Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Paraan para Makilala ang Diyos

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Ang Tapat na Damdamin ng Manlilikha sa Sangkatauhan

Madalas na sinasabi ng mga tao na hindi madaling bagay ang kilalanin ang Diyos. Ngunit sinasabi ko na ang pagkilala sa Diyos ay hindi mahirap na bagay, sapagkat madalas na hinahayaan ng Diyos ang tao na pagmasdan ang Kanyang mga gawa. Hindi kailanman itinigil ng Diyos ang Kanyang pakikipag-usap sa mga tao; hindi Niya kailanman itinago o inilihim ang Sarili Niya sa tao. Ang Kanyang mga kaisipan, ang Kanyang mga pananaw, ang Kanyang mga salita at mga gawa ay inihayag lahat sa sangkatauhan. Kaya hanggga’t nais ng tao na makilala ang Diyos, makakalapit siya upang maunawaan at makilala Siya sa pamamagitan ng lahat ng mga paraan at pamamaraan. Ang dahilan kung bakit bulag ang tao sa pag-iisip na sinasadyang iwasan siya ng Diyos, na sinasadyang pagtaguan ng Diyos ang sangkatauhan, na ang Diyos ay walang intensyon na payagan ang tao na maunawaan at makilala Siya, dahil hindi niya alam kung sino ang Diyos, ni hindi niya ninais na maunawaan ang Diyos; higit sa lahat, wala siyang pakialam sa mga kaisipan, mga salita o mga gawa ng Manlilikha…. Sa totoo lang, kung gagamitin lamang ng isang tao ang kanilang bakanteng oras upang pagtuunan ng pansin at unawain ang mga salita at gawa ng Manlilikha, at magbigay ng kaunting pansin sa mga kaisipan ng Manlilikha at sa tinig ng Kanyang puso, hindi magiging mahirap para sa kanila na maunawaan na madaling makita at malinaw ang mga kaisipan, mga salita at mga gawa ng Manlilikha. Gayundin, kailangan lang ng kaunting pagsisikap upang maunawaan na ang Manlilikha ay nasa kalagitnaan ng mga tao sa lahat ng panahon, na lagi Siyang nakikipag-usap sa tao at sa buong sangnilikha, at Siya ay nagsasagawa ng mga bagong gawa sa araw-araw. Ang Kanyang diwa at disposisyon ay nahahayag sa Kanyang pakikipag-usap sa tao; Ang Kanyang mga kaisipan at mga ideya ay lubos na nahahayag sa Kanyang mga gawa; Sinasamahan Niya at inoobserbahan ang sangkatauhan sa lahat ng panahon. Tahimik Siyang nagsasalita sa sangkatauhan at sa lahat ng nilikha sa Kanyang mahinang tinig: Ako ay nasa mga kalangitan, at Ako ay nasa kalagitnaan ng Aking mga nilikha. Ako’y patuloy na nagmamasid; Ako’y naghihintay; Ako’y nasa iyong tabi…. Ang Kanyang mga kamay ay mainit-init at malakas; ang Kanyang mga yapak ay magaan; ang Kanyang tinig ay mahina at malambing; ang Kanyang anyo ay nagbabago-bago, niyayakap ang buong sangkatauhan; ang Kanyang mukha ay maganda at mahinhin. Hindi Siya kailanman umalis ni naglaho man. Mula madaling-araw hanggang pagkagat-dilim, Siya ang patuloy na kasama ng sangkatauhan. Ang Kanyang matapat na pag-iingat at natatanging pagmamahal sa sangkatauhan, gayon din ang Kanyang tunay na pagmamalasakit at pag-ibig sa tao, ay ipinadama Niya ng paunti-unti nang iligtas Niya ang lungsod ng Ninive. Sa partikular, ang pag-uusap sa pagitan ng Diyos na si Jehova at ni Jonas ang naglatag nang mas malinaw sa pagkahabag ng Manlilikha sa sangkatauhan na nilikha Niya mismo. Sa pamamagitan ng mga salitang ito, makakamit mo ang malalim na pagkaunawa sa tapat na nararamdaman ng Diyos para sa sangkatauhan…

Ang mga sumusunod ay nakatala sa Aklat ni Jonas 4:10-11: “At sinabi ni Jehova, Ikaw ay nanghinayang sa kikayon na hindi mo pinagpagalan o pinatubo man; na sumampa sa isang gabi, at nawala sa isang gabi: At hindi baga ako manghihinayang sa Ninive, sa malaking bayang yaon, na mahigit sa isang daan at dalawang pung libong katao na hindi marunong magmunimuni ng kanilang kamay at ng kanilang kaliwang kamay; at marami ring hayop?” Ang mga ito ang aktuwal na sinabi ng Diyos na si Jehova, sa pag-uusap sa pagitan Niya at ni Jonas. Bagaman ang palitang ito ay maigsi lamang, ito ay puno ng pagkalinga ng Manlilikha sa sangkatauhan at ang Kanyang pag-aatubili na bitawan siya. Ang mga salitang ito ay nagpapahayag sa tunay na saloobin at nararamdaman ng Diyos sa Kanyang puso para sa Kanyang nilikha, at sa pamamagitan ng malinaw na mga salitang ito, na madalang marinig ng tao, ay inihayag ng Diyos ang Kanyang tunay na intensyon para sa sangkatauhan. Ang pagpapalitan na ito ay kumakatawan sa saloobin na ipinadama ng Diyos sa mga mamamayan ng Ninive—ngunit anong uri ng saloobin ito? Ito ang saloobin na Kanyang ipinahayag sa mga taga-Ninive bago at pagkatapos ng kanilang pagsisisi. Ganito rin ang pagtrato ng Diyos sa sangkatauhan. Sa pamamagitan ng mga salitang ito, matatagpuan ng tao ang Kanyang mga kaisipan, gayon din ang Kanyang disposisyon.

Anong mga kaisipan ng Diyos ang naihayag sa mga salitang ito? Sa masusing pagbabasa ay makikita agad na ginamit Niya ang salitang “awa”; ang paggamit sa salitang ito ay nagpapakita ng tunay na saloobin ng Diyos para sa sangkatauhan.

Mula sa isang pananaw ng kahulugan ng salita, maaaring bigyang kahulugan ang salitang “awa” sa iba’t ibang paraan: una, ang mahalin at ingatan, ang maramdaman ang pagiging malambing sa isang bagay; pangalawa, ang magmahal nang buong giliw; panghuli, ang parehong ayaw manakit at hindi kayang tiisin ang gawin ito. Sa madaling sabi, nagpapahiwatig ito ng maingat na pagmamahal at pag-ibig, gayun din ang hindi pagnanais na isuko ang isang tao o isang bagay; nangangahulugan ito ng awa at pagpaparaya ng Diyos sa tao. Bagaman gumamit ang Diyos ng isang salita na madalas ginagamit ng mga tao, inilalantad ng paggamit ng salitang ito ang tinig ng puso ng Diyos at ang Kanyang saloobin sa sangkatauhan.

Kahit na ang lungsod ng Ninive ay puno ng mga taong tiwali, masama at marahas katulad ng Sodoma, ang kanilang pagsisisi ang naging dahilan para magbago ang Kanyang puso at magpasya na hindi na sila lipulin. Dahil ang kanilang pagtugon sa mga salita at kautusan ng Diyos ay nagpakita ng saloobing ganap na kabaliktaran ng mga mamamayan ng Sodoma, at dahil sa kanilang tapat na pagpapasakop sa Diyos at tapat na pagsisisi sa kanilang mga kasalanan, gayon din sa kanilang tunay at matapat na pag-uugali sa lahat ng pagkakataon, minsan pa ay ipinadama ng Diyos ang Kanyang taos-pusong awa at ipinagkaloob ito sa kanila. Ang gantimpala ng Diyos at ang Kanyang pagkahabag sa sangkatauhan ay imposibleng gayahin ng sinuman; walang tao ang maaaring magtaglay ng awa o pagpaparaya ng Diyos, maging ang Kanyang tapat na damdamin para sa sangkatauhan. May sinuman ba na ipinapalagay mong dakilang lalaki o babae, o maging isang makapangyarihang tao, na, nagmumula sa isang mataas na kalagayan, na nagsasalita bilang isang dakilang lalaki o babae o sa isang pinakamataas na kalagayan, na makagagawa ng ganitong uri ng panawagan sa sangkatauhan o sa sangnilikha? Sino sa sangkatauhan ang makaaalam sa mga kundisyon ng pamumuhay ng mga tao na tulad ng palad ng kanilang mga kamay? Sino ang makakabuhat sa pasanin at pananagutan para sa pag-iral ng sangkatauhan? Sino ang may kakayahang ipahayag ang pagkawasak ng isang lungsod? At sino ang may kakayahang patawarin ang isang lungsod? Sino ang makapagsasabi na minamahal nila ang kanilang sariling nilikha? Tanging ang Manlilikha lamang! Tanging ang Manlilikha ang naaawa sa sangkatauhang ito. Tanging ang Manlilikha ang nagpapakita ng lambing at pagmamahal sa sangkatauhang ito. Tanging ang Manlilikha lamang ang may tunay at hindi napapatid na pagmamahal para sa sangkatauhan. Gayun din, tanging ang Manlilikha lamang ang nakapagkakaloob ng kaawaan sa sangkatauhang ito at umiibig sa lahat ng Kanyang nilikha. Lumulundag at sumasakit ang Kanyang puso sa bawat gawain ng tao: Siya ay nagagalit, nababalisa, at nagdadalamhati sa kasamaan at katiwalian ng tao. Siya ay nalulugod, nagagalak, nagpapatawad at nagsasaya sa pagsisisi at paniniwala ng tao; ang bawat bahagi ng Kanyang mga kaisipan at ideya ay umiiral at umiikot para sa sangkatauhan; kung ano Siya at mayroon Siya ay lubos na ipinahayag para lamang sa sangkatauhan; ang kabuuan ng Kanyang mga damdamin ay nakaugnay sa pamumuhay ng sangkatauhan. Para sa kapakanan ng mga tao, naglalakbay Siya at nagmamadali; tahimik Niyang ibinibigay ang bawat bahagi ng Kanyang buhay; itinatalaga Niya ang bawat minuto at segundo ng Kanyang buhay…. Hindi Niya kailanman natutunan kung paano kaawaan ang Kanyang sariling buhay, ngunit lagi Niyang kinakaawaan at minamahal ang sangkatauhan na Kanyang nilikha Mismo…. Ibinigay Niyang lahat ang nasa Kanya para sa sangkatauhang ito…. Ibinibigay Niya ang Kanyang awa at pagpaparaya nang walang kundisyon at walang inaasahang ganti. Ginagawa lamang Niya ito upang patuloy na mamuhay ang sangkatauhan sa Kanyang harapan, na tinatanggap ang Kanyang biyaya ng buhay; ginagawa lamang Niya ito upang isang araw ay magpasakop sa Kanya ang sangkatauhan at kilalanin na Siya ang Nag-iisang tumutustos sa pamumuhay ng tao at nagkakaloob ng buhay sa lahat ng nilalang.

mula sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ang Matuwid na Disposisyon ng Manlilikha ay Tunay at Malinaw

Sumunod:Ipinapahayag ng Manlilikha ang Kanyang Tunay na Nararamdaman sa Sangkatauhan

Baka Gusto Mo Rin