Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

200 Nailigtas Ako ng Paghatol ng Diyos

1

Kung wala ang pagliligtas ng Diyos sa pamamagitan ng paghatol, malabo at abstrakto pa rin ang paniniwala ko.

Noong kumakapit ako sa mga relihiyosong pagkaunawa, nasa isang kalabuang hindi ko matakasan ang puso ko.

Nagkakasala at umaamin ako araw-araw, hindi ko maiwaksi ang gapos ng kasalanan.

Madalas akong nagsinungaling at nanloko nguni’t nangarap pa rin akong madala sa kaharian ng langit.

Nagising ng mga salita ng paghatol ng Diyos ng mga huling araw ang matigas kong puso.

Malinaw kong nakita na ang mga pagsisikap at pagdurusa ko para sa Diyos ay para lang magkamit ng mga pagpapala.

Nakikipagtransaksyon ako sa Diyos, wala akong konsiyensiya o katwiran.

Puno ng kahihiyan, yumuyuko ako sa harap ng Diyos at masayang tinatanggap ang paghatol Niya.

2

Sa pagdanas ng paghatol sa harap ng luklukan ni Cristo, natikman ko ang tunay na pagmamahal ng Diyos.

Kahit nagdusa ako ng matinding sakit at pagpipino, matatag at payapa ang puso ko.

Dinadalisay ng paghatol at pagkastigo ang tiwali kong disposisyon.

Nakamit ko na ang katotohanan at natanggap ang dakilang pagliligtas ng Diyos.

Pinapahinahon ng mga pagdurusa at pagsubok ang puso ko, napakalaking tulong ng mga ito sa buhay ko.

Naranasan ko na ang paghatol ng Diyos ay isang pagpapapala, ito ay pagmamahal.

Lubhang kaibig-ibig ang Kanyang tuwid na disposisyon, karapat-dapat Siyang purihin nang walang hanggan.

Nagpapasalamat ako na pinahintulutan ako ng paghatol ng Diyos na isabuhay ang isang makahulugang buhay.

Ginabayan ako ng paghatol at pagkastigo ng Diyos patungo sa tamang landas ng buhay ng tao.

Tinatamasa ko araw-araw ang mga salita ng Diyos at nabubuhay ako sa harap ng Diyos.

Gamit ang katotohanan bilang buhay ko, nabago ang disposisyon ko.

Si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, magpakailanman kong mamahalin at pupurihin ang Diyos.

Sinundan:Sa Paggising Ko sa Pagkalito

Sumunod:Paggising ng Isang Taong Masunurin

Baka Gusto Mo Rin