Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

880 Nilikha ng Diyos ang Lahat ng Bagay para Mabuhay ang Sangkatauhan

1 Kapag iyong napatunayan na ang Diyos ang Lumikha ng sansinukob at saka nalaman ang mga patakaran sa likod ng Kanyang paglikha, tunay mo bang paniniwalaan sa iyong puso na ang Diyos ang nagkakaloob para sa sansinukob? Na ang paglalaan ng Diyos para sa sansinukob ay may napakalawak na kahulugan at paggamit. Hindi lamang pinagkakalooban ng Diyos ang mga tao ng kanilang pang-araw-araw na pangangailangan sa pagkain at inumin, ipinagkakaloob Niya sa sangkatauhan ang lahat ng bagay na kanilang kailangan, kabilang ang lahat ng bagay na nakikita ng tao at mga bagay na hindi makikita. Itinataguyod, pinamamahalaan, at pinamumunuan ng Diyos ang buhay na kapaligiran na kinakailangan ng sangkatauhan.

2 Anumang kapaligiran ang kakailanganin ng sangkatauhan sa anumang panahon, inihanda ito ng Diyos. Anumang kapaligiran o temperatura na angkop para sa pag-iral ng tao ay nasa ilalim din ng pamamahala ng Diyos at wala sa mga patakarang ito ang nangyayari sa ganang mga sarili nito lamang o basta na lang nagaganap; ang mga ito ay bunga ng pamamahala ng Diyos at ng Kanyang mga gawa. Ang Diyos Mismo ang pinagmumulan ng lahat ng patakarang ito at ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay. Ito ay isang matatag at hindi mapasusubaliang katotohanan maniwala ka man o hindi, makikita mo man ito o hindi, maiintindihan mo man ito o hindi.

3 Kapag pinag-uusapan ang mas malaking kapaligiran, ginawa ng Diyos ang lahat ng bagay na magkakaugnay, kapwa pinagbuklod, at nagtutulungan. Ginamit Niya ang pamamaraang ito at ang mga patakarang ito upang mapanatili ang kaligtasan at pag-iral ng lahat ng bagay at sa ganitong paraan ang sangkatauhan ay nabuhay nang tahimik at payapa at lumago at dumami mula sa isang salinlahi hanggang sa sumunod sa kapaligirang ito hanggang sa araw na kasalukuyan. Ibig sabihin nito, binabalanse ng Diyos ang likas na kapaligiran. Kung ang dakilang kapangyarihan at pamamahala ng Diyos ay hindi nakahanda, walang sinuman ang makakapagpanatili at makakapagbalanse ng kapaligiran, kahit na sa simula pa ay nilikha na ito ng Diyos.

Hango sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Nilikha ng Diyos ang Kalangitan, Lupa at Lahat ng Bagay Para Sa Sangkatauhan

Sumunod:Dapat Pahalagahan ng Tao ang mga Likha ng Diyos

Baka Gusto Mo Rin