Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII

Isang Pangkalahatang-Ideya sa Awtoridad ng Diyos, ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos, at ang Kabanalan ng Diyos

Kapag natapos na ninyo ang mga panalangin, nakadarama ba ng kapanatagan ang inyong mga puso sa harap ng Diyos? (Oo.) Kung ang puso ng isang tao ay maaaring mapanatag, maaari na nilang marinig at maintindihan ang salita ng Diyos at maaari na nilang marinig at maintindihan ang katotohanan. Kung ang iyong puso ay hindi mapanatag, kung ang puso mo ay laging naguguluhan, o laging nag-iisip ng ibang mga bagay, makaaapekto ito sa inyong pagsasama-sama upang makinig sa salita ng Diyos. Kaya, ano ang ipinahihiwatig ng tinatalakay natin sa oras na ito? Bumalik lang tayo nang kaunti sa pangunahing punto. Tungkol sa pagkilala sa Diyos Mismo, ang natatangi, sa unang bahagi, tinalakay natin ang awtoridad ng Diyos. Sa ikalawang bahagi, tinalakay natin ang matuwid na disposisyon ng Diyos. At tinalakay natin ang kabanalan ng Diyos sa ikatlong bahagi. Nag-iwan ba ng impresyon sa inyo ang partikular na paksang tinalakay natin sa bawat pagkakataon? Sa unang bahagi ng “ang awtoridad ng Diyos,” ano ang nag-iwan ng malalim na impresyon sa inyo, anong bahagi ang nagkaroon ng pinakamalaking epekto sa inyo? (Una, ipinabatid ng Diyos ang awtoridad at ang kapangyarihan ng salita ng Diyos; ang Diyos ay kasimbuti ng Kanyang salita at ang Kanyang salita ay magkakatotoo. Ito ang likas na pinakadiwa ng Diyos.) (Iniutos ng Diyos kay Satanas na maaari nitong tuksuhin si Job, subalit hindi maaaring kunin ang kanyang buhay. Mula rito makikita natin ang awtoridad ng salita ng Diyos.) Mayroon bang iba pa na idaragdag? (Ginamit ng Diyos ang mga salita upang likhain ang kalangitan at ang lupa at lahat na naroon sa mga ito, at nagsasalita Siya upang gumawa ng tipan sa tao at ibigay ang Kanyang mga pagpapala sa tao. Lahat ng ito ay mga halimbawa ng awtoridad ng salita ng Diyos. Bukod pa, nakikita natin nang utusan ng Panginoong Jesus si Lazaro na maglakad palabas ng kanyang puntod na ang buhay at kamatayan ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos, kung saan si Satanas ay walang kapangyarihan na pumigil, at maging ang gawain ng Diyos ay isinagawa man sa katawang-tao o sa Espiritu, ang Kanyang awtoridad ay natatangi.) Ito ang pagkaunawa na inyong natamo pagkatapos marinig ang pagbabahagi, tama ba? Kapag pinag-uusapan natin ang awtoridad ng Diyos, ano ang inyong pagkaunawa sa salitang “awtoridad”? Sa loob ng saklaw ng awtoridad ng Diyos, sa ginagawa at inihahayag ng Diyos, ano ang nakikita ng mga tao? (Nakikita namin ang pagka-makapangyarihan sa lahat at karunungan ng Diyos.) (Nakikita namin na ang awtoridad ng Diyos ay laging naroroon at na ito ay tunay, tunay na umiiral. Nakikita namin ang awtoridad ng Diyos sa malawakang antas ang Kanyang kapamahalaan sa sansinukob, at nakikita namin sa maliit na antas habang pinamamahalaan Niya ang buhay ng tao. Talagang pinaplano at pinamamahalaan ng Diyos ang anim na sugpungan ng mga buhay. Dagdag pa rito, nakikita namin na ang awtoridad ng Diyos ay kumakatawan sa Diyos Mismo, ang natatangi, at walang sinuman sa mga nilikha at hindi nilikhang nilalang ang maaaring magtaglay nito. Ang awtoridad ng Diyos ay sumisimbolo sa Kanyang katayuan.) Sa “mga simbolo ng katayuan ng Diyos at kalagayan ng Diyos,” tila mayroon kayong pangdoktrinang kaalaman sa mga salitang ito. Mayroon ba kayong anumang mahalagang kaalaman sa awtoridad ng Diyos? (Binabantayan kami ng Diyos at pinangangalagaan kami mula noong kami ay mga bata pa, at nakikita namin ang awtoridad ng Diyos doon. Hindi namin alam noon ang mga panganib na napunta sa amin, ngunit palagi kaming pinangangalagaan noon ng Diyos nang lihim; ito rin ay awtoridad ng Diyos.) Magaling, mahusay ang pagkakasabi!

Kapag pinag-uusapan natin ang awtoridad ng Diyos, nasaan ang pokus, ang pangunahing punto? Bakit kailangan nating pag-usapan ang paksang ito? Una, ang layunin sa pagtalakay ng paksang ito ay upang maitatag ng mga tao ang katayuan ng Diyos bilang Lumikha at ang Kanyang katayuan sa gitna ng lahat ng bagay; ito’y isang bagay na kaya nilang maunawaan, isang bagay na maaari nilang makita at madama. Ang nakikita at nadarama mo ay mula sa mga pagkilos ng Diyos, mga salita ng Diyos, at pagkontrol ng Diyos sa sansinukob. Kaya’t, anong tunay na pang-unawa ang nakakamit ng mga tao mula sa lahat ng kanilang nakikita, natututuhan, at nalalaman sa pamamagitan ng awtoridad ng Diyos? Ito ang unang bagay, na natalakay na natin. Ikalawa, kapag nakikita ng mga tao ang lahat ng nagawa at sinabi ng Diyos at pinamahalaan sa pamamagitan ng Kanyang awtoridad, magbibigay-daan ito sa kanila upang makita ang kapangyarihan at karunungan ng Diyos. Magbibigay-daan ito sa kanila na makita ang dakilang kapangyarihan ng Diyos na pamahalaan ang lahat ng bagay at kung gaano Siya katalino habang ginagawa Niya ito. Hindi ba ito ang pokus at ang pangunahing punto ng natatanging awtoridad ng Diyos na tinalakay natin noon? Hindi pa gaanong nagtatagal gayunman nakalimutan na ito ng ilan, na nagpapatunay na hindi pa ninyo lubos na nauunawaan ang awtoridad ng Diyos; maaari pang masabi ng isang tao na hindi pa ninyo nakita ang awtoridad ng Diyos. Nauunawaan na ba ninyo ito ngayon nang bahagya? Kapag nakikita mo ang awtoridad ng Diyos na kumikilos, ano ang tunay mong mararamdaman? Tunay mo bang naramdaman ang kapangyarihan ng Diyos? (Naramdaman namin.) Kapag binabasa mo ang mga salita ng Diyos tungkol sa Kanyang paglikha sa sansinukob nadarama mo ang Kanyang kapangyarihan, nadarama mo ang Kanyang pagiging makapangyarihan. Kapag nakikita mo ang kapamahalaan ng Diyos sa kapalaran ng mga tao, ano ang iyong nadarama? Nadarama mo ba ang Kanyang kapangyarihan at Kanyang karunungan? Kung hindi tinaglay ng Diyos ang kapangyarihang ito, kung hindi Niya tinaglay ang karunungang ito, magiging karapat-dapat ba Siyang magkaroon ng kapamahalaan sa sansinukob at magkaroon ng kapamahalaan sa kapalaran ng mga tao? Kung ang sinuman ay walang kakayahan na gawin ang kanyang trabaho, hindi nagtataglay ng kinakailangang mga lakas at kapos sa angkop na mga kasanayan at kaalaman, magiging karapat-dapat ba sila sa kanilang trabaho? Tiyak na sila ay hindi magiging karapat-dapat; ang posibilidad na makagawa ang isang tao ng dakilang mga bagay ay batay sa kung gaano kadakila ang kanilang mga kakayahan. Tinataglay ng Diyos ang gayong kapangyarihan gayundin ang karunungan, at kaya taglay Niya ang awtoridad; ito ay natatangi. Nakakilala ka na ba kailanman ng isang nilikha o isang tao sa sansinukob na nagtataglay ng kaparehong kapangyarihan na kung anong mayroon ang Diyos? Mayroon bang sinuman o anuman na may kapangyarihang malikha ang kalangitan at ang lupa at lahat ng bagay gayundin ang pigilan at magkaroon ng kapamahalaan sa mga ito? Mayroon bang sinuman o anuman na maaaring mamuno at pangunahan ang buong sangkatauhan at maging parehong laging-naroroon at nasa lahat ng dako? (Wala, walang ganoon.) Naiintindihan na ba ninyo ngayon ang tunay na kahulugan ng lahat ng kaakibat ng natatanging awtoridad ng Diyos? Mayroon ba kayong ilang pagkaunawa? (Oo mayroon kami.) Nabalikan na natin ang mga puntong sumasaklaw sa natatanging awtoridad ng Diyos.

Sa ikalawang bahagi, ating napag-usapan ang tungkol sa matuwid na disposisyon ng Diyos. Hindi natin tinalakay ang maraming bagay tungkol sa matuwid na disposisyon ng Diyos. Ito ay sa dahilang ang paghatol at pagkastigo ay pangunahin sa gawain ng Diyos sa yugtong ito. Pinaka-partikular, ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay malinaw na naihayag sa Kapanahunan ng Kaharian. Nasabi Niya ang mga salita na hindi pa Niya kailanman nasabi mula sa panahon ng paglikha; at sa Kanyang mga salita ang lahat ng tao, lahat niyaong nakakita sa Kanyang salita, at ang lahat ng nakaranas sa Kanyang salita ay nakakita sa pagkahayag ng Kanyang matuwid na disposisyon. Kung gayon, ano ang pangunahing punto ng ating tinatalakay tungkol sa matuwid na disposisyon ng Diyos? Nakabuo na ba kayo ng malalim na pang-unawa tungkol sa inyong natutuhan? Nagtamo na ba kayo ng pagkaunawa mula sa alinman sa inyong mga karanasan? (Ang pagsunog ng Diyos sa Sodoma ay dahil sa ang mga tao sa panahong iyon ay naging napakatiwali at dahil doon nag-alab ang galit ng Diyos. Dahil dito kaya namin nakikita ang matuwid na disposisyon ng Diyos.) Una, tingnan natin: Kung hindi winasak ng Diyos ang Sodoma, maaari mo kayang malaman ang tungkol sa Kanyang matuwid na disposisyon? Maaari mo pa rin namang malaman, tama? Makikita mo ito sa mga salita na Kanyang ipinahayag sa Kapanahunan ng Kaharian, at sa pamamagitan din ng Kanyang paghatol, pagkastigo, at mga sumpa na ipinantay laban sa tao. Nakikita ba ninyo ang matuwid na disposisyon ng Diyos mula sa Kanyang pagliligtas sa Nineveh? (Oo nakikita namin.) Sa panahong ito, makikita mo ang isang bagay sa habag, pagmamahal, at pagpapaubaya ng Diyos. Makikita mo ito kapag nagsisisi ang mga tao at nagbabago ang damdamin ng Diyos tungo sa kanila. Gamit ang dalawang halimbawa na ito bilang saligan upang talakayin ang matuwid na disposisyon ng Diyos, ito ay makikita nang napakalinaw na ang Kanyang matuwid na disposisyon ay naihayag. Gayunpaman, sa realidad hindi ito limitado sa kung ano ang naitala sa dalawang kuwentong ito ng Biblia. Mula sa inyong natutuhan ngayon at nakita sa pamamagitan ng salita ng Diyos at ng Kanyang gawain, mula sa inyong kasalukuyang karanasan sa mga ito, ano ang matuwid na disposisyon ng Diyos? Magtalakay mula sa inyong sariling mga karanasan. (Sa mga kapaligiran na nilikha ng Diyos para sa mga tao, kapag nagawa nilang mahanap ang katotohanan at kumilos sa ilalim ng kalooban ng Diyos, inaalalayan sila ng Diyos, nililiwanagan sila, at hinahayaan silang madama ang liwanag sa loob nila. Kapag kinakalaban ng mga tao ang Diyos at tinututulan Siya at sinasalungat ang Kanyang kalooban, may kadiliman sa loob nila, na parang pinabayaan sila ng Diyos. Kahit nananalangin sila at hindi alam kung ano ang sasabihin sa Kanya, ngunit kapag isinasantabi nila ang kanilang sariling mga pagkaunawa at mga imahinasyon at nagiging handang makipag-tulungan sa Diyos at nagsisikap na humusay, ang palangiting mukha ng Diyos ay dito na magsisimulang makikita nang unti-unti. Mula rito naranasan namin ang kabanalan ng matuwid na disposisyon ng Diyos; Nagpapakita ang Diyos sa banal na kaharian at nagtatago Siya sa maruruming lugar.) (Nakikita ko ang matuwid na disposisyon ng Diyos sa paraan ng Kanyang pagtrato sa mga tao. Ang aming mga kapatid ay nagkakaiba sa tayog at kakayahan, at kung ano ang hinihingi ng Diyos mula sa bawat isa sa atin ay magkakaiba rin naman. Natatanggap naming lahat ang kaliwanagan ng Diyos sa magkakaibang antas, at sa paraang ito nakikita ko ang pagkamatuwid ng Diyos. Ito ay dahil sa hindi kayang tratuhin ng tao ang tao sa ganito ring paraan, Diyos lamang ang makagagawa nito.) Kayong lahat ay nagsalita ng ilang praktikal na kaalaman.

Naiintindihan ba ninyo ang pangunahing punto tungkol sa pag-alam sa matuwid na disposisyon ng Diyos? Maaaring marami kayong masasabi tungkol sa mga karanasan ninyo tungkol dito, ngunit may ilang pangunahing punto na dapat Kong sabihin sa inyo. Upang maunawaan ang matuwid na disposisyon ng Diyos, kailangang maunawaan muna ng isang tao ang mga damdamin ng Diyos: ano ang Kanyang kinamumuhian, ano ang Kanyang kinasusuklaman, ano ang Kanyang iniibig, sino ang Kanyang tinutulutan, kanino Siya mahabagin, at anong uri ng tao ang nakatatanggap ng habag na iyon. Ito ay isang mahalagang punto na dapat malaman. Dagdag pa rito, dapat na malaman ng tao na gaano man mapagmahal ang Diyos, gaano man karami ang habag at pagmamahal na mayroon Siya para sa mga tao, hindi tinutulutan ng Diyos ang sinuman na saktan ang Kanyang katayuan at kalagayan, ni hindi Niya tinutulutan ang sinuman na saktan ang Kanyang dignidad. Kahit mahal ng Diyos ang mga tao, hindi Niya sila kinukunsinti. Ibinibigay Niya sa mga tao ang Kanyang pagmamahal, ang Kanyang habag, at Kanyang pagpapaubaya, ngunit hindi Siya kailanman nagsulsol sa kanila; Taglay Niya ang Kanyang mga prinsipyo at Kanyang mga hangganan. Gaano man kalawak ang naramdaman mong pagmamahal sa iyo ng Diyos, gaano man kalalim ang pagmamahal na iyon, hindi mo dapat kailanman tratuhin ang Diyos sa paraan ng pagtrato mo sa isa pang tao. Bagamat totoo na itinuturing ng Diyos ang mga tao na malapit sa Kanya, kung tinitingnan ng isang tao ang Diyos bilang isa pang tao, na parang Siya ay isa lamang katauhan sa paglikha, gaya ng isang kaibigan o isang bagay ng pagsamba, itatago ng Diyos ang Kanyang mukha sa kanila at pababayaan sila. Ito ang Kanyang disposisyon, at hindi Niya tinutulutan ang sinuman na nagtatrato sa Kanya nang basta-basta lang sa isyung ito. Kaya ito ang palaging sinasabi ng disposisyon ng Diyos sa Kanyang Salita: Hindi alintana gaano man karami ang mga daan na iyong nilakbay, gaano man karami ang gawain na iyong ginawa o gaano man karami ang iyong tiniis, sa sandaling magkasala ka sa disposisyon ng Diyos, gagantihan Niya ang bawat isa sa inyo batay sa inyong ginawa. Ibig sabihin nito ay itinuturing ng Diyos ang mga tao bilang malapit sa Kanya, ngunit hindi dapat ituring ng mga tao ang Diyos bilang isang kaibigan o isang kaanak. Huwag ituring ang Diyos bilang iyong kaibigan. Gaano man karami ang pagmamahal na natanggap mo mula sa Kanya, gaano man karaming pagpapaubaya ang ibinigay Niya sa iyo, hindi mo dapat kailanman ituring ang Diyos bilang isang kaibigan lamang. Ito ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Naiintindihan ninyo, tama? Kailangan Ko pa bang magsalita tungkol dito? Wala ba kayong anumang naunang pagkaunawa sa bagay na ito? Sa karaniwang pananalita, ito ang pinakamadaling pagkakamali ng mga tao hindi alintana kung naiintindihan nila ang mga doktrina, o kung wala silang naisip tungkol dito noong una. Kapag nagkakasala ang mga tao sa Diyos, maaaring ito ay hindi lamang dahil sa isang pangyayari, o isang bagay na kanilang sinabi, ngunit sa halip ito ay sanhi ng saloobin na kanilang pinanghahawakan at isang kalagayan na kinapapalooban nila. Ito ay isang bagay na totoong nakakatakot. Naniniwala ang ilang tao na mayroon silang pagkaunawa sa Diyos, na kilala nila Siya, maaaring makagawa pa sila ng ilang bagay na makasisiya sa Diyos. Nagsisimula na nilang madama na sila ay kapantay ng Diyos at buong pagmamagaling na sila’y naging mga kaibigan ng Diyos. Ang mga ganitong uri ng damdamin ay masyadong mali. Kung wala kang malalim na pagkaunawa ukol dito, kung hindi mo malinaw na nauunawaan ito, napakadali kung gayon na magkasala sa Diyos at magkasala sa Kanyang matuwid na disposisyon. Naiintindihan na ninyo ito ngayon, tama? Hindi ba natatangi ang matuwid na disposisyon ng Diyos? Ito ba ay kapantay ng katauhan o ng pansariling mga katangian ng tao? Hindi kailanman, tama? Kaya, hindi mo dapat malimutan na paano man tratuhin ng Diyos ang mga tao, anuman ang pagtingin Niya sa mga tao, ang kalagayan, awtoridad, at katayuan ng Diyos ay hindi kailanman magbabago. Para sa sangkatauhan, ang Diyos ay palaging ang Panginoon ng lahat at ang Lumikha. Naiintindihan mo, tama?

Ano ang natutuhan ninyo tungkol sa kabanalan ng Diyos? Maliban sa pagiging kabaligtaran ng kasamaan ni Satanas, ano ang pangunahing paksa sa pagtalakay sa kabanalan ng Diyos? Hindi ba ito ang kung anong mayroon at kung ano ang Diyos? Ang kung anong mayroon at kung ano ang Diyos ay natatangi sa Diyos Mismo? (Oo.) Wala sa Kanyang nilikha ang mayroon nito. Kaya sinasabi natin na ang kabanalan ng Diyos ay natatangi. Ito ay isang bagay na maaari ninyong maunawaan. Nagkaroon tayo ng tatlong pagtitipon ukol sa kabanalan ng Diyos. Maaari ba ninyong isalarawan sa inyong sariling mga salita, sa inyong sariling pagkaunawa, ano ang inyong paniniwala sa kabanalan ng Diyos? (Nang huling makipagniig sa amin ang Diyos yumukod kami sa harap Niya. Ibinahagi sa amin ng Diyos ang katotohanan tungkol sa mga pagpapatirapa at pagyukod upang sambahin Siya. Nakita namin na hindi naaayon sa Kanyang kalooban na yumukod kami at sambahin Siya kapag hindi namin nagawa ang mga hinihingi Niya, at mula rito ay nakita namin ang kabanalan ng Diyos.) Totoong-totoo. Mayroon pa bang iba? (Sa salita ng Diyos sa sangkatauhan, nakikita namin na Siya ay nangungusap nang simple at malinaw, Siya ay prangka at diretsahang magsalita. Paliguy-ligoy kung mangusap si Satanas at ito ay puno ng kasinungalingan. Sa nangyari sa amin noong huli nang kami ay nagpatirapa sa harap ng Diyos, nakita namin na ang Kanyang mga salita at ang Kanyang mga pagkilos ay laging may prinsipyo. Siya ay palaging masyadong malinaw at maigsing magsalita kapag sinasabi Niya kung paano kami dapat kumilos, kung ano ang dapat naming sundin, at kung paano kami dapat gumawa ng pagkilos. Ngunit ang mga tao ay hindi ganito; pagkatapos ginawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, hinangad ng mga tao na makamtan ang kanilang sariling personal na mga motibo at layunin at ang kanilang sariling personal na mga hangarin sa kanilang mga pagkilos at mga salita. Mula sa paraan ng pag-aalaga ng Diyos sa sangkatauhan, mula sa pag-aaruga at pag-iingat na ibinibigay Niya sa kanila, nakikita namin na ang lahat ng ginawa ng Diyos ay positibo at sobrang linaw. Sa ganitong paraan namin nakikita ang pahayag ng pinakadiwa ng kabanalan ng Diyos.) Mahusay! May maidadagdag ba ang sinuman dito? (Nakikita namin ang kabanalan ng Diyos kapag Kanyang ibinubunyag ang kasamaan ni Satanas. Kapag ibinubunyag ng Diyos ang diwa ni Satanas, mas nalalaman namin ang kasamaan nito, at nakikita ang pinagmumulan ng lahat ng pagdurusa ng sangkatauhan. Sa nakaraan, wala kaming alam sa pagdurusa sa ilalim ng sakop ni Satanas. Noon lamang ihayag ito ng Diyos ay saka pa lang namin nalaman na ang lahat ng pagdurusang dulot ng paghahangad ng katanyagan at kayamanan ay nilikha lahat ni Satanas. Sa pamamagitan lamang nito namin madadama na ang kabanalan ng Diyos ay ang tunay na kaligtasan ng sangkatauhan. Higit pa rito, inihahanda ng Diyos ang mga kakailanganin para magtamo kami ng kaligtasan; bagaman hindi Niya itinulot na maisilang kami sa isang napakayaman na pamilya, tinitiyak Niya na kami ay maisilang sa isang angkop na pamilya at sa isang angkop na kapaligiran. At saka hindi Niya hinahayaang danasin namin ang pananakit at pang-aapi ni Satanas, upang maaaring matamo namin ang mga kondisyon, magkaroon ng normal na kaisipan, at normal na pangangatwiran sa pagtanggap sa pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Sa lahat ng ito nakikita rin namin ang katumpakan ng mga plano ng Diyos, ang Kanyang mga pagsasaayos, at kung papaano Niya isinasagawa ang mga ito. Nakikita naming mabuti ang detalyadong gawain ng Diyos sa pagliligtas Niya sa amin mula sa impluwensya ni Satanas at nakikita namin ang kabanalan ng Diyos at ang Kanyang pagmamahal sa sangkatauhan.) Mayroon pa bang idadagdag doon? (Ang tiniwaling sangkatauhan ay kulang ng tunay na kaalaman o pagmamahal sa Diyos. Sapagkat hindi namin naiintindihan ang diwa ng kabanalan ng Diyos, ang aming pagyukod sa Kanyang harapan sa pagsamba ay winalang kabuluhan, may lihim na motibo at sinasadya, na nagpapalungkot sa Diyos. Nakikita namin na ibang-iba ang Diyos kay Satanas; hangad ni Satanas na ibigin at purihin ito, yukuan at sambahin ito ng mga tao. Si Satanas ay walang prinsipyo. Mula rito ay napahahalagahan ko rin ang kabanalan ng Diyos.) Napakagaling! Mula sa ating pagbabahaginan tungkol sa kabanalan ng Diyos, nakita ba ninyo ang pagiging perpekto ng Diyos? (Nakikita namin.) Nakikita ba ninyo kung paanong ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng positibong bagay? Nakikita ba ninyo kung paanong ang Diyos ang sagisag ng katotohanan at katarungan? Nakikita ba ninyo kung paanong ang Diyos ang pinagmumulan ng pag-ibig? Nakikita ba ninyo kung paanong ang lahat ng ginawa ng Diyos, ang lahat ng Kanyang inihahasik, at lahat ng Kanyang inihahayag ay walang paltos? (Nakikita namin ito.) Ang lahat ng halimbawang ito ay mga pangunahing punto tungkol sa kabanalan ng Diyos na Aking sinasabi. Ngayon, ang mga salitang ito ay tila mga doktrina lamang sa inyo, ngunit isang araw, kapag naranasan at nasaksihan ninyo ang Diyos Mismo mula sa Kanyang salita at Kanyang gawain, masasabi ninyo mula sa kaibuturan ng inyong puso na ang Diyos ay banal, na ang Diyos ay naiiba sa sangkatauhan, at na ang Kanyang puso, disposisyon, at diwa ay banal lahat. Ang kabanalang ito ang nagbibigay-daan sa tao na makita ang Kanyang pagiging perpekto at nagbibigay-daan din sa tao upang makita na ang diwa ng kabanalan ng Diyos ay dalisay. Ang diwa ng Kanyang kabanalan ang nagpapasiya na Siya ang natatanging Diyos Mismo, at ito ay ipinakikita sa tao, at nagpapatunay na Siya ang natatanging Diyos Mismo. Hindi ba ito ang pangunahing punto? (Ito nga.)

Nakagawa tayo ngayon ng buod sa ilang bahagi ng paksa mula sa ating nakaraang mga pagtitipon. Tatapusin natin ang ating buod dito. Umaasa Ako na isasapuso ninyong lahat ang pangunahing mga puntos ng bawat tala at paksa. Huwag basta isipin bilang mga doktrina ang mga ito; talagang basahin ninyo ang mga ito at subuking unawain ang mga ito kapag mayroon kayong oras. Isapuso ninyo ang mga ito at isagawa ang mga ito at tunay mong matututuhan ang lahat ng Aking sinabi tungkol sa tunay na paghahayag ng disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya. Gayunman, hindi mo kailanman maiintindihan ang mga ito kung itatala mo lang ang mga ito sa iyong kuwaderno at hindi babasahing mabuti o pag-iisipan ang mga ito. Naiintindihan mo na ngayon, tama? Pagkatapos ipabatid ang tatlong bagay na ito, matatamo na ng mga tao ang pangkalahatan—o kahit ang partikular—ang pagkaunawa sa katayuan ng Diyos, sa Kanyang diwa, at sa Kanyang disposisyon. Ngunit magkakaroon ba sila ng ganap na pagkaunawa tungkol sa Diyos? (Hindi.) Ngayon, sa inyong sariling pagkaunawa ukol sa Diyos, mayroon pa bang ibang mga bahagi na kung saan dama ninyo na kailangan pa ninyo ng mas malalim na pagkaunawa? Ang ibig sabihin, pagkatapos mong nagtamo ng pagkaunawa sa awtoridad ng Diyos, sa Kanyang matuwid na disposisyon, at sa Kanyang kabanalan, marahil ay naitatag mo na sa iyong sariling isipan ang pagkakilala sa Kanyang natatanging katayuan at kalagayan, gayunman sa pamamagitan ng iyong karanasan kailangan mong malaman at pahalagahan ang Kanyang mga pagkilos, Kanyang kapangyarihan, ang Kanyang pinakadiwa bago kayo makapagtamo ng mas malalim na pagkaunawa. Kayo ngayon ay nakapakinig sa mga ganitong pagbabahagi upang inyong maaaring maisapuso ang artikulong ito ng pananampalataya: Ang Diyos ay tunay na umiiral, at isang katotohanan ito na inuutusan Niya ang lahat ng bagay. Hindi dapat magkasala ang sinumang tao sa Kanyang matuwid na disposisyon at ang Kanyang kabanalan ay isang katiyakan na hindi maaaring pag-alinlanganan ng sinumang tao. Ang mga ito ay mga katotohanan. Itinutulot ng mga pagbabahaging ito ang kalagayan at katayuan ng Diyos na magkaroon ng saligan sa mga puso ng mga tao. Kapag naitatag na ang saligang ito, kailangang sikapin ng mga tao na mas makaunawa pa.

Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay para sa Lahat ng Bagay (I)

Sa araw na ito ibabahagi Ko sa inyo ang tungkol sa isang bagong paksa. Ano ang magiging paksa? Ang titulo ng paksa ay “Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay para sa Lahat ng Bagay.” Hindi ba ito ay medyo malaking paksa upang talakayin? Para ba itong isang bagay na maaaring mahirap abutin? Ang Diyos bilang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay ay maaaring parang isang paksa na dama ng mga taong hiwalay sila, ngunit lahat ng taong sumusunod sa Diyos ay dapat itong maintindihan. Ito ay dahil sa ang paksang ito ay hindi maaaring mahiwalay sa bawat taong nakakakilala sa Diyos, sa gayon ay nakakayang mapalugod Siya, at igalang Siya. Kung gayon, ang paksang ito ay dapat maibahagi. Dati, maaaring magkaroon ang ilang tao ng isang pangunahing pagkaunawa ukol sa paksang ito, o marahil ay batid ito ng ilang tao. Maaaring mayroon silang payak na kaalaman o isang mababaw na pang-unawa tungkol dito sa kanilang mga isipan. Maaaring ang iba ay may ilang espesyal na karanasan dito; dahil sa kanilang mga natatanging karanasan, sa kanilang mga puso ay mayroon silang malalim na pang-unawa ukol dito. Ngunit maging malalim man o mababaw ang kaalamang ito, para sa inyo ito ay nasa isang panig at hindi ganap na tiyak. Kaya, ang paksang ito ay dapat na maibahagi, ang layunin ukol rito ay upang bigyan kayo ng mas tiyak at malalim na pagkaunawa. Gagamit Ako ng isang espesyal na paraan sa pagbabahagi sa inyo ukol sa paksang ito, isang paraan na hindi pa natin nagamit noong una at paraan na masasabi ninyong medyo hindi pangkaraniwan, o medyo hindi komportable. Gayunman, pagkatapos ninyong marinig ito malalaman ninyo ito, sa kahit na anumang paraan. Gusto ba ninyong nakikinig sa mga kuwento? (Oo gusto namin.) Parang tama ako sa pagpili sa paraan ng paglalahad ng kuwento. Gusto ninyong lahat na makarinig ng mga kuwento. Kung ganoon, atin nang simulan! Hindi na ninyo kailangang isulat ito sa inyong mga talaan. Hinihiling Ko na maging kalmado kayo, at huwag maglikot. Maaari mong ipikit ang mga mata mo kung sa tingin mong kapag nakabukas ang mga ito'y maliligalig ka ng iyong kapaligiran at ng mga taong nakapaligid sa iyo. Mayroon Akong isang kahanga-hangang munting kuwento na ilalahad sa inyo. Ito ay kuwento tungkol sa isang buto, lupa, isang puno, sikat ng araw, mga ibong umaawit, at tao. Ang kuwento na Aking ilalahad sa inyo ay mayroong anong pangunahing mga tauhan dito? (Isang buto, ang lupa, isang puno, ang sikat ng araw, ang mga ibong umaawit, at ang tao.) Makakasama ba ang Diyos dito? (Hindi.) Ngunit nakatitiyak Ako na pagkatapos mailahad sa inyo ang kuwento magiginhawahan kayo at makukuntento. O sige kung ganoon, maaari kayong tahimik na makinig.

Kuwento 1. Isang Buto, ang Lupa, Isang Puno, ang Sikat ng Araw, ang mga Ibong Umaawit, at ang Tao

Ang isang maliit na buto ay nalaglag sa lupa. Pagkatapos bumuhos nang napakalakas na ulan, ang buto ay umusbong nang bahagya at ang mga ugat nito ay dahan-dahang sumiksik sa ilalim ng lupa. Ang umusbong ay lumaki, sinasagupa ang malalakas na hangin at ulan, nakikita ang pagpapalit ng mga panahon kagaya ng paglaki at pagliit ng buwan. Sa tag-araw, naglalabas ng mga kaloob ng tubig ang lupa upang makayanan ng umusbong ang nakapapasong init. At dahil sa lupa, hindi naramdaman ng umusbong ang init at sa gayon ay nalampasan nito ang init sa tag-araw. Nang dumating ang taglamig, binalot ng lupa ang umusbong sa mainit na yakap nito at kumapit ang mga ito sa isa’t isa nang mahigpit. At dahil sa init ng lupa, nalampasan ng umusbong ang mapait na lamig, ligtas sa pagdaan ng malakas na hanging-taglamig at ang panahon ng pagbagsak ng niyebe. Kinanlong ng lupa, ang umusbong ay lumaking matapang at naging masaya. Ito ay lumaki at naging matayog mula sa walang pag-iimbot na pag-aaruga na ibinigay ng lupa. Masayang tumubo ang umusbong. Ito ay kumakanta habang bumubuhos ang ulan at ito ay nagsasayaw at umiindayog habang umiihip ang hangin. At kaya, ang umusbong at ang lupa ay umasa sa isa’t isa …

Dumaan ang mga taon, ang umusbong ay matayog na puno na ngayon. Nagkaroon ito ng matatag na mga sanga na punong-puno ng dahon at nakatayong matatag sa ibabaw ng lupa. Ang mga ugat ng puno ay humukay sa ilalim ng lupa kagaya noong una, ngunit ngayon ay sumisid ang mga ito nang napakalalim sa lupa. Ang minsang nagprotekta sa umusbong ay isa na ngayong pundasyon para sa makapangyarihang puno.

Isang sinag ng sikat ng araw ang kumislap sa puno at ang katawan ng puno ay naalog. Iniunat ng puno nang maluwang ang mga sanga nito at lalong nahila palapit sa liwanag. Ang lupa sa ilalim ay humihinga kaalinsabay ng puno, at ang lupa ay nakadama ng panibagong-lakas. Pagkatapos lang noon, isang sariwang simoy ng hangin ang umihip sa mga sanga, at ang puno ay nanginig sa tuwa, punung-puno ng lakas. At kaya, ang puno at ang sikat ng araw ay umasa sa isa’t isa …

Ang mga tao ay nakaupo sa malamig na lilim ng puno at sila ay nadarang sa mabilis, mahalimuyak na hangin. Dinalisay ng hangin ang kanilang mga puso at mga baga, at dinalisay ang dugo sa loob. Ang mga tao ay hindi na nakadama ng pagod at bigat. At kaya, ang mga tao at ang puno ay umasa sa isa’t isa …

Isang kawan ng mga ibong umaawit ang humuhuni habang nakadapo sa mga sanga ng puno. Marahil ay umiiwas ang mga ito sa ilang kalaban, o ang mga ito ay nagpaparami at pinalalaki ang inakay nito, o marahil ay nagpapahinga lang saglit. At kaya, ang mga ibon at ang puno ay umaasa sa isa’t isa …

Ang mga ugat ng puno, nangabaluktot at nagkandabuhol-buhol, ay bumaon nang malalim sa lupa. Tinakpan ng katawan nito ang lupa mula sa hangin at sa ulan at iniunat nito ang kahanga-hanga nitong mga sanga at naprotektahan ang lupa sa ilalim nito, at ginawa ito ng puno sapagkat ang lupa ay ang ina nito. Namumuhay ang mga itong magkasama, umaasa sa isa’t isa, at hindi kailanman ang mga ito tatahang magkahiwalay …

Kaya, ang kuwento ay nasa katapusan na. Maaari na ninyong buksan ang inyong mga mata ngayon. Naglahad Ako ng kuwento tungkol sa isang buto, lupa, isang puno, sikat ng araw, mga ibong umaawit, at tao. Ang kuwento ay may ilang bahagi lamang. Anong mga damdamin ang ibinigay nito sa inyo? Sa pagkakalahad nito sa ganitong paraan, naiintindihan ba ninyo ito? (Naiintindihan namin.) Maaari kayong magsalita ukol sa inyong mga damdamin. Kaya, ano ang inyong nararamdaman pagkatapos marinig ang kuwentong ito? Magpapauna na Ako sa inyo, ang lahat ng bagay na Aking nabanggit sa inyo ay maaaring makita at mahipo; ang mga ito ay mga totoong bagay, hindi mga talinghaga. Nais Kong magpatuloy kayo at pag-isipan ang tungkol sa Aking tinalakay. Wala sa Aking tinalakay ang malalim, at may ilang pangungusap na bumuo sa pangunahing punto ng kuwento. (Ang kuwento na aming narinig ay nagpipinta ng isang magandang larawan: Ang buto ay nabuhay at habang ito ay lumalago nararanasan nito ang apat na panahon ng taon: tagsibol, tag-araw, taglagas, at taglamig. Ang lupa ay parang isang ina sa paraan ng pag-aalaga. Nagbibigay ito ng init sa taglamig upang ang umusbong ay makaligtas sa lamig. Pagkatapos na ang umusbong ay lumaking isang puno, isang sinag ng araw ang humahaplos sa mga sanga nito, na nagdadala ng labis na kagalakan sa puno. Nakikita namin na sa lahat ng bagay na nilikha ng Diyos, ang lupa ay buhay at ito ay umaasa sa puno. Nakikita din namin na ang sikat ng araw ay nagdudulot ng sobrang init sa puno, at kahit na ang mga ibon ay pangkaraniwang bagay lang na makikita, nakikita namin kung papaanong ang mga ibon, ang puno, at ang mga tao ay nagsasama-samang lahat sa pagkakaisa. Kapag naririnig namin ang kuwentong ito, ito ang damdamin na nasa aming mga puso na, talagang, ang lahat ng bagay na nilikha ng Diyos ay buhay.) Magaling! May idadagdag pa bang iba ang sinuman? (Sa kuwento habang ang buto ay umuusbong at lumalagong isang napakalaking puno, nakikita namin ang kamangha-manghang mga bagay na ginawa ng Diyos. Ginawa ng Diyos ang lahat ng bagay upang mabuhay at umasa sa isa’t isa at ang mga ito ay magkakaugnay sa isa’t isa, at naglilingkod sa isa’t isa. Nakikita namin ang karunungan ng Diyos, ang Kanyang himala, at nakikita namin na Siya ang pinagmumulan ng buhay ng lahat ng bagay.)

Ang lahat ng bagay na kasasabi Ko lang ay mga bagay na nakita na ninyo noong una, kagaya ng mga buto, alam ninyo ang ukol rito, tama? Ang isang buto na lumalago at nagiging isang puno ay maaaring hindi isang proseso na iyong makikita nang detalyado, ngunit alam mo na ito ay isang katotohanan, tama? Alam mo ang ukol sa lupa at sa sikat ng araw. Ang imahe ng mga ibong umaawit na dumadapo sa puno ay isang bagay na nakita na ng lahat ng tao, tama? At ang mga tao ay nagpapalamig sa lilim ng isang puno, nakita na ninyong lahat iyon, tama? (Nakita na namin iyon.) Kaya anong damdamin ang inyong nakukuha kapag nakikita ninyo ang lahat ng halimbawang ito sa isang imahe? (Pagkakaisa.) Ang lahat ba ng halimbawa na inyong nakikita sa imahe na ito ay nagmumula sa Diyos? (Oo.) Dahil galing sila sa Diyos, nababatid ng Diyos ang kahalagahan at kabuluhan ng ilan sa mga halimbawang ito na umiiral na magkakasama sa lupa. Nang likhain ng Diyos ang lahat ng bagay, mayroon Siyang plano sa bawat isang bagay, at ang bawat bagay na Kanyang nilikha ay ipinakikita ang Kanyang mga layunin at nagpupuspos Siya ng buhay sa kanila. Nilikha Niya ang buhay na kapaligiran para sa sangkatauhan, na tinalakay sa kuwento na kapapakinig pa lang natin. Tumalakay ito sa pagtutulungan na mayroon ang buto at ang lupa; pinakakain ng lupa ang buto at ang buto ay nakabigkis sa lupa. Ang kaugnayan sa pagitan ng dalawang ito ay itinakda ng Diyos mula pa sa pasimula. Ang puno, ang sikat ng araw, ang mga ibong umaawit, at ang tao sa imaheng ito ay halimbawa ng buhay na kapaligiran na nilikha ng Diyos para sa sangkatauhan. Una, hindi maaaring iwanan ng puno ang lupa, at hindi rin ito maaaring walang sikat ng araw. Kung gayon ano ang layunin ng Diyos sa paglikha ng puno? Maaari ba nating sabihin na ito ay para lamang sa lupa? Maaari ba nating sabihin na ito ay para lamang sa mga ibong umaawit? Maaari ba nating sabihin na ito ay para lamang sa mga tao? (Hindi.) Ano ang kaugnayan sa pagitan nila? Ang kaugnayan sa pagitan nila ay isang uri ng pagtutulungan na kung saan sila ay hindi maaaring maghiwa-hiwalay. Ibig sabihin, ang lupa, ang puno, ang sikat ng araw, ang mga ibong umaawit, at ang mga tao ay umaasa sa isa’t isa para sa pag-iral at inaalagaan nila ang isa’t isa. Inaalagaan ng puno ang lupa habang pinakakain ng lupa ang puno; naglalaan ang sikat ng araw para sa puno, samantalang ang puno ay lumilikha ng sariwang hangin mula sa sikat ng araw at tumutulong sa pagpapaginhawa sa lupa mula sa init ng sikat ng araw. Sino ang nakikinabang mula rito sa katapusan? Nakikinabang ang sangkatauhan mula rito, tama? At ito ay isa sa mga prinsipyo kung bakit ginawa ng Diyos ang buhay na kapaligiran para sa sangkatauhan at isa sa mga pangunahing layunin para dito. Kahit na ito ay isang simpleng larawan, makikita natin ang karunungan ng Diyos at ang Kanyang mga layunin. Ang sangkatauhan ay hindi maaaring mabuhay nang wala ang lupa, o wala ang mga puno, o wala ang mga ibong umaawit at ang sikat ng araw, tama? Kahit na ito ay isang kuwento, ito ay isang mikrokosmo sa paglikha ng Diyos sa sansinukob at Kanyang pagkakaloob ng buhay na kapaligiran sa tao.

Nilikha ng Diyos ang kalangitan at ang lupa at ang lahat ng bagay para sa sangkatauhan at nilikha rin Niya ang buhay na kapaligiran. Una, ang pangunahing punto na ating tinalakay sa kuwento ay ang magkakaugnay na relasyon at pagtutulungan sa lahat ng bagay. Sa ilalim ng prinsipyong ito, ang buhay na kapaligiran para sa sangkatauhan ay napangangalagaan, ito ay nakaliligtas at nakapagpapatuloy; dahil sa pag-iral nitong buhay na kapaligiran, ang sangkatauhan ay maaaring lumago at magparami. Nakita natin ang puno, ang lupa, ang sikat ng araw, ang mga ibong umaawit, at ang mga tao sa eksena. Naroon din ba ang Diyos? Maaaring hindi ito makita ng tao, tama? Ngunit makikita ng mga tao ang mga patakaran ng magkakarugtong na mga kaugnayan sa pagitan ng mga bagay sa eksena; sa pamamagitan ng mga patakarang ito na makikita ng mga tao na ang Diyos ay umiiral at na Siya ang Namumuno. Ginagamit ng Diyos ang mga prinsipyo at mga patakaran upang maingatan ang buhay at pag-iral ng lahat ng bagay. Sa ganitong paraan Siya naglalaan para sa lahat ng bagay at naglalaan Siya para sa sangkatauhan. Mayroon bang kahit na anumang kaugnayan ang kuwentong ito sa tema na katatalakay pa lang natin? Sa wari ay parang walang ganyan, ngunit sa realidad, ang mga patakaran na ginawa ng Diyos bilang Lumikha at ang Kanyang kapamahalaan sa lahat ng bagay ay matibay na nakaugnay sa Kanya bilang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay at ang mga ito ay matibay na magkakarugtong. May natutuhan kayong konting bagay, tama ba?

Ang Diyos ay ang Panginoon ng mga patakaran na namamahala sa sansinukob, pinamamahalaan Niya ang mga patakaran na sumasakop sa kaligtasan sa lahat ng bagay, at pinamamahalaan din Niya ang sansinukob at ang lahat ng bagay nang sa gayon ay makakapamuhay ang mga itong magkakasama; ginagawa Niya ito upang hindi mawala nang lubusan o maglaho ang mga ito para ang sangkatauhan ay maaaring makapagpatuloy na umiral, ang tao ay maaaring mabuhay sa gayong kapaligiran sa pamamagitan ng pangunguna ng Diyos. Ang mga patakarang ito na namumuno sa lahat ng bagay ay nasa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos, at ang sangkatauhan ay hindi maaaring makialam at hindi mapapalitan ang mga ito; tanging ang Diyos Mismo ang nakakaalam sa mga patakarang ito at Siya Mismo lamang ang nakapamamahala sa mga ito. Kailan uusbong ang mga puno, kailan uulan, gaano karaming tubig at gaano karaming pampalusog ang ibibigay ng lupa sa mga halaman, sa anong panahon malalaglag ang mga dahon, sa anong panahon mamumunga ang mga puno, gaano karaming enerhiya ang ibibigay ng sikat ng araw sa mga puno, ano ang ihihingang palabas ng mga puno mula sa enerhiya na nakukuha nila mula sa sikat ng araw—ang lahat ng ito ay mga bagay na naisaayos na ng Diyos nang lalangin Niya ang sansinukob at ang mga ito ay mga batas na hindi maaaring labagin ng tao. Ang mga bagay na nilikha ng Diyos—maging sila ay buhay o lumilitaw na walang buhay ayon sa mga tao—lahat ay nasa mga kamay ng Diyos at nasa ilalim ng Kanyang kapamahalaan. Walang sinuman ang makababago o makasisira sa patakarang ito. Ibig sabihin, nang nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay binalangkas na Niya ang nararapat sa mga ito. Ang mga puno ay hindi maaaring magkaugat, umusbong, at lumago kung wala ang lupa. Kung ang lupa ay walang mga puno, ito ay matutuyo. At saka, ang puno ay ang tahanan ng mga ibong umaawit, ito ang lugar kung saan nagkukubli ang mga ito mula sa hangin. Magiging OK lang ba kung magkakaroon ng puno kahit walang sikat ng araw? (Hindi ito magiging OK.) Kung lupa lamang mayroon ang puno hindi ito maaaring gumana. Ang lahat ng ito ay para sa sangkatauhan at para sa ikaliligtas ng sangkatauhan. Nakatatanggap ang tao ng sariwang hangin mula sa puno, at nabubuhay sa ibabaw ng lupa na pinoprotektahan nito. Hindi mabubuhay ang tao nang walang sikat ng araw, ang tao ay hindi mabubuhay kung wala ang iba’t ibang mga bagay na nabubuhay. Kahit na ang relasyon sa pagitan ng mga bagay na ito ay kumplikado, kailangan mong tandaan na nilikha ng Diyos ang mga patakaran na namamahala sa lahat ng bagay upang maaaring umiral sila sa isang magkakaugnay at nagtutulungang paraan; ang bawat isang bagay na Kanyang nilikha ay may halaga at kabuluhan. Kung ang Diyos ay lumikha ng isang bagay na walang kabuluhan, hahayaan ito ng Diyos na mawala. Ito ay isa sa mga pamamaraan na Kanyang ginagamit sa paghahanda sa lahat ng bagay. Ano ang tinutukoy ng “maglaan para sa” sa kuwentong ito? Lumalabas ba ang Diyos upang diligan ang puno araw-araw? Kailangan ba ng puno ang tulong ng Diyos para makahinga? (Hindi.) Ang “maglaan para sa” sa paliwanag na ito ay tumutukoy sa pamamahala ng Diyos sa lahat ng bagay pagkatapos ng paglikha; ang kinailangan lang Niya ay mga patakaran upang panatilihing maayos ang lahat. Ang puno ay lumaki nang kusa sa pamamagitan ng pagkatanim nito sa lupa. Ang mga kinakailangan para ito ay lumago ay nilikha lahat ng Diyos. Ginawa Niya ang sikat ng araw, ang tubig, ang lupa, ang himpapawid, at ang kalapit na kapaligiran, ang hangin, ang hamog na nagyelo, ang niyebe, at ulan, at ang apat na panahon; ito ang mga kondisyon na kakailanganin ng puno upang lumago, ito ang mga bagay na inihanda ng Diyos. Kaya, ang Diyos ba ang pinagmumulan nitong buhay na kapaligiran? (Oo.) Kailangan bang lumabas ang Diyos araw-araw upang bilangin ang bawat dahon sa mga puno? Hindi na kailangan, tama? Hindi rin kailangan na tulungan ng Diyos ang puno na makahinga. Hindi rin kailangan na gisingin ng Diyos araw-araw ang sikat ng araw sa pagsasabing, “Oras na upang magbigay ng liwanag sa mga puno ngayon.” Hindi Niya kailangang gawin iyon. Ang sikat ng araw ay nagliliwanag nang kusa gaya ng iniatas ng mga patakaran; kapag kailangan, sinisipsip ng puno ang sikat ng araw, at kapag hindi kailangan ang sikat ng araw, ang puno ay nabubuhay pa rin sa loob ng mga patakaran. Maaaring hindi ninyo makayang ipaliwanag itong kababalaghan nang malinaw, ngunit ito ay isang katotohanan na maaaring makita at matanggap ng lahat. Ang dapat mo lang gawin ay tanggapin na ang mga patakaran para sa pag-iral ng lahat ng bagay ay mula sa Diyos at malaman na ang paglago at kaligtasan nito ay nasa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos. Nauunawaan mo, tama ba?

Isa bang talinghaga ang ginamit sa kuwentong ito, gaya ng tawag ng mga tao rito? Ito ba ay antropomorpiko? (Hindi.) Ang sinasabi Ko ay katotohanan. Ang lahat ng bagay na buhay, ang lahat ng bagay na may buhay ay nasa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos. Binigyan ito ng buhay pagkatapos itong likhain ng Diyos; ito ay buhay na ibinigay mula sa Diyos at sumusunod ito sa mga batas at sa daan na Kanyang nilikha para dito. Hindi ito dapat baguhin ng tao, at hindi nangangailangan ng tulong mula sa tao; ganito naglalaan ang Diyos para sa lahat ng bagay. Naiintindihan ninyo, tama? Iniisip ba ninyo na kinakailangan ng mga tao na kilalanin ito? (Oo.) Kaya, may kinalaman ba ang kuwentong ito sa biyolohiya? Mayroon ba itong kinalaman sa anumang saklaw ng kaalaman o agham? Hindi natin tinatalakay ang biyolohiya rito at tiyak na hindi tayo nagsasagawa ng anumang pananalisik na biyolohikal. Ano ang pangunahing punto na pinag-uusapan natin dito? (Na ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng buhay para sa lahat ng bagay.) Ano ang nakikita ninyo sa gitna ng lahat ng bagay sa paglikha? Nakakita ba kayo ng mga puno? Nakakita ba kayo ng lupa? (Oo.) Nakita ninyo ang sikat ng araw, tama? Nakakita ba kayo ng mga ibong nagpapahinga sa mga puno? (Nakakita na kami.) Masaya ba ang sangkatauhan na manirahan sa gayong kapaligiran? (Masaya siya.) Ibig sabihin, ginagamit ng Diyos ang lahat ng bagay—ang mga bagay na Kanyang nilikha-upang mapanatili ang tahanan ng sangkatauhan para sa kaligtasan at ingatan ang tahanan ng sangkatauhan, at ganito Siya naglalaan para sa tao at naglalaan para sa lahat ng bagay.

Ano ang nararamdaman ninyo tungkol sa pagtalakay Ko sa mga bagay-bagay sa ganitong paraan at sa Aking pakikipag-usap sa ganitong paraan? (Ito ay madaling maintindihan at mayroong praktikal na mga halimbawa ukol rito.) Ito ang totoong paraan sa pagtalakay ng mga bagay, tama? Mahalaga ba ang kuwentong ito upang tulungang makilala ng tao na ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay? (Oo.) Kung ito ay mahalaga, kung gayon ay magpapatuloy tayo sa ating susunod na kuwento. Ang paksa sa susunod na kuwento ay bahagyang kakaiba at ang pangunahing punto ay kakaiba rin; ang mga bagay sa kuwento ang siyang makikita ng mga tao sa gitna ng mga nilikha ng Diyos. Gagamitin Kong muli ang paraan ng pagsasabi ng kuwento sa inyo, na maaari kayong tahimik na makinig at pakaisipin ang tungkol sa sinasabi Ko. Kapag natapos Ko ang kuwento, magtatanong Ako sa inyo ng ilang katanungan upang makita kung gaano na kayo natuto. Ang mga pangunahing gumaganap sa kuwentong ito ay ang malaking bundok, isang maliit na sapa, isang malakas na hangin, at ang higanteng alon.

Kuwento 2. Isang Malaking Bundok, Isang Maliit na Sapa, Isang Malakas na Hangin, at Isang Dambuhalang Alon

May isang maliit na sapa na nagpapaliku-liko paroo’t parito, hanggang sa nakarating sa wakas sa paanan ng malaking bundok. Hinaharangan ng bundok ang daanan ng maliit na sapa, kaya tinanong ng maliit na sapa ang bundok sa kanyang mahina, maliit na boses, “Pakiusap padaanin mo ako, ikaw ay nakatayo sa aking dinaraanan at hinaharangan ang aking daanan pasulong.” Nagtanong ang bundok pagkatapos, “Saan ka pupunta?” Na tinugon naman ng maliit na sapa, “Hinahanap ko ang aking tahanan.” Sinabi ng bundok, “Sige, magpatuloy kang dumaloy sa ibabaw ko!” Ngunit dahil ang maliit na sapa ay masyadong mahina at masyadong bata, walang paraan para ito makadaloy sa ibabaw ng gayon kalaking bundok, kaya wala itong magawa kundi ang manatiling dumaloy sa paanan ng bundok …

Umihip ang isang malakas na hangin dala nito ang buhangin at alikabok kung saan naroon ang bundok. Umugong ang hangin sa bundok, “Padaanin mo ako!” Ang bundok ay nagtanong, “Saan ka pupunta?” Umugong pabalik ang hangin, “Gusto kong magpunta sa gilid na iyon ng bundok.” Sinabi ng bundok, “Sige, kung makalulusot ka sa aking gitna, kung gayon humayo ka!” Umugong nang umugong ang hangin, ngunit gaano man kalakas itong umihip, hindi ito makalusot sa gitna ng bundok. Napagod ang hangin, at tumigil upang magpahinga. Kaya sa gilid na iyon ng bundok pasumpung-sumpong lang umiihip ang hangin, na ikinagalak ng mga tao roon. Gayon ang pagbati na ibinigay ng bundok sa mga tao ...

Sa dalampasigan, ang wisik ng karagatan ay marahang gumulong sa bahura. Nang biglang, isang dambuhalang alon ang dumating at nanalasa patungo sa bundok. “Tumabi ka!” sigaw ng dambuhalang alon. Ang bundok ay nagtanong, “Saan ka pupunta?” Hindi huminto ang malaking alon, at nagpatuloy ito sa pagdaluyong habang sumasagot, “Pinalalawak ko ang aking teritoryo at gusto kong iunat ang aking mga braso nang konti.” Sinabi ng bundok, “Sige, kung makadadaan ka sa aking tuktok, ibibigay ko ang daan.” Umatras nang kaunti ang malaking alon, at dumaluyong muli patungo sa bundok. Ngunit gaano man nito sikaping tangkain, hindi nito malalampasan ang bundok. Wala itong mapagpipilian kundi ang umurong pabalik kung saan ito nagmula …

Sa loob ng maraming siglo, marahang umaagos ang maliit na sapa palibot sa paanan ng bundok. Sa pamamagitan ng pagsunod sa daan na ginawa ng bundok, nagawa ng maliit na sapa na makabalik sa tahanan nito; sumama ito sa ilog, at dumaloy sa dagat. Sa ilalim ng pangangalaga ng bundok, hindi kailanman naligaw ang sapa. Ang maliit na sapa at ang malaking bundok ay umasa sa isa’t isa, pinipigil ng mga ito ang isa’t isa, at umasa sa isa’t isa.

Sa loob ng maraming siglo, hindi binago ng malakas na hangin ang mga nakagawian nitong pag-ungol sa bundok. Hinihipan ng hangin ang mga nakapaikot na buhangin kapag “binisita” nito ang bundok gaya ng dati nang nangyayari. Pinagbabantaan nito ang bundok, ngunit hindi kailanman nakalusot sa gitna ng bundok. Ang malakas na hangin at ang malaking bundok ay umasa sa isa’t isa, pinigilan ng mga ito ang isa’t isa, at umasa sa isa’t isa.

Sa loob ng maraming siglo, ang dambuhalang alon ay hindi rin nagpahinga, at hindi kailanman tumigil sa paglawak. Ito ay dumadagundong at dumadaluyong nang paulit-ulit patungo sa bundok, gayunman hindi kailanman gumalaw ang bundok kahit isang pulgada. Binabantayan ng bundok ang dagat, at sa ganitong paraan, ang mga nilalang sa dagat ay dumami at lumago. Ang dambuhalang alon at ang malaking bundok ay umasa sa isa’t isa, pinigilan ng mga ito ang isa’t isa, at umasa sa isa’t isa.

Tapos na ang kuwentong ito. Una, ano ang masasabi ninyo sa Akin tungkol sa kuwentong ito, ano ang pangunahing paksa nito? Una may isang bundok, isang maliit na sapa, isang malakas na hangin, at isang higanteng alon. Ano ang nangyari sa unang bahagi sa maliit na sapa at sa malaking bundok? Bakit natin pag-uusapan ang tungkol sa malaking bundok at sa maliit na sapa? (Sapagkat naprotektahan ng bundok ang sapa, ang sapa ay hindi kailanman nawala. Umasa ang mga ito sa isa’t isa.) Masasabi ba ninyo na naprotektahan ng bundok o hinarangan ang maliit na sapa? (Naprotektahan ito.) Maaari kaya itong hinarangan nito? Ang bundok at ang maliit na sapa ay magkasama; naprotektahan nito ang sapa, at ito rin ay isang harang. Naprotektahan ng bundok ang sapa upang maaaring dumaloy ito sa ilog, ngunit pinanatili din nito mula sa pagdaloy sa lahat ng dako kung saan maaari itong maging baha at maging mapaminsala para sa mga tao. Ito ba ang pangunahing punto sa bahaging ito? Ang pag-iingat ng bundok sa sapa at ang pagkilos nito bilang harang ang nangalaga sa mga tahanan ng mga tao. Sa gayon mayroon kayong maliit na sapa na sasanib sa ilog sa paanan ng bundok at kalaunan ay dadaloy papuntang dagat; hindi ba ito ang kinakailangan sa maliit na sapa? Nang dumaloy ang sapa sa ilog at pagkatapos sa dagat, ano ang inaasahan nito? Hindi ba ito umaasa sa bundok? Ito ay umaasa sa pag-iingat ng bundok na nagsisilbing isang harang; ito ba ang pangunahing punto? Nakikita mo ba ang kahalagahan ng mga bundok sa tubig sa halimbawang ito? May layunin ba ang Diyos sa paggawa Niya sa mga bundok na parehong mataas at mababa? (Oo.) Ito ay maliit na bahagi ng kuwento, at mula lang sa isang maliit na sapa at isang malaking bundok na nakita natin ang halaga at kabuluhan ng dalawang bagay na ito sa paglikha ng Diyos sa mga ito. Makikita rin natin ang Kanyang karunungan at layunin kung paano Niya pinamamahalaan ang dalawang bagay na ito. Hindi ba tama iyon?

Ano ang kinapapalooban ng ikalawang bahagi ng kuwento? (Isang malakas na hangin at ang malaking bundok.) Ang hangin ba ay isang mabuting bagay? (Oo.) Hindi sa lahat ng oras, yamang may mga pagkakataon na kapag malakas ang hangin ito ay makakapinsala. Ano ang madarama mo kung kinailangan mong manatili sa labas sa gitna ng malakas na hangin? Ito ay depende kung gaano ito kalakas, tama? Kung ito ay bahagyang simoy lang, o kung ito ay may antas na 3-4 na hangin, kung gayon ito ay katamtaman pa rin, karaniwan mahihirapan ang isang tao na panatilihing nakamulat ang kanyang mga mata. Ngunit makakaya mo ba kung iihip ang hangin na may sapat na lakas upang maging buhawi? Hindi mo ito makakaya. Kaya mali para sa mga tao ang sabihin na ang hangin ay palaging mabuti, o na ito ay palaging masama sapagkat ito ay depende kung gaano kalakas ang hangin. Kaya ano ang pakinabang ng bundok dito? Ito ba ay parang pansala para sa hangin? Tinatanggap ng bundok ang malakas na hangin at pinagpira-piraso ito sa ano? (Isang banayad na hangin.) Maaari itong mahawakan at madama ng karamihan sa mga tao sa kapaligiran kung saan sila nakatira—ang malakas na hangin ba o ang bahagyang simoy ang kanilang nadama? (Isang banayad na hangin.) Hindi ba ito ang isa sa mga layunin sa likod ng paglikha ng Diyos sa mga bundok? Hindi ba ito ang Kanyang layon? Ano kaya ang magiging pakiramdam ng mga tao na manirahan sa isang kapaligiran kung saan hihipang paikot ng malakas na hangin ang mga butil ng buhangin nang walang sasangga o haharang dito? Maaari kaya na habang umiihip ito na mayroong kasamang buhangin at mga bato, hindi makapaninirahan ang tao sa lupa? Maaaring matamaan sa ulo ang ilang tao ng mga batong lumilipad, o ang iba ay maaaring malagyan ng buhangin sa kanilang mga mata at hindi makakita. Maaaring ang mga tao ay masipsip sa himpapawid o ang hangin ay umihip nang malakas at hindi sila makakatayo. Masisira ang mga bahay at lahat ng uri ng kapinsalaan ay mangyayari. May halaga ba ang malakas na hangin? Nang sabihin Ko na ito ay masama, kung gayon ay madarama ng mga tao na wala itong halaga, ngunit tama ba iyon? Wala bang halaga na ito ay nagiging banayad na hangin? Ano ang pinakakailangan ng mga tao kapag mahalumigmig o walang sariwang hangin? Kailangan nila ng isang banayad na hangin na marahang iihip sa kanila, upang palamigin at maging maaliwalas ang kanilang mga kaisipan, gawing matalas ang kanilang pag-iisip, upang magkumpuni at mapabuti ang kalagayan ng kanilang kaisipan. Halimbawa, nakaupo kayong lahat sa isang silid na puno ng mga tao at walang hangin, at ano ang inyong pinakakailangan? (Isang banayad na hangin.) Sa mga lugar na kung saan ang hangin ay hindi malinis at puno ng dumi maaaring pinababagal nito ang pag-iisip ng isang tao, pinabababa nito ang pagdaloy ng kanilang dugo, at ginagawa silang hindi masyadong alisto. Gayunman, ang hangin ay magiging sariwa kung magkakaroon ito ng pagkakataon na gumalaw at dumaloy, at magiging mas mabuti ang pakiramdam ng mga tao. Kahit na maaaring ang maliit na sapa at ang malakas na hangin ay maging kalamidad, hangga’t ang bundok ay naroroon gagawin nito ang mga ito na mga bagay na tunay na kapaki-pakinabang sa mga tao; hindi ba tama iyon?

Ano ang pinag-uusapan sa ikatlong bahagi ng kuwento? (Ang malaking bundok at ang malaking alon.) Ang malaking bundok at ang malaking alon. Ang tanawin dito ay isang bundok sa tabi ng dagat kung saan makikita natin ang bundok, ang pagwisik ng karagatan, at gayon din, isang malaking alon. Ano ang bundok sa alon sa pagkakataong ito? (Isang tagapagsanggalang at isang harang.) Ito ay parehong tagapagsanggalang at harang. Ang layunin sa pagsasanggalang nito ay upang pigilang mawala ang bahaging ito ng dagat nang sa gayon ang mga nilalang na naninirahan dito ay maaaring mapaunlad. Bilang isang harang, pinananatili ng bundok ang tubig-dagat—ang anyong tubig na ito—sa pag-apaw at maging sanhi ng kalamidad, na makakapinsala at makakasira sa mga tahahan ng mga tao. Kaya masasabi natin na ang bundok ay parehong isang harang at tagapagsanggalang.

Ipinakikita nito ang kahalagahan ng pag-aasahan sa pagitan ng bundok at ng sapa, ng bundok at ng malakas na hangin, at ng bundok at ng malaking alon at kung paano ang mga ito pinipigilan ang isa’t isa at umaasa sa isa’t isa, na siyang binanggit Ko. May isang patakaran at isang batas na namamahala sa kaligtasan ng mga bagay na ito na nilikha ng Diyos. Makikita ba ninyo kung ano ang ginawa ng Diyos batay sa nangyari sa kuwento? Nilikha ba ng Diyos ang sansinukob at ipinagwalang-bahala na lang ang nangyari pagkatapos? Binigyan ba Niya ang mga ito ng mga patakaran at dinisenyo ang mga paraan na ginagampanan ng mga ito at pababayaan na lang pagkatapos noon? Iyon ba ang nangyari? (Hindi.) Ano iyon kung gayon? Ang Diyos pa rin ang may kontrol sa tubig, sa hangin, at sa mga alon. Hindi Niya hinahayaang magwala ang mga ito at hindi Niya hinahayaan ang mga ito na makapaminsala o makasira ng mga tahahan ng mga tao, at dahil dito makakapagpatuloy ang tao na manirahan at umunlad sa kapirasong lupa na ito. Na nangangahulugang pinanukala na ng Diyos ang mga patakaran sa pag-iral nang likhain Niya ang sansinukob. Nang ginawa ng Diyos ang mga bagay na ito, tiniyak Niya na pakikinabangan ang mga ito ng sangkatauhan, at kinontrol din Niya ang mga ito upang hindi makagulo o makapinsala ang mga ito sa sangkatauhan. Kung hindi pinangasiwaan ng Diyos ang mga ito, hindi ba dadaloy ang mga tubig sa lahat ng dako? Hindi ba iihip ang hangin sa lahat ng dako? Sumusunod ba ang mga ito sa mga patakaran? Kung hindi pinamahalaan ng Diyos ang mga ito hindi mapamumunuan ang mga ito ng kahit alinmang mga patakaran, at ang hangin ay uugong at ang mga tubig ay tataas at dadaloy sa lahat ng dako. Kung ang malaking alon ay naging mas mataas kaysa sa bundok makaiiral pa ba ang bahaging iyon ng dagat? Ang dagat ay hindi na makaiiral. Kung ang bundok ay hindi kasingtaas ng alon, ang bahaging iyon ng dagat ay hindi na iiral at mawawala ng bundok ang halaga at kabuluhan nito.

Nakikita ba ninyo ang karunungan ng Diyos sa dalawang kuwentong ito? Nilikha ng Diyos ang sansinukob at Siya ang Panginoon nito; Siya ang namumuno rito at Siya ang naglalaan para dito habang pinanonood Niya ang bawat salita at pagkilos. Pinangangasiwaan din Niya ang bawat sulok ng buhay ng tao. Kaya nilikha ng Diyos ang sansinukob at ang kabuluhan at halaga ng bawat bagay gayundin ang mga katungkulan nito, ang kalikasan nito, at ang mga patakaran nito para sa kaligtasan ay nakikilala Niya nang malinaw gaya ng likod ng Kanyang kamay. Nilikha ng Diyos ang sansinukob; iniisip ba ninyo na kailangan Niyang magsaliksik ukol sa mga patakaran na namamahala sa sansinukob? Kailangan pa bang magbasa ang Diyos ng kaalaman ng tao o agham upang magsaliksik at maintindihan ito? (Hindi.) Mayroon bang sinuman sa sangkatauhan na may malawak na kaalaman at sapat na karunungan upang maintindihan ang lahat ng bagay kagaya ng ginagawa ng Diyos? Walang ganoon. Tama ba? Mayroon bang sinumang mga astronomo o mga biyologo ang totoong nakauunawa kung papaanong ang lahat ng bagay ay nabubuhay at lumalago? Maaari ba nilang tunay na maunawaan ang halaga ng pag-iral ng bawat bagay? (Hindi nila mauunawaan.) Ito ay dahil ang lahat ng bagay ay nilikha ng Diyos, at gaano man kalalim pag-aralan ng tao ang kaalamang ito, o gaano man katagal nilang pagsikapan na matutuhan ito, hindi nila kailanman maaarok ang misteryo at layunin ng Diyos sa paglikha ng Diyos sa lahat ng bagay, hindi ba tama iyon? Sa gayong pagtalakay, nararamdaman ba ninyo na mayroon na kayong kaunting pagkaunawa sa ibig sabihin ng kasabihang “Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay para sa Lahat ng Bagay”? (Oo.) Alam Ko na nang tinalakay Ko ang paksang ito na maraming tao ang kaagad na mag-iisip ng “ang Diyos ay katotohanan, at gumagamit ang Diyos ng Kanyang salita upang maglalaan para sa atin,” ngunit iisipin lang nila ang ukol dito sa ganitong antas. Mararamdaman pa ng iba na “ang paglalaan ng Diyos para sa buhay ng tao, paglalaan ng pang-araw-araw na pagkain at inumin at ang mga pang-araw-araw na pangangailangan ay hindi ituturing bilang paglalaan para sa tao.” Hindi ba’t ganito rin ang nararamdaman ng ilang tao? Hindi ba napakalinaw ng layunin ng Diyos sa kung paano Niya nilikha ang lahat ng bagay upang ang sangkatauhan ay maaaring umiral at mamuhay nang normal? Pinananatili ng Diyos ang kapaligiran kung saan naninirahan ang mga tao at inilalaan Niya ang lahat ng bagay na kinakailangan ng sangkatauhang ito. Bukod dito, Siya ang namamahala at humahawak sa kapamahalaan sa lahat ng bagay. Ang lahat ng ito ay nagpapahintulot sa sangkatauhan na mabuhay nang normal at umunlad nang normal; sa ganitong paraan naglalaan ang Diyos para sa lahat ng bagay at para sa sangkatauhan. Hindi ba kailangang makilala at maintindihan ng mga tao ang mga bagay na ito? Marahil maaaring sabihin ng ilan, “Ang paksang ito ay masyadong malayo mula sa ating kaalaman sa tunay na Diyos Mismo, at ayaw naming malaman ito sapagkat ang tao ay hindi mabubuhay sa tinapay lamang, ngunit sa halip nabubuhay sa salita ng Diyos.” Tama ba ito? (Hindi.) Ano ang mali rito? Magkakaroon ba kayo nang lubos na pagkaunawa sa Diyos kung ang alam ninyo lang ay ang mga bagay na sinalita ng Diyos? Kung ang tinatanggap ninyo lamang ay ang Kanyang gawain at ang Kanyang paghatol at pagkastigo, magkakaroon ba kayo ng ganap na pagkaunawa sa Diyos? Kung ang alam lang ninyo ay maliit na bahagi ng disposisyon ng Diyos, isang maliit na bahagi ng awtoridad ng Diyos, sapat na iyon upang matamo ang pagkaunawa sa Diyos, tama? (Hindi.) Ang mga pagkilos ng Diyos ay nagsisimula sa paglikha Niya sa sansinukob at nagpapatuloy ang mga ito ngayon kung saan ang Kanyang mga pagkilos ay malinaw sa lahat ng oras at sa bawat saglit. Kung naniniwala ang mga tao na ang Diyos ay umiiral dahil lamang sa pumili Siya ng mga tao kung kanino ginagawa Niya ang Kanyang gawain upang iligtas ang mga taong iyon, at kung sila ay naniniwala na ang ibang mga bagay ay hindi kinapapalooban ng Diyos, Kanyang awtoridad, Kanyang katayuan, at Kanyang mga pagkilos, iyon ba ay maituturing na tunay na pagkilala sa Diyos? Ang mga tao na may gayong tinatawag na kaalaman sa Diyos—na batay lamang sa may pagkiling na pananaw na ang gawa ng Diyos ay limitado lamang sa isang grupo ng mga tao. Ito ba ay tunay na pagkakilala sa Diyos? Hindi ba’t itinatatwa ng mga tao na may ganitong uri ng pagkakilala sa Diyos ang paglikha Niya sa lahat ng bagay at ang Kanyang kapamahalaan sa ibabaw nila? Hindi ito nais pagtuunan ng pansin ng ilang tao, at maaaring isipin nila sa kanilang mga sarili: “Hindi ko nakikita ang kapamahalaan ng Diyos sa lahat ng bagay, isa itong bagay na masyadong malayo sa akin at ayaw kong intindihin ito. Ginagawa ng Diyos ang anumang maibigan Niya at wala itong kinalaman sa akin. Aabalahin ko na lang ang sarili ko sa pagtanggap sa pamumuno ng Diyos at sa Kanyang salita at ako ay ililigtas at gagawing perpekto ng Diyos. Pagtutuunan ko na lamang ng pansin ang mga bagay na ito, ngunit hindi ko susubukang maintindihan ang anupaman o mag-isip ukol dito. Anumang mga patakaran ang ginawa ng Diyos nang Kanyang likhain ang lahat ng bagay o anumang gawin ng Diyos upang ipagkaloob sa mga ito at sa sangkatauhan ay walang kinalaman sa akin.” Anong uri ng usapin ito? Hindi ba ito lubos na kahiya-hiya? Mayroon ba sa inyo na mayroong ganoong “kaalaman”? Alam Ko na halos lahat ay ganito kung mag-isip kahit hindi ninyo sabihin. Maaaring gamitin ng ganitong uri ng tao na nakabatay lamang sa libro ang kanilang tinatawag na espirituwal na paninindigan sa pagtingin nila sa lahat ng bagay. Gusto nilang limitahan ang Diyos sa Biblia, limitahan ang Diyos sa pamamagitan ng mga salitang Kanyang sinabi, at limitahan ang Diyos sa literal na nakasulat na salita lamang. Ayaw nilang madagdagan pa ang nalalaman nila tungkol sa Diyos at ayaw nilang magtuon ang Diyos ng dagdag na pansin sa paggawa ng ibang mga bagay. Ang ganitong uri ng pag-iisip ay isip-bata at masyadong relihiyoso. Makikilala ba ang Diyos ng mga taong may ganitong pinanghahawakan na mga pananaw? Mahihirapan silang makilala ang Diyos. Sa araw na ito ay inilahad Ko ang dalawang kuwento na ito at nagsalita tungkol sa dalawang aspeto na ito. Karirinig pa lang natin sa mga ito at kakikita pa lang natin sa mga ito, maaaring madama ninyo na ito ay malalim o medyo malabo at mahirap maunawaan at maintindihan. Maaaring mahirap itong iugnay sa mga pagkilos ng Diyos at sa Diyos Mismo. Gayunman, ang lahat ng pagkilos ng Diyos at lahat ng Kanyang ginawa sa gitna ng lahat ng bagay at sa gitna ng lahat ng sangkatauhan ay dapat na malinaw at wastong makilala ng bawat tao at ng bawat isa na naghahangad na makilala ang Diyos. Ang kaalamang ito ay magbibigay sa iyo ng pagpapatibay at ng pananampalataya sa tunay na pag-iral ng Diyos. Makapagbibigay din ito sa iyo ng wastong kaalaman sa karunungan ng Diyos, sa Kanyang kapangyarihan, at kung paano Siya naglalaan para sa lahat ng bagay. Magbibigay-daan din ito sa iyo upang malinaw na mabatid ang tunay na pag-iral ng Diyos at makita na ito ay hindi gawa-gawang kuwento, at hindi isang alamat. Magbibigay-daan ito sa inyo na malaman na hindi ito malabo, at hindi isang teorya lamang, na ang Diyos ay tiyak na hindi lang isang kabuhayang pang-espirituwal, kundi Siya ay talagang umiiral. Bukod dito magbibigay-daan ito sa iyo na makilala Siya bilang Diyos sa paraang palagi Siyang naglalaan para sa lahat ng bagay at para sa sangkatauhan; ginagawa Niya ito sa Kanyang sariling pamamaraan at alinsunod sa Kanyang sariling ritmo. Kaya masasabi ng isang tao na dahil nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay at binigyan Niya ang mga ito ng mga patakaran na sa Kanyang utos ang bawat isa ay gagampanan ang mga gawaing itinalaga sa mga ito, tutupad sa mga pananagutan nito, at gagampanan ang papel na ipinagkaloob sa bawat isa sa mga ito. Ang lahat ng bagay ay tumutupad ng sarili nitong ginagampanang papel para sa sangkatuhan, at ginagawa ito sa lugar, sa kapaligiran kung saan naninirahan ang mga tao. Kung hindi ginawa ng Diyos ang mga bagay sa ganitong paraan at kung ang kapaligiran ng sangkatauhan ay hindi naging ganito, ang paniniwala ng mga tao sa Diyos o ang pagsunod nila sa Kanya—wala sa mga ito ang magiging posible; ito ay magiging pananalitang walang saysay lamang, hindi ba ito tama?

Balikan nating muli ang kuwentong ito na karirinig pa lamang natin–ang malaking bundok at ang maliit na sapa. Ano ang gamit ng bundok? Ang mga bagay na may buhay ay umunlad sa bundok kaya mayroong halaga sa pag-iral nito mismo. Sa kaparehong pagkakataon, hinaharangan ng bundok ang maliit na sapa, tinitiyak nitong hindi siya makadaloy saan man nito naisin at magdadala ng kapinsalaan sa mga tao. Hindi ba tama iyon? Alinsunod sa pag-iral ng bundok, binibigyang-daan nito ang mga buhay na bagay gaya ng mga puno at mga damo at lahat ng iba pang mga halaman at mga hayop na nasa bundok na umunlad habang pinamamahalaan din kung saan dadaloy ang maliit na sapa; tinitipon ng bundok ang mga tubig ng sapa at natural na inaalalayan sa palibot ng paanan nito kung saan makadadaloy ang mga ito patungo sa ilog at sa huli’y sa dagat. Ang mga patakaran na nakalagay dito ay hindi ginawa ng kalikasan, ngunit sa halip ay sadyang isinaayos ng Diyos sa panahon ng paglikha. Tungkol naman sa malaking bundok at sa malakas na hangin, ang bundok, gayon din, ay nangangailangan ng hangin. Kinakailangan ng bundok ang hangin upang yakapin ang mga buhay na bagay sa ibabaw nito, at sa kaparehong pagkakataon ay hinihigpitan ng bundok kung gaano kalakas maaaring umihip ang malakas na hangin upang hindi ito mag-umapaw at manalasa. Pinanghahawakan ng patakarang ito, sa isang paraan, ang tungkulin ng malaking bundok, kaya ang patakaran bang ito na may kinalaman sa tungkulin ng bundok ay nabuo na lamang sa ganang sarili nito? (Hindi.) Sa halip ito ay ginawa ng Diyos. Ang malaking bundok ay may sariling tungkulin at ang malakas na hangin ay mayroon ding sariling tungkulin. Ngayon, tungkol sa malaking bundok at sa malaking alon, kung wala roon ang bundok makahahanap ba ang tubig ng direksyong dadaluyan sa ganang sarili nito? (Hindi.) Ang tubig ay mag-uumapaw din at mananalasa. Ang bundok ay may sariling halaga bilang isang bundok, at ang dagat ay may sariling halaga bilang dagat. Sa ganitong paraan, sa ilalim ng ganitong mga pangyayari kung saan umiiral ang mga ito na magkakasama nang normal at hindi hinahadlangan ng mga ito ang isa’t isa, hinihigpitan din ng mga ito ang isa’t isa; hinihigpitan ng malaking bundok ang dagat upang hindi ito umapaw at sa gayon ay napoprotektahan nito ang mga tahanan ng mga tao, at nagbibigay-daan din ito sa dagat na alagaan ang buhay na mga bagay na naninirahan sa loob nito. Ang anyong lupa bang ito ay nabuo na lang nang kusa? (Hindi.) Ito ay nilikha rin ng Diyos. Nakikita natin mula sa mga larawang ito na nang nilikha ng Diyos ang sansinukob, itinakda na Niya kung saan titindig ang bundok, saan aagos ang sapa, kung saang direksyon magsisimulang umihip ang malakas na hangin at kung saan ito pupunta, gayundin kung gaano ang magiging taas ng malaking alon. Ang mga balak at mga layunin ng Diyos ay nakapaloob sa lahat ng bagay na ito at ang mga ito ay Kanyang mga gawa. Ngayon, makikita ba ninyo na ang mga gawa ng Diyos ay naroroon sa lahat ng bagay? (Oo.)

Ano ang layunin sa pagtalakay natin sa mga bagay na ito? Ito ba ay upang maaaring masaliksik ng mga tao ang mga patakaran sa likod ng paglikha ng Diyos sa sansinukob? Ito ba ay upang magiging interesado ang mga tao sa astronomiya at heograpyiya? (Hindi.) Kung gayon ay ano ito? Ito ay upang mauunawaan ng mga tao ang mga gawa ng Diyos. Sa mga pagkilos ng Diyos, maaaring panindigan at patunayan ng tao na ang Diyos ay ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay. Kung mauunawaan mo ang puntong ito, kung gayon ay tunay mong mapatutunayan na ang Diyos ay nasa iyong puso at mapatutunayan mo na ang Diyos ay ang natatanging Diyos Mismo, ang Lumikha ng kalangitan at ng lupa at lahat ng bagay. Kaya, makatutulong ba tungo sa iyong pagkaunawa sa Diyos ang malaman ang mga patakaran sa lahat ng bagay at upang malaman ang mga gawa ng Diyos? (Oo.) Gaano ito nakatutulong? Una, kapag naunawaan mo ang mga gawang ito ng Diyos, magiging interesado ka pa rin ba sa astronomiya at heograpiya? Magkakaroon ka pa rin ba ng pusong may pag-aalinlangan at pagdududahan na ang Diyos ay ang Lumikha ng lahat ng bagay? Magkakaroon ka pa rin ba ng puso ng isang mananaliksik at pagdududahan na ang Diyos ang Lumikha ng lahat ng bagay? (Hindi.) Kapag iyong napatunayan na ang Diyos ang Lumikha ng sansinukob at saka nalaman ang mga patakaran sa likod ng Kanyang paglikha, tunay mo bang paniniwalaan sa iyong puso na ang Diyos ang nagkakaloob para sa sansinukob? (Oo.) Ang “nagkakaloob” ba ay sinasabi lamang para sa anumang uri ng kahulugan o ito ay sinasabi sa isang natatanging pagkakataon? Na ang paglalaan ng Diyos para sa sansinukob ay may napakalawak na kahulugan at paggamit. Hindi lamang pinagkakalooban ng Diyos ang mga tao ng kanilang pang-araw-araw na pangangailangan sa pagkain at inumin, ipinagkakaloob Niya sa sangkatauhan ang lahat ng bagay na kanilang kailangan, kabilang ang lahat ng bagay na nakikita ng tao at mga bagay na hindi makikita. Itinataguyod, pinamamahalaan, at pinamumunuan ng Diyos ang buhay na kapaligiran na kinakailangan ng sangkatauhan. Anumang kapaligiran ang kakailanganin ng sangkatauhan sa anumang panahon, inihanda ito ng Diyos. Anumang kapaligiran o temperatura na angkop para sa pag-iral ng tao ay nasa ilalim din ng pamamahala ng Diyos at wala sa mga patakarang ito ang nangyayari sa ganang mga sarili nito lamang o basta na lang nagaganap; ang mga ito ay bunga ng pamamahala ng Diyos at ng Kanyang mga gawa. Ang Diyos Mismo ang pinagmumulan ng lahat ng patakarang ito at ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay. Ito ay isang matatag at hindi mapasusubaliang katotohanan maniwala ka man o hindi, makikita mo man ito o hindi, maiintindihan mo man ito o hindi.

Alam Ko na halos lahat ng tao ay naniniwala lamang sa kung ano ang sinabi at ginawa ng Diyos sa Biblia, at inihayag ng Diyos ang Kanyang mga gawa sa isang maliit na grupo ng mga tao, nang sa gayon ay makikita ng mga tao ang kahalagahan ng Kanyang pag-iral, at upang maintindihan din nila ang Kanyang katayuan at malaman na tunay nga Siyang umiiral. Gayunman, para sa maraming tao ang katotohanan na nilikha ng Diyos ang sansinukob at na Kanyang pinamamahalaan at nagkakaloob para sa lahat ng bagay ay tila malabo o hindi maliwanag at mayroon pa silang ugali ng pagdududa. Ang ganitong uri ng pag-uugali ay nagiging sanhi upang tuluy-tuloy na maniwala ang mga tao na ang mga batas ng likas na mundo ay nabuo lamang sa ganang sarili nito, na ang mga pagbabago, ang mga pagbabagong-anyo, at ang mga kababalaghan sa likas na mundo at ang mismong mga batas na namamahala sa kalikasan ay bumangon na lamang nang kusa. Ibig sabihin nito na sa isip ng mga tao, hindi nila mawawari kung paano nilikha at pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng bagay, hindi nila maiintindihan kung paano pinamamahalaan at ipinagkakaloob ng Diyos ang lahat ng bagay. Dahil sa mga limitasyon ng ganitong saligan, hindi naniniwala ang mga tao sa paglikha ng Diyos at pagka-panginoon sa ibabaw ng lahat ng bagay at na Siya ang Nagkakaloob; at maging ang mga sumasampalataya ay limitado lamang sa Kapanahunan ng Kautusan, sa Kapanahunan ng Biyaya at sa Kapanahunan ng Kaharian, iyon ay, ang mga gawa ng Diyos gayundin ang Kanyang pagkakaloob para sa sangkatauhan ay parang limitado lamang sa Kanyang hinirang na mga tao. Ito ay isang bagay na kinamumuhian Kong makita at nagdudulot ito ng ibayong sakit, sapagkat ikinasasaya ng mga tao ang lahat ng idinudulot ng Diyos, gayunman sa parehong pagkakataon ay tinatanggihan nila ang lahat ng Kanyang ginagawa at lahat ng Kanyang ibinibigay sa kanila. Pinaniniwalaan lang ng mga tao na ang kalangitan at ang lupa at ang lahat ng bagay ay pinamamahalaan ng sarili nitong likas na mga patakaran at ng sarili nitong likas na mga batas at na walang namumuno sa mga ito upang pigilan ang mga ito o ng kahit na sinong namumuno na naglalaan para sa mga ito at nagpapanatili sa mga ito. Kahit na naniniwala ka sa Diyos, maaaring hindi ka maniniwala na mga gawa Niya ang lahat ng ito; ito ang isa sa mga pinaka-hindi pinapansing mga bahagi para sa bawat naniniwala sa Diyos, para sa bawat tumatanggap sa salita ng Diyos, at para sa bawat sumusunod sa Diyos. Kaya, sa oras na magsimula Akong tumalakay sa isang bagay na hindi nakaugnay sa Biblia o sa tinatawag na terminolohiyang espirituwal, ang ilang tao ay naiinip o nangangamba o ni hindi nagiginhawahan. Nararamdaman nila na parang ito ay humihiwalay mula sa mga taong espirituwal at mga espirituwal na bagay. Iyon ay isang bagay na masama. Pagdating sa pag-alam sa mga gawa ng Diyos, kahit na hindi natin banggitin ang astronomiya, heograpiya, o biyolohiya, alam natin ang pagiging panginoon ng Diyos sa lahat ng bagay, alam natin ang Kanyang paglalaan para sa lahat ng bagay, at na Siya ang pinagmumulan ng lahat ng bagay. Ito ay isang mahalagang gawain at isa na dapat na pag-aralan, nauunawaan ba ninyo?

Sa dalawang kuwento na katatalakay Ko pa lamang, kahit na maaaring ang mga ito ay mayroong kakaibang nilalaman at maaaring ang mga ito ay inilahad at isinaad sa inyo sa natatanging paraan, gayunpaman nais Kong gumamit ng tuwirang pananalita at payak na paraan upang sa gayon kayo ay makauunawa at tanggapin ang isang bagay nang mas malalim. Ito ang tangi Kong layunin: Gusto Kong makita ninyo at paniwalaan na ang Diyos ang Namumuno sa lahat ng bagay sa pamamagitan nitong maliliit na kuwento at mga eksena. Ang layunin ng paglalahad sa inyo ng mga kuwentong ito ay upang tulutan kayong makita at malaman ang walang hanggang mga gawa ng Diyos sa loob ng may hangganang paligid ng isang kuwento. Tungkol sa kailan ninyo ganap na maaabot ang resulta na ito sa inyo, depende ito sa inyong sariling mga karanasan at sa inyong kani-kanyang hangarin. Kung nagpapatuloy ka sa katotohanan at kung hangad mo na makilala ang Diyos, kung gayon ang mga bagay na ito ay magsisilbing isang matatag at matibay na paalala sa iyo; tutulutan ka ng mga ito na magkaroon ng mas malalim na kamalayan, isang kalinawan sa iyong pagkaunawa, at ikaw ay unti-unting hihilahing palapit sa aktuwal na mga gawa ng Diyos, isang pagkakalapit na walang pagitan at walang pagkakamali. Gayunman, kung hindi ka maghahangad na makilala ang Diyos, kung gayon ang mga kuwentong iyon na iyong narinig ay hindi makagagawa ng anumang pinsala sa inyo. Maaaring isaalang-alang lamang ninyo na totoong mga kuwento ang mga ito.

May naunawaan ba kayong anuman mula sa dalawang kuwentong ito? (Mula sa paglalahad ng Diyos sa amin sa dalawang kuwentong ito, tunay naming madarama na Siya ang Lumikha, Namumuno at Tagapamahala sa lahat ng bagay. Nakikita namin ang mga pagkilos ng Diyos, ang Kanyang walang hanggang kapangyarihan, at ang Kanyang karunungan, at mula rito ay lalo naming malalim na nararamdaman ang napakalawak na pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan. Lahat ng ginagawa ng Diyos, ginagawa Niya para sa sangkatauhan.) Una sa lahat, ang dalawa bang kuwentong ito ay bukod sa nakaraan nating talakayan ukol sa malasakit ng Diyos para sa sangkatauhan? Mayroon bang di-maiiwasan na koneksyon? Sa loob ba ng dalawang kuwentong ito nakikita natin ang mga gawa ng Diyos at kung paano Niya pinapanukala at pinangangasiwaan ang lahat para sa sangkatauhan? Ang lahat ba ng ginagawa ng Diyos at lahat ng Kanyang iniisip ay nakatuon tungo sa pag-iral ng sangkatauhan? (Oo.) Hindi ba totoong malinaw ang maingat na pag-iisip at pagsasaalang-alang ng Diyos sa sangkatauhan? Hindi na kailangang gumawa ang sangkatauhan ng kahit na ano. Inihanda na ng Diyos para sa mga tao ang mismong hangin na kanilang hinihinga. Ang mga gulay at mga prutas ay kaagad nilang makukuha. Mula sa hilaga hanggang sa timog, mula sa silangan hanggang sa kanluran, ang bawat rehiyon ay may sariling pinagkukunan at ang iba’t ibang mga tanim at mga prutas at mga gulay ay inihanda na ng Diyos para sa mga tao. Kapag pinag-uusapan ang mas malaking kapaligiran, ginawa ng Diyos ang lahat ng bagay na magkakaugnay, kapwa pinagbuklod, at nagtutulungan. Ginamit Niya ang pamamaraang ito at ang mga patakarang ito upang mapanatili ang kaligtasan at pag-iral ng lahat ng bagay at sa ganitong paraan ang sangkatauhan ay nabuhay nang tahimik at payapa at lumago at dumami mula sa isang salinlahi hanggang sa sumunod sa kapaligirang ito hanggang sa araw na kasalukuyan. Ibig sabihin nito, binabalanse ng Diyos ang likas na kapaligiran. Kung ang dakilang kapangyarihan at pamamahala ng Diyos ay hindi nakahanda, walang sinuman ang makakapagpanatili at makakapagbalanse ng kapaligiran, kahit na sa simula pa ay nilikha na ito ng Diyos. Kung ang tao ay gagawa ng buto na yari sa plastik at itatanim ito sa lupa, uusbong ba ito kailanman? Kung gumawa ng puno ang tao na yari sa plastik at ilalagay ito sa lupa, sa loob ng ilang siglo ito ay hindi kailanman magkakaroon ng isang dahon, tama? Sa ilang lugar ay walang hangin, samakatwid hindi mabubuhay ang mga tao doon at hindi ka tutulutan ng Diyos na pumunta doon. Kaya, huwag lumampas sa hangganan, ito ay para sa pag-iingat sa sangkatauhan at ang mga bagay na ito ay masyadong misteryoso. Ang bawat sulok ng kapaligiran, ang haba at ang luwang ng lupa, at ang bawat buhay na bagay sa lupa—kapwa ang nabubuhay at patay—ay inihanda ng Diyos at Siya ay nag-iisip sa pamamagitan ng mga ito: Bakit kinakailangan ang bagay na ito? Bakit hindi ito kailangan? Ano ang layunin sa pagkakaroon ng ganitong bagay dito at bakit dapat naroon iyon? Inisip na ng Diyos nang maigi ang lahat ng ito at hindi na kailangan ng mga tao na mag-isip tungkol sa mga ito. May ilang hangal na tao na palaging nag-iisip tungkol sa paglilipat sa mga bundok, ngunit sa halip na gawin iyon, bakit hindi lumipat sa mga kapatagan? Kung hindi mo gusto ang mga bundok, bakit ka pupunta at maninirahan sa mga ito? Hindi ba ito kahangalan? Ano ang mangyayari kapag inilipat mo ang bundok? Dadaluyong ang isang bagyo o ang isang malaking alon ay aalimbukay at ang mga tahanan ng mga tao ay mangawawasak. Hindi ba magiging kahangalan na gawin iyon? Maaari lamang manira ang mga tao. Hindi pa nga nila kayang pangalagaan ang tanging lugar na dapat nilang tirahan, at gayunman gusto nilang maglaan para sa lahat ng bagay. Imposible ito.

Hinahayaan ng Diyos na pamahalaan ng tao ang lahat ng bagay at magkaroon ng kapangyarihan sa lahat ng mga ito, ngunit nakagagawa ba ang tao ng magandang trabaho? Ang sangkatauhan ay nauuwi sa pagkawasak; hindi lamang sa hindi napananatili ng sangkatauhan ang mga bagay sa kung paano nilikha ng Diyos ang mga ito, sinira pa talaga niya ang mga ito. Ang mga bundok ay ginawang mga durog na buto ng sangkatauhan, pinasakan ang mga dagat ng lupa, ginawang mga disyerto ang mga kapatagan kung saan walang maaaring mabuhay. Subalit doon sa disyerto ay gumawa ang tao ng industriya at nagtayo ng mga base nuklear at ang pagkawasak ay naghari sa lahat ng direksyon. Ang mga ilog ay hindi na mga ilog, ang dagat ay hindi na ang dagat… Kapag nilalabag ng sangkatauhan ang balanse at ang mga patakaran ng kalikasan, ang araw ng kanilang kapinsalaan at kamatayan ay hindi na malayo at hindi maiiwasan. Kapag dumating ang kalamidad, malalaman nila kung gaano kahalaga ang nilikha ng Diyos at kung gaano kaimportante ang lahat ng ito para sa sangkatauhan. Ang taong naninirahan sa isang kapaligiran na may magandang klima ay katulad ng nasa paraiso. Hindi napagtatanto ng mga tao ang pagpapalang ito, ngunit sa sandaling mawala nila ang lahat ng ito makikita nila kung gaano kabihira at kahalaga ang lahat ng ito. Papaano makukuhang muli ng tao ang lahat ng ito? Ano ang maaaring gawin ng mga tao kung ayaw na ng Diyos na likhain itong muli? Ano ang maaari ninyong gawin? (Wala kaming maaaring gawin.) Sa totoo lang, mayroong isang bagay kayong magagawa at ito ay napakasimple at kapag sinabi Ko sa inyo kung ano ito kaagad ninyong malalaman na ito ay maaaring gawin. Bakit natagpuan ng tao ang sarili niya sa kanyang kasalukuyang suliraning pangkapaligiran? Ito ba ay dahil sa kasakiman at pagkawasak ng tao? Kung titigilan ng tao ang pagkawasak na ito, hindi ba itatama ng buhay na kapaligiran nang unti-unti ang sarili nito? Kung walang ginagawa ang Diyos, kung ayaw na ng Diyos na gumawa ng kahit na anuman para sa sangkatauhan—iyon ay upang sabihin, ayaw Niyang makialam—ang pinakamahusay na paraan ay para sa tao na tigilan na ang pagkawasak na ito at ibalik ang mga bagay sa dati nitong kalagayan. Ang paglalagay ng katapusan sa lahat ng pagwasak na ito ay ang pagtigil sa pamiminsala at pagluray sa mga bagay na nilikha ng Diyos. Magbibigay-daan ito sa kapaligiran na tinitirhan ng tao na bumuti nang unti-unti. Ang hindi paggawa nito ay magreresulta lang sa ibayong pagkasira ng kapaligiran at ito ay lalo lang lalala. Simple ba ang Aking pamamaraan? Ito ay simple at maaaring gawin, tama? Simple nga, at ito ay maaaring gawin para sa ilang tao, ngunit ito ba ay maaaring gawin ng higit na nakararaming tao sa mundo? (Hindi.) Para sa inyo, kahit sa inyo na lang, maaari ba itong gawin? (Oo.) Ano ang pinanggalingan ng inyong “oo”? Maaari bang sabihin ng isang tao na kinapapalooban ito ng pagtatatag ng isang batayan sa pagkaunawa tungkol sa mga gawa ng Diyos? Maaari bang sabihin ng isang tao na kinapapalooban ito ng pagtalima sa pamumuno at plano ng Diyos? (Oo.) Mayroong paraan upang baguhin ang lahat ng ito, ngunit hindi iyon ang paksa na ating tinatalakay ngayon. Ang Diyos ay nananagot sa bawat buhay ng tao at Siya ay nananagot hanggang sa katapus-tapusan. Naglalaan ang Diyos para sa iyo, kahit na ikaw ay nagkasakit sa kapaligirang winasak ni Satanas, o naapektuhan ng polusyon o nakatanggap ng iba pang pinsala, hindi ito mahalaga; naglalaan ang Diyos para sa iyo at hahayaan ka Niyang mabuhay. Mayroon ka bang pananampalataya dito? (Oo!) Hindi tinatanggap ng Diyos nang basta-basta ang pagkawala ng buhay ng isang tao.

Naramdaman na ba ninyo ang kahalagahan ng pagkilala sa Diyos bilang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay? (Oo, naramdaman namin.) Anong mga damdamin mayroon kayo? Magpatuloy at makikinig Ako. (Sa nakaraan, hindi namin kailanman inisip na iugnay ang mga bundok, ang dagat at mga lawa sa mga pagkilos ng Diyos. Sa ngayon, sa pamamagitan ng pagbabahagi ng Diyos, naiintindihan na namin ngayon na ang mga ito ay palaging mga pagkilos ng Diyos at na ang mga ito ay nanggaling sa Kanyang karunungan, kaya nakikita namin na ang paglikha ng Diyos sa lahat ng bagay ay itinalaga na noon pang pasimula at lahat ng mga ito ay nagtataglay ng mabuting kalooban ng Diyos. Ang lahat ng bagay ay magkakaugnay at ang sangkatauhan ang siyang pangunahing benepisyaryo. Ang aming narinig sa araw na ito ay nadarama na totoong sariwa at naiiba, at nadama namin kung gaano katotoo ang mga pagkilos ng Diyos. Sa realidad at sa aming pang-araw-araw na mga buhay tunay ngang nakikita namin ang mga bagay bilang ang mga ito kapag nakikisalamuha kami sa buhay na mga bagay.) Nakikita mo talaga ito, tama? Ang pagkakaloob ng Diyos para sa sangkatauhan ay hindi walang mahusay na saligan, hindi lang Siya basta bumibigkas ng ilang salita at ito na iyon. Maraming ginagawa ang Diyos, maging ang mga bagay na hindi mo nakikita ginagawa Niya para sa iyong kapakanan. Nabubuhay ang tao sa kapaligirang ito, ang sansinukob na ito na nilikha ng Diyos, at sa loob nito ay mga tao at ang iba pang mga bagay ay nagtutulungan, kagaya lang ng kung paanong ang gas na lumalabas mula sa mga halaman ay dumadalisay sa hangin at pinakikinabangan ng mga tao na lumalanghap nito. Gayunman, ang ibang mga halaman ay nakalalason sa mga tao, ngunit mayroong ibang mga halaman na panggamot sa mga ito. Ito ay isa sa mga hiwaga ng paglikha ng Diyos! Hindi natin tinalakay ang paksang ito ngayon, sa halip pangunahin nating tinalakay ang pagtutulungan ng tao at ng ibang mga bagay, kung paanong hindi mabubuhay ang tao na wala ang ibang mga bagay. Ano ang kahalagahan ng paglikha ng Diyos sa lahat ng bagay? Hindi maaaring mabuhay ang tao na wala ang ibang mga bagay, gaya lamang ng kailangan ng tao ang hangin upang mabuhay at paano kung ikaw ay inilagay sa isang bakyum, ikaw ay mamamatay kaagad. Ito ay napakasimpleng prinsipyo upang tulutan kang makita na kinakailangan ng tao ang ibang mga bagay. Kaya anong uri ng saloobin ang dapat taglayin ng tao patungkol sa lahat ng bagay? Pahalagahan ang mga ito, ingatan ang mga ito, gamitin ang mga ito nang mahusay, huwag sirain ang mga ito, huwag sayangin ang mga ito at huwag baguhin ang mga ito nang pabigla-bigla, sapagkat ang lahat ng bagay ay mula sa Diyos at pawang inilaan para sa sangkatauhan at dapat tratuhin ang mga ito ng sangkatauhan nang buong ingat. Tinalakay Ko sa inyo sa araw na ito ang dalawang paksa, at maaari kayong bumalik at pag-isipang mabuti ang mga ito. Sa susunod na pagkakataon tatalakayin natin ang ilang bagay nang mas detalyado. Ang ating pagbabahaginan ay magtatapos na rito sa ngayon. Paalam! (Paalam!)

Enero 18, 2014

Sinundan:Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI

Sumunod:Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII

Baka Gusto Mo Rin

  • Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I

    Ang Awtoridad ng Diyos (I) Ang huli kong maraming pagbabahagi ay tungkol sa gawain ng Diyos, sa disposisyon ng Diyos, at sa Diyos Mismo. Pagkatapos ma…

  • Kabanata 27

    Hindi kailanman naapektuhan ng pag-uugali ng tao ang Aking puso, ni hindi Ko kailanman naiisip ito bilang mahalaga. Sa mata ng tao, laging napakahigpi…

  • Kabanata 23

    Sa pagtunog ng Aking tinig, sa pagsiklab ng apoy mula sa Aking mga mata, pinanonood Ko ang buong mundo, pinagmamasdan Ko ang buong sansinukob. Nananal…

  • Ikaw ba ay Totoong Mananampalataya sa Diyos?

    Marahil ang iyong paglalakbay ng pananampalataya sa Diyos ay mahigit isa o dalawang taon na, at marahil sa iyong buhay sa paglipas ng mga taong ito, m…