Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

399 Kapag Ipinagkaloob ng Diyos ang Liwanag sa Tao

1 Namumuhay ang tao sa gitna ng liwanag, nguni’t wala siyang kamalayan sa kahalagahan ng liwanag. Siya ay ignorante sa substansya ng liwanag, at sa pinagmumulan ng liwanag, at, higit pa rito, kung sino ang nagmamay-ari nito. Nang ipinagkaloob Ko ang liwanag sa gitna ng tao, Aking agarang sinusuri ang mga kundisyon sa gitna ng tao: Dahil sa liwanag, nagbabago ang lahat ng tao, at lumalago, at nakaalis na sa kadiliman. Tinitingnan Ko ang bawat sulok ng sansinukob, at nakikita na ang mga bundok ay balót sa hamog, na ang katubigan ay nagyelo na sa gitna ng lamig, at, dahil sa pagdating ng liwanag, tumitingin ang mga tao sa Silangan at baka makakadiskubre pa sila nang mas mahalaga—nguni’t ang tao ay nananatiling hindi makatalos ng malinaw na direksyon sa gitna ng maninipis na ulap.

2 Dahil ang buong mundo ay nalulukuban ng hamog, kapag Ako ay tumitingin mula sa gitna ng mga ulap, ang Aking presensiya ay hindi kailanman natutuklasan ng tao; naghahanap ang tao sa daigdig ng isang bagay, mukha siyang naghahalukay, tila hinahangad niya, na maghintay sa Aking pagdating—nguni’t hindi niya alam ang Aking araw, at makakatingin lamang nang madalas sa kislap ng liwanag sa Silangan. Sa lahat ng tao, hinahanap Ko yaong mga tunay na ayon sa Aking sariling puso. Lumalakad Ako sa gitna ng lahat ng tao, at naninirahan sa gitna ng lahat ng tao, nguni’t ang tao ay ligtas at matiwasay sa lupa, kaya’t walang sinumang tunay na ayon sa Aking sariling puso.

Hango sa “Kabanata 22” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Lumalabas ang Karunungan ng Diyos Batay sa Masasamang Balak ni Satanas

Sumunod:Yaon Lamang mga Umaasam at Naghahanap sa Katotohanan ang Makakakita sa Diyos

Baka Gusto Mo Rin