Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

726 Binubuo ng Makapangyarihang Diyos ang Isang Grupo ng mga Tao sa China

1 Ang panlulupig ng Diyos sa atin ay parang paligsahan ng sining ng pakikipaglaban. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay nabaklasan tayo ng lahat ng ating mga pag-asa at mga pangarap, nagwawakas sa ating mga maluhong pagnanasa at iniiwan tayong hindi handang maniwala na Siya ang ating Tagapagligtas at may kakayanang tayo ay iligtas. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay nagbukas na ng napakalalim na agwat sa pagitan natin at Niya kaya’t walang sinuman ang nagnanais man lamang na sumubok at tumawid. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ang unang pagkakataon na tayo ay nakaranas nang ganoon kalaking kabiguan, at ganoon kalaking kahihiyan sa ating mga buhay. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay nagsanhi sa atin na talagang pahalagahan ang karangalan ng Diyos at hindi-pagkunsinti sa pagkakasala ng tao, na kung saan tayo ay masyadong mababa at masyadong marumi kung ihahambing. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay nagpatanto na sa atin sa unang pagkakataon kung gaano tayo kayabang at kahambog, at kung papaanong kahit kailan ay hindi magiging kapantay ang tao sa Diyos, o kaparis ng Diyos.

2 Dahil sa Kanyang paghatol at pagkastigo tayo ay naghangad na hindi na muling mamuhay sa gayong tiwaling disposisyon, tanggalin sa ating mga sarili ang ganitong kalikasan at diwa sa lalong madaling panahon, at hindi na maging kinamumuhian Niya at nakapandidiri sa Kanya. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay nagpasaya na sa atin na sumunod sa Kanyang mga salita, at hindi na kailanman naghihimagsik laban sa Kanyang pamamatnugot at pagsasaayos. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay minsan pang nagbigay na sa atin ng pagnanais na hanapin ang buhay, at nagpasaya na sa atin na tanggapin Siya bilang ating Tagapagligtas.… Nakalabas na tayo sa gawain ng panlulupig, mula sa impiyerno, mula sa lambak ng kamatayan.… Nakamit na tayo, itong pangkat ng mga tao, ng Makapangyarihang Diyos! Siya ay nagtagumpay na laban kay Satanas, at tinalo ang lahat ng Kanyang mga kaaway!

Hango sa “Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ang Paghatol ng Diyos ay Nagbibigay-buhay sa Atin

Sumunod:Ano ang Mangyayari Kung Tatakasan Mo ang Paghatol ng Diyos?

Baka Gusto Mo Rin