyon tungo sa Diyos—bagamat maaari lamang nilang alisin sa kanilang mga sarili sa panahon ng unti-unting gawain.

mula sa “Ang Gawain ng Banal na Espiritu at Ang Gawain ni Satanas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

152. Ang pag-alam ng pagkakaiba sa pagitan ng tunay na daan at maling daan ay nangangailangan ng maraming aspeto ng pangunahing kaalaman, kung saan ang pinakasaligan ay ang pagsasabi kung naroon ang gawain ng Banal na Espiritu o wala. Sapagka’t ang sangkap ng paniniwala ng tao sa Diyos ay ang paniniwala sa Espiritu ng Diyos, at kahit ang paniniwala niya sa Diyos na nagkatawang-tao ay dahil sa ang katawang-tao na ito ay ang pagsasakatawan ng Espiritu ng Diyos, na nangangahulugan na ang gayong paniniwala ay paniniwala pa rin sa Espiritu. May mga pagkakaiba sa pagitan ng Espiritu at ng katawang-tao, nguni’t dahil ang katawang-tao na ito ay nagmumula sa Espiritu, at ang Salita na naging katawang-tao, sa gayon ang pinaniniwalaan ng tao ay ang likas na sangkap pa rin ng Diyos. Kaya’t, sa pagkilala kung ito ay tunay na daan o hindi, higit sa lahat dapat mong tingnan kung naroon ang gawain ng Banal na Espiritu o wala, kung saan pagkatapos nito ay dapat mong tingnan kung naroon ang katotohanan sa daang ito o wala. Ang katotohanang ito ay ang disposisyon sa buhay ng normal na pagkatao, na ang ibig sabihin, yaong hiniling sa tao nang lalangin siya ng Diyos sa pasimula, ang sumusunod, ang buong normal na pagkatao (kasama ang katinuan ng tao, panloob-na-pananaw, karunungan, at ang pangunahing kaalaman ng pagiging tao). Ibig sabihin, kailangan mong tingnan kung dinadala ba ng daang ito ang tao sa buhay ng normal na pagkatao o hindi, kung ang katotohanan na sinasalita ay kailangan ayon sa realidad ng normal na pagkatao o hindi, kung ang katotohanang ito ay praktikal at tunay o hindi, at kung ito ay talagang pinaka-napapanahon o hindi. Kung mayroong katotohanan, makakaya nitong dalhin ang tao sa normal at tunay na mga karanasan; higit pa rito, ang tao ay nagiging lalong higit na normal, ang katinuan ng tao ay lubos na nagiging ganap, ang buhay ng tao sa laman at ang espirituwal na buhay ay nagiging lalong higit na maayos, at ang emosyon ng mga tao ay nagiging lalong higit na normal. Ito ang ikalawang panuntunan. Mayroong isa pang panuntunan, na kung nadaragdagan ba ang pagkakilala ng tao sa Diyos o hindi, kung ang pagdanas ng ganoong gawain at katotohanan ay may kakayahang pumukaw ng pag-ibig sa loob niya para sa Diyos, at madala siya upang maging mas malápít sa Diyos o hindi. Sa ganito masusukat kung ito ang tunay na daan o hindi. Ang pinakasaligan ay kung ang daang ito ay makatotohanan sa halip na higit-sa-karaniwan, at kung ito ay nakapagkakaloob ng buhay ng tao o hindi. Kung ito ay kaayon sa mga panuntunang ito, maaaring mabuo ang konklusyon na ang daang ito ang tunay na daan.

mula sa “Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at ang Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

153. Sa lupa, ang lahat ng uri ng masasamang espiritu ay walang-katapusang gumagala-gala sa paghahanap ng lugar upang magpahinga, at hindi humihinto sa paghahanap ng mga bangkay ng mga tao upang kainin. Ang Aking bayan! Dapat kayong manatili sa loob ng Aking pagmamahal at pag-iingat. Huwag kailanmang kumilos nang imoral! Huwag kailanmang kumilos nang walang-ingat! Sa halip, ihandog mo ang iyong katapatan sa Aking tahanan, at kung mayroon lamang ng katapatan maaari kang maglunsad ng pagsalungat laban sa katusuhan ng diyablo. Kahit anong mangyari hindi ka dapat kumilos tulad nang sa nakaraan, gumagawa ng isang bagay sa Aking harapan at iba naman sa Aking likuran—sa ganyang paraan ikaw ay hindi na kayang matubos. … Ang kailangan ni Satanas ay tiyak na isang mabaho at maruming lugar; mas wala nang pag-asang matutubos pa, at mas napapariwara, tumatangging magpasakop sa pagpipigil, mas higit na sasamantalahin ng masasamang espiritu ang anumang pagkakataon upang makapasok nang palihim. Sa sandaling nakakarating kayo sa landas na ito, ang inyong katapatan ay magiging walang-kabuluhang pagdaldal na lamang, nang walang anumang katunayan, at ang inyong matibay na paninindigan ay kakainin ng mga maruruming espiritu, upang mapalitan ng pagsuway o lalang ni Satanas, at gagamitin upang gambalain ang Aking gawain. Doon ay hahampasin Ko kayo hanggang kamatayan kailanman at saanman Ko naisin.

mula sa “Kabanata 10” ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:(III) Mga Klasikong Salita tungkol sa Gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian—ang mga Huling Araw

Sumunod:(VII) Mga Klasikong Salita tungkol sa Kung Paano Maging Matapat na Tao

Baka Gusto Mo Rin