Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Paraan para Makilala ang Diyos

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Pagpapala ng Diyos kay Abraham

(Gen 22:16-18) Sa aking sarili ay sumumpa ako, ang sabi ni Jehova, sapagka’t ginawa mo ito, at hindi mo ipinagkait sa akin ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak: Na sa pagpapala ay pagpapalain kita, at sa pagpaparami ay pararamihin ko ang iyong lahi, na gaya ng mga bituin sa langit, at gaya ng mga buhangin sa baybayin ng dagat; at kakamtin ng iyong lahi ang pintuang-bayan ng kanyang mga kaaway; At pagpapalain sa iyong lahi ang lahat ng bansa sa lupa; sapagka’t sinunod mo ang aking tinig.

Ito ay isang walang bawas na pahayag ng pagpapala ng Diyos kay Abraham. Kahit maikli, ang nilalaman nito ay sagana: Kabilang dito ang dahilan, at pinagbabatayan, ng regalo ng Diyos kay Abraham, at kung ano ang ibinigay Niya kay Abraham. Puspos din ito ng kagalakan at kasiyahan na kung saan binigkas ng Diyos ang mga salitang ito, pati na rin ang pangangailangan ng madaliang pagkilos ng Kanyang pag-asam upang makakuha ng mga taong magagawang pakinggan ang Kanyang mga salita. Dito, nakikita natin ang kasiyahan ng Diyos, at kalinga tungo, sa mga sumusunod sa Kanyang mga salita at sumusunod sa Kanyang mga utos. Gayundin naman, nakikita natin ang halaga ng Kanyang binabayaran upang makamit ang tao, at ang kalinga at pagtuon na Kanyang binibigay sa kanila. Bukod dito, ang sipi, na naglalaman ng mga salitang “Sa aking sarili ay sumumpa ako,” ang nagbibigay sa atin ng matinding pag-iisip ng kapaitan at pasakit na taglay ng Diyos, at tanging Diyos, ang nasa likod ng gawaing ito ng Kanyang plano sa pamamahala. Ito ay isang nakakapukaw-isipang sipi, at isang may natatanging kabuluhan na pinanghahawakan, at nagkaroon ng napakalalim na epekto para sa mga taong dumating pagkatapos noon.

Nakamit ng Tao ang Pagpapala ng Diyos dahil sa Kanyang Pagkamatapat at Pagkamasunurin

Malaki ba ang pagpapalang ibinigay ng Diyos kay Abraham sa ating nabasa rito? Gaano ito kalaki? Mayroong isang napakahalagang pangungusap dito: “At pagpapalain sa iyong lahi ang lahat ng bansa sa lupa,” na nagpapakita na tinanggap ni Abraham ang pagpapala na hindi ibinigay sa sinumang dumating bago o pagkatapos. Nang, gaya ng hiningi ng Diyos, ibinalik ni Abraham ang kanyang nag-iisang anak na lalaki—ang kanyang pinakamamahal at kaisa-isang anak na lalaki— sa Diyos (paalala: Hindi natin maaaring gamitin dito ang salitang “inalay”; dapat nating sabihing ibinalik niya ang kanyang anak sa Diyos), hindi lamang hindi pinahintulutan ng Diyos na ialay ni Abraham si Isaac, kundi binasbasan din Niya siya. Anong pangako ang Kanyang naging pagpapala kay Abraham? Ang pangako na paramihin ang kanyang lahi. At gaano karami sila pararamihin? Ibinibigay ng Banal na Kasulatan ang sumusunod na talaan: “gaya ng mga bituin sa langit, at gaya ng mga buhangin sa baybayin ng dagat; at kakamtin ng iyong lahi ang pintuang-bayan ng kanyang mga kaaway; At pagpapalain sa iyong lahi ang lahat ng bansa sa lupa;” Ano ang konteksto kung saan binigkas ng Diyos ang mga salitang ito? Na ang ibig sabihin, paano tinanggap ni Abraham ang pagpapala ng Diyos? Tinanggap niya ito tulad ng sinasabi ng Diyos sa Banal na Kasulatan: “sapagka’t sinunod mo ang aking tinig.” Iyan nga, dahil sumunod si Abraham sa utos ng Diyos, dahil nagawa niya ang lahat ng sinabi, hiningi at iniutos ng Diyos nang wala ni katiting na pagdaing, kung kaya’t gumawa ng ganitong pangako ang Diyos sa kanya. May isang mahalagang pangungusap sa pangakong ito na tumuon sa kaisipan ng Diyos sa pagkakataong iyon. Nakita ba ninyo ito? Maaaring hindi ninyo gaanong binigyang pansin ang mga salita ng Diyos na “Sa pamamagitan ng aking sarili, ako ay nanumpa.” Ibig nilang sabihin, nang bigkasin ng Diyos ang mga salitang ito, ay nanunumpa Siya sa Kanyang Sarili. Ano ang ipinapangako ng mga tao kapag nanunumpa sila? Sumusumpa sila sa pamamagitan ng Langit, na ang ibig sabihin ay nangangako at sumusumpa sila sa ngalan ng Diyos. Maaaring walang gaanong pag-unawa ang mga tao sa kababalaghan kung saan nanumpa ang Diyos sa Kanyang Sarili, ngunit mauunawaan ninyo rin ito kapag naibigay Ko sa inyo ang tamang paliwanag. Kapag kaharap ang isang tao na naririnig lamang ang Kanyang mga salita ngunit hindi naman nauunawaan sa Kanyang puso nadarama Niyang muli ang kalungkutan at kawalan. Sa kawalan ng pag-asa—at, maaaring sabihin, na bunga ng pag-iisip—ginawa ng Diyos ang isang napakalikas na bagay: Inilagay ng Diyos ang Kanyang kamay sa Kanyang puso at kinausap ang Kanyang Sarili nang ibigay ang pangakong ito kay Abraham, at mula sa taong ito narinig ang sinabi ng Diyos “Nanumpa ako sa aking sarili.” Sa pamamagitan ng pagkilos ng Diyos, maaari mong isipin ang iyong sarili. Kapag inilagay mo ang iyong kamay sa iyong puso at makipag-usap sa iyong sarili, malinaw ba sa iyo ang iyong sinasabi? Taos-puso ba ang iyong saloobin? Ikaw ba ay nagsasalita nang matapat, nang iyong buong puso? Kaya, nakikita natin dito nang nagsalita ang Diyos kay Abraham, Siya ay maalab at taos-puso. Kasabay ng pagsasalita at pagpapala kay Abraham, nangungusap din ang Diyos sa Kanyang Sarili. Sinasabi Niya sa Kanyang Sarili: Pagpapalain Ko si Abraham, at gagawin ang kanyang mga supling na kasing dami ng mga bituin sa langit, at kasing sagana gaya ng buhangin sa baybayin ng dagat, sapagka’t dininig niya ang aking mga salita at siya ang Aking pinili. Nang sabihin ng Diyos “Sa aking sarili ay sumumpa ako,” pinagpasiyahan ng Diyos na magmumula kay Abraham ang Kanyang lahing hinirang na Israel, pagkatapos ay pangungunahan Niya ang mga taong ito ayon sa bilis ng Kanyang gawain. Iyan nga, gagawin ng Diyos ang lipi ni Abraham bilang taga-dala ng gawain ng pamamahala ng Diyos, at ang gawain ng Diyos at ang ipinahayag ng Diyos ay magsisimula kay Abraham, at magpapatuloy sa lipi ni Abraham, kaya’t maisasakatuparan ang hangarin ng Diyos na iligtas ang tao. Anong masasabi ninyo, hindi ba ito isang pagpapala? Para sa tao, wala nang hihigit pang pagpapala kaysa rito; ito, na maaaring sabihin, ay ang pinaka-mapalad na bagay. Ang pagpapalang nakamit ni Abraham ay hindi ang pagpaparami sa kanyang supling, ngunit ang tagumpay ng Diyos sa Kanyang pamamahala, ang Kanyang komisyon, at ang Kanyang gawain sa lipi ni Abraham. Ibig ipakahulugan ng mga ito na ang mga pagpapalang nakamit ni Abraham ay hindi pansamantala, ngunit patuloy na sumulong ayon sa plano sa pamamahala ng Diyos. Nang nagsalita ang Diyos, nang mangako ang Diyos sa Kanyang Sarili, nakapagpasiya na Siya. Totoo ba ang proseso ng pagpapasiyang ito? Tunay ba ito? Napagpasiyahan ng Diyos mula noon na ang Kanyang mga pagsisikap ang halagang Kanyang binayaran kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ang lahat sa Kanya, at maging ang Kanyang buhay ay ibibigay kay Abraham at sa lipi ni Abraham. Maging yaon ay napagpasiyahan ng Diyos, magmula sa grupong ito ng tao, na ipapakita Niya ang Kanyang mga gawain, at papayagan ang taong makita ang Kanyang karunungan, awtoridad, at kapangyarihan.

Ang Pagkamit sa mga Nakakikilala sa Diyos at mga may Kakayahang Magpatotoo sa Kanya ay ang Di-magbabagong Hangarin ng Diyos

Kasabay ng pakikipag-usap sa Kanyang Sarili, nangusap din Siya kay Abraham, ngunit maliban sa mga narinig na pagpapapala na ibinigay ng Diyos sa kanya, ganap nga bang naunawaan ni Abraham ang tunay na mga hangarin ng Diyos sa lahat ng Kanyang mga salita sa sandaling iyon? Hindi! At kaya, sa sandaling iyon, nang nangako ang Diyos sa Kanyang Sarili, malungkot at nagdadalamhati pa rin ang Kanyang puso. Wala pa rin kahit isang tao ang nakaunawa o nakaiintindi ng Kanyang balak at plano. Sa sandaling iyon, walang sinuman—kabilang si Abraham—ang buo ang loob na makipag-usap sa Kanya, at lalong walang sinuman ang kayang makipagtulungan sa Kanya sa paggawa ng mga dapat Niyang gawin. Sa panlabas, nakamit ng Diyos si Abraham, at nakamit ang isang tao na kayang sundin ang Kanyang mga salita. Ngunit sa katunayan, ang kaalaman ng taong ito sa Diyos ay halos salat na salat. Kahit na pinagpala ng Diyos si Abraham, ang puso ng Diyos ay hindi pa rin nasiyahan. Ano ang ibig sabihin na ang Diyos ay hindi nasiyahan? Ito ay nangangahulugan na ang Kanyang pamamahala ay kailan lamang nasimulan, ito ay nangangahulugan na ang mga taong nais Niyang makamit, ang mga taong inasam Niyang makita, ang mga taong inibig Niya, ay malayo pa rin sa Kanya; kailangan Niya ng oras, kailangan Niyang maghintay, at kailangan Niyang maging matiyaga. Dahil sa panahong yaon, bukod sa Diyos Mismo, wala ni isa ang nakakaalam ng mga pangangailangan Niya, o mga nais Niyang makuha, maging Kanyang mga inaasam na makamit. Kung kaya, kasabay ng naramdaman na matinding kasiyahan, nakaramdam din ng kabigatan ng puso ang Diyos. Ngunit hindi Niya pinigilan ang Kanyang mga hakbang, at nagpatuloy na magplano ng susunod na mga hakbang na dapat Niyang gawin.

Ano ang nakikita ninyo sa pangako ng Diyos kay Abraham? Nagbigay ng maraming biyaya ang Diyos kay Abraham dahil lamang nakinig si Abraham sa mga salita ng Diyos. Kahit na, sa panlabas na anyo, tila normal ito, at mangyari pa, sa loob nito nakikita natin ang puso ng Diyos: Pinahahalagahang lalo ng Diyos ang pagkamasunurin ng tao sa Kanya, at minamahal ang pag-unawa ng tao sa Kanya at ang katapatan nito tungo sa Kanya. Gaano minamahal ng Diyos ang katapatang ito? Maaaring hindi ninyo maunawaan kung gaano Niya ito minamahal, o maaaring wala ni isa ang nakakatanto nito. Ibinigay ng Diyos ang isang anak na lalaki kay Abraham, at nang lumaki ang batang ito, hiningi ng Diyos kay Abraham na ialay ang kanyang anak sa Diyos. Sinunod ni Abraham ang utos ng Diyos nang walang labis at walang kulang, sinunod niya ang salita ng Diyos, at nakapagpalambot sa damdamin ng Diyos ang kanyang katapatan at pinahalagahan ng Diyos. Gaano ito pinahalagahan ng Diyos? At bakit Niya ito pinahalagahan? Sa panahong walang nakaunawa sa mga salita ng Diyos o nakaintindi sa Kanyang puso, may ginawa si Abraham na nagpayanig sa kalangitan at nagpanginig sa kalupaan, at nagbigay ito ng di matatawarang kasiyahan sa Diyos, at nagbigay sa Diyos ng kagalakan sa pagkamit ng isang tao na kayang sundin ang Kanyang mga salita. Ang kasiyahan at kagalakan na ito ay nagmula sa isang nilalang na gawa ng sariling kamay ng Diyos, at ang unang “sakripisyo” na inialay ng tao sa Diyos na lubos Niyang pinahalagahan, mula nang nilikha ang tao. Naging napakahirap para sa Diyos ang paghihintay para sa sakripisyong ito, at trinato Niya ito bilang unang pinakamahalagang regalo na mula sa tao, na nilikha Niya. Ipinakita nito sa Diyos ang unang bunga ng Kanyang mga pagsusumikap at ang halaga ng Kanyang binayaran, at hinayaan Siyang makita ang pag-asa na mayroon ang sangkatauhan. Pagkatapos, nagkaroon ng higit pang pananabik ang Diyos para sa isang grupo ng mga naturang tao upang samahan Siya, na tratuhin Siya nang may katapatan, na kalingain Siya nang may katapatan. Umasa rin ang Diyos na patuloy na mabubuhay si Abraham, dahil ninais Niyang magkaroon ng gayong uri ng puso upang samahan Siya sa pagpapatuloy Niya sa Kanyang pamamahala. Anuman ang nais ng Diyos, isa lamang iyong hangarin, isa lamang ideya—dahil si Abraham ay isa lamang taong nagawa Siyang sundin, at walang kahit kakaunting pag-unawa o kaalaman sa Diyos. Siya ay isang taong masyadong malayo ang agwat sa mga pamantayan na kinakailangan ng Diyos para sa tao: sa pagkilala sa Diyos, sa kakayahang magpatotoo sa Diyos, at sa pakikiisa sa isipan ng Diyos. At sa gayon, hindi siya makalakad kasama ng Diyos. Sa paghahandog ni Abraham kay Isaac, nakita ng Diyos ang katapatan at pagkamasunurin ni Abraham, at nakitang napagtagumpayan niya ang pagsubok ng Diyos sa kanya. Kahit pa tinanggap ng Diyos ang kanyang katapatan at pagkamasunurin, hindi pa rin siya karapat-dapat na maging katiwala ng Diyos, na maging isang nilalang na kilala ang Diyos at naunawaan ang Diyos, at binigyang kaalaman tungkol sa disposisyon ng Diyos; malayo siya sa pagiging kaisa sa isipan ng Diyos at sa pagpapatupad ng Kanyang kalooban. At sa gayon, sa Kanyang puso, ang Diyos ay malungkot at nababahala pa rin. Habang mas nalulungkot at nababahala ang Diyos, mas kinailangan Niyang ipagpatuloy ang Kanyang pamamahala sa lalong madaling panahon, at makapili at makatamo ng isang grupo ng mga tao upang matupad ang Kanyang plano sa pamamahala at makamit ang Kanyang kalooban sa lalong madaling panahon. Ito ang masugid na pagnanais ng Diyos, at nanatili itong hindi nagbago mula sa pinakasimula hanggang ngayon. Mula pa nang nilikha Niya ang tao sa simula, nananabik ang Diyos sa grupo ng mga mananagumpay, isang grupo na kasabay Niyang lalakad, na nauunawaan, naiintindihan at nalalaman ang Kanyang disposisyon. Ito ang pagnanais ng Diyos na hindi nagbago kailanman. Hindi alintana kung gaano katagal pa Siyang maghintay, hindi alintana kung gaano kahirap ang daan sa hinaharap, gaano man kalayo ang mga layuning Kanyang kinasasabikan, hindi kailanman nagbago ang Diyos o sumuko sa mga inaasahan sa tao. Ngayong nasabi Ko na ito, may napagtanto ba kayo tungkol sa hangarin ng Diyos? Marahil kung ano ang inyong natanto ay hindi masyadong malalim—ngunit unti-unti itong darating!

mula sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Inutusan ng Diyos si Abraham na Ialay si Isaac

Sumunod:Pagwasak ng Diyos sa Sodoma

Baka Gusto Mo Rin