Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

269 Ang Pangaral ng Diyos sa Atin

1 Ako ay puno ng pag-asa para sa Aking mga kapatirang lalaki at babae, at Ako ay naniniwala na kayo ay hindi pinanghihinaan ng loob o nawawalan ng pag-asa, at anuman ang ginagawa ng Diyos, kayo ay tulad ng isang palayok ng apoy—kayo ay hindi kailanman malahininga at kaya ninyong manatili hanggang sa katapusan, hanggang sa ang gawain ng Diyos ay lubos na mabunyag, at hanggang ang palabas na nais ng Diyos na patnugutan ay dumating sa huling konklusyon nito. Wala Akong iba pang mga kinakailangan sa inyo. Ang inaasahan Ko lamang ay makakaya ninyong ipagpatuloy na humawak, na hindi kayo nababahala sa mga kalalabasan.

2 Na kayo ay makikipagtulungan sa Akin upang ang gawain na dapat Kong gawin ay magawa nang mabuti, at walang sinumang lumilikha ng mga pag-antala o mga paggambala. Kapag ang bahaging ito ng gawain ay natapos, ibubunyag ng Diyos ang lahat sa inyo. Pagkaraan na ang Aking gawain ay matapos, ihaharap Ko ang inyong bahaging ginampanan sa harap ng Diyos upang magsulit sa Kanya. Hindi ba’t mas mabuti iyan?

3 Ang tinutulutan ng Diyos na malaman at maunawaan mo ay ang Kanyang kalooban. Hindi Niya tinutulutan na pag-isipan mo ang Kanyang panghinaharap na gawain. Ang kailangan lamang nating gawin ay paniwalaan ang Diyos at gumawa ng mga bagay-bagay ayon sa Kanyang paggabay, praktikal na panghawakan ang tunay na mga kahirapan, hindi ginagawang mahirap ang mga bagay-bagay para sa Diyos o magsanhi ng kaguluhan para sa Kanya. Dapat lamang tayong sumulong at gawin ang dapat nating gawin—hangga’t makakapanatili tayo sa loob ng kasalukuyang gawain ng Diyos ay sapat na iyon!

4 Ang landas kung saan Ko kayo pinangungunahan ay ang Aking gawain, Aking panánagutan, at ito ay itinalaga ng Diyos matagal nang panahon upang tayo ay maitatadhanang makarating sa ganito kalayo, hanggang sa ngayon—na nakaya nating gawin ito ay ating malaking pagpapala, at kahit na hindi naging madali ang daan, ang ating pagkakaibigan ay walang-hanggan, at ito ay magpapasalin-salin sa mga kapanahunan.

5 Kung ang mga iyon man ay katuwaan at tawanan o kalungkutan at mga luha, lahat ng iyon ay bumubuo sa ating magagandang alaala! Marahil ay dapat ninyong malaman na wala Akong maraming araw para sa Aking gawain. Napakarami Kong mga proyektong gawain, at hindi Ko kayo masasamahan nang madalas. Ako ay umaasa na mauunawaan ninyo Ako—dahil ang ating orihinal na pagkakaibigan ay pareho pa rin. Ako ay umaasa na ang mga bagay-bagay na ating pinagsamahan sa nakaraan ay nawa’y maging bulaklak ng ating pagkakaibigan.

Hango sa “Ang Landas … (8)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ang Tagumpay o Kabiguan ay Nakasalalay sa Paghahabol ng Tao

Sumunod:Panindigan ang Dapat Gawin ng Tao

Baka Gusto Mo Rin