Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

441 Inaasahan ng Diyos na Makamtan ng Lahat ng Tao ang Kanyang Pagliligtas

1 Batay sa mga kilos at gawa ng inyong buhay, lahat kayo ay kailangan ang araw-araw na pagdaloy ng mga salita upang tustusan at muling punan kayo, dahil kayo ay masyadong nagkukulang, at ang inyong kaalaman at kakayahan upang makatanggap ay masyadong kakaunti. Sa inyong araw-araw na pamumuhay, nakatira kayo sa isang kapaligiran at kalagayan na walang katotohanan o mabuting katinuan. Kulang kayo sa puhunan para sa pag-iral at hindi nagkaroon ng batayan na makilala Ako o ang katotohanan. Ang inyong pananampalataya ay itinayo lamang sa isang di-malinaw na pagtitiwala o sa mga ritwal ng relihiyon at kaalamang lubos na batay sa doktrina.

2 Araw-araw Kong minamasdan ang inyong mga pagkilos at sinusuri ang inyong mga intensyon at masamang bunga. Hindi Ako kailanman nakatagpo ni isa na totoong inilagay ang kanyang puso at espiritu sa Aking altar, na hindi kailanman nalipat. Samakatuwid, hindi Ko nais na ibuhos nang walang kabuluhan ang lahat ng salita na nais Kong ihayag sa sangkatauhan. Sa Aking puso, Ako ay nagpaplano lamang na kumpletuhin ang Aking hindi natapos na gawain at dalhin ang kaligtasan sa sangkatauhan na ililigtas Ko pa lang. Gayon pa man, nais Ko para sa lahat ng sumunod sa Akin na makatanggap ng Aking pagliligtas at ang katotohanan ng Aking salita na ipinagkaloob sa tao.

Hango sa “Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Inaasahan ng Diyos na Hindi Maging mga Fariseo ang mga Tao

Sumunod:Ang Tanging Nais ng Diyos sa Lupa

Baka Gusto Mo Rin